You are on page 1of 7

FILIPINO 7 : WEEK 7

Sa Bundok Armenya, Ang Mahiwagang Balon


(Mga Saknong 441-506)

Buod ng Aralin
Isang paraiso sa kagandahan ang kabundukan ng Armenya. Napakaganda ng paligid. Maraming hayop at
mga pananim dito gaya ng mga puno at bungang-kahoy. Naparami ring ibon dito gaya ng maya, pugo at
kalaw, may pandanggo at kumintang, may mga limbas, uwak at lawin. Napakalinaw ng tubig sa batis at
napakaraming suso na nakakapit sa batuhan. Walang magugutom sa pook na iyon dahil sa mayamang
kalikasan. Doon na nanirahan si Don Juan upang pagtakpan at huwag maparusahan ang tunay na maysala sa
pagkawala ng Ibong Adarna. Nahihiya si Don Diego na humarap kay Don Juan dahil sa nagawa na naming
pagkakasala subalit dahil sa panunulsol ni Don Pedro ay nagpasya silang manirahan na rin doon kasama ni
Don Juan. Hindi naman magawang tumanggi ni Don Juan dahil sa pagmamahal sa mga kapatid. Isang
magandang bahay na gawa kahoy ang naging tahanan ng tatlong prinsipe at maligaya silang nanirahan sa
Armenya. Napakaamo ng mga hayop sa kanila at tila mga panginoon sila kung ituring. Sa paglipas ng
panahon, nagpasya ang tatlo na tuklasin ang bahagi ng kabundukan na hindi pa nila nararating. Sa
katanghaliang tapat ay naglakbay ang tatlo para maghanap ng bagong kapalaran.
Isang balon ang nakita ng tatlong magkakapatid na prinsipe. Ang bunganga ng balon ay batong
marmol na makinis at ang lumot sa paligid ay mga gintong nakaukit. Mangha nag tatlong prinsipe habang
nakatingin sa napakalalim na balon gayong wala itong tubig. May lubid na naroon upang magamit ng
sinumang nais magtangkang bumaba. Naunang bumaba ng balon si Don Pedro sapagkat siya ang panganay.
Tatlumpung dipa lamang ang nalusong ni Don Pedro sapagkat hindi niya nagawang tagalan ang labis na
kadiliman sa loob ng balon. Ang sumunod na bumaba ng balon ay si Don Diego ngunit hindi rin niya iyon
nagawang tagalan. Natulala sa takot ang pangalawang prinsipe nang tangkaing tuklasin ang lihim ng balon. Si
Don Juan ang pinakahuling sumubok na bumaba ng balon. Bagama’t napakadilim sa loob ng balon ay buong
tapang na hinarap ni Don Juan ang malaking takot na hindi nagawang harapin ng dalawang kapatid. Malalim
na ang narating ni Don Juan at patuloy pa rin siya sa pagbaba. Naiinip na si Don Pedro sapagkat hindi pa
umaahon si Don Juan samantalang nababahal na si Don Diego na baka napahamak ang bunsong kapatid.
Pagsasanay 1
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin.

Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin na nakasalungguhit sa bawat


pangungusap. Kulungin ng puso ang letra ng tamang sagot.

1. Ang puso ni Don Juan ay punumpuno ng tinik ng siphayo dahil sa muling pagtataksil ng dalawa niyang kapatid.
A. pag-aalala B. pag-asa C. pagka-bigo D. pagka-bigo
2. Ang buhay sa Armenya ay payapa at malayo sa anumang ligamgam sa puso at isip.
A. kabalisaan B. kaguluhan C. kasamaan D. katahimikan
3. Ang magagandang karanasan ng magkakapatid sa bundok Armenya ay nag-iwan ng salimsim
A. kahiwagaan B. malungkot na alaala C. masayang alaala D. kaguluhan

C. masasayang alaala D. kaguluhan


4. Nanamlay si Don Pedro nang uamahon o makalabas sa balon dahil sa pagod.
A. takot na takot B. walang malay C. walang sigla D. walang alam

