You are on page 1of 9

Banghay-Aralin sa Filipino VI

Ikatlong Markahan Linggo 2 Araw 2

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto
at napapalawak ang talasalitaan
B. Pamantayang Pagganap Nakabubuo ng isang nakalarawang
balangkas
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Natutukoy ang sanhi at bunga;
2. nakapagbibigay ng halimbawa ng sanhi at bunga; at
3. napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
II. NILALAMAN Pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
Mga Sanggunian DepEd (ADM) (SLM) CO_Q3_Filipino6_Module11
https://www.youtube.com/watch?v=s1TGwwJmwwM
https://www.youtube.com/watch?v=fmYV7kI9kQw
Iba Pang Kagamitang Panturo Larawan, Manila Paper, Marker, Visual Aids
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
aralin at o pagsisimula ng Pagganyak
bagong aralin
Para umpisahan ang ating
talakayan, magkakaroon tayo ng
unang gawain.

(Magpapakita ang guro ng 3


larawan ng hayop)

Panuto: Gamit ang marker, pag-


ugnayin ang mga hayop na nasa
Hanay A sa pamamagitan ng
pagguhit ng linya, batay sa
kanilang habitat na kinabibilangan
sa Hanay B.
HANAY A HANAY B
B. Paghahabi sa layunin ng Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Aralin 1. Ano ang Habitat? Ang habitat ay isang lugar na
nagsisilbing tirahan ng isang
organismo.

2. Nailagay ba ng tama ang mga Opo


hayop sa kanilang tamang tirahan?

3. Magbigay ng mga iba pang Aso, Butanding, Pagong, at


halimbawa ng mga hayop na iba pa.
nakatira sa lupa at tubig at
parehong lupa at tubig.

4. Paano natin mapapangalagaan Pagpapakain ng maayos,


ang iba’t ibang hayop? pagbibigay tahanan o kaya
naman ay ibinabalik sila sa
kanilang sariling habitat.

5. Anong mangyayari sa kanila Maaari silang magkasakit o


kung hindi sila naalagaan ng di naman kaya’y mamatay.
maayos?

Ngayong hapon ay may babasahin


tayong kwento tungkol sa isang uri
ng hayop. Sa kwentong ito,
matututunan natin ang sumusunod:

1. pagtukoy ng sanhi at bunga;


2. pagbibigay ng halimbawa ng
sanhi at bunga; at
3. pag-uugnay ng sanhi at bunga
ng mga pangyayari.
C. Pag-uugnay ng mga Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
halimbawa sa bagong aralin Sino sa inyo ang mayroong mga
kapatid?

Ano ang inyong nararamdaman


kapag mas binibyang atensyon ng
inyong mga magulang ang
nakatatanda o bunso niyong
kapatid?

Iba-iba ang inyong mga kasugatan,


pero mayroong nangingibabaw.
Ngayong hapon mangyaring
makinig at unawaing mabuti ang
kuwento na may pamagat na, "Si
Kikang Kalabaw."
D. Pagtatalakay ng Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
bagong konsepto at 1. Sino-sino ang mga tauhan sa Mang Donato, Kikang
paglalahad ng bagong kwento? kalabaw at Basyong aso.
kasanayan #1
2. Ano-ano ang mga gawain ni Katuwang ni mang Donato
Kikang kalabaw? sa bukid. Nag-aararo at
nagbubuhat ng mabibigat na
bagay.

3. Ano naman ang ginagawa ni Pagkawag ng kaniyang


Basyong Aso? buntot, patakbo takbo at
patalon talon.

4. Bakit malungkot si Kikang Dahil para sa kaniya ay mas


Kalabaw? mahal ni Mang Donato si
Basyong Aso.

5. Bakit naparusahan si Kikang Dahil muntik niya nang


Kalabaw? mapatay si mang Donato.

6. Dapat bang kainggitan ang ating Hindi po.


kapwa tao?

7. Ano ang maaring idulot ng Maaaring mas lumala ang


kaiinggitan? ating sitwasyon o may
mangyaring masama.

8. Ano ang gintong aral sa kwento? Huwag mainngit sa kapwa


dahil ito ay hindi
nagbubunga ng mabuti.
Magaling!

Mayroon ako ditong mga pahayag


na hango sa binasa nating kwento

HANAY A HANAY B
1. Si Kikang Kaya naman
kalabaw ay mahal na
masipag mag- mahal siya ng
araro at walang kaniyang amo.
reklamo sa
pagbubuhat ng
mabibigat na
bagay.
2. Madalas Kung kaya’t
makita ni mas lalong
Kikakng kalabaw lumalaki ang
na binibigyan ni inggit ni Kikang
mang Donato ng kalabaw.
pagkain si
Basyong aso
galing sa
kaniyang
pinggan.
3. Nakaligtaang Patakbong
itali ng katiwala pumasok si
ni mang Donato Kikang
si Kikang Kalabaw sa
kalabaw. loob ng kusina
at muntik nang
masaktan si
mang Donato. .
Unawain natin ang unang bilang.

