You are on page 1of 4

Rajiv G.

Domingo EED13

BEED3-B September 11, 2020

GAWAIN SA MAKRONG KASANAYAN

UNANG KWENTO (ANGKOP)

1. Mapacpac, Zaira Joyce V.


2. Si Langgam at si Tipaklong
3. Virgilio S. Almario
4. Buod ng Kwento
Ang kwento ito ay tungkol sa magkaibang si Langgam at si Tipaklong , si langgam ay nag-iimpok
nang kanyang pagkain para sa darating na taggutom habang si tipaklong naman ay laro lang ng
laro at walang pakialam sa darating na panahon nang taggawat. Si langgam ay nag-iipon nang
kanyang mga pagkain upang siya ay may pagkain sa darating na bagyo. Sa kwentong ito ay
matutunan mo ang aral na ugaliing mag-impok upang kapag may pangangailangang dumating ay
may madudukot.

5. Ito ay angkop na ituro sa elementarya sapagkat madami silang mapupulot na aral . Ang kwentong
ito rin ay nagpapakita na kapag ikaw ay nakakaluwag sa buhay ay tumulong ka sa nangangailan. Ang aral
na mapupulot sa kwentong ito ay matuto tayong maging handa at magsipag para sa ating kinabukasan.

PANGALAWANG KWENTO (ANGKOP)

1. Rena, Kyrene Mae Alyssa R.

2. Si Pagong at Si Matsing

3. Dr. Jose P. Rizal

4. Buod ng Kwento

Isang araw, may dalawang magkaibigang sina Matsing at Pagong. Alam ni pagong na tuso at
mapagbiro ang kanyang kaibigang si Matsing. Subalit, si Pagong naman ay mabait at matulungin. Isang
araw, may nakita silang puno ng saging at naisipan nila itong hatiin ang bunga nito. Kaya naman, pinutol
nila sa dalawa ang puno. Kinuha ni matsing ang itaas na parte ng puno kasama ang sobrang daming
bunga ng saging . Pero si Pagong naman ay naiwan ang ugat. Hindi nagreklamo si pagong dahil likas
siyang mapagpasensya. Inuwi niya ang kanyang puno,itinanim at di naglaon ay nabuhay ang kanyang
puno at namunga rin ng saging. Sinabihan naman ni matsing si pagong na tulungan raw siyang kunin ang
saging . Ngunit nung nasa itaas na ito hindi nya binigyan ang kanyang kaibigan at nang asar pa. Gustong
turuan ni Pagong ng leksyon si matsing at nilagyan nito ng mga tusok ang ilalim nang puno.

5.Ito ay angkop na ituro sa elementarya dahil maraming mga aral na makukuha dito na maaring
isabuhay ng bata. Angkop din ang paksa, nilalaman at mga gamit nito.

PANGATLONG KWENTO (ANGKOP)

1.Dimarucot, Mary Ann M.

2.Ang Daga at ang Leon

3. Aesop

4. Buod ng Kwento

Ank kwentong ito ay tungkol sa isang leon at daga , nagsimula ang kwento sa paglalaro nang
isang daga sa kagubatan at kasalukuyan namang mahimbing ang tulog ng haring leon napagkatuwaan ng
maliit na daga na smaglaro sa ibabaw ng natutulog na leon.Kanyang inakyat ang likuran ng leon at
pagdating sa itaas ay nagpadausdos ito. Sa katuwaan di nya anapansin na nagising ang leon at
hinawakan sya sa buntot na wari ay gusto siyang kainin. Humingi nang kapatawaran ang butihing daga
dahil sa paggambala sa pagtulog ng matapang na leon. Nakita nang leon sa muka ng daga ang bakas
nang pagmamamkaawa. Pinakawalan nya ito at sinabing huwag muling gagambalin ang pagtulog ng
leon. Agad namang sumagot ang leon at nagpasalamat.