5. Pinaglabanan ni Don Juan ang sindak na nararamdaman habang nasa dilim.


A. galit B. kaba C. takot D. hiya
Ang Unang Babaeng Nagpatibok sa Puso ni Don Juan, Si Donya Juana
(Mga Saknong 507-566)

Narating ni Don Juan ang pinakamalalim na bahagi ng balon. Namangha siya dahil sa isang
napakagandang hardin ang tumambad sa kanyang paningin. Natuklasan niyang may nakatagong
paraiso sa pinakaubod ng lupain ng Armenya. Mahalaman at mabulaklak ang paligid at
humahalimuyak sa bango. May palasyo ritong kumikislap na yari sa ginto at pilak. Nakita ni Don
Juan ang isang babaing diyosa sa kagandahan. Pakiwari niya ay dinadaya ng langit ang paningin
kaya nakakita siya ng isang anghel. Hindi naman makapaniwala ang prinsesang si Donya Juana
na narrating ni Don Juan ang pook na iyon. Lumuhod si Don Juan sa harapan ni Donya Juana at
nagpakilalang prinsipe ng Berbanya. Inihingi ng paumanhin ng prinsipe ang kapangahasang
makarating sa pook na iyon makita lang ang kagandahan ng prinsesa. Sumamo si Don Juan na
sana’y tanggapin ni Donya Juana ang kanyang pag-ibig. Hindi naman siya nabigo sapagkat umibig
din sa kanya ang prinsesa.
Ipinagtapat ni Donya Juana kay Don Juan na ang bantay sa hardin ay isang malupit na higante.
Hindi nagtagal ay dumating ang higante at sinabing may naamoy na tao. Kinilabutan ang prinsesa
sa lakas ng tinig ng higante. Nakita ng higante si Don Juan at laking tuwa nito dahil hindi na
kailangang mamundok para maghanap ng makakain. Nagalit naman si Don Juan at agad hinarap
ang higante. Pinagsabihan niya itong itikom ang bibig sapagkat hindi mangyayayri ang masamang
balak. Walang takot na nakipaglaban si Don Juan sa higante sa pamamagitan ng kanyang
napakatalas na espada. Agad na naigupo ng angking galing ni Don Juan sa pakikipaglaban sa
higanteng tampalasan. Ayaw lisanin ni Donya Juana ang pook na iyon na hindi kasama ang
bunsong kapatid na si Prinsesa Leonora. Hiniling nito kay Don Juan na iligtas din ang kapatid.
Muling binalalan ni Donya Juana si Don Juan sapagkat mas mabagsik ang bantay ni Prinsesa
Leonora na walang iba kundi ang serpyenteng may pitong ulo na kahit tagpasin ay muling
tumutubo at nabubuhay. Sa hindi kalayuang palasyo matatagpuan si Prinsesa Leonora. Natagpuan
ni Don Juan ang palasyong may malaking hagdang ginto.

Si Donya Leonora at ang Serpyente


(Mga Saknong 567-650)

Nabigla ang namimintanang si Prinsesa Leonora nang makita si Don Juan. Ang palamuti sa bintana ng
palasyo ay mga perlas at rubi. Higit na maningning ang kagandahan ng prinsesa kaya’t labis na nabighani ang
puso ni Don Juan. Agad tinanong ng prinsesa kung sino ang pangahas na dumating at noon din ay inutusan si
Don Juan na lisanin ang pook na iyon. Batid ng prinsesa na hindi magtatagal ay darating na ang serpyenteng
bantay ng palasyo. Nakiusap at nagmakaawa si Don Juan na siya’y kupkupin ng prinsesa sapagkat tunay na
nabihag ang kanyang puso. Nakalimot siya sa naghihintay na prinsesang si Donya Juana. Dahil sa matatamis
na salita ay lumambot ang puso ni Prinsesa Leonora at pinapanhik si Don Juan sa loob ng palasyo. Agad
inalam ni Prinsesa Leonora kung paano natagpuan ng prinsipe ang pook na iyon. Ipinagtapat ni Don Juan ang
naging mga pagdurusa at pagsisikap upang matuklasan ang hiwaga ng balon. Nangako ng tapat na pag-ibig si
Don Juan kay Prinsesa Leonora bagama’t nangangamba ang prinsesa na baka maglilo sa pangako ang
prinsipe. Hanggang sa naramdaman nilang yumayanig na ang buong paligid….
Gumapang ang ahas paakyat sa hagdanan. Agad hinarap ni Don Juan ang Serpyente. Maliksi si Don Juan
kaya’t hindi siya nagawang lingkisin ng ahas. Tinagpas ni Don Juan ang ulo ng serpyente ngunit muling
tumubo iyon at nabuhay. Nakaramdam ng pagod si Don Juan at sa gitna ng pakikipaglaban ay hindi niya
nakalimutang manalangin. Nanumbalik ang kanyang sigla at higit na naging matapang. Tatlong oras ang
tinagal ng kanilang labanan hanggang sa mapagod ang serpyente. Inihagis ni Prinsesa Leonora kay Don Juan
ang mabagsik na balsamo upang ilagay sa bawat ulong matatagpas. Lalong nagalit ang serpyente at muling
hinalihaw si Don Juan. Agad namang nakaiwas sa tiyak na kamatayan ang prinsipe. Muling umigkas ang
espada ng matapang na prinsipe hanggang sa natagpas ang pinakahuling ulo ng ahas. Hindi na iyon tumubo
makaraang lagyan ng balsamo. Naiakyat sa itaas ng balon ang dalawang prinsesa. Nalaman ng dalawang
kapatid ni Don Juan ang pagpaslang niya sa hignate at ahas upang mailigtas ang dalawa. Muling nanaig ang
inngit kay Don Pedro lalo pa at nabighani ito ng kagandahan ni Prinsesa Leonora.
Panuto: Ikaw ay isang letter sender sa programang Maala Mo Kaya. Isusulat mo ang iyong
kuwentong kapupulutan ng aral at mabubuting kaisipan ng mga manonood. (bondpaper)

