You are on page 1of 3

NOTRE DAME OF ABUYOG

Abuyog, Leyte
S.Y. 2023-2024

DAILY LEARNING PLAN SA FILIPINO 7

Quarter: 1st
Topic: Epiko Date: September 14, 2023
Activity Title: Tulalang Activity No.: 1.9
Learning Competency:
1. Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng
kanilang pananalita F7PN-Id-e-3
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda
F7PT-Id-e-3

Learning Target:
1. Nasasagot ang mga tanong sa binasang epiko
2. Nakikilala kung tama o manila ang pahayag.
3. Nabibigay ang kahulugan ng salita sa loob ng pangungusap.
4. Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng kanilang
pananalita.
5. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda

Reference/s: https://www.scribd.com/document/452278816/1-3-EPIKO

I. Preliminaries:
1. Greetings
2. Prayer
3. Checking of Attendance

II. Lesson Proper


1. Elicit
Ang mga kabataan ay tutukuyin ang salita o mga salita sa loob ng mga
pangungusap na kasingkahulugan ng salitang nasa loo ng kahon.

napabantog 1. Ang kasanayan at kapangyarihan ni Tulalang ay


natanyag hanggang sa malalayong lugar.
hinalinhan 2. Si Tulalang ay pinalitan ng dalawang kapatid nang
siya ay mapagod sa pakikipaglaban.
mahangin 3. Ang mayabang na heneral ay napahamak sa ginawa
niya.
naghinala 4. Nagsuspetsa ang hari ng Bagyong hinggil sa tunay na
pagkatao ng kanyang bagong alipin.
pagbabalatkayo 5. Ang pagkukuinwari ni Tulalang bilang alipin ay
natuklasan ng hari ng Bagyo.

2. Engage
Ang guro ay tatawag ng mag-aaral na sasagot sa tanong na makikita sa
ibaba.

Kung ikaw ay isang lider, paano mo malalamang nagagampanan


mo nang maayos ang iyong tungkulin lalo na sa mga taong iyong
pinaglilingkuran?
3. Explore
Ang guro kasama ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang Epiko ng
mga Manobo na pinamagatang “Tulalang” at sasagutan ang mga tanong na
makikita sa ibaba.

1. Sa iyong palagay, epektibo pa rin ba hanggang sa


kasalukuyang panahon ang paraan nilang ginagamit upang
lalong umunlad ang kanilang buhay? Ipaliwanag.
2. Kung ikaw ay isa kina Tulalang at Agio, ano ang gagawin mo
sa oras na matuklasang kamag-anak mo pala ang iyong
mahigpit na kaaway?
3. Paano mo maisasabuhay ang mga aral na hatid ng epiko?

4. Explain
Ang guro kasama ang mga mag-aaral ay tatalakayin ang mga sumusunod
na paksa:

Epiko
Mga epikong kilala sa bawat rehiyon.
Simbolo

5. Elaborate

Konsepto:
Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na
matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko.

Ang "etniko" ay isang salitang may kinalaman sa mga pangkat ng


tao na may magkakatulad na kultura, wika, relihiyon, at mga tradisyon. Ang
mga etniko ay kadalasang nabibilang sa isang partikular na rehiyon o lugar at
maaaring magkaroon ng sariling identidad at pag-unlad.

6. Evaluate
Gawain :1
Panuto: Kilalanin kung ano ang katangian ng tauhan batay sa kanyang
sinabi sa akda.

1. “Huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ni Allah at


hindi ko kayo pababayaang magutom.” (Tulalang)
2. “Simula sa araw na ito ay huwag na kayong mag-aalala sa
inyong pagkain. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom.
Anumang bagay ang iyong gugustuhin ay mapapasainyo.”
(mahiwagang matanda.”
3. “Tulalang, nais naming manirahan sa iyong kaharian. Handa
kaming magpasakop sa iyong kapangyarihan. (mga tao)
4. “Tulalang hinahamon kita! Kung hindi ka makikipaglaban sa
akin ay sasakupin ko ang buo mong kaharian.” (Heneral Agio)
5. “Tulalang, papaya akong magpakasal sa iyo upang magkaroon
ng bagong hari sa aming kaharian.” (Macaranga)

Gawain :2
Panuto: Ipaliwanag ang mga kahulugan ng mga simbolong makikita sa
pangungusap.

1. Nagpagpasiyahan ng magkapatid na manirahan sa torogan o


palasyo.
2. Araw at gabi ay walang tigil sa pagtugtog ng musika ang mga
alipin sa kaharian.
3. Siya ay hiyas sa kanilang pamilya.
4. Pagdating sa kaharian ay nabalitaan niyang sinalakay ng hari
ng bagyo ang kanilang kaharian.

III. Closure
1. Collecting the papers
2. Prayer
Prepared by

WILLIAM C. MORALES
Guro

Checked by___________________________________ Date: __________________

You might also like