You are on page 1of 11

BANGHAY ARALIN BAITANG 7 (FILIPINO)

(Ikalawang Markahan)
I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang malalalim at nagagamit sa pangungusap;
b. Naipahahayag ang sariling ideya hinggil sa paksang-aralin;
c. Masiglang nakikilahok sa talakayan at mga gawaing may kinalaman sa paksa.
II. PAKSA
 Pork Empanada ni Tony Perez
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian  Elemento ng Maikling Kwento
 Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong
Markahan, Pampanitikang
Filipino 7
B. Mga Kagamitan  Printed Materials
 Instructional Materials
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PAGHAHANDA

1. Panalangin Mahal na Panginoon, mangyaring gabayan kami


Magsitayo ang lahat para sa panalangin. sa paglalakbay sa umagang ito at mangyaring
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral para tulungan kaming maging ligtas. Tulungan mo
sa pangunahing panalangin.) kaming maging malusog, Tulungan mo kaming
maging matatag, Mangyaring tulungan kaming
2. Pagbati maging matagumpay, at mangyaring gabayan
Magandang Araw! kami sa aming paraan. Sa Pangalan ni Hesus
kami ay nananalangin. AMEN!.
3. Pagsasaayos ng klase at Pagtatala ng
mga lumiban sa klase
Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat na
nasa ilalim ng iyong mga upuan at ayusin ito.

Maari na kayong umopo.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayon?

B. Panlisang Gawain

Pagganyak
Kayo ay mahahati sa apat na grupo. Bawat grupo
ay may lider. Bibigyan ko kayo ng alkansya. Dito
Ninyo ilalagay lahat ng gintong barya na maiipon
niyo. Paramihan kayo sa pagiipon ng gintong
barya. Ang pinakamaayos na grupo ay
dadagdagan ko ng gintong barya at ang magulo ay
babawasan ko ng gintong barya. Ang may
pinakamaraming naipon na gintong barya ay
bibigyan ng premyo batay sa simul ana oras na
inihanda ng guro.

Group 1 Group 2 Group 3 Group 4

Kapag may itatanong ako sa inyo, lahat ng


isasagot Ninyo sa akin ay “Aba, Syempre po
aming ginoo!”.
Aba, Syempre naman po aming Ginoo!
Gusto niyo bang maglaro?

Kailangan ko ng apat na kalahok dito sa harapan.


Ang ating laro ay pinamagatang “KAININ MO,
SAGOT MO!.”

Panuto:
Bawat kalahok ay tatakpan ng mga mata at may
Aba, Syempre naman po aming Ginoo!
ipapakain sa kanila. Kapag natikman na, isisigaw
lamang ang salitang “BARNEY!” at huhulaan
kung anong pagkain ito.
Bibigyan ng guro ng limang barya ang unang
makakasagot. Handa na ba kayo?1

(Kumakain na ng pork empanada ang mga


BARNEEYY!!
kalahok).
Aming Ginoo, Pork Empanada po!.
(Isisigaw ang salitang BARNEY!!)

Mahusay! May limang gintong barya ang inyong


grupo at tig-dadalawang gintong barya naman sa
ibang grupo.
C. Paglalahad
Base sa ating ginawang aktibidad, ano kaya ang Aming ginoo, tunggkol po sa Ang Pork
paksang-aralin natin sa araw na ito? ginoong Empanada!.
Intia?

Magaling!
Lahat ba kayo ay nakatikim na ng “Pork Aba, Syempre naman po aming ginoo.
Empanada?"

Kung ganoon, ano ang lasa ng pagkaing ito?. Masarap at malambot po ginoo.
Trixie?

Magaling! Ano pa? Nicole? Malasa at malaman po ginoo.

Tumpak! Heto ang dalawang gintong barya para


sa grupo mo.

Trivia:
Nagmula ito sa bansang Espanya at Portugal.
Nanggaling ito sa salitang kastila na “Empanar”
na ang ibig sabihin ay kameng binalutan ng
tinapay.

1. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Tayo na at magpalawak ng talasalitaan.
Panuto:
Tignan Ninyo ang ilalim ng inyong mga upuan
kung mayroong nakalagay na papel na empanada.
Pumunta kayo sa harapan at ilagay ito sa tabu ng
mga salitang kasingkahulugan sa tapat ng
malalalim na salita.