Kuwento ng Buhay Mo, Ibahagi Mo

Panuto: Sagutin ang bawat tanong sa bawat bilang Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong
at isulat sa patlang.
________________1. Sino ang nagbabantay kay Donya Juana? (agila, higante, lobo, serpyente.)
_________________2. Ano ang binigay ni Prinsesa Leonora para ibuhos sa ulo
ng serpyente? (asido, balsamo, pabango, tubig.)
________________3.Ano ang ginawa ni Donya Leonora nang makita si Don Juan sa palasyo?
(pinatuloy, pinahinto, pinapasok, hindi pinatuloy)
________________4. Sino ang nag-aalaga kay Donya Leonora? (agila, higante, lobo, serpyente.)
________________5. Sino ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan?
(Donya Juana, Donya Leonora, Maria Blanca, Donya Valeriana.)
________________6. Bakit nangangamba si Prinsesa Leonora sa pag-ibig ni Don Juan?
(baka maglilo, baka makalimot, hindi tumupad sa pangako, umalis at di na
Bumalik.
________________7. Ilang oras naglaban ang serpyente at si Don Juan? (isang oras, dalawang oras,
tatlong oras, apat na oras.)
________________8. Ano ang palamuti na makikita sa bintana ng palasyo ni Prinsesa Leonora?
(ginto at pilak, perlas at dyamante, perlas at rubi, tanso at ginto.)
________________9. Ano ang nangyayari sa ulo ng Serpyente kapag napuputol ni Don Juan?
biglang nawalan muling tumutubo, nalulusaw unti- unti, natatapon sa malayo.)
_______________10. Ano ang tumambad sa paningin ni Don Juan nang marating niya ang ilalim ng
balon. (dagat, gubat, ilog, napakagandang hardin.)
Basahin at unawain ang kuwento ng magkapatid na Cain at Abel sa Genesis 4:1-16 ng Bibliya.

Si Cain at Abel ( Genesis: 4:1-16)


PAGSASANAY 1

PANUTO: Pagsunud-sunurin ang mga mahahalagang pangyayari sa akda. Isulat


sa patlang ang letra A-E.

__________1. Niyaya ni Cain si Abel na pumunta sa bukid at ito ay ginawan ng


masama.
__________2. Nagkaroon ng anak si Adan at Eba ito ay kanilang pinangalanang Abel
at Cain.
__________3. Lumayo si Cain sa Panginoon at tumira siya sa lupain ng Nod, isang
lugar sa Silangan ng Eden.
__________4. Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog sa Panginoon ng ani
niya sa bukid. Ang Panginoon ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang
handog,ngunit hindi natuwa ang Panginoon sa handog ni Cain.
__________5. Tinanong ng Panginoon si Cain kung nasaan si Abel.

PAGSASANAY 2

PANUTO: Kilalanin ang tauhan batay sa mga kanilang karanasan. Isulat


ang titik ng tamang sagot.

_________ 1. Panganay na anak , siyang nagsasaka sa bukid.


__________2. Kinalugdan ng Panginoon dahil sa kanyang handog.
__________3. Pinarusahan at nanirahan sa ibang lupain.
__________4. Pinatay ang sariling kapatid sa labis na inggit.
__________5. Ang tagapastol sa bukid, mabuting anak ng Panginoon.

Ngayon ay inaanyayahan kitang tayain ang natamo mong mga kaalaman at nalinang na
kakayahan mula sa natalakay mo sa modyul na ito.

