You are on page 1of 2

Annissa J.

Pacaldo 10-ACI

Reaction Paper |. “Sina Thor at Loki sa


Lupain ng mga Higante”

Matapos kung panoorin ang kwento mula sa youtube na pinamagatang “Sina Thor
at Loki sa Lupain ng mga Higante”, napaisip ako ng mga bagay na kung saan
napatanong ako sa aking sarili na, una, doon sa oras na naglalalakbay sina Thor at
Loki gamit lamang ang dalawang kambing. Imposible bang makakaya ng dalawang
kambing ang dalawang tao? Lalong-lalo na sa tingin ko na si Thor, ang sinasabing
dyos ng kulog at kidlatang itinuturing na pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir ay
may mabigat na katawan dahil sa kaniyang porma na kung saan makikita natin
ang kaniyang mga kalamnan. Sa kabila, nakaramdam din ako ng galak sa
kwentong ito dahil madaming mga hindi makapaniwalang pangayayari ang
nakikita sa kwentong ito. Isa nadin ang lugar na kung saan nagkagkaroon ng mga
labanan na hindi kapani-paniwala.
Nagustuhan ko ang mga larawan na ginamit sa bidyo. Nagustuhan ko din
ang mga pangyayari sa kwento at kung paano ito nagwakas. Nawiwili akong
basahin ang kwentong “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante” dahil sa
ipinakitang mga labanan sa palasyo ni Utgaro, ang tinaguriang hari ng mga
higante. Base sa mga pangyayari sa kwento, hindi ito kapani-paniwal kung ibabase
ito sa totoong buhay. Hindi naman totoo ang mga higante at base sa mga labanan
na kung saan, una, ang pag-inom ng tubig ni Thor sa isang parang trumpet na
kabibi na hindi pala nauubos dahil naka-konekta ito sa tubig-dagat. Pangalawa,
noong binuhat niya ang hindi karaniwang pusa ni Utgari na sa huli ay sinabi ni
Utgari na hindi iyon totoong pusa kung di isang ahas na kasing laki ng mundo at
kayang lukupin ang daigdig.
Ang lahat ng pagsubok na ibinigay ni Utgari nina Loki at Tiyalfi, lalong-lalo
na kay Thor ay isang mapalinlang na Gawain. Gusto sanang manatili nina Thor sa
palasayo ni Utgari subalit kinakailangan pa nilang subukin ang mga nasabing
labanan. Isinagawa ito ni Utgari dahil natatakot at ayaw niya sa mga taong
malalakas o mas malakas pa sa kaniya. Kaya upang hindi makapanatili sina Thor sa
palasyo, nilinlang ni Utgari sila sa pamamagitan ng pagbigay ng mga hindi kapani-
Annissa J.Pacaldo 10-ACI

paniwalng pagsubok na kung saan walang posibilidad na malampasan nila ang


mga ito. Naisasalamin ko ito sa lipunan sa pamamagitan ng pagtanaw sa bawat
indibidwal. SIguro tayong lahat ay gusting makamtan ang ating mga pangarap.
Ang iba ay nagsisikap talaga upang makamit ang mga ito. May iba din na idinaan
sa panlilinlang upang makuha ang kanilang kagustuhan. Kaya mag-ingat tayo sa
lahat ng pagkakataon. Huwag basta-bastang magtiwala sa mga tao dahil sa
panahon ngayon, ginagawa na nila ang lahat upang makuha ang mga gusto nila
kahit alam nilang hindi na ito tama at nakasakit na sila sa kanilang mga kapwa.
Wala na silang pakealam sa mga tao na maapektuhan sa kanilang gagawin na
masama basta’t sila ay mauuna at maging ang pinakamalakas at mayaman na tao
sa mundo.

You might also like