You are on page 1of 2

Pg 112 B

1. Nagkakilala si Skymir at Thor ng mapadpad si Thor sa silangang bahagi kung saan lupain ito ng mga
higante. Si Skymir ay isang higante at hindi namalayan ni Thor na ang higante pala ang kanyang
tinulugan.
2. Binigyan ni Skymir ng mabuting payo ang grupo ni Thor sa kung anong bang dapat nilang gawin kapag
nakaharap na nila si Utgaro-Loki upang di sila maapi.
3. Nagalit si Thor sa magsasaka dahil ng inutusan niya itong hiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito
ay hindi sumunod si Thjalfi at sa halip ay kinuha niya ang bahaging pige at ginamitan ng kutsilyo kaya’t
kinaumagahan bali ang paa sa likod ng isang kambing.
4. Nakagawa ng kasalanan si Thjalfi na ikinagalit ni Thor ngunit nag makaawa ang buong pamilya kaya
ginawa nya nalang alipin ang magkapatid na si Thjalfi at Rosvka.
5. Ginawang alipin ni Thor sina Thjalfi at Rosvka bilang parusa sa nagawang sala ni Thjalfi. Para sa akin
makatwiran lng ito dahil nabigo rin naman talaga nila si Thor at buti na nga lang ay may mabuting
kalooban si Thor at imbes saktan sila ay ginawa lamang silang alipin.
6. a.) Thor laban kay Elli
- Nakipag wrestling si Thor kay Elli na kilala dahil sa angking lakas nito at sa dami ng mga
lalakeng napatumba.

b.) Thor laban kay Cupbearer

- Nakipag laban si Thor kay Cupbearer sa pabilisan ng pag-inom

c.) Loki laban kay Logi

- Nag laban si Loki at Logi sa pag pabilisan ng pagkain

d.) Thjalfi laban kay Hugi

- Si Thjalfi at Hugi ay naglaban sa pabilisan ng pagtakbo

7. Kapag nalaman kong naloko o nalinlang ako, magagalit ako dahil sinira lang pala nila ang tiwala ko
At inabuso ang aking kabutihan
8 . Para sa akin, katanggap-tanggap ang pag uugali ni Thor bilang Diyos dahil siya ay matapang , malakas,
ginagamit ang kanyang kapangyarihan s ataman paraan at mayroong mabuting kalooban
Gawain 1

A.

1. Para sa akin, nabigo ako sa pagpili ng mga kaibigan at pagbibigay ng aking tiwala. At dahil sa
pangyayaring iyon, natutunan ko na hindi tayo dapat basta-basta lng magtitiwala dahil napakahirap
nitong buohin ulit kapag nasira na. At isa pa ay dapat rin ay mag ingat tayo dahi marami ng mga
nagbabalat-kayo at nag kukunwaring maaasahan mo sila ngunit babaliktarin ka pala nito at gagamitin
ka lang upang makuha ang kailangan nila
2. Kung maibabalik ko ang panahon, siguro ay hindi ako masyadong nagtiwala, nag bahagi, at umasa ng
buong katapatan mula sa mga itinuturing ko sana na kaibigan
3. Sa kwento, binigyan ni SKymir ng mabuting payo si Thor sa kung anong dapat nilang gawin kapag
nakaharap si Utgaro-Loki, kaya naman para sakin ang pagbibigay payo o tulong sa ibang tao ay
magagamit mo sa pakikipag kapwa at para na rin maging tiwasay ang pamumuhay at walang mag
aaway-away

B.

a) Kultura – Sa kwento, makikita ang kultura nina Thor na pagiging palaban at di basta-bastang
sinusukuan ang mga hadlang na maeengkwentro. Kaya’t nabibigyan nito ang mga mambabasa, tulad
natin, ng aral o pag tanto na wag sumuko agad dahil sa bawat hirap, tagumpay ay unti-unting
makakamit.
b) Lipunan – Nang dahil sa mga mitolohiyang ito, natutulungan nito ang mga tao na mapaunlad ang
pamumuhay nila dahil nagsisilbing gabay ang mga mitolohiya para sa mga tao
c) Wika – Ang panitikan at sining ng wika ay lumalawak dahil sa mga mitolohiya na may iba’t-ibang
nilalaman
d) Pagka-Pilipino – Natutulungan nito na mapalawak ang imahinasyon ng mga mambabasa tulad nating
mga Pilipino, at dahil dito ang mga aral na mapupulot sa mga akdang ito ay magiging gabay natin na
maging mas mabuting mamamayang Pilipino

You might also like