You are on page 1of 6

School Tobgon Elementary Grade V

School Level
DETAILED Teacher Sharmaine A. Subject FILIPINO
LESSON PLAN Roaring
Date & Time 03-11-24 Grading Third
Period
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa ibat-
ibang uri ng teksto at napalalawak ang
talasalitaan
B. Pamantayan sa pagganap Nakabubuo ng isang timeline ng binasang
teksto (kasaysayan), napagsusunod-sunod ang
mga hakbang ng isang binasang proseso, at
nakapagsasaliksik gamit ang card catalog o
OPAC.
C. Mga kasanayan sa pagkatuto  Nasusuri kung ang pahayag ay
opinion o katotohanan ( F5PB-IIIf-
h-19).
 Nagagamit ang wika bilang tugon
sa sariling pangangailangan at
sitwasyon ( F5PL-Oa-j-2).
II. NILALAMAN Pagsusuri kung ang pahagan ay opinion o
katotohanan
III. MGA KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay na guro
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral. ALAB FILIPINO Batayang Aklat 5
3. Mga pahina sa teksbuk
4. Karagdagang kagamitang mula sa Portal Pahina144-149
Learning Resource Visual aid
B. Iba pang kagamitang panturo
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-aral sa nakaraang aralin/o
pagsisimula ng bagong aralin.

Kahapon ay may binasa akong isang liham at kayo ay


inatasan kong isalaysay itong muli sa sarili ninyong
paraan.

Nalaman din natin ang tungkol sa tama at wastong .


paggamit ng mga pang-angkop..
Ano nga ulit ang tatlong uri ng pang-angkop? -Pang angkop na na
-Pang angkop na ng
-Pang angkop na g
Kailan ginagamit ang pang angkop na ng? -Kapag ang huling titik ng naunang salita ay
nagtatapos sa patinig at idinirugtong ito sa
nasabing unang salita.
Kailan naman ginagamit ang pang-angkop na na? -Kapag ang huling titik ng naunang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa katinig na n.
Inihihiwalay ito sa naunang salita
Halimbawa: Maayos na lipunan
Tunay na dakila.
Kailan naman ginagamit ang pang angkop na g? Kapag ang huling titik ng unang salita ay
nagtatapos sa katinig na n. Idinurugtong din
ito sa nasabing unang salita.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Tayong mga Pilipino ay may natatanging kultur ana
dapat nating ipagmalaki at patuloy na linangin.

Bukod sa ipinagmamalaki nating Bulkang mayon,


siling labuyo at produktong abaka,ay may mga
pagkain tayong tatak Bikolano.

Alamin natin ito sa pamamagitan ng larawang aking


ipapakita.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin
Ang akdang

Pagmasdang Mabuti ang mga larawan aking


ipapakita .

Makikilala niyo kaya ang mga ito?

Bulkan Mayon

Abaka

Sili

1. Saan matatagpuan ang Bulkang Mayon? -Sa Albay.


Saang lugar particular? Sa Daraga Albay
2. Anong rehiyon sa bansa ang kilala dahil sa Ang taniman ng abaka sa Pilipinas ay
abaka? matatagpuan sa rehiyon ng Bicol o Region 5.
Sa mga lalawigan ng
Sorsogon,Catanduanes,Albay,Camarines Norte
at Camarines Sur.
Nakakita na ba kayo ng Abaka? (sasagot ang mga bata)
Ang abaka ay isang klase ng sinulid,seda o himaymay
na awa sa saha ng punong saging o ang tinatawag na
Musa Textilis sa wikang latin.
Sa Pilipinas lamang matatagpuan ang klase ng
punong saging na ito na nagbibigay ng ganitong
klase ng produkto . Dito rin gawa ang sikat na papel
sa mundo,na kung ating tawagin at manila paper o
ang Papel de Manila.

3. Sinong pangkat ng tao ang kilala na mahilig Mga Bicolano.


sa siling labuyo?
(sasagot ang mga bata)
4. Ipinagmamalaki mo ba na ikaw ay isang
Bikolano?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Pangkat 1:
Ang mga Bikolano ay kilala na mahilig sa mga
pagkaing maanghang. Marahil dahil ito sa
impluwensiya ng ilang dayuhang nananakop
sa bansa.Isa sa mga pagkaing maangghang ay
ang Bikol Express na puno ng siling labuyo.
Bukod sa maanghang na pagkain ay mahilig
din ang mga Bikolano sa mga pagkaing may
halong gata.

Pangkat 2:
Siguro ay hindi kumpleto ang araw natin kung
hindi tayo makakakain ng pagkaing may gata.
Ang pinanagat ay isa sa pinakatantag na
pagkain dito sa Bikol na may halong gata. Sa
mga panghimagas naman, kilala tayo sa mga
Pili sweets. Sa akin ngang palagay, karamihan
sa mga turista ay ito ang binibiling pasalubong
pag-uwi nila.