Tignan naman Ninyo ang likod ng inyong mga


upuan kung may nakadikit na lapis at papel.
Gamitin Ninyo ang mga malalalim na salita sa
makabuluhang pangungusap.

Binubulyawan Sigawan

Binuksan
Binuklat
Tumutunog
Kumakalinsing
Nagtatawanan
Naghahagikgikan
Nakasimangot
Nakaismid
Ngayon tignan natin kung tama ang iyong mga
kasagutan.
(Hihilain ang empanada para makita ang tamang
kasagutan!)

Mahuhusay! 1. Binubulyawan ng bos ang kaniyang tindera


Lahat kayo ay makakatanggap ng tig-iisang dahil nasunog ang nilutong pork empanada.
gintong barya! Ngayon gamitin naman Ninyo ito
sa pangungusap. Jefferson.
2. Binuklat niya ang libro upang basahin ang
Magaling! Gamitin sa pangungusap ang teksto.
ikalawang salita. Dollentas.

3. Ang baryang pinagbentahan ng pork empanada


Mahusay! Gamiting sa pangungusap ang ikatlong ay kumakalansing.
salita, Bb. Granado
4. Naghahagikgikan sa tuwa ang mga bata
Magaling! Gamitin sa pangungusap ang ikaapat habang kumakain ng empanada.
na salita, Bb. Lacupanto
5. Ang dalagang iyon ay lagging nakaismid
Tumpak! Gamitin sa pangungusap ang huling kapag natitinda ng empanada.
salita, Bb. Sison
Aba syempre naman po aming ginoo.
Magaling!
Naunawaan ba mga bata?

Bawat isa sa inyo ay may tig-iisang gintong barya.

2. Paglalahad ng mga Gabay na Tanong


Ngayon dumako tayo sa pagbasa sa mga gabay na 1. Ano ang plano ni Bototoy na bibilhin para sa
tanong. Bronosa, Pakibasa. kaarawan ni Ningning na kaniyang pinag-iipunan?

2.Ilan halaga ang dapat niyang ipunin para


makuha ito?

3.Ilarawan ang itsura ni Batotoy at Ningning.'

4. Anong ugali ang ipinakita ni Batotoy sa


kuwento?

5. Paano ipinadama ni Batotoy sa kuwento?

6. Paano Ninyo ilalarawan ang weytres?

7. Bakit ibinenta pa ng weytres ang pork


empanada samantalang ito ay panis na?
D. Presentasyon
1. Pagbasa sa Akda
Pagalingan sa pagbabasa ng bawat grupo. Handa Aba syempre naman po aming ginoo.
na ba kayo? (Makikinig ang bawat grupo habang nagbabasa
ang nakatalagang pangkat)

Mahusay! Dahil kayo ang pinakamahusay sa


pagbabasa may isang gintong barya ang inyong
grupo.

E. Pagpapalawig
Sagutin natin ang mga katanungan kanina.

Bubunot ako ng pangalan na sagot dito sa


mini empanada na inihanda ko.

1. Pagtalakay Pangkaisipan
1. Ano ang plano ni Batotoy na bibilhin para sa Ginoo, Plano ni Batotoy pong bumili ng pork
kaarawan ni Ningning na kaniyang pinag-iipunan? empanada para sa kaarawan ni Ningning.
Magaling!

2. Ilang halaga ang dapat niyang ipunin para Ginoo, Biente uno po.
makuha ito?

Tama!

3. Ilarawan ang hitsura nina Batotoy at Ningning. Ginoo, sina Batotoy at Ningning po ay may
mabibilog na mata at parehong may ngiping
Mahusay! kuneho po.

4. Anong ugali ang ipinakita ni Batotoy sa Si Batotoy po ay matiyaga, matiisin, at


kuwento? mapagmahal na kapatid.
Tumpak!

5. Paano ipinadama ni Batotoy ang pagmamahal Ginoo, kahit gaano po kaliit ang kanyang kinikita,
sa kapatid? hindi niya po nakakalimutang pasalubungan ng
kahit kapirasong kendi si Ningning, At nag-iipon
po siya ng pera para makabili ng pork empanada
Magalin