You are on page 1of 34

ARALIN

3
TULALANG
(EPIKO NG MGA MANOBO)
Mahalagang Tanong

Paano mo malalamang
nagagampanan nang maayos ng
isang lider ang kanyang tungkulin
lalo na sa mga taong kanyang
pinaglilingkuran?
Bakit kaya hanggang ngayon ay
laganap pa rin ang mga
kuwentong puno ng
kababalaghan at di kapani-
paniwalang pangyayari? Paano
ito makatutulong upang
mapahalagahan at maipagmalaki
ang ating kultura?
Kompletuhin ang mga salita sa loob ng kahon
gamit ang mga pantulong na salita o mga
salita.

b l r a w
1. Matulis na patalim na
magkabilaan ang talim.
2. Tanikala; metal na ginagamit
k d n na panali upang hindi
makahulagpos o makalaya.

3. Hindi pisikal na bahagi ng


tao; aspektong pangkaisipan
k l l w a at pandamdamin; espiritu ng
tao
Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng
pangungusap na kasinghulugan ng salitang nasa loob
ng kahon.

napabantog 1. Ang kasaganaan at kapangyarihan


ni Tulalang ay natanyag hanggang sa malalayong lugar.
hinalinlan 2. Si Tulalang ay pinalitan ng
dalawang kapatid nang siya ay
mapagod sa pakikipaglaban.
mahangin 3. Ang mayabang na heneral
ay napamahamak sa ginawa niya.

naghinala 4. Nagsuspetsa ang hari ng Bagyo


hinggil sa tunay na pagkatao ng kanyang bagong
alipin.
Pagbabalatkayo 5. Ang pagkukunwari ni
Tulalang bilang alipin ay
natuklasan ng hari ng Bagyo.
A.Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1.Sino si Tulalang? Paano natapos ang kahirapan


ng kanyang pamilya?

2.Paano lalong nanagana at napabantog sa


karamihan ang pamilya ni Tulalang.
3. Sa iyong palagay, epektibo pa rin ba
hanggang kasalukuyang panahon ang paraan
nilang ginamit upang lalong umunlad ang
kanilang buhay? Ipaliwanag.

4. Ano ang ipinakita o pinatunayan ng


pagtapos ng labanan nina Tulalang at Agio.
5. Kung ikaw ay isa kina Tulalang at Agio, ano
ang gagawin mo sa oras na matuklasang kamag-
anak mo pala ang iyong mahigpit na kaaway?

6. Batay sa mga pangyayari sa buhay ni Tulalang,


paajo naipakita kung anong uri ng pinuno siya.
7. Ano pang ibang aral ang hatid sa
iyo ng epiko?

8. Paano mo maisasabuhay ang mga


aral na hatid nito?
Isulat ang tama sa linya kung tama ang ipinahayag ng
pangungusap. Kung mali, lagyan ng ekis (x) ang salitang
nagpapamali at isulat ang tamang salita sa linya.

1. Isang matandang makapangyarihan ang


unang nagpala sa buhay ng pamilya ni Tulalang?
2. Naghalinlinan sina Tulalang at ang
kanyang mga kapatid sa pakikipaglaban kay Agio,
ang mayabang na heneral.
3. Ang pagdumi ng isang uwak sa
mukha ni Tulalang ay nangangahulugan ng pagdating
ng maraming pagpapala para sa kaharian.
4. Hindi nakalimutan ni tulalang ang
kanyang pangakong kasal kay Macaranga, ang
babaeng iniligtas niya sa kamay ng higante.

