You are on page 1of 6

TMDI LESSON PLAN

FILIPINO - IV

Content Standards: Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagtukoy sa mga


elemento ng kuwento.

Performance Standards: Nakapagtatala ng impormasyon ng napakinggang kuwento upang matukoy


ang tamang elemento ng kuwento.

Learning Competency: Natutukoy ang mga elemenot ng kuwento ( Tagpuan, Tauhan, Banghay)

Skills: Natutukoy
Content: Mga elemento ng kuwento
Context: kuwento
Methodology: Oral and written
Strategy: 3Rs (Reading, Writing, Arithmetic)
Assessment: Pagkatapos ng leksiyon ang mga mag – aaral ay inaasahang makakaasagot sa mga
tanong sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga elemento ng kuwento.
References:
a. Self-Learning Modules
b. Internet

Materials: TV, Laptop

Procedure
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Checking of attendance
3. Pagbibigay ng mga dapat tandan.

Learning Episode I.

Motivation
A. Magandang umaga mga bata. Ngayong umaga pag-aralan natin ang competency Natutukoy ang
mga Elemento ng Kwuwento
B. Mahalagang pag-aralan natin ito upang mapalawak natin ang ating kaalaman sa pagtukoy sa
mga elemento ng kuwento upang magamit natin ito sa ating pakikipagkuwentuhan araw-araw.
C. Pagkatapos ng ating leksyon, susukatin ko ang inyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa pagtukoy sa mga elemento ng kuwento.

Pre-Requisite Skill
Kumusta mga bata? Mahilig ba kayong magbasa o making ng kuwento? Ano ba ang paborito mong
kuwento? Ngayon mga bata, pag-aralan muna natin ang kahulugan ng kuwento. Ang kuwento ay isang anyo
ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan
ito ng kakintalan sa isip ng mambabasa. Maraming uri ng maikling kuwento ngunit iisa lamang ang
naidudulot nito sa mga mambabasa at iyon ay ang makapagbigay ng mabuting aral na maaaring gamitin ng
mambabasa sa kanyang buhay.
Mga elemento ng Kuwento
1. Tagpuan ( setting ) – tumutukoy sa kung saan (lugar) at kailan (panahon) naganap ang isang
kuwento. Ito ay matatagpuan sa sa simulang bahagi ng isangkuwento.

Halimbawa: Noong uang panahon sa bayan ng Lopez Jaena, may isang batang ulila sa mga
magulang.

2. Tauhan ( characters )– Ang nagbibigay buhay sa maikling kuwento. Maaaring ito ay tao, o kaya
ay mga bagay o hayop na bibgyang buhay. Maaari ring ito ay mabait o masama.
Halimbawa: Noong unang panahon sa bayan ng Lopez Jaena, may isang batang ulila na sa mga
magulang, siya si Juan.

3. Banghay ( Plot )_ ang maayos na pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari. Mayroon itong
simula , gitna at wakas. Sa simula makikita ang tagpuan at mga tauhan. Sa gitna naman matatagpuan ang
suliranin ng pangunahing tauhan sa kuwento. Sa wakas ipinapakita ang kinahihinatnan ng kuwento, maaaring
ito ay masaya o malungkot.

Halimbawa:

Noong unang panahon, sa isang napakalayong lupain, nakatira ang dalawang


magkaibigan, si Ana at Nana. Si Ana ay masipag ngunit si Nana ay tamad. Nabubuhay sila sa pamamagitan
ng pagtatanim.
Isang araw, nagkasakit si Ana kaya napilitang kumilos si Nana. Naghanap siya ng
halamang gamot upang gumaling si Ana. Nagawa niyang pagalingin si Ana at habang buhay silang
nagkasama.

Ngayon mga bata, susubukin ko ang inyong kaalaman sa pamamagitan ng pagtukoy kung anong elemento ng
pangungusap ang aking nilagyan ng salungguhit ( tagpuan, tauhan, banghay)

1. Hindi nakalabas ng bahay si Maria dahil may sakit siya.


2. Naghihintay sa tabi ng dagat si Bruno.
3. Noong unang panahon may matandang nakatira sa gitna ng kagubatan.
4. Unti-unti nang nauubos ang ipon ni nanay Elsa, kaya napilitan siyang mamasukan nalang sa malayong
bayan.
5. Nagmamadaling tumakbo si Perla papunta sa dalampasigan.

Learning Episode 2: Modeling

I Do: Ngayon mga bata, mayroon akong babasahing kuwento pagkatapos tutukuyin ko ang mga
element ng kuwento at ang mga bahagi ng banghay.

Ang Langgam at Ang Tipaklong

Maganda ang panahon sa gitna ng kabundukan. Maaga pa lamang ay gising na gising na si


Langgam. Nagluto siya at kumain. Ilang sandal pa, lumakad na siya upang maghanap ng pagkain.
Habang naglalakad, Nakita siya ni Tipaklong. “ Magandang umaga kaibigang Langgam, Kaybigat
ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?” “Oo nga,
nag-iipon ako ng pagkain habang Maganda ang panahon upang may makain ako pagdating ng tag-
ulan”. “ Tumulad ka na lang sa akin kaibigang Langgam, magsaya tayo hababng Maganda ang
panahon.” Wika ni Tipaklong.
“ Ikaw na lang kaibigang tipaklong, “ sagot ni Langgam. “ Gaya ng sinabi ko s aiyo, habang
Maganda ang panahon, mag-iipon ako ng pagkain.” Nag-iipon si Langgam ng pagkain habang si
Tipaklong ay walang ginagawa kundi ang paglalaro.
Dumating ang paanahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ng pagbuhos ng
malakas na ulan. Ginaw nag inaw at gutom na gutom na ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala
niyang puntahan ang kaibigan niyang si Langgam. Kumatok siya sa bahay ni Langgam at pinatuloy
siya nito. Binigyan siya ng mainit na pagkain ni Langgam at nanumbalik ang lakas niya. Buong
puso siyang nagpapasalamat ni Langgam at naunmpang hindi na siya maglalaro kundi sasama na
siya ni Langgam sa paghahanap at pag-iipon ng pagkain.

