You are on page 1of 12

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN:
a. Nabibigyang pagpapakahulugan ang salita ayon sa sitwasyong
pinanggagamitan.

b. Natutukoy ang mga tauhan sa kwento.

c. Naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong buhay.

d. Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pagbuo ng tula, dula-dulaan,


kanta, at liham tungkol sa Ina.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Dula: "Ang Bubungang Lata"

SANGGUNIAN: jaylordlosabia.blogspot.co.e

MATERYAL: DVD Player, flashcard, character map.

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

*PAGBATI
Magandang Umaga/Hapon klas! -Magandang Umaga/Hapon din po
Ma’am.
*PANALANGIN
*PAGTALA NG LUMIBAN
*PAGGANYAK

-okay klas, May ipanonood akong


maikling video sa inyo. Manonood
kayong mabuti at may itatanong ako
mamaya tungkol sa inyong napanood.
Naiintindihan klas? -Opo Ma'am.
-(pagkatapos panoorin) Okay. Tungkol
saan ang napanood niyo klas? -Tungkol po sa anak na ikinakahiya ang
kanyang Ina Ma'am.

-Tungkol po sa panghuhusga sa may


pisikal na kapansanan Ma'am.

-Tungkol po sa pagiging makitid ang


utak ng Anak sa hindi pagtanggap ng
buo sa Ina niya.

-Tungkol po sa pagsasakripisyo ng Ina


para sa kapakanan ng anak sa
hinaharap Ma'am.
Magaling. Tama kayong lahat klas!
Ngayon, Ano ang nahihinuha niyo na
ating paksang tatalakayin?
-Tungkol po sa Anak Ma'am.
- Tungkol po sa mga mapanghusgang
tao Ma'am.
-May kaugnayan po sa Inang kayang
isakripisyo ang lahat para sa Anak
Ma'am.
*PAGLALAHAD
-Okay. Magagaling! Ang ating pag-
aaralan ngayon ay isang Buod ng Dula
na pinamagatang "Bubungang Lata"
ni…. Na may kinalaman sa
pagsasakripisyo ng isang Ina para sa
Anak.
Handa na ba kayong Magbasa klas? -Opo Ma'am.
*PAG-ALIS NG SAGABAL

Pero bago natin basahin ay, bibigyang


kahulugan muna natin ang mga
talasalitaan sa dula, upang mas
maintindihan niyong mabuti.

At ang mga tauhang gumanap sa


akdang babasahin. (presentation)

Okay! Bago tuluyang basahin, ibibigay


ko na yung mga katanungang
kailangang masagutan pagkatapos
basahin.

*Bakit pinamagatang "Bubungang Lata"


ang akda?
*Sinu-sino ang mga atuhan?
*Anong uri ng Pamumuhay mayroon
ang pangunahing tauhan?
-(pagkatapos basahin) Nagustuhan niyo
ba ang akda klas? -Opo Ma'am.

Okay. Bakit nga ba "Bubungang Lata"


ang pamagat klas? -Kasi po ma'am, may kinalaman po ito
sa pamumuhay nina Toying at Maldo
po.
-Kasi po, sinisimbolo po nito ang
kahirapan sa buhay gaya sa kwento.
Tama! Ito ay sumisimbolo sa uri ng
pamumuhay sa kwento, ang pagiging
mahirap sa buhay.
Okay. Ano ba ang pinagkakaabalahan ni
Maldo at ganun nalang ang pinasok na
trabaho ng asawa niya? -Si Maldo po, nagpupumilit na maging
artista kahit matanda na ito. At ayaw
humanap ng ibang trabaho dahil yun
lamang daw ang alam niyang
hanapbuhay.
Kung kayo si Maldo klas, ipagpipilitan
niyo parin ba ang pagpasok sa pagiging
artista kung alam niyong malaki ang
posibilidad na hindi kayo kukunin dahil
sa katandaan na rin? -Hindi na siguro Ma'am, hahanap
nalang po ako ng ibang trabaho na kaya
akong tanggapin ng walang pag
aalinlangan.

Okay. Kung kayo si Maldo (mga lalaki),


tatanggapin niyo pa ba ang asawa
niyong si Toying? Bakit Hindi? Bakit Oo? -Opo Ma'am, kasi asawa ko parin siya at
ayaw kong magkaroon ng broken family
ang anak ko po.

-Hindi po, Iiwanan ko po siya kasi,


pinagtaksilan niya ako.

-Opo, kasi kung titignan po natin ang


sitwasyon, kasalanan ko naman po ee
kasi hindi ko yinakap ang
responsibilidad bilang asawa at ama.
Napakaganda naman ng inyong mga
kasagutan. Sana'y gagawin niyo yan pag
nagkaroon na kayo, pero sa ngayon,
mag-aral muna klas ah? -Opo Ma'am.

Dumako naman tayo kay Toying,


Nangyayari pa ba ito sa totoong buhay?
Marami parin bang tulad niya sa
lipunan? -Opo, Marami parin ang kumakapit sa
patalim dahil na rin sa hirap ng buhay.
Masisisi niyo ba si Toying sa ginawa
niya? -Hindi po, kasi ginawa po niya iyon para
sa kanyang anak. At alam naman natin
na ang Ina, isasakripisyo ang lahat para
sa mga anak.

