You are on page 1of 3

WEEK 13: Pagsusuri

Pamagat: Maninipis na Palad

Awtor: Pedro S. Dandan

KALAGAYANG PANTAO:

a. Pagtulong sa Kapwa

 Maipapakita sa istoryang ito kung papaano tulungan ni Ba Islaw—isang matandang lalaki na batak sa
trabaho sa bukirin, ang bida sa kaniyang unang araw sa trabaho sa pagsasaklong. Galling sa manila ang
bidang lalaki (hindi binigyan ni awtor ng ngalan ang bida) kaya naman alam di siya sanay sa mga
mabibigat na gawain. Binigyan siya ng payo ni Ba Islaw na para makatagal sa trabaho ay dapat may
pagmamahal sa ginagawa, may sipag at tiyaga.
 Dahil galling sa Maynila, pinatira ni Mang Berto ang pamilya ng bida at tinutulungan pa sila na
makahanap ng lupa. Ang lupang ito ay gagamitin upang makapagsimula ng bagong buhay malayo sa
manila, ditto rin nila itutuon ang kanilang kaunting ipon upang maayroon naman balik na kita. Sa
kalaunay nangako rin si Ba Islaw na tulungan ito sa paghahanap.
 Kung mapapansin, natural na sa mga Pilipino ang pagiging matulungin, lalong lalo na sa panahon ng
krisis. Hindi sila nagdadalwang isip na tumulong, bagkus kusa pa nila itong ginawa ng walang hinihinging
kapalit. Tulad na lang nung bagyong undoy, ang daming Filipino ang nag donate, nakiisa pagrerescue at
nagvovolunteer para iabot ang mga relief goods. Isa na rin sa nasaksihan ko ang pagtutulungan ng mga
kabarangay ko noong nagkasunog samin, lahat sila ang nagsiakyatan sa bubong, may bitbit na mga
timba at pilit inaapula ang apoy ng magkakasama. Minsan pa ngaý nahihiya pa sila kapag binibigyan sila
ng pagkilala sa kanilang ginawa. Ang swerte pa natin kapag may nakilala tayong katulad nila Mang Berto
at Ba Islaw sa panahon ngayon.

b. Kapangyarihan ng Pag-ibig

 May isang parte sa kwento na sinabi ng bida na pinadala siya ng ama sa kaniyang tiya upang mag-aral sa
Maynila. Kung babasahin ang istoryo, ang deskripsyong ito ay di agad bibigyan ng pansin ngunit kung
iisipin, gaano ba kahirap ipaalaga sa iba ang sariling anak na simulat sapul ng kaniyang pagsilang, ikaw na
ang nag-ala at nakasaksi ng una niyang pagmulat, pagngiti sa mundo, paglakad, pagsasalita at pagkapit
sayo nito bilang magulang? Masakit yun, naipadala sa malayo ang anak para gumanda ang kinabukasan
nito. Isa itong larawan ng sakripisyo bilang magulang isang uri ng kapangyarihan ng pag-ibig, ang pag-ibig
ng mga magulang.
 Isa ring kapangyarihan ng pag-ibig ay kaya ka nitong gawing responsableng tao. Para kay Aurora, iniwan
ng bida ang kaniyang pagkabinata at hinarap ang buhay na may pananagutan. Tinalikuran nila ang
magulong mundon ng magkasama at piniling bumuo ng sariling mundo.

c. Kasamaan ng Paghihiganti

 Sa kwentong ito ay walang paghihiganti ang naganap.

d. Pananalig sa Diyos

 Walang binanggit sa kwento kung anong relihiyon ang bida, at wala ring nakatala tungkol sa Diyos.

e. Pagiging Mabuting Ina

 Dahil halos lalaki lang ang tauhan sa kwento, mas maganda kung pagiging mabuting ama. Masasabi ko
na magiging mabuting ama ang bida sapagkat di malagyan ang kaniyang kasiyahan ng ikinukwento niya
na magkakaanak na siya. Ginawa niya iyon na motibasyon upang ipagpatuloy ipagpatuloy ang
pagbubukid kahit sobrang hirap ang trabahong ito.

f. Pagtanaw ng Utang na loob

 Malaki ang utang na loob niya sa magulang niyang ipindala siya sa maynila para sa kaniyang pag-aaral, at
sa kaniyang tiya na tinuluyan niya. Isa ring malaking tulong ang binigay ni Mang Berto para sa kanilang
mag-asawa na walang matuluyan. Napakasarap ding magtrabaho kung ang kasamahan mo saiyong
trabaho ay magpagpapalagayan mo ng loob katulad na ni Ba Islaw na tinulungan siya upang makapag-
adjust sa trabaho
g. Pagsisikap na Umunlad

 Makikita sa bida, lalo na sa huling mga talata ang pagsisikap niyang matuto sa pagbubukid. Kahit
magkapaltos siya o magkasugat sugat ang dating makinis na palad sa pagpapala, ay di niya iyon ininda at
pinagpatuloy lang ang paggawa. Ginagawa niya ito upang iangkop ang sarili sa pagbabagong nagaganap
sa kanilang pamumuhay at kabuhayan. Gusto niya rin magkaron ng sariling lupa upang lumago at di
masayang ang kanilang ipon. Nagsisikap siya umunlad para sa kaniyang anak, para sa kanilang buhay at
para sa kaniyang sarili.

h. Pagmamahal sa Magulang

 Hindi ganoon tinampok sa kwento ang kaniyang magulang, sinabi niya lang na taga leyte ang kaniyang
ama at nagsasaka, ngunit walang binanggit tungkol sa knaiyang ina. May parte din sa kwento na
inihambing niya si Ba Islaw sa kaniyang ama, na indikasyong naaalala niya parin ang kaniyang ama at
nakakaradam parin ng pangungulila. Dahil sa kaiksian ng kwento, maraming tanong ang umikot sa aking
isipan tungkol sa kaniyang magulang, bakit hindi niya nababanggit ang kaniyang ina? pagkatapos niya
mag-aral sa maynila, nagkita kaya ulit sila ng magulang niya? Anong nangyari sa kaniyang magulang at
bakit di na lang sila doon pumunta at manirahan?

i. Pagtanggap ng Pagkakamali

 Walang binanggit na kahit ano mang pagkakamali ang kaniyang nagawa.

j. Pagdamay sa Kapwa

 Di man gaano nabigyang pansin, ngunit kung susuriin, dinamayan ni Ba Islaw ang bida sa kaniyang unang
pagsasaklong. Kaya nahirapan man ang bida, may parte parin na naging magaan sa kaniya ang trabaho
dahil may nakakakwentuhan siya, nakakasama sa kainin at higit sa lahat nakakasama niya sa paghihirap
sa bukirin.

You might also like