5. Ang lahat ng mamamayan sa


kaharian ni Tulalang kasama ang kanyang mga
kapatid ay namatay lahat sa kalawakan.
Ang epiko ay isang akdang pampanitikang
nagmula sa iba’t ibang pangkat-etniko, rehiyeo, o
lalawigan ng bansa. Ito ay isang uri ng panitikang
pasalindila. Nangangahulugang ito ay nailipat o
naibahagi sa pamamagitan ng pasalin-saling
pagkukuwento o pagsasalaysay lamang.
Isa sa pinakalitaw na katangian ng epiko ay
ang ang pagkakaroon nito ng mga
pangyayaring di kapani-paniwa1a o puno
ng kababalaghan. Karaniwan itong may
tauhang lubos na malakas at
makapangyarihang kinikilalang bayani ng
rehiyong pinagmulan nito.
Ang epiko ay ginamit ng ating mga
ninuno upang maipakita ang kanilang
mga pagpapahalaga, tradisyon,
paniniwala, mithiin, at layunin sa buhay.
Bagama’t pasalaysay, ito ay isang tula
na inaawit o binibigkas nang pakanta.
Ang mga sinaunang historaydor na gaya nina
Padre Colin, Joaquin Martinez de Zuniga, at
Antonia Pigafetta ay nagpapatunay nito. Sa
katunayan ay may mga ulat ding nagkaroon ng
mga pagtatanghal ng mga epiko ang ating mga
ninuno nang dumating si Miguel Lopez de Legaspi
sa Pilipinas noong 1565.
Mahirap masabi kung alin sa mga epiko ang
pinakamatanda, sapagkat maging ang pagkakasalin
sa Espanyol of o Ingles ng mga ito ay hindi pa
nalalaman. Ang panahon kung kailan nalikha ang isang
epiko ay masasalamin lamang sa mga pangyayaring
isinasalaysay ng epiko. Maraming epiko ang
nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno sa
bawat pangkat o rehiyong kanilang kinabibilangan
bagama’t ilan Iamang sa mga epikong ito ang nakilala
at lumaganap sa bansa dahil sa kakulangan ng sapat
na tala.
Si Jose Villa Panganiban sa kanyang aklat na Panitikan
ng Pilipinas (1954) ay nagtala ng dalawamput apat na
epiko sa ating bansa. Samantalang si Dr. Arsenio
Manuel, isang antrpologo at iskolar ng Unibersidad ng
Pilipinas, sa kanyang masusing pag-aaral ng mga epiko
ng Pilipinas na pinamagatang Survey of the Philippine
Folk Epics (1963), ay naghanay ng dalawamput limang
epikong katutubo sa Pilipinas (Panitikang Pilipino,
Anolohiya).
Narito ang ilan sa mga epikong nakilala
sa bawat rehiyon o pangkat na ang iba
ay matatalakay sa kabanatang ito:

• Epiko ng mga Iloko: Lam-ang


• Epiko ng mga Bikol: Handiong (Ibalon at
Aslon)
• Epiko ng mga Ifugao: Huhud
Ang pakikipanayam o pag-i-interview ay mahalaga
mahalaga sapagkat ito’y isang mabilis at mabisang
paraan ng pagkuha o pagkalap ng mga impormasyon
na maaaring gamitin sa iba’t ibang kadahilanan.
Madalas tayong makapanood ng pakikipanayam sa
telebisyon, makaparinig nito sa radvo, at makabasa sa
mga pahayagan.
Upang higit na maging matagumpay ang
pakikipanayam at makakuha ng mga
kasagutan o impormasyong kakailanganin,
dapat malaman ng makikipanayam ang
mga bagay-bagay na dapat niyang
isaalang-alang o tandaan.
Naririto ang ilang mahahalagang bagay na dapat
tandaan:

1. Makipagkasundo sa taong kapapanayanamin


tugkol sa petsa, oras, at lugar kung saan
gaganapin ang panayam gayundin sa magigimg
paksa ng panayam. Dumating sa tamang oras o mas
maaga pa ng sampung minuto kaysa sa itinakdang
oras.
2.Magsuot Ng tamang kasuotan at maging magalang sa
pagtatanong.

3. Maghanda ng balangkas ng mga itatanong.

4. Itala sa pinakamabilis na paraan ang mga nakuhang


impormasyon. Kung gagamit ng tape recorder, video cam, o
cell phone upang maitala ang panayam ay ipagpaalam ito
nang mas maaga sa taong kakapanayamin.
5. Gawing magaang at kawili-wili ang
pakikipanayam:

Ipakilala ang iyong sarili kung hindi ka pa


kilala ng iyong kakapanayamin.
ISAISIP NATIN
Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay
ng Sanhi at Bunga, Panghihikayat, at
Pagpapahayag ng Saloobin
Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita,
parirala, at pangungusap ay mahalagang sangkap
para sa malinaw, lohikal, at mabisang paglalahad. Sa
paggamit ng iba’t ibang pang-uugnay, higit na
nabibigyang-diin ang layunin sa pagpapahayag. Ilan
sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Pang-uugnay na ginagamit sa pagbibigay ng
sanhi at bunga
• Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan:
sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, at
kasi/naging
• Pang-uugnay na nagpapakita ng bunga o resulta:
kaya/kaya naman, dahil ditto, bunga nito, tuloy
2. Pang-ugnay na ginagamit sa
panghihikayat:
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-
ayon: totoo, oo, mabuti, at sigurado
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol:
hindi, ngunit, subalit, datapwat, at bagama’t
3. Pang-ugnay na ginagamit sa
pagpapahayag ng saloobin
Ilan sa mga ito ay ang: sa palagay
ko, hinuha ko, kapag, pag, kung
gayon, sana, at basta.

You might also like