-Hindi po pero, marami pa naman pong


ibang paraan para makahanap ng pera.
Kung kayo (mga babae) ang nasa
sitwasyon niya, ganun din ba ang
gagawin niyo? Bakit? -hindi po, marami pang ibang
pagkakakitaan na nasa tamang paraan.
-Hindi po, kasi kahit na gaano kahirap
ang buhay, hindi ako gagawa ng bagay
na alam kong masama.

Tama naman kayo klas, kaya lamang,


hindi natin siya masisisi, kasi kaysa
naman mamatay ng dilat at gutom ang
anak niya, napilitan siyang kumita ng
salapi kahit nasa masamang paraan pa
ito.
Bilang Ina/Ama, Kaya niyo bang
isakripisyo ang lahat para sa inyong mga
anak? -Oo naman po, kahit buhay ko pa,
matugunan ko lamang ang
pangangailangan nila.
-Opo, pero sa tamang paraan.
Para sa mga nanay na dito, ano yung
pinakamatinding sakripisyong nagawa
niyo na sa mga anak niyo? -(inaasahang sagot)

Napakadakila niyong mga Nanay. Kahit


hindi niyo tanungin, Hangang-hanga din
ako sa mama't papa ko kasi, yun bang
sitwasyon namin araw-araw na,
matutulog na kaming magkakapatid,
pero sila kararating lang galing trabaho.
At Pagigising kinabukasan, nasa trabaho
na sila.
At yung mga wala pang anak, ano yung
pinakamatinding sakripisyo na nagawa
ng nanay/tatay niyo sa inyo klas? -Pagtatrabaho araw-araw para mapag-
aral po kami.
-Pag-aaruga ng walang hinihintay na
kapalit.
-Pag-iintindi araw-araw sa amin.
At ano naman yung nagawa niyo para
masuklian ang mga sakripisyo ng mga
nanay/tatay niyo?Iyong pagtanim ng
galit kapag hindi naibigay ang
kagustuhan natin? Oh baka naman
kahit Iloveyou lang di niyo pa masabi?
Baka mas madalas pa nga sa Bf/Gf niyo.
Tama ba ako klas? -Hindi po, yung pag-aaral po ng mabuti
para maiahon sa kahirapan.
-yung pagsunod sa utos po.
Iparamdam niyong mahalaga sila at
mahal niyo sila habang nasa tabi niyo
pa sila.
Kung kayo yung anak ni Toying klas,
tatanggapin niyo ba siya bilang Ina
niyo? Itatakwil? O ikahihiya? -Tatanggapin po, Nanay ko po siya, at
wala akong dapat ikahiya!
-Masyado ko pong mahal ang nanay ko
para itakwil.

Kung wawakasan niyo ang kwento, Ano


ang gusto niyong wakas nito klas? -Umalis na sila sa baryong iyon para
magbagong buhay.
-Naging responsible na si Maldo at
tinigil na ni Toying ang trabahong iyon.
Okay. yan ang mga opinyon niyo. 
Ngayon, Anu-ano ang mga napulot
niyong aral sa akdang binasa? -Maging responsable
-Huwag munang mag-aasawa ng
maaga.
-Maging mapagkumbaba
Tama. Lagi niyo sanang tandaan na ang
kahirapan ay di matutugunan ng
imoralidad. Kahit mahirap ang isang tao
kung may dangal, Yaman itong
maipagmamalaki at di makukuha
ninuman 
*PAGPAPAHALAGA
Ano ang nais ipahiwatig ng
kasabihang ito: “Ang pag-aaruga
ng magulang sa anak ay tulad din
dapat ng pag-aaruga ng anak sa
kanyang Inang Kalikasan” - dapat kung ano yung natatangap
nating pag-aalaga sa Magulang ganun
din sana ang isukli natin, at kung maari
mas higit pa. Gaya sa Inang kalikasan,
siya ang nagbibigay ng mga bagay
bagay para mabuhay tayo, dapat
alagaan natin, habang nasa tabi pa
natin.
*PAGLALAHAT
Igu-grupo ko kayo ngayon sa
dalawang pangkat. Mayroon akong
dalawang tsart dito at pupunan
niyo ng mga datos na hinihingi sa
pamamagitan ng pagsulat sa
cartolina. Naintindihan klas? -Opo.
*EBALWASYON
Okay, Mabuti kung ganun.
Ngayon, Papangkatin ko kayo ngayon sa
tatlong grupo, at gawin ang aking mga
sasabihin.
At gawin yan ng sampung minuto.

Unang Pangkat:
Gumawa ng isang tula para sa
pinakamamahal niyong tao sa buhay
niyo.

Ikalawang Pangkat:
Paggawa ng isang Graphic Organizer na
nagpapakita ng mga detalye sa kwento.

Ikatlong Pangkat:
Sa pamamagitan ng Dula-dulaan,
wakasan ang kwento na naaaayon sa
gusto niyo.

IV. PAGTATAYA

V. TAKDANG ARALIN

You might also like