You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino I at II

(Explicit)
RODEL L. ROBLES
Grade I and II Adviser

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga bata ay inaasahang:


a. Natatalakay ang laman ng kwento;
b. Nakakapulot ng aral buhat sa kwentong binasa;
c. Natutukoy ang mga salitang naglalarawan;
d. Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang pang-uri.

II. Paksang Aralin


Wika: Pang-uri
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 4, pp. 173-188
Kagamitan: tsart, sipi ng kwento, larawan
Pagpapahalaga: Mga alaga’y ating mahalin at pagpapalain

III. Pamamaraan:
A. Bagong Aralin

1. Pagganyak
Opo, titser!
Mga bata meron ba kayong alagang hayop?
Opo, titser!
Inaalagaan niyo ba ito ng mabuti?
Opo, titser!
Nakakatulong ba ito sa inyong pamumuhay?
Panuto: Tukuyin at ibigay ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ayon sa sitwasyong
Opo, titser! pinaggamitan
ng2.bawat
Paglalahad
isa. Pumili ng sagot sa kahon.
Ngayong umaga ay may babasahin tayong kwentong patula. Ang
Hindi ordinaryo Nahanap Napag-iinitan
pamagat nito ay “ Si Butsi, Ang Asong Bayani”.
Natutulog Magkaibigan
  3. Paghahawan ng balakid
Bago natinkakaiba
1. Kahit basahinsiang kwento,
Butsi dahil atin munanghitsura
sa kanyang alaminayang kahulugan
mahal na mahal siya ni Buknoy.
ng2.mga mahihirap na salita na nasa kwento.
Kapag napagdidiskitahan siya ng ibang aso ay tahimik lang siyang lumalayo.
3. Nailigtas ni Butsi sa sunog ang nahihimbing na pamilya ni Buknoy.
4.Kahit madilim ang paligid dahil sa kapal ng usok ay naapuhap parin ni Butsi si Buknoy.
5. Sina Butsi at Buknoy ay tunay na magkatoto.

4. Pamantayan
Makinig, po.
Anu-ano ang nararapat ninyong gawin habang binabasa
Tumahik, po.
ng guro ang kwento?
Sumagot po kung may tanong.

Maaasahan ko bayan? Opo!

B. Pagtalakay sa Kwento

Si Butsi, Ang Asong Bayani


Itong si Butsi ay asong kakaiba Ang kapansanan niya’y hindi naging hadlang
Mas Maikli ang mga binti sa harap niya Upang buhay ni’yay magkaroon ng kabuluhan
Kaya’t pag naglakad, paika-ika siya Iang hating gabi siya’y naalimpungatan
Pinagtatawanan ng bawat makakita. Isang sunog nangyari sa kanilang tahanan.
   
Dahil sa hitsura siya’y pinagdidiskitahan

C. Pagtalakay sa Nilalaman

1. Literal

Ano ang pamagat ng kwento?


Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? Si Butsi, Ang Asong Bayani, po.
Ano ang bagay na kakaiba kay Butsi? Si Butsi at Buknoy po.
Malilit ang binti sa harap niya.
2. Interpreytativ

Bakit masaya parin si Butsi kahit na tinutukso na


siya? Dahil alam niyang mahal siya ni Buknoy.
3. Kritikal

Paano naipamalas ni Butsi na hindi hadlang ang


kanyang kapansana? Noong nailigtas niya ang pamilya ni Buknoy sa
sunog.
4. Aplikasyon

Paano ba dapat tratuhin ang mga alaga natin? Dapat mahalin po ang ating mga alaga.
1. Mabuti si Buknoy
2. Mabait na aso
3. Maikli na binti
4. Malawak na palaruan
5. Malaking sunog

Sa unang pahayag, ang nagsasabi tungkol kay Buknoy ay mabuti


Sa ikalawang pahayag, ang nagsasabi tungkol sa aso ay mabait.
Sa ikatlong pahayag, ang nagsasabi tungkol sa mga binti ay maikli.
Sa ikaapat na pahayag, ang nagsasabi tungkol sa palaruan ay malawak.
Sa ikalimang pahayag, ang nagsasabi tungkol sa sunog ay malaki.
Ang tawag sa mga salitang ating sinalungguhitan ay Pang-uri.

