You are on page 1of 2

Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at humanda na sa paglalakbay.

Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang agahan. Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-
Loki si Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba
itong lalaki na higit na malakas kaysa kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya

maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya ay walang
halaga at hindi niya ito gusto.

Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko sa iyo ang katotohanan,
kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli.
Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang
magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una
tayong magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang pagkakatali ng bag
hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos

noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung umabot ito sa
akin ay patay na ako. Nang makita mo ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan
naroon ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng iyong maso. Inilagay
ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din
ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod. Ang una, nang kainin
nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na
tulad ng mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa
tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan.
At noong ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking salita, anong
himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat
halos masaid ang tubig nito. Hindi rin kamangha-

mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang totoo ang
lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi totoong pusa kundi isang Miogaro,
isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito
nang mataas halos abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin nang makipagbuno ka nang matagal at
napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sino mang makagagawa
niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling
magkita. Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan
upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin.
Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit wala na si Utgaro-Loki. Sa
kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan
at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang

You might also like