1. Si Kikang kalabaw ay masipag


mag-araro at walang reklamo sa
pagbubuhat ng mabibigat na
bagay.

Ano ang naging resulta ng Siya ay mahal na mahal ng


kasipagan ni Kikang Kalabaw? kaniyang amo.

Tumungo naman tayo sa


ikalawang bilang.

2. Madalas makita ni Kikang


kalabaw na binibigyan ni mang
Donato ng pagkain si Basyong aso
galing sa kaniyang pinggan.

Ano kaya ang resulta nito? Lalong lumaki ang


nararamdamang inggit ni
Kikang Kalabaw.
At ang panghuling bilang,

3. Nakaligtaang itali ng katiwala ni


mang Donato si Kikang kalabaw.

Ano ang ginawa ni Kikang Patakbong pumasok si


Kalabaw? Kikang Kalabaw sa loob ng
kusina at muntik nang
masaktan si mang Donato.
Bigyang pansin ang mga pahayag
na nasa Hanay A at Hanay B.

Ano ang ipinapahayag o ipinipakita Ito ay nagpapakita ng sanhi


ng mga pahayag na nakatala sa at bunga.
Hanay A at B?

Anong mga pahayag kaya ang Sanhi


nasa Hanay A?

Ano naman sa Hanay B? Bunga

Base sa ating talakayan at mga ito ay tumutukoy sa dahilan


halimabawa o mga pangyayaring ng isang pangyayari.
nabasa ano kaya ang sanhi?

Ano naman ang bunga? ito ay nagsasabi ng


kinalabasan
Tama!

Sanhi – ito ay tumutukoy sa


pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari.
Karaniwan itong sumasagot sa
tanong na bakit.
Bunga – ito ay nagsasabi ng
kinalabasan o resulta ng
pangyayari.

Ngayon mga bata, magbigay nga (Ang mga mag-aaral ay


kayo ng halimbawa ng sitwasyon magbibigay ng mga
na may Sanhi at Bunga halimabawa)
E. Pagtatalakay ng bagong Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
konsepto at paglalahad ng Madyik Box:
bagong kasanayan #2
Panuto: Mayroon ako ritong kahon
na naglalaman ng mga iba’t ibang
pangyayari na maaring isang
SANHI O BUNGA. Kung ang
inyong mabubunot na pangyayari
ay isang sanhi, tukuyin kung ano
ang bunga nito, ganun din kung
ang inyong mabunot ay pangyayari
na nagsasaad ng bunga, ang sanhi
naman nito ang inyong tutukuyin.

Sa saliw ng isang kanta


pagpapasapasahan nang buong
klase ang kahon. Kung sino ang
may hawak ng kahon kapag tumigil
ang kanta ay siyang bubunot at
sasagot.

1. Sobrang bilis magpatakbo ng Kaya naman siya ay


bisikleta ni Erwin (Sanhi) nawalan ng balanse at
nasugatan.
2. Hindi nakapasok sa klase si
Moni (Bunga) Nagkaroon ng trangkaso si
Moni.
3. Nabali ang poste ng kuryente
(Bunga) Walang kuryente ang mga
kabahayan dito sa amin.
4. Umulan ng malakas (Sanhi)
Kaya naman nasuspende
5. Kaya hindi kaaya - aya ang ang klase.
amoy ko ngayon (Bunga)
Maghapon akong nag laro sa
parke.
F. Paglinang sa Kabihasaan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
(Tungo sa Formative Pangkatawang Gawain:
Assessment)
Sagot mo, Isulat mo!

Paalala: Ang klase ay hahatiin sa


apat na pangkat. Basahin ang
sumusunod na mga pangungusap.
Paunahan sa pagsagot at pagtaas
ng inyong mga kasagutan sa isang
buong papel. Kung sino ang
mauna ay sakanila mapupunta ang
puntos.

Maliwanag ba?

Panuto: Tukuyin kung ang


nakasalungguhit sa bawat
pangungusap ay Sanhi o Bunga.

1. Nabawasan ang mga krimen sa SANHI


gabi dahil maliwanag na ang
ilaw sa kalsada.
2. Nagsikap makatapos ng pag - SANHI
aaral si Ana kaya gumanda ang
buhay ng kaniyang pamilya
3. Nagmamadali si Ace sa BUNGA
paggawa ng poyekto dahil mas
maraming oras ang ginugol
niya sa pagseselpon.
4. Maraming namatay na mga SANHI
hayop sa pagkasunog ng
kagubatan sa bansang
Australia.
5. Nadulas si Clarissa dahil basa BUNGA
pa ang sahig.
6. Hindi lapitin ng sakit si Maria BUNGA
dahil masustansya ang
kanyang mga kinakain.
7. Si Ayna ay kumain ng kendi SANHI
kaya sumakit ang kanyang
ngipin.
8. Nagdala si France ng payong BUNGA
dahil madilim at maulap ang
langit.
9. Malalim ang swimming pool SANHI
kung kaya’t muntik ng malunod
si Camila.
10. Inspirasyon niya ang kanyang SANHI
pamilya kaya hindi siya
nawalan ng pag - asa sa gitna
ng kahirapan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


araw araw Paglalapat na Aktibidad: Ipasa
na buhay mo ang bola

Panuto: Sa saliw ng tugtug,


pagpasapasahan ang bolang
hawak ng mga mag-aaral, kapag
huminto ang tugtug, ang mag-aaral
na may hawak ng bola ang siyang
magbabahagi sa klase.