E. Pagtuturo at Pagmomodelo
Ang Pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook/lugar o
pangyayari.
Sa unang pahayag, ang salitang mabuti ay naglalarawan Kay Buknoy na isang ngalan ng tao.
Sa ikalawng pahayag, ang salitang mabait ay naglalarawan sa aso na isang ngalan ng hayop.
Sa ikatlong pahayag, ang salitang maikli ay naglalarawan sa binti na isang bagay.
Sa ikaapat na pahayag, ang salitang malawak ay naglalarawan sa palaruan na ngalan ng lugar
Sa ikalimang pahayag, ag salitang Malaki ay naglalarawan sa sunog na isang pangyayari.
F. Ginabayang Pagsasanay
1. Subukan nating maglarawan ng ilang mga bagay.
Meron akong ipapakitang mga larawan at ito ay
Inyong ilalarawan sa isang buong pangungusap.
Larawan ng mga sumusunod:
1. Basura 6. Guro
2. Kalabaw 7. Bulaklak
3. Tigre 8. Tinapay
4. Bola 9. kape
5. Puno 10. Papel

2. Ngayon naman sino ang makapagbibigay ng sariling


pangungusap gamit ang pang-uri o salitang naglalarawan. Masipag si
Rico.
Ano ang salitang naglalarawan kay Rico? Masipag, po.
Sino ang inilalarawan na masipag? Si Rico, po.
Ano ang tawag natin sa mga salitang naglalarawan? Pang-uri, po.
Magaling!

pangungusap gamit ang pang-uri o salitang naglalarawan. Masikip ang


aking pantalon.
Ano ang salitang naglalarawan sa pantalon Masikip, po.
Ano ang inilalarawan na masikip? pantalon, po.
Ano ang tawag natin sa mga salitang naglalarawan? Pang-uri, po.
Magaling!

H. Malayang Pagsasanay

Ngayon ay ipapangkat ko kayo sa tatlo. Bibigyan ko kayo ng


Tig-iisang sipi ng talata. Bibilugan ninyo ang lahat ng pang-uri
Sa talatang ito gamit ang isang Marker. Titingnan natin kung
Lahat ng pang-uri ay nabilugan ninyo.
Naintindihan niyo ba? Opo, titser.

Masayang-masaya si Isko. Meron na siyang bagong alaga. Ito ay asong mataba.


Malaki ang mata nito at mahaba ang buntot. Pinangalanan niya itong Iska.
Lage silang sabay na nag-aalmusal. Mainit na pandesal kay Isko at sariwang gatas
Naman kay Iska.

IV. Pagkilatis:

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap.
 
1. Si Buknoy ay mapagmahal na amo para kay butsi.
2. Binibigyan niya ng masustansiyang pagkain ang kanyang aso.
3. Malinis na tubig ang ipinaiinom niya sa aso.
4. Naglalaro sila lagi sa malawak na palaruan.
5. May magandang tulugan din siya para sa aso.
6. Kaya naman, naging malusog si Butsi.
7. Masaya siya dahil mahal siya ni Buknoy.
8. Hindi lahat ng aso ay mapalad gaya ni Butsi.
9. Malupit kasi ang ibang amo.
10. Sana lahat ng amo ay maging mabuti tulad ni Buknoy.
 

V. Takdang Aralin

Panuto: Bilugan ang mga pang-uri at salungguhitan ang salitang inilalarawan nito.
1. Ang aking ina ay mapagmahal.
2. Pinung-pino at putting-puti ang buhangin sa Boracay.
3. Itinuturing na mayaman ang bansang Taiwan.
4. Malamig ang hangin sa Baguio.
5. Matalas at Makinisa ang espada ni Juan.
Inihanda ni:
Rodel L. Robles

You might also like