PANUTO: Tukuyin ang nagwika sa sumusunod na pahayag.


_______1. “Paparusahan ng pitong ibayo ang sinumang papatay sa iyo.”
_______2. “Ngayong pinapalayas mo ako sa lupaing ito upang malayo sa iyong paningin, at
maglagalag sa daigdig, papatayin ako ng sinumang makakakita sa akin.”
_______3. “Cain, ano itong ginawa mo? Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid,
at humihingi ng katarungan.”
_______4. “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa tulong ng Panginoon .”
_______5. “Anong ikinagagalit mo, Cain? Bakit ganyan ang mukha mo? Kung mabuti ang ginawa
mo,dapat kang magsaya. Kung masama naman, ang kasalana'y tulad ng mabangis na hayop na
laging nag-aabang upang lapain ka.”

Oinbag
FILIPINO 7
SUMMATIVE TEST 5

PANGALAN : _________________________________________PETSA: ____________ MARKA: __________

BAITANG AT SEKSIYON : ______________________________ GURO : Gng. Angeline J. Abunda

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng


Damdamin (F7PT-IVcd-20)

PANUTO: Bigyang kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin na nakasulungguhit sa bawat
pangungusap.. Bilugan ang tamang sagot sa loob ng kahon

1. Ang puso ni Don Juan ay punumpuno ng tinik ng siphayo dahil sa muling pagtataksil ng dalwa
niyang kapatid. ( pag-alala, pagkabigo, pag-asa, pag-ibig)
2. Ang buhay sa Armenya ay payapa at malayo sa numang ligamgam sa puso at isip.
(inggit, kalungkutan, sama ng loob, kaligayahan)
3. Nanamlay si Don Pedro sa pagnanais na siya ang lumusong sa ilalim ng balon.
(takot na takot, walang malay, walang sigla, puno ng ligaya)
4. Pinaglaban ni Don Juan ang sindak na nararamdaman habang nasa dilim.
(kaba , galit , takot, saya)
5. Labis na kasabikan ang namayani kay Don Juan na Makita ang loob ng balon.
(matinding pagkagusto, matinding pagkatakot , matinding pag-alala

Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng akda (F7PN-IVab-18)

PANUTO; Tukuyin ang mahahalagang detalye ng mga bahagi ng akdang narining o nabasa. Bilugan
ang ng tamang sagot na nasa loob ng kahon.

1. Ang tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Dony Valeriana.


( Albanya , Berbanya, Armenya)
2. Ang punong tirahan ng mahiwagang Ibong Adarna
(Piedras PLatas, Piedro de Oro, Piedras Blanca)
3. Ang nangyayari sa taong napatakan ng dumi ng mahiwagang ibon.
(namamatay , nakakatulog , nagiging bato)
4. Ang sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.
(kanser , ketong, hika, ulcer
5. Ang bagay na hinhihingi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian.
(salapi o yaman, bendisyon , pagkain at tubig)
6. Ang bagay na ibinigay ni Don Juan sa matandang nasalubong.
(tubig, kanin, tinapay, ulam)
7. Ang bilang ng taon simula umalis at hindi na nakabalik ang mga kapatid ni Don Juan.
(isang taon, dalawang taon, tatlong taon, limang taon)
8. Ang mensaheng taglay ng pagharap ng magkakapatid sa panagnib para sa ama.
( wagas ang kanilang pagmamahal sa magulang, paghahangad sa kayamanan, kahihiyan ng pamilya)
9. Ang mensaheng taglay ng pananalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran.
( mahina at takot, malakas subalit nanghihina, nais na magabayan sa misyon)
10. Ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda
(likas na mabuti, naghihintay ng kapalit, wala ng kailangan si Don Juan)
11. Ang nakita ng tatlong magkaptid na may batong marmol at makinis na may lumot sa paligid na may
gintong nakaukit. ( banga, balon, balde)
12. Ang tanging prinsipeng lumusong sa balon na walang takot at buong tapang.
(Don Diego , Don Juan , Don Pedro, Haring Fernando)
13. Ang nagpagaling sa amang hari ng tatlong prinsipe.
(Awit ng bakunawa, Awit ng Ibong Adrna, Awit ng Sirena, Awit ng Maya)
14. Ang unang babaeng nagpatibon ng puso ni Don Juan.
(Donya Leonora, Donya Juana, Donya Victorina)
15. Ang mabangis na hayop na nilabanan ni Don Juan sa loob ng balon.
(Agila , serpyente , dragon, leon)

You might also like