5.Ito ay angkop na ituro sa elementarya sapagkat maaaring makatulong ito para mahubog ang kanilang
pakikipagkapwa tao

PANG-APAT NA KWENTO (DI-ANGKOP)

1. BUCAGO, ALLEAH D.

2. Ang Alamat Ni Maria Makiling

3. Rosella N. Golloso at Bernadette G. Malinab

4. Buod

Sa bundok ng Makiling na makikita sa pagitan ng Quezon at Laguna, ay may nakatirang babaeng


nagngangalang Maria, isang magandang dilag at may napakagandang kalooban na sadyang walang
kapantay. Kakaiba ang kanyang mga katangian dahil siya ay mabait, mapagbigay, matulungin at
magalang. Ang mga katangian niyang ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pagtulong at pagbibigay ng
mga pangangailangan ng mga tao lalo na sa mga dukha. Mahilig siyang makisalamuha sa mga tao sa
paligid niya. Sa kanyang pag-alis at pagbisita sa nayon ay nagbibigay ng mga damit at alahas. Subalit sa
kabila nang lahat nangibabaw pa rin ang kasamaan ng taganayun. Pag-iimbot ang isinukli nila sa
kabutihan ni Maria at pagmamalabis. Lubhang nasaktan si Maria sa mga asal ng mga taganayon at
pagdaan ng mga araw hindi na siya bumisita at nakikita pa. Kalaunan unti-unti nang humina ang ani ng
mga tao at laging binabagyo kasabay nito naririnig ng mga taganayon ang mapaghiganting halakhak ni
Maria Makiling.
5. Ito ay hindi angkop sa elementarya dahil mayroong bahagi sa kwento na naging sakim ang mga
mamamayan sa nayon na maaaring magaya rin nang mga bata lalong-lalo na sa elementarya. Mayroon
rin namang gingtong aral na kanilang mapupulot na dapat pag nagbigay ka ay wala kang hinintay na
kapalit at kapag ikaw ay binigyan pasalamatan at pagyamanin ito.

PANG-LIMANG KWENTO (DI-ANGKOP)

1.Cunanan, Liezel C.

2.Ang Alamat ng Pinya

3.Jonathan Josol

4.Buod ng Kwento

Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak na si Pina.Inaalagaan nya itong mabuti at hindi niya
pinagagawa sa bahay bupang hindi mapagod. Masaya siyang pinagsisilbihan ang anak. Si pina ay lumaki
sa layaw dahil sa kagagawan ni aling Rosa. Gustuhin nya mang turuan itong gumawa sa bahay at
magbago ang ugali ay hindi niya magawa. Dumating ang araw na nagkaskit si aling Rosa at mahinang
-mahina siya hindi makabangon sa higaan. Inuutusan nya na magluto si Pina masaman ang loob ay
pumayag si Pina na magluto at gumawa ng iba pa. Ngunit pamali-mali dahil hindi ito sanay sa trabho.

5. Ito ay hindi angkop na ituro sa elementarya sapagkat mayroon bahagi sa kwento na hindi
magandang aral na mapupulot ng mga bata katulad na lamang ng hindi pagtuturo ni aling Rosa
ng mga gawaing bahay sa kanyang anak na si Pina. Sa kadahilanang ayaw nya itong nahihirapan
pero ito ay may hindi magandang maidudulot na pag-uugali sa isang bata. Hindi matuto ang si
Pina na magtrabaho at tumayo sa kanyang sariling paa. Isa pa sa kadahilanang hindi ito angkop
sa bata ay ang pagsambit ni aling rosa n asana ay dumami ang mata ni pinang para Makita nya
ang kanyang mga hinahanap.

B. Ano ang makrong kasanayang inyong nagamit sa gawaing ito? Isa-isahin ang mga ito at patunayan
kung paano ninyo ito nagamit.

MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG- Sapagkat ito ay aking nagamit sa pakikinig ng kwento na inihayg
ng aking kapwa lamag-aral

MAKRONG KASANAYAN SA PANONOOD- ito ay aking nagamit sapagkat pinanood ko rin ang kwentong
kanilang ibinahagi sa aming na sabing asignatura at kung paano nila ipinakita ang emosyon sa kanilang
galaw.

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT- ito ay aking nagamit dahil pagkatapos kung manuod at making
ay aking isnulat ang mahahalagang impormasyon na nilalaman ng kwento upang punan ang kailangan sa
aming gawaing ito.

MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA- ito rin ay aking nagamit sapagkat binasa ko rin ang aking papel
at isinulat.
MAKRONG KASANAYAN SA PAGSASALITA- ito rin ay aking ginamit upang basahin ang isang kwento .

You might also like