You are on page 1of 3

School CORAZON C.

AQUINO HIGH SCHOOL Grade Level 7


DAILY LESSON PLAN Teacher ROLAN D. GALAMAY Learning Area FILIPINO
Teaching Dates and Time BERNA – M, T, W, F Quarter Unang Markahan
ROLAN – M, W, Th, F BELLE – M, T, W, F

PETSA: HUNYO 26, 2019


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo
C. Kasanayang Pampagkatuto F7PN-Ic-d-2 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan
F7PB-Ic-d-2 Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda
II. NILALAMAN Pagbabago ng kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginamit na panlapi
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro 140
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral -
3. Mga Pahina sa Teksbuk -
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource -
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin. Bigyan ng panlapi ang mga sumusunod na salita at ibigay ag kahulugan nito.
1. sipag
2. lakas
3. tampisaw
4. kain
5. inom
B. Paghahabi sa layunin ng aralin PAG-AALIS NG SAGABAL
Nakikilala ang kasingkahulugan ng salita mula sa iba pang salita sa pangungusap. Tukuyin ang kasingkahulugan ng
salitang nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa panguungusap.
1. Isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na sanga kaya’thindi ito nakita ni Pilandok dahil sa malalagong
dahong tumatakip dito.
2. “Ang matikas na baboy-ramong tulad mo ay nababagay lamang kumain ng isang matipunong tao,” ang pambobola
ni Pilandok sa baboy-ramo.
3. Sinagpang ng buwaya ang kaniyang paa subalit hindi siya nagpahalatang nasaktan kahit pa sinunggaban siya nito.
4.Mabuti na lang a nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman nakatalon ang mabigat at malaking buwaya.
5. Ipanagbunyi ng mga hayop ang pagkapanalo ng isang munting hayoop laban kay Pilandok subalit lalo nilang
ipinagdiwang ang narinig na pagbabago ni Pilandok.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Itanong
Kung ikaw ay may kakilalang mapanlinang o manloloko, paano ka makaiiwas maging biktima niya?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1 Pagtatalakay sa pabula na pinamagatan na “Natalo Rin Si Pilandok”.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2 Talakayin ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit sinasabing matalino si Pilandok? Sa iyong palagay, pagiging matalino nga ba o pagiging mapanlinlang ang
higit na angkop na paglalarawan sa kaniya? Patunayan sa pamamagitan ng mga ginawa niya sa binasang pabula.
2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong palagay, nararapat nga kaya ang ginawa niyang
panlilinlang sa baboy-ramo? Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para makaligtas kang maging hapunan ng
baboy-ramo subalit hindi mo naman ito kailangang ipahamak.
3. Bakit kaya galit na galit ang buwaya kay Pilandok? At bakit naman galit din si Pilandok sa buwaya? Sa paanong
paraan naisahan ni Pilandok ang buwaya?
F. Paglinang sa Kabihasaan Paghihinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.
Pahina 35-36
Pluma 7
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay ITANONG
Bakit sinasabing “kung ano ang itinanim mo ay babalik din sa iyo?” Ano-anong patunay ang maibibigay mo sa
katotohanan ng kasabihang ito?
H. Paglalahat ng Aralin ITANONG
Kung ikaw ang tulad ni Pilandok na nanlilinlang o nanloloko rin ng iyong kapwa, ano ang napagnilayan mo matapos
mong mabasa ang pabula?
I. Pagtataya ng Aralin Pagtukoy at pagpapaliwanag sa mahahalagang kaisipan mula sa binasang akda.
PLUMA 7
Pahina 36-37
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation.
C. Nakatutulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito


nakatulong?

F. Anong Suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ang


aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa


mga kapwa ko guro?

You might also like