Pangkat 3:
Napakayaman ng kultura at tradisyon
nating mga Bikolano. Ng mga pagkaing ito ay
ilan lamang sa mga bagay na nagpapakita ng
tatak Bikolano.

Ni: Maan Lomadilla

- Bicol Express

- Pinangat
-Pili sweets

Opo

Anong salita nagsisimila ang mga pahayag?


-Marahil
-Siguro
Ano ang mga pinapahayag ng mga pangungusap? -Sa akin ngang palagay
Ito bay nagpapahayag ng iniisip o nadarama ng isang
tao?

Ang mga pahayag na nagsasabi kung ano ang iniisip


o nadarama ng isang tao tungkol sa bagay o isyu ay
tinatawag na OPINYON.

Ang isang opinion ay Madali ring matutukoy


sapagkat karaniwang ginagamitan ito ng mga
pahiwatig tulad ng:

Sa aking palagay…………..
Naniniwala ako na……….
Marahil…………

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2
Halimbawa:
- Para sa akin si Coco Martin ang
pinakamahusay na aktor

Ang pahayag ay isang Opinyon dahil siya ay gumamit


ng salitang para sa akin. Ito ay nagpapahayag ng
kung ano ang iniisip o nadarama ng nagsasalita.

- Kung ako ang tatanungin ay mas uunahin ko


ang aking pag-aaral para makakuha ako ng
mas mataas na marka.
Ang pahayag ay isang Opinyon dahil ang nagsasalita
ay nagpapahayag ng tungkol sa isang bagay o isyu.

Ang katotohanan nman ay nagsasaad ng ideya o


impormasyon sa pangyayaring napatunayan at (Ang mga bata ay nakikinig)
tanggap lahat ay totoo.
Hindi ito nababago at maaari mong makumpirma sa
mga taong nakasaksi o sa mga sanggunian tulad ng
aklat o babasahin

Halimbawa:
-Si Dr. Jose Rizal ang ating pambansang
bayani.

F. Paglinang sa kabihasaan (tungo sa


formative assessment)
A. Opinyon ba o katotohanan?
Isenyas ang thumbs down kung ang pahayag
ay opinion at thumbs up kung io ay katotohanan.

1. Ang usok ng sasakyan ay nagpaparumi ng Thumbs up


hangin
2. Napakalamig ng hangin,umuulan siguro sa Tumbs down
ibang lugar.
3. Sinasabing ang mga taong may malapad na Thumbs down
noo ay matalino
4. May dalawang uri ng panahon sa Pilipinas, Thumbs up
ang tag-ulan at tag-araw.
5. Ang Pilipinas ay isang malayang bansa Thumbs up

B. Bawat pangkat ay bibigyan ng larawang


ipinakita kanina( larawan ng Bulkang Mayon,
Abaka,sili).

Batay sa larawan, bumuo ng isang pahayag na


opinion at isang pahayag na katotohanan. Sabay
sabay na babasahin ng buong pangkat ang nabuong
pahayag.

Ang ibang pangkat ang tutukoy kung ito ay opinion o


katotohanan sa pamamagitan ng pagsenyas ng
thumbs down at thumbs up.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-


araw na buhay.
Bakit kailangang pahalagahan natin an ating sariling
kultura at mga tradisyon?

H. Paglalahat ng aralin
Isulat sa loob ng lobo ang mga kaisipang may
kaugnayan sa pahayag na katotohanan at opinion.

I. Pagtataya ng Aralin
Basahin at suriin ang pahayag. Isulat sa patlang ang
O kung ito ay opinion at K kung ito ay katotohanan

_______1. Maaaring umunlad ang turismo sa ating O


rehiyon kung magkakaroon ng pook pasyalan.
_______2. Ang gaganda ng Bikolana. Siguro O
karamihan sakanila ay may lahing Kastila
______3. Ang Bulkang Mayon ay may alamat K
______4. Sa aking palagay, mas masarap ang O
Pinangat kesa sa Bikol Express.
______5. Ang naga ay isa sa mga lungsod na K
matatagpuan sa Bikol.
J. Takdang -aralin/ Karagdagang
Gawain
Ano ang Card catalog?
Ano ang gamit nito?

V. TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na naka kuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasulosyunan
tulong ng aking punong-guro at supervisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa kapwa ko guro.

Prepared by:

SHARMAINE A. ROARING NOTED:


STUDENT TEACHER MRS. JENNY ROSE NEGRETE

COOPERATING TEACHER

You might also like