You are on page 1of 7

Daily Lesson Log SCHOOL: LAMESA ES Grade: THREE

TEACHER: Learning
MARLANE P. RODELAS FILIPINO
Areas:
DATE: November 15, 2023 Quarter: II

Bilang ng Linggo (Week No.) WEEK 2


I.LAYUNIN (Objectives)
A.Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang
( Content Standards) talasalitaan.
B.Pamantayan sa Pagganap Pag-unawa sa Binasa
(Performance Standards)
C. MgaKasanayan sa Pagkatuto Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
(Learning Competencies) magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita, pagbubuo ng mga
bagong salita mula sa salitang-ugat, at paghanap ng maiikling salita sa
loob ng isang mahabang salita
F3PT-Ij-2.3 F3PT-IIh-2.3 F3PT-IIId-h-2.1 F3PT-IIId-h-2.1 F3PT-
IVaf-2.2

Subtask: Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit


ng magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita
II.NILALAMAN (Content) Pagpapayaman ng talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na salita.
III. KAGAMITANG PANTURO
(Learning Resources)
A.Sanggunian (References) CG p. 52
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 134 – 136
(Teacher’s Guide Pages)
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-
aaral (Learner’s Materials Pages)
3.Mga pahina sa Teksbuk
(Textbook Pages)
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource (Additional
Materials from Learning Resources (LR)
Portal)
B.Iba pang Kagamitang Panturo (Other Tsart, PPT, TV
Learning Resources)
IV.PAMAMARAAN (Procedures)
A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Basahin ang maikling teksto. Punan ang hinihingi sa ibaba.
pagsisimula ng aralin (Review Previous
Lessons Go Foods. Ito ang mga pagkaing nagbibigay ng lakas, init at sigla.
Masagana ang mga pagkaing ito.
Grow Foods. Ito ay mga pagkaing tumutulong sa paglaki ng
katawan. Ang mga pagkain sa pangkat na ito ay mayaman sa protina
na siyang tumutulong sa paghubog ng katawan, paglaki ng mga
kalamnan at gayundin sa paglakas ng buto.
Glow Foods. Ito ay ang mga pagkaing pananggalang sa sakit at
impeksiyon. Ang mga halimbawa ng mga pagkaing itoay ang lahat ng
uring mga gulay at prutas.

K W L

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpakita ng larawan ng kalabaw at kabayo. Hikayatin ang mga bata na
(Establishing purpose for the Lesson) ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang hayop?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ngayong araw pag-aaralan natin ang pagpapayaman ng talasalitaan sa
bagong aralin (Presenting examples pamamagitan ng pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga
/instances of the new lessons) salita.

Basahin ang pabula na may pamagat na ”Ang pabula ng Kabayo at


kalabaw”. Habang binabasa ko ang kuwento maaari ninyong itala sa
inyong mga papel ang mga sali.

Tanong:
1. Ano ang pinagsisisihan ng kabayo sa kuwento?
2. Anong aral ang inyong napulot sa kuwento?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Tanong: Ano – anong mga salita sa kuwento ang hindi ninyo lubos na
paglalahad ng bagong kasanayan #1 nauunawaan? Itala sa pisara ang sagot ng mga bata
(Discussing new concepts and practicing
new skills #1. Halimbawa:
Salitang hindi Salitang Salitang kasalungat
maunawaan Kasingkahulugan

Iinataw

pumanaw

inilulan

xE. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Sabihin: Gagamitin ko sa pangungusap ang mga salita. Ibigay ninyo ang
paglalahad ng bagong kasanayan #2 kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang ito. 1. Ipinataw kay Rona
(Discussing new concepts & practicing ang tungkulin na alagaan ang kanyang mga kapatid. 2. Malubha ang
new slills #2) naging sakit ni Tita, kaya maaga siyang pumanaw. 3. Inilulan ni Mark sa
truck ang kanilang mga gamit nang sila ay maglipat baha

Sabihin: Magkasingkahulugan ang tawag sa pares ng mga salitang may


magkaparehong kahulugan o ibig sabihin. Halimbawa: magaling –
mahusay Asul - bughaw Magkasalungat naman ang mga pares ng
salitang may magkasalungat o kabaliktaran ang kahulugan. Halimbawa:
makitid – malapad mabilis – matulin

Pangkatang Gawain:
Pangkat Asul: Basahin ang tula at piliin sa kahon ang kasalungat at
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Bayang Minamahal
(Bagong Pilipino Wika p. 87-88)

