You are on page 1of 7

BAGONG SILANG

Paaralan Grade Signature /


ELEM.SCHOOL 4TH V Checked By:
(School) Level Date
LESSON GUIDE AVE.
S.Y.: 2022-2023 DR. GIRLIE B.
Guro SHEILA ELLAINE T. Learning FILIPIN
VILLARBA
(Teacher) PAGLICAWAN Area O
3
March 12, 2024 Quarter
Petsa/ V-HONESTY 6:20-7:10
Oras V-COURTEOUS- 7:10- DR. ARCADIA G.
(Teaching 8:00 PEDREGOSA
V-TRUSTWORTHY WEEK 5
Date & Principal
9:40-10:30
Time) V-HUMILITY 11:10-
12:00

A. Pamantayang Naipamamalas ang pagpapahalaga at ksanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at


Pangnilalaman pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
B. Pamantayan sa Napahahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan,
Pagaganap paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento
C. Mga Kasanayan sa Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap F5WG-IIIi-j-8
Pagkatuto (Isulat ang
code ng bawat 1. Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap.
kasanayan) 2. Naisusulat nang wasto ang mga halimbawa ng pangungusap na may simuno
at apanaguri.
3. Naibibigay ang kahalagahan ng paksa ng isang pangungusap.

I. NILALAMAN
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian FILIPINO SLM Q3 WEEK 6
B. Mga pahina sa Gabay ng - MELC Filipino G5 Q3, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide
Guro - K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Budgestof Work

C. Mga pahina sa Modyul sa Filipino 5 W6 Q3


Kagamitang Pang-Mag-
aaral
D. Mga pahina sa Teksbuk Filipino Q3 WEEK 6

E. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng LAS FILIPINO
Learning Resource

F. Iba pang Kagamitang Powerpoint, pictures, TV, module at worksheets, chart


Panturo
II. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Ano ang kahalagahan ng pamagat sa isang teksto o kwento?
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Naranasan nyo na din bang manakawan ng isang bagay? Anong ginawa ninyo ng
aralin kayo ay manakawan? Ano ang dapat nating gawin upang maiwasan ito?
C. Pag-uugnay ng mga Ngayon ay may babasahin tayong kwento na pinamagatang “Ang Mga Magnanakaw”
halimbawa sa bagong
aralin

D. Pagtatalakay ng bagong Pagbasa ng kwento


konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1 "Ang mga Magnanakaw"

May isang pulubing nakapasok sa kaharian. Dahil siya ay gutom na


gutom na, napilitan siyang nakawin ang pagkain sa may kusina ng
palasyo. Sa malas ay nahuli siya at dinala sa hari. Siya ay hinatulang
mapugutan ng ulo.
Bago pugutan ng ulo ang pupubi ay may iniabot siya sa hari na isang
mahiwagang buto. Sinabi niyang ang mga buton ito ay tumutubo at
nammnga kaagad sa loob ng isang araw kung ang magtatanim ay
isang taong kahitl kalian ay hindi kumuha ng bagay na hindi niya
pag-aari. Ibinigay niya ang buto sa kaninyang ministro upang itanim.
Malaki ang tiwala ng hari sa ministro dahil kahit kalian ay hindi nito
nianakaw ang gintong nasa korona ng kaniyang ama noong siya ay
prinsipe pa lamang. Tumanggi ang ministro at inamin niyang minsan
na niyang kinuha ang espada ng kaniyang kaibigan nang walang
paalam. Ipinasa niya ito sa ingat-yaman ng palasyo ngunit tumanggi
rin ito. Inamin niyang minsan ay kinupitan na niya ang pondo ng
kaharian, Sa kabila ng mga pagtatapat na ito ay pinatawad sila ng
hari. Naiyak ang puluvi at tinanong ang hari."Bakit hindi sila
parurusahan kahit na malaking bagay ang kaninlang mga kinuha?
Pagkain lang naman ang aking ninakaw, ngunit pupugutan kaagad
ako ng ulo?" Hindi nakakibo ang hari at hindi na rin nito itinuloy ang
pagpugot sa ulo ng pulubi.