Mga Tanong:
1. Saan naganap ang kuwentong ito?
2. Sinu-sino kaya ang mga tauhan sa kuwento?
3. Ano kaya ang banghay ng kuwentong ito?
4. Ano ang simula sa kuwento? Ano ang matatagpuan sa simula ng kuwento?
5. Ano naman ang makikita sa gitna ng kuwento?
6. Sa kuwentong Ang Langgam at ang Tipatlong, ano ang problema sa ating mga tauhan?
7. Ano naman ang solusyon?
8. Ano ang wakas ng kuwento?
9. Sino ang dapat nating tularan?
10. Bakit dapat nating tularan si Langgam?

We Do:

Nayon mga bata, tukuyin natin kung anong elemento ng kuwento ang may salungguhit.

1. Nag-aararo nang maaga sa bukid si Pedro ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
2. Nakakita ng malaking ahas si Pedro.
3. Noong unang panahon, may magsasakang nakatira sa paanan ng bundok.

YOU DO:
Ngayon mga bata tukuyin Ninyo kung anong elemento ng kuwento ang may salungguhit.

1. Masayang naglalaba si Tina sa gilid ng sapa.


2. Nag-iipon ng pagkain si Langgam.
3. Sa bayan ng Marilag, nakatira ang isang matandang masungit.

Learning Episode 3:

A. Guided Practice (DYAD)

GROUP 1

Panuto: Basahin ang kuwento . Bilugan ang tagpuan at ikahon ang mga tauhan sa kuwento.

Noong unang panahon, sa isang napakalayong lupain, nakatira ang dalawang magkaibigan, si Ana at
Nana. Si Ana ay masipag ngunit si Nana ay tamad. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagtatanim.

GROUP 2

Panuto: Basahin ni pupil A ang teksto at tukuyin ni pupil B kung anong element ang may
salungguhit.. Pagkatapos si pupil B nanaman ang magbasa at si pupil A na naman ang tutukoy kung
anong elemento ng kuwento ang may salungguhit.

1. Si Maria ay may alagang manok. Pinapakain niya ito araw-araw.Mataba ang kanyang manok.
Inaalagaan niya ito nang Mabuti.

Anong elemento ng kuwento si Maria?

GROUP 3

Panuto: Tukuyin kung anong elemento ng kuwento ang may salungguhit.

Si Aling Rosa ay mahilig mamitas ng bulaklak sa bukid.

A. Tauhan
B. Tagpuan
C. Banghay
A. Independent Practice:
Panuto. Tukuyin kung anong element ng kuwento ( tagpuan, tauhan, banghay ) ang may
salungguhit. Isulat sa patlang bago ang bilang ang inyong sagot.

____________1. Si Monico Florentino ay editor ng isang pahayagang pampaaralan ng Paaralang


Elementarya ng Bagong-Ilog.
_____________2. Masayang nanirahan sa gitna ng gubat ang mag-asawang Pedro at Lina.
_____________3. Natuklasan ni Lina na aswang pala ang kapitbahay nila.

B. Evaluation
Panuto: Tukuyin kung anong elemento ng kuwento ang may salungguhit. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Noong unang panahon ay may magkaibigang si Pagong at si Matsing.
A. Tagpuan
B. Tauhan
C. Banghay
2. Si Pagong ay mabait at maawain, samantalang si Matsing ay tuso at madamot.
A. Tauhan
B. Tagpuan
C. Banghay
3. Naging sakim si Matsing. Kinain niya ang lahat ng saging. Nagalit si Pagong sa kanya.
A. Tagpuan
B. Tauhan
C. Banghay
4. Nagtatago si pagong sa gilid ng puno ng saging.
A. Tagpuan
B. Tauhan
C. Banghay
5. Inihagis si Pagong sa ilog.
A. Tagpuan
B. Tauhan
C. Banghay

Homework
Panuto: Basahin at intindihin. Salungguhitan ang tagpuan , bilugan ang mga tauhan at ikahon ang
banghay ng kuwento.

Ang Batang Tamad

Sa isang bayan ng Silaw, nakatira ang isang pamilya. Si Niko ay nag-iisang anak ni Aling
Sonia at Mang Isko. Lahat ng gusto niya ay ibinigay ng kanyang mga magulang ngunit siya ay
tamad. Sa tuwing uutusan siya, hindi niya ito sinusunod.

Nagalit ang kanyang ina kaya pinalo niya ito. Dahil sa sakit natauhan si Niko. Marunong na
siyang sumunod sa mg utos ng kanyang mga magulang dahil ayaw na niyang mapalo siyang muli.

Prepared by:

IMELDA P. ALMONTE
Teacher II Noted:
MARICEL O. BASILIO
School Head

You might also like