Pinagpalang pook na likha ng Maykapal,


Perlas ng Silangan kung ika’y tawagin,
Dahil sa likas na gandang iyong angkin
Sa dagat, sa bundok, at mga bukirin,
Pagkaganda-ganda ng mga tanawin
Ang sakahang lupa’y mayaman, malawak,
Saanmang dako’y sagana ang lahat;
Sa perlas at isda’y mayaman ang dagat,
Sa kahoy at mina’y sagana ang gubat.
Maraming dayuhang sa iyo’y nahahalina,
Pinilit na kunin ang yaman mo’t ganda;
Dumanak ang dugo’t ipinaglaban ka,
Ng mga bayaning dakila talaga.
Kahit na maliit, bantog na lupain,
Kultura’y mayaman, maunlad ang sining;
Maharlikang pook na maituturing,
At bansang may layang ngayo’y inaangkin.
Mutya ng Pilipinas, bansang minamahal,
Kapuri-puri ka’t dapat ikarangal;
Nakahanda kaming laya mo’y bantayan,
Paunlaring lalo, kayamanang taglay.

Panuto: Ibigay ang kasalungat at kasingkahulugan ng mga salitang may


salungguhit.
1.Si Lucy ay isang kaakit-akit na dalaga kaya maraming nabibighani sa
kanya.
2.Sa isang maluwag na bakuran gaganapin ang kaarawan ni Rica.
3. Maralita ang pamilya nila Cora ngunit maligaya sila.
4. Mapagkumbaba ang aking kapatid kaya marami siyang kaibigan.
5. Ang batang masinop ay may magandang kinabukasan.
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Iguhit ang masayang mukha kung ang pares ng salita ay
Formative Assesment 3) magkasingkahulugan at malungkot na mukha kung magkasalungat.
Developing Mastery (Leads to Formative 1. malinis - dalisay
Assesment 3) 2. magaspang – makinis
3. matulis – mapurol
4. mataas - matayog
5. sagana - salat
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- Laro: Batohan Tayo
araw na buhay (Finding Practical
Applications of concepts and skills in Panuto: Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang unang pangkat ay
daily living) magbibigay ng isang salita at hahamunin nila ang kabilang pangkat na
ibigay ang kasalungat nito.Kapag nasagot ng kabilang pangkat sila
naman ang magbibigay ng salita at hahamunin nila ang unang pangkat
na ibigay ang kasingkahulugan ng salita.Ulitin ang proseso sa loob ng 4
na minuto.Ang pangkat na may pinakamaraming nasagot ang panalo.
H.Paglalahat ng Aralin Ano ang dapat nating tandaan sa pagpapalawak ng talasalitaan?
( Generalization)  Upang mapalawak ang talasalitaan, magkaroon ng wastong kaalaman
sa paggamit ng kasingkahulugan o kasalungat ng mga salita.
 Magkasingkahulugan ang pares ng mga salitang may magkatulad o
magkaparehong kahulugan.
 Magkasalungat naman ang mga salitang may magkabaliktaran
kahulugan.
I.Pagtataya ng Aralin (Evaluating Ibigay ang kasalungat at kasingkahulugan ng salitang may salungguhit
Learning) sa pangungusap.
1. Si Marco ay isang batang masigasig mag-aral, kaya naman palagi
siyang nakakakuha ng mataas na marka.
2. Mahinahong kinausap ni Mang Ruben ang taong kumuha ng kanyang
gamit.
3. Galit na galit ni Mang Cardo sa alaga niyang kabayo dahil makupad
itong maglakad.
4. Nakakaawa ang mga batang gusgusing namamalimos sa kalye.
5. Ang pamilya Rojas ay kilalang may kaya sa bayan ng Bato.
J. Karagdagang gawain para satakdang- Panuto: Lagyan ng √ ang patlang kung ang pares ng salita ay
aralin at remediation (Additional magkasingkahulugan at x kung magkasalungat.
activities for application or remediation) ___________ 1. magulo – malikot
___________ 2. matayog – mataas
___________ 3. dukha - mayaman
___________ 4. tuwid - diretso
___________ 5. Maalinsangan - malamig
V.MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)

A.Bilangng mag-aaralnanakakuhang 80%


sapagtataya (No.of learners who earned 80%
in the evaluation)
B. Blgng mag-aaralnanangangailanganngiba
pang gawain para sa remediation (No.of
learners who requires additional acts.for
remediation who scored below 80%)
C. Nakatulongbaang remedial? Bilangng
mag-aaralnanakaunawasaaralin? (Did the
remedial lessons work? No.of learners who
caught up with the lessons)
D. Bilangngmga mag-aaralnamagpatuloysa
remediation? (No.of learners who continue
to require remediation)
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
H. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like