You are on page 1of 5

Pakitang-turo sa Filipino 10 (COT1)

Unang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga
Pangnilalaman sa mga akdang pampanitikang mediterranean
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng sariling opinyon tungkol
Pagganap sa mahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda.
C. Mga Kasanayan sa  Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa
Pagkatuto paksang tinalakay
F10PS-Ia-b-64
 Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob
sa binasang akda sa nangyayari sa: F10PB-Ia-b-62
a. Sarili c. Lipunan
b. Pamilya d. Pamayanan
e. Daigdig

II. NILALAMAN  Pagpapahayag ng sariling opinyon sa paksang tinalakay


 Pag-uugnay sa mga mahahalagang kaisipang nakapaloob
sa binasang akda sa nangyayari sa: sarili, pamilya,
pamayanan, lipunan, daigdig
III. MGA
KAGAMITANG
PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay TG pahina
ng Guro
2. Mga Pahina sa LM pahina
Teksbuk
3. Iba pang Kagamitang Learning Activity Sheet, Power point presentation
Panturo Video Clip
Link: https://www.youtube.com/watch?v=NjJb6szIS6M
https://www.youtube.com/watch?v=wHuptbWoJik

IV- PAMAMARAAN
A. Balik aral sa nakaraang MATHALINO Version 2.0! (COT INDICATOR 1,3)
aralin at/o pagsisimula Piliin ang wastong sagot sa bawat mathematical equation upang
ng bagong aralin mabuo at matuklasan ang paksa ng aralin.

a. Paghahabi sa layunin (COT INDICATORS 5,6)


ng aralin Sa yugtong ito ay ipapahayag ng mga mag-aaral ang sariling
opinyon tungkol sa tinalakay na paksa at iuugnay ang mga
mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda sa sarili, pamilya,
lipunan o pamayanan at daigdig

Hihikayatin ang mga mag-aaral na makilahok nang makabuluhan


sa talakayan. Hihikayatin din ang mga mag-aaral na malayang
magamit ang Sinusong Wika upang malinaw na maipahayag ang
damdamin maging ang tugon sa bawat katanungan.

b. Pag-uugnay ng mga JUMBO LETRA! (COT INDICATOR 1,2)


halimbawa sa bagong Panuto: Ayusin ang ginulong letra upang maibigay ang
aralin hinihinging salita.

Maraming siglo na ang nakararaan, may (1.) aumhnya


namuhay na isang makisig na mangingisdang nagngangalang
Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay (2.)
kpsaalaagaiinkpr nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon
upang makarami ng huli kada araw. Isang hapon, habang siya’y
nag-iisang (3.) sndnaiggain nangingisda mayroon siyang (4.)
iiargnn narinig na napakagandang tinig. Sinundan niya ang
boses hanggang (5.) paagtuann natagpuan niya ang isang
babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga malalaking bato.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang natanaw (6.) gbaniah
nabihag siya sa maladiyosang tinig at gandang angkin ng
babaeng ito. Ngunit (7.) lhguunaan naguluhan ang binata sa
kanyang napansin, mayroong buntot na parang isda ang
dalagang nasa harap niya.

DAGDAG KAALAMAN

Ang mitolohiyang Griyego ay koleksiyon ng mga kuwentong


tinatampukan ng mga diyos at diyosa. Karaniwang paksa ng iba’t
ibang mitolohiya ang pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, at
pagpapakita ng iba’t ibang kapangyarihan ng mga nasabing
nilalang. Ipinakikita rin dito, hindi lamang ang taglay nilang
kapangyarihan kundi ang kanila ring pamumuhay bilang
ordinaryong tao na minsa’y nagkakamali at nagpapakita ng
kahinaan tulad ng mortal. Hindi matukoy ang tiyak na panahon
kung kailan umusbong at lumaganap ang ang mitolohiya subalit
pinaniniwalaang ito’y nangyari nang ang mundo ay musmos pa at
ang mga tao’y may bukas na paniniwala sa mga bagay na mahirap

c. Pagtalakay sa bagong (COT INDICATOR 3)


konsepto at paglalahad Tunghayan ang halimbawa ng mitolohiya mula sa Greece na
ng bagong kasanayan pinamagatang “Pymalion at Galatea”. Sa inyong pakikinggang
#1 audio clip, huwag kakalimutang itala ang mahahalagang kaisipan
sa akda.
Matapos mapakinggan ang audio cliptin natin ang mga
sumusunod na tanong sa pamamagitan ng larong WHEEL OF
FORTUNE

