You are on page 1of 5

Paaralan Rapu- Rapu Community Antas ng Grado Filipino 4

College
Guro Joshua B. Borral Learning Area
Oras at Petsa ng Pagtuturo December 8, 2023 Unang Markahan 1

I- LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasalaysay muli ang binasang kuwento.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit nang wasto ang pang-uri
-paghahambing
-pasukdol
Paglalarawan ng tao, lugar, bagay, pangyayari sa sarili, ibang tao
katulong sa pamayanan (F4WG-lla-c-4)
II- NILALAMAN ● Paggamit nang wasto ng pang-uri sa paglalarawan ng tao,
lugar, bagay, at pangyayari, sa sarili, ibang tao katulong sa
pamayanan
-paghahambing
-pasukdol

III- MGA KAGAMITANG


PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mag Aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Yaman ng Lahi TG pp. 113-114; Yaman ng Lahi LM pp. 50-55
Hiyas sa Wika 4 pp. 1160-121
Suhay Wika at Pagbasa 5 pp. 149-152 Pagpapaunlad sa
Kasanayan sa Pagbasa 5 p.181
4. Karagdagang Kagamitan Mula LR portal: Antas ng Pang-uri
sa LR Portal Wikipedia- Kaantasan ng pang-uri
5. Iba Pang Kagamitang Panturo Manila paper, pentel pen, envelop, card ng mga Gawain.

PAMAMARAAN Gawain ng Guro

A.Balik- Aral sa nakaraang Aralin at/ o -Magandang umaga mga bata!


pagsisimula ng bagong aralin

MAGLARO TAYO: PINOY HENYO

Hulaan kung sinong tao o anong mga lugar, bagay ang ilalarawan
ng kaparehang manlalaro base sa kategoryang nabunot.

1. kategorya Lugar - Baguio City


2. kategorya Tao - Manny Pacquiao
3. kategorya Bagay -Krayola
4. Pangyayari - Pasko

B.Paghahabi ng Layunin Sa araling ito, matatalakay ang wastong paggamit ng pang-uri sa


paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari, sa sarili, ibang
tao katulong sa pamayanan. Ang tuon ng pang-uri ay paghahambing
at pasukdol

C.Pag- uugnay ng mga halimbawa sa Kumuha ng dalawang mag-aaral. Ipalarawan ang bawat isa.
bagong aralin Paghambingin ang katangian ng dalawa. Ihambing sa lahat.

D.Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pag-aralan ang mga salitang nakahighlight at naka itim na salita
paglalahad ng bagong kasanayan #1.
a. Fruit salad ang pinakapaborito kung kainin sa tuwing may pista.

b. Magkasingsaya ang pasko at ang Bagong taon. Ubod ng dami ang mga
tao sa simbahan.

c. Pinakamakulay ang mga bandiritas na nakasabit sa mga puno sa tuwing


may pista.

d. Mas mahaba ang prusisyon noon kaysa ngayon.

e. Ang mga majorette ay talagang napakagaling sumayaw at magpaikot ng


baton habang tumutugtog ang banda.

* Itanong
- Ano-anong salita ang nakakahon? May nagawang paghahambing ba?

Magkasingsaya, mas mahaba- may paghahambing sa dalawa

- Ipaliwanag ang pang-uring pahambing

- Ano-anong salita ang nakasalungguhit? May pahambing


ba?

Pinakapaborito, ubod ng dami, napakagaling- may


Pahambing subalit naghahambing ng higit sa
dalawa o pangkalahatan.
Ipaliwanag ang pang-uring Pasukdol

Sipat Konsepto:

Pang-uri - salitang naglalarawan sa tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari o


tinatawag nating Pangngalan.

Pahambing- nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan


o panghalip. Ginagamitan ito ng mga salita/katagang mas, higit, magkasin
o magkasing

Pasukdol- ang pasukdol ay katangiang namumukod o nangingibabaw sa


lahat ng pinaghahambingan. Gianagamitan ito ng mga panlaping pinaka,
napaka, na iniuunlapi sa salitang ugat. Maari ring gamitin ang mga salitang
ubod ng, saksakan ng, at nuno ng na isinasama sa salitang-ugat.

E.Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2. * Pangkatin ang klase sa apat

* Ibigay ang envelop na naglalaman ng kanilang Gawain.

* Hayaang pumili ang bawat pangkat ng lider, tagasulat at taga-


ulat.

* Subaybayan sila habang gumagawa.


Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa pangungusap.

1. Mas mataas
2. Magkasingganda
3. Napakasarap
4. Pinakamalayo
5. Ubod ng kinis

F.Paglinang ng kabihasnan ( tungo sa Gamitan nang angkop na pang-uri ang sumusunod na patlang upang
Formative Assessment) mabuo ang diwa ng pangungusap.

Nakatutuwa pero nagulat ako isang araw nang makita ko ang aking sarili
sa salamin.___________na pala ako.________ na aking braso. At alam
mob a,_________pa ako sa aking kapatid. Minsan nga nakasabay ko ang
mga kamag-aral at alam mob a ako ang._________ sa lahat.
Siyempre_______ako biruin mo ba naman ang batang
dating_________heto at_________.
_________na sa kanila.
G.Paglalapat ng Aralin sa pang araw- - Dapat bang ihambing ang ating sariling sa iba?
araw na buhay.
H.Paglalahat ng Aralin • Ano ang pagkakaiba ng pang-uring Pahambing sa pang-uring pasukdol?

I.Pagtataya ng Aralin -Gamitin ang angkop na pang-uri na bubuo sa pangungusap. Piliin


ang ttik ng tamang sagot.

1._________ang alaga kong aso at ni kuya.


A. Di gaanong mataba.
B. Magsintaba
C. Pinakamataba
2. Ang kaibigan ko ang_________sa baitang 4
A. pinakamatalino
B. mas matalino
c. Di gaanong matalino
3.__________magluto si nanay kaysa kay tatay
A. Mas masarap
B. Pinkamasarap
c. Masarap
4._________sa pagguhit si Cristine kaysa kay Dancine
A. Mas mahusay
B. Pinakamusay
C. Mahusay
5. Sa lahat ng gurong dumalo sa programa, ang may________na
damit ay kay Gng. Criselda T. Taduran.
A. matingkad
B. mas matingkad
C. pinakamatingkad

J.Takdang Aralin\ karagdagang Gawain. -Maglista/magdala ng mga halimbawa ng halamang gamut na


matatagpuan sainyong bahay

V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag- aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paanoito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan sa solusyonan sa tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking na dibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

You might also like