You are on page 1of 1

Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin.

Walang
sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki
ang nakaupo sa dulong upuan na nagngangalang Logi. Inilagay sa gitna ng mesa
ang mga hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo ang dalawang
magkatunggali. Kinain nila nang sobrang bilis ang karne, buto na lamang ang
naiwan sa parte ni Loki ngunit ni walang butong natira sa parte ni Logi. Kaya’t
malinaw na natalo si Loki sa nasabing labanan. Sumunod na paligsahan naman
ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng batang si Thjalfi laban sa bata rin na
si Hugi. Sa unang paglalaban, masyadong malayo ang agwat ni Hugi. Inulit ito
nang tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi. Tinanong ni
Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipakikita nito. Sinabi
nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t
tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas
inuman ng mga panauhin. “Isang mahusay na manginginom ang makauubos
nito sa isang lagukan, ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay
nauubos ito nang tatlong lagukan,” sabi ng pinuno ng mga higante. Hindi
pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok niya
nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan
ang lalagyan ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa
ikalawang lagok. Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa
pangatlong pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.”
Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala
pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa matapon
lahat ng laman. “Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi
tulad ng aming iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng
pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-Loki. “Anong labanan ang maimumungkahi
mo?” sagot ni Thor. “Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking
pusa mula sa lupa.” Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit
hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang lahat
ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. “Tapos na ang
labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa aking malaking
pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki. “Tawagin mo na
akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makikipagbuno sa
akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor. “Wala akong alam na gustong
makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong tawagin ko ang aking
kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo ng wrestling,
marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas.” Hindi na
dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang buong
lakas lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng balanse
si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na
kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na
noon ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila
makapagpapahinga at inasikaso nang maayos.

You might also like