Sagutin natin ang mga tanong.


Ano ang parusang ibinigay sa pulubi?
Makatwiran ba ang parusang ibinigay sa kanya? Pangatwiranan.
Tama ba na magnakaw kung tayo ay nagugutom? Bakit?

Basahin natin ang mga pangungusap na galing sa kuwentong napakinggan.


1.Ang pulubi ay hinatulang mapugutan ng ulo.
2. Ang mahiwagang buto ay ibinigay sa ministro ng hari.
3. Pinatawad ng hari ang pulubi.
E. Pagtatalakay ng bagong Ang mga pangungusap na inyong binasa ay binubuo ng dalawang bahagi - ang
konsepto at paglalahad simuno at panaguri.
ng bagong kasanayan #2
Sa unang pangungusap, sino/ano ang pinag-uusapan?
(Salungguhitan ang pulubi.)
Sa ikalawang pangungusap, sino/ano ang pinag-uusapan?
(Salungguhitan ang mahiwagang buto.)
Sa ikatlong pangungusap, sino/ano ang pinag-uusapan?
(Salungguhitan ang pulubi.)
Ang mga salitang inyong sinalungguhitan ay ang simuno.

Ano ang simuno?


Ang simuno ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. Karaniwang
pangngalan o panghalip ang mga simuno.

Ano ang nagsasabi o naglalarawan tungkol sa simuno ng bawat pangungusap?


(Bilugan ang mga salitang hinatulan, ibinigay at pinatawad.)
Batay naman sa mga salitang binilugan, ano naman ang panaguri?

Ang panaguri ang nagsasabi o naglalarawan tungkol sa simuno. Ang panaguri


ay karaniwang pandiwa. Ngunit maaari ding maging panaguri ang pang-uri at
pang-abay.
F. Paglinang sa Kabihasan PANGKATANG GAWAIN:
(Tungo sa Formative
Assessment) Pangkat I- Tukuyin ang simuno at panaguri sa bawat pangungusap. Salungguhitan ang
simuno at ikahon ang panaguri.

1.Ang pulubi ay nagnakaw ng pagkain sa kaharian.


2.Pinagkakatiwalaan ng hari ang kanyang ministro.
3. Ang korona ng hari ay gawa sa ginto.
4. Ang mga magnanakaw ay dapat parusahan.
5. Pupugutan ng ulo ang sinumang nagkasala sa hari.

Pangkat II- Basahin ang bawat pangungusap. Ilagay sa unang hanay ang simuno sa
pangungusap at sa ikalawang hanay ang panaguri
1. Si Ate Mae ay nagluluto ng masarap na hapunan.
2. Si Kassie ay mahilig kumanta at sumayaw.
3. Ang mga tanim na gulay ay maraming bunga.
4. Ang klima sa Pilipinas ay tropical.
5. Hugasan mo ang iyong mga kamay.

SIMUNO PANAGURI

Pangkat III-Magbigay ng limang halimbawa ng pangungusap. Salungguhitan ang simuno at


ikahon ang panaguri.

Pangkat IV-Isulat sa patlang ang salitang simuno kung ang may salungguhit ay tumutukoy sa
simuno o paksa sa pangungusap at isulat ang panaguri kung ito ay tumutukoy sa panaguri ng
pangungusap.

_______1. Si Ginoong Malvar ang Nahalal bilang pangulo ng Samahan.


_______2. Iligpit natin ang mga nakakalat na laruan sa sahig ng sala.
______ 3. Napansin ng guro ang mabubuting asal na ipinakita ng mga mag-aaral.
_______4. Sila ay tumulong sa paglikas ng mga residente mula sa mapanganib na lugar.
_______5. Si Ana ay isang magalang at mabait na bata.