Gawain: Magbigay ng sariling


karanasan sa buhay na hindi mo (magbibigay o magbabahagi
nasunod o ang mga mag-aaral ng kani-
sinunod ang payo ng inyong mga kanilang karanasan)
magulang.

Ano ang nangyari nang sinunod (sasagot ang mga mag-aaral


mo ito? base sa karanasan na
kanilang ibinahagi sa klase)

Ano ang nagyari nang hindi mo (sasagot ang mga mag-aaral


sinunod ito? base sa karanasan na
kanilang ibinahagi sa klase)

Mahalaga ba ang pagsunod sa Opo


mga payo ng nakatatanda sa atin?

Bakit? Dahil hindi lamang


nagpapakita ng pag respeto
ang pag sunod sa payo ng
mga nakatatanda kundi ang
mga nakatatanda ay may
layunin na makatulong
lamang saatin kung kaya’t
walang masama kung atin
sila’y susundin.

Magaling, tama ang inyong mga


kasagutan. Alalahin lamang ninyo
na kailangan niyo rin suriin ang
mga payo na ibinibigay ng iba’t
ibang tao bago ninyo ito sundin.

Ngayon, ano ang kahalagahan ng Sa pamamagitan nito


pagkakaroon ng kaalaman sa nagkakaroon tayo ng ideya
pagtukoy ng sanhi at bunga sa kung ano ang magiging
pang- araw araw na gawain? resulta ng ating mga kilos o
kaya naman malaman kung
ano ang ugat ng resultang
nakuha para maagapan o
maresulba ang mga kaakibat
na problema.
H. Paglalahat ng Aralin Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ano ang pinagkaiba ng sanhi at Ang Sanhi ay tumutukoy sa
bunga? Ipaliwanag ang sagot. pinagmulan o dahilan ng
isang pangyayari habang
ang bunga naman ay
tumutukoy sa resulta,
epekto, kinalabasan o dulot
ng pangyayari.
I. Pagtataya ng Aralin Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
GAWAIN I.
Panuto: Basahing mabuti ang
pangungusap. Isulat ang S kung ito
ay sanhi at B kung bunga.

1. _________Magsuot palagi ng S
face mask.
__________Maiwasan nating B
mahawa ng COVID-19.

2. _________Palagi siyang B
nagkakasakit.
__________Mahilig kumain ng S
mga sitserya si Donald.

3. _________Hindi nakapagplantsa B
si Lea ng kaniyang damit.
_________Nagmamadali siyang S
umalis.

4. _________Nakalimutan ni Aling S
Diday ang kaniyang pitaka.
__________Hindi siya nakabili ng B
gatas.

5. _________Uminom siya nang B


maraming tubig.
_________Uhaw na uhaw si Lino S

GAWAIN II.
Panuto: Basahin at unawain ang
bawat pangungusap. Tukuyin ang
Sanhi at Bunga. Bilugan ang sanhi
at salungguhitan naman ang
bunga.

1. Palaging sumusunod si Frank sa utos ng


kaniyang ina kaya binigyan siya nito ng
regalo.

2. Si Faye ay dinala sa dentista dahil


sumasakit ang kaniyang ngipin.

3. Natapos agad ni Jonel ang pinapagawa


sa kaniya ng kaniyang tatay kaya
pinayagan siya nitong lumabas at
makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.

4. Nagdala ng payong si Rica dahil nakita


niya na makulimlim na ang panahon.

5. Mahusay kumanta si Mary kaya naman


siya ang nanalo sa paligsahan.
J. Takdang-aralin/ Karagdagang Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Gawain Takdang Aralin:

I. Tukuyin ang maaaring maging


bunga ng nasa ibaba.

1. Malakas ang ulan (Sanhi)


Bunga 1. ___________
Bunga 2. ___________

2. Nanuod ng telebisyon hanggang


hating gabi (Sanhi)
Bunga 1. ___________
Bunga 2. ___________

II. Tukuyin ang maaaring maging


sanhi ng nasa ibaba.

3. Nagkasakit si Kate (Bunga)


Sanhi 1. ___________
Sanhi 2. ___________

4. Naipasa ni Elvin ang lahat ng


pagsusulit (Bunga)
Sanhi 1. ___________
Sanhi 2. ___________
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang 2an ai para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho 2an ais kong
ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

You might also like