1. Para kay Pygmalion, ano ang tingin o pananaw niya sa


mga kababaihan noon kaya hindi siya nagpapakita ng
interes?
2. Ano ang ginawa ni Pygmalion para hindi magambala ng
mga kababaihan?
3. Sino si Aphrodite? Ano ang naging papel niya sa buhay ni
Pygmalion?
4. Paano naganap ang pinakamasayang araw sa buhay ni
Pygmalion?
5. Kung ikaw ang tatanungin, anong mensahe ang nais
iparating ng akdang ating napakinggan?

d. Pagtalakay sa bagong Fact o Bluff


konsepto at paglalahad Panuto: Itaas ang dalawang kamay kapag FACT ang iyong sagot
ng bagong kasanayan kung ang kaisipan ay nabanggit sa binasa at papalakpak ka ng
#2 dalawang ulit kapag BLUFF naman ang iyong sagot.

1. Isang makisig na pintor ang gumuhit ng larawan ng isang


napakagandang babae
2. Palakaibigan si Pygmalion lalo na sa kababaihan
3. Nahumaling at umibig ang binatang nagngangalang
Pygmalion sa babaeng kanyang nilikha
4. Hinusgahan ng mga taong nakakita ang ginagawang
pakikipag-usap ni Pygmalion sa isang estatwa.
5. Hinadlangan ng magulang ni Pygmalion ang kanyang
kakaibang pag-ibig
6. Ipinakita sa akda ang naging bunga ng isang tunay at
wagas na pag-ibig.

e. Paglinang sa O-pen-yon! (COT INDICATOR 2)


kabihasaan Hindi pangkaraniwan ang pag-iibigan nina Pygmalion at Galatea
kaya’t naging tampulan sila ng usap-usapan.

Panuto: Batay sa mga sumusunod na sitwasyon, ipahayag mo


ang iyong magiging pananaw o opinyon kung may makita kang
magkasintahang sa tingin ng lipunan ay hindi magkabagay tulad
ng:
a. Ang babae ay ubod ng ganda samantalang ang lalaki ay
hindi guwapo
b. Ubod ng yaman ang lalaki subalit napakahirap ng babae
c. Malaki ang agwat ng edad ng babae sa mas bata niyang
kasintahan
d. Mga LGBTQ couples

f. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw ng KARAGDAGANG KAALAMAN
buhay
“Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi mainggitin at
hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-
uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.
Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak
ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala,
puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” Corinto 13: 4-7

Baon ang kaisipang ito kaugnay ng pag-ibig, ipakita ang tunay na


pag-ibig sa pamamagitan ng pagtatanghal ng payak na dula-
dulaan batay sa sumusunod na sitwasyon.

PANGKATANG GAWAIN (COT INDICATORS 2,3)

Pangkat 1-

Pangkat 2-

Pangkat 3-

Pangkat 4-
Gabay sa Pagmamarka:
Nakabatay sa sitwasyon ang 20 pts
kabuuang presentasyon
Kasiningan ng presentasyon 10pts
KABUUAN 30pts

g. Paglalahat ng aralin Paano nakatutulong ang pagtukoy sa mahahalagang kaisipan sa


pag-uugnay nito sa sarili, pamilya, lipunan at pamayanan?

h. Pagtataya ng aralin Panuto: Basahin ang mitolohiyang Cupid at Psyche mula sa


pahina at sagutin ang mga sumusunod

A. Magbigay ng sariling opinyon batay sa mga


mahahalagang kaisipang binanggit sa akda
a. Nagagawa ng pagtitiwala sa ngalan ng pag-ibig
b. Nagiging bunga ng labis na inggit o selos
c. Pagharap sa mga pagsubok

B. Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang


“Cupid at Psyche,” paano mo ito maiuugnay sa iyong
sarili, pamilya, pamayanan, at lipunan.

i. Takdang-aralin/ Sagutin ang mga sumusunod:


Karagdagang Gawain 1. Ibigay ang tatlong gamit ng pandiwa
2. Bumuo ng tig-lilimang pangungusap gamit ang tatlong
gamit ng pandiwa.

Inihanda ni:

GERSON B. CALLEJA
Guro- III

Tagamasid:

REBECCA C. BALUTE

Master Teacher II

You might also like