G. Paglalapat ng aralin sa Bakit mahalagang malaman natin ang paksa ng anumang pinag-uusapan?
pang-araw-araw na
buhay
H. Paglalahat ng Arallin Ano simuno at panaguri?
I. Pagtataya ng Aralin Tukuyi ang simuno at panaguri sa bawat pangungusap.Salungguhitan ang simuno at
bilugan naman ang panaguri na ginamit sa pangungusap.
1.Si Dr. Jose Rizal ay magaling na manunulat.
2.Nakipaglaban ang ating mga bayani sa mga dayuhang sumakop sa bansa.
3.Ang mga Pilipino ay nagbuwis ng buhay upang makamit ang kalayaan.
4.Igalang natin ang watawat na sumisimbolo ng ating kalayaan.
5.Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Kilusang Katipunan.
J. Karagdagang gawain Magbigay ng limang halimbawa ng mga pangungusap. Salungguhitan ang simuno at bilugan
para sa takdang-aralin at ang panaguri.
remediation

III. Mga Tala

IV. Pagninilay Re Re-teach Transfer of lesson to the following day


Lack of Time No class Achieved/Proceed
A.Bilang ng mag-aaral na Formative Test Result (FTR)
nakakuha ng 80% sa pagtataya GR. & Sec. No. Of Number of Percentage Remarks
Present Pupils with
passing score
V-HUMILITY
V-TRUSTWORTHY
V-COURTEOUS
V-HONESTY
B. Alin sa mga estratehiyang Strategies used that work well:
pagtuturo ang nakatulong ng lubos? ___Metacognitive Development: Examples: Self assessments, note taking and studying
Paano ito nakatulong? techniques, and vocabulary assignments.
___Bridging: Examples: Think-pair-share, quick-writes, and anticipatory charts.
___Schema-Building: Examples: Compare and contrast, jigsaw learning, peer teaching, and
projects.
___Contextualization:
Examples: Demonstrations, media, manipulatives, repetition, and local opportunities.
___Text Representation:
Examples: Student created drawings, videos, and games.
___Modeling: Examples: Speaking slowly and clearly, modeling the language you want
students to use, and providing samples of student work.

Prepared by: Checked by: Noted:

SHEILA ELLAINE T. PAGLICAWAN GIRLIE B. VILLARBA, Ed.D ARCADIA G.


PEDREGOSA, Ed.D
Teacher I Master Teacher I Principal

Inspected by:

______________________________________________

Pangkat I- Tukuyin ang simuno at panaguri sa bawat


pangungusap. Salungguhitan ang simuno at ikahon ang panaguri.

1.Ang pulubi ay nagnakaw ng pagkain sa kaharian.


2.Pinagkakatiwalaan ng hari ang kanyang ministro.
3. Ang korona ng hari ay gawa sa ginto.
4. Ang mga magnanakaw ay dapat parusahan.
5. Pupugutan ng ulo ang sinumang nagkasala sa hari.
Pangkat II- Basahin ang bawat pangungusap. Ilagay sa unang
hanay ang simuno sa pangungusap at sa ikalawang hanay ang
panaguri

1. Si Ate Mae ay nagluluto ng masarap na hapunan.


2. Si Kassie ay mahilig kumanta at sumayaw.
3. Ang mga tanim na gulay ay maraming bunga.
4. Ang klima sa Pilipinas ay tropical.
5. Hugasan mo ang iyong mga kamay.

SIMUNO PANAGURI
Pangkat III-

Magbigay ng limang halimbawa ng


pangungusap. Salungguhitan ang simuno at
ikahon ang panaguri.
Pangkat IV-Isulat sa patlang ang salitang simuno kung ang may
salungguhit ay tumutukoy sa simuno o paksa sa pangungusap at
isulat ang panaguri kung ito ay tumutukoy sa panaguri ng
pangungusap.

_______1. Si Ginoong Malvar ang Nahalal bilang pangulo ng


Samahan.
_______2. Iligpit natin ang mga nakakalat na laruan sa sahig ng
sala.
______ 3. Napansin ng guro ang mabubuting asal na ipinakita ng
mga mag-aaral.
_______4. Sila ay tumulong sa paglikas ng mga residente mula
sa mapanganib na lugar.
_______5. Si Ana ay isang magalang at mabait na bata.

You might also like