You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

IKASIYAM NA BAITANG

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Timog- Silangang Asya.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng mga malikhaing nagpapakita ng pagganap.
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng animnapung minuto(60) ang mag-aaral ay inaasahang
matatamo ang 75% antas ng tagumpay sa mga sumusunod na kasanayan:
Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napakinggang akda. (F9PN-Ia-b-39)
a. nalalaman ang tunay na pangyayari sa kwento.
b. naipahahayag ang saloobin ng tauhan sa kwento.
c. naisasadula ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kwento.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa : Maikling Kwento “ Indang Berta ni: Liwayway Arceo

Sanggunian : Filipino sa Makabagong Panahon (Awtor: Alvira Dela


Cruz,Perla Guerero) pahina 98-100

Kagamitan : Kartolina, pentel pen, manila paper at mga larawan

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

 Panalangin

Ang lahat ay tumayo para sa isang


panalangin na pangungunahan ni
Sarah Jane. (Nagsipagtayo ang mga mag-aaral at
nagsimula ng manalangin.)
 Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat.


“Magandang umaga rin po.”

Kumusta ang umaga ninyo?


“Mabuti naman po.”

Bago kayo umupo pulutin nyo muna


ang lahat ng kalat at ihanay nang
maayos ang mga upuan. (Pupulutin ang mga kalat at inihanay
nang maayos ang mga upuan.)
 Pagtsek ng Atendans

Sino ang lumiban sa klase ngayong


umaga? Wala po ma’am.

Magaling. Sana ipagpatuloy nyo ang


laging pagpasok sa klase ko.

B. Pagbabalik-Aral

Bago tayo dumako sa ating


panibagong aralin. Ano ang ating
tinalakay nakaraan? Celso. Ang atin pong tinalakay nakaraan ay
tungkol sa tulang may pagamat na
“Pagbabalik” ito po ay tungkol sa isang
lalaki na umalis at noong bumalik siya ay
patay na ang babaeng kanyang
minamahal.
Magaling.

C. Pagganyak

Mayroon akong ididikit na mga


larawan sa pisara at nais kong hulaan
ninyo ang mga ito at kung ano ang
kaugnayan ng mga larawan sa bawat
isa.

Ina - puso - mga anak

Ano-ano ang katangiang taglay ng


isang ina? Ang katangian pong taglay ng isang ina
ay, mapagmahal,maalalahanin,mahaba
ang pang-unawa at higit sa lahat ay
kayang isakripisyo ang sarili para sa
ikabubuti ng mga anak.
Magaling na kasagutan!

Sa tingin ko ay mayroon na kayong


hinuha kung tungkol saan ang
kwentong ating tatalakayin ngayong
umaga.

D. Paglalahad

Ang ating pag-aaralan ngayong


umaga ay isang kwentong
pinamagatang “Indang Berta”. Bakit
kaya Indang Berta?Ano ang kanyang
papel sa kwento? Malalaman natin
yan mamaya pagkatapos nating
basahin ang kwento.

Handa na bang makinig ang lahat?


Opo ma’am.

E. Paghawan ng Sagabal

Bago tayo dumako sa pagbabasa ng


kwento nais ko munang bigyan ninyo Dakila - kahanga-hanga
ng pagpapakahulugan ang mga Mariwasa - masagana
malalalim na salita at gamitin ito sa Ikinubli - itinago
pangungusap. Gunita - alaala
Pamimintas - pagpuna

F. Pagtatalakay

Ngayong natapos na nating basahin


ang kwento. Sino ang tauhan sa Ang tauhan po sa kwento ay si Aling
kwento? Berta.

Ano ang nangyari kay Indang


Berta?Lorena. Ma’am nalulungkot po ako sa sinapit ni
Indang Berta dahil po lalaki ang kanyang
mga anak na hindi niya man lang
masisilayan. Naawa rin po ako dahil kahit
patay na siya ang pamimintas sa kanya ng
mga tao ay hindi nagbago at hindi nila
naintindihan ang matanda.

Magaling!

Paano nakilala ng nagsasalaysay si


Aling Berta? Jainab. Nakilala niya po sa pamamagitan ng una
ay nalaman niya na tagahanga niya pala
si Aling Berta hanggang sa naging
magkaibigan sila at naging malapit sa
isa’t isa at naikwento ni Aling Berta ang
pangyayari sa kanyang buhay dahil gusto
niyang isulat ito ng kanyang
hinahangaan.

Magaling!

Ano ang ipinipintas ng mga


kapitbahay kay Aling Berta?
Makatwiran ba ang kanilang
pinagsasabi sa matanda? Leigh. Ang ipinipintas po nila ma’am ay marami
ang nagsasabi na tama lang ang sinapit
ng matanda dahil ang isang katulad niya
ay hindi raw dapat gayahin ng sino man.
Hindi po makatwiran dahil kung ano po
ang nakikita ng mga tao ay hinuhusgahan
kaagad nila ngunit hindi nila alam ang
tunay na dahilan kung bakit iyon ginawa
ng matanda.
Magaling!
Bakit natiis ni Aling Berta na ilagak
sa ampunan ang kanyang mga anak?
Divi. Kasi po ma’am para kay Aling Berta
maibibigay po doon ang mga
pangangailangan ng kanyang mga anak
sa kabila po ng lahat ay magkakahiwalay
sila kasi po kung magkasama nga sila
pero hindi niya naman kayang tugunan
ang mga pangangailangan ng kanyang
mga anak.
Magaling!

Kung ikaw ang nasa kalagayan ni


Aling Berta gagawin mo rin ba ito?
Pangatwiranan. Bonna. Kung ako po siya opo gagawin ko rin, mas
pipiliin ko po na ilagak ang aking mga
anak sa maayos at may direksyon ang
kanilang buhay dahil para rin po iyon sa
ikabubuti nila.
Magaling!

Bakit hindi ang sagot mo Romelyn?


Hindi ko po gagawin ma’am. Hindi po
ako papayag na magkakahiwalay kami ng
mga anak ko dahil sila lang ang mayroon
ako at isa pa hindi lang naman iyon ang
paraan para masolusyunan ang
kahirapan marami pang ibang paraan na
hindi na kailangang mahiwalay ang mga
mahal natin sa buhay.
Magaling!

Sakaling isa ka sa anak ni Aling Berta


ano ang magiging damdamin mo sa
kanya? Al. Kung isa po ako sa mga anak niya sa
simula po magagalit ako sa kanya kasi
ang pakiramdam po na pabigat ka kasi
ibinibigay ka nalang sa iba pero kung
mahirap po para sa akin mas alam ko po
na mas nahihirapan siya kaya
maiintindihan at makakaramdam po ako
ng awa at kalungkutan.
Magaling!

May ina bang katulad ni Aling Berta


sa Kasalukuyan? Patunayan.
Rosalyn. Opo, ma’am dahil po sa ngayon sa hirap
ng buhay ay hindi na nila kayang
mapalaki ang kanilang mga anak at hindi
na maibigay ang mga pangangailangan
ng kanilang mga anak kaya ang ginagawa
nila ay pinapaampon at iniiwan sa bahay
ampunan.

Klas, kahit sino naman diba walang


ina na gustong mawalay sa kanyang
mga anak at wala ring magulang na
natitiis na nakikitang naghihirap ang
kanilang mga anak. Ang hinahangad
lang naman nila ay magkaroon ng
magandang kinabukasan at maalwan
na buhay kaya napipilitan silang
mawalay kahit mahirap para sa
kanila bilang isang ina. Opo ma’am.

G. Paglalapat

Papangkatin ko kayo sa tatlong


pangkat. Ang bawat pangkat ay may
kaniya-kaniyang gagawin. Bibigyan
ko lamang kayo ng limang minuto
para sa pagsasagawa at tatlong Unang pangkat
minuto para sa pagpresenta na may Iguhit ang pagkakasunod-sunod ng mga
kabuuang walong minuto. pangyayari sa kwento.

Pamantayan sa pagsagawa

Pamantayan Puntos
Nilalaman/Pagkakasunod- 20
sunod
Presentasyon 15
Kooperasyon 10
Kabuuan 45

Ikalawang pangkat
Gumawa ng isang saknong ng tula
tungkol sa isang ina at lapatan ito ng
tinig.

Pamantayan sa pagsagawa

Pamantayan Puntos
Nilalaman 20
presentasyon 15
Lapat ng tinig 5
kooperasyon 5
Kabuuan 45

Ikatlong Pangkat
Magpakita ng isang senaryo na pilit
ipinapaampon ang kanyang anak sa
isang kakilala.

Pamantayan sa pagsasadula

Pamantayan Puntos
Nilalaman 20
Presentasyon 10
Kooperasyon 10
Ekspresyon ng mukha 5
Kabuuan 45

Napakagaling ng inyong ginawa at


ipinakita.

Palakpakan ang inyong mga sarili.

(Nagpalakpakan ang mga mag-aaral)

H. Pagpapahalaga

Sa tingin ninyo gaano kahalaga ang


pagmamahal na ipinapadama sa inyo
ng inyong ina? Lorry Jean.
Napakahalaga po ng pagmamahal ng
isang ina dahil sa kanila natin
nararamdaman ang tunay na
pagmamahal, pag-aalaga,pagpayo sa mga
desisyong ating gagawin at sila ang
magsisilbing gabay natin sa ating buhay.
Magaling!

Ano ang mahalagang natutunan Ang natutunan ko po ay unang una wag


ninyo sa kwento? Rosielyn. mong pintasan ang mga tao na hindi mo
alam kung ano ang tunay niyang
pinagdadaan at higit po sa lahat ang
pagmamahal ng isang ina sa anak ay
hindi matutumbasan ninuman dahil
walang magulang ang pumapayag na
mapahamak ang kanyang mga anak.

Magaling!

I. Paglalahat

Sino sa inyo ang makapagbubuod ng


kwentong ating tinalakay? Rowena. Ang kwento po ay pinamagatang “Indang
Berta” na kung saan ito ay tungkol sa
isang ina na inilagay sa bahay ampunan
ang kanyang mga anak dahil hindi niya
kayang tustusan ang mga
pangangailangan ng mga ito.Nalulungkot
man siya dahil nahiwalay ito sa kanya
kailangan niya pa ring gawin. Hanggang
sa namatay siya na patuloy pa rin ang
pamimintas sa kanya ng ibang tao.

Magaling!
IV. EBALWASYON

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang


Tama kung wasto ang pangungusap at Mali naman kung ito ay hindi wasto.

_____1. Walang ina na gustong mapahamak ang kanyang anak.


_____2. Iniiwan sa ampunan ang mga anak dahil walang pangtustos ang
magulang.
_____3. Hindi mahal ng ina ang kanyang anak na matigas ang ulo.
_____4. Ang magulang ay dapat masusunod.
_____5. Ang magulang ay dapat igalang.
_____6. Ang pamimintas sa kapwa ay nagdudulot ng hindi maganda.
_____7. Nagagalit sa magulang kapag hindi nasunod ang gusto.
_____8. Ang totoong nagmamahal ay mayroong pakialam.
_____9. Pagsagot sa magulang habang pinapangaralan.
_____10. Suklian ng kabutihan ang ginawa ng magulang.

Kasagutan

1.Tama 6.Tama
2.Tama 7. Mali
3.Mali 8.Tama
4.Tama 9.Mali
5.Tama 10.Tama

V. TAKDANG-ARALIN
Sa isang buong bahagi ng papel sumulat ng isang sanaysay tungkol sa paksang “Dakila
ka aking Ina”

Ipasa ito sa susunod nating pagkikita.

Inihanda ni: Mary Joy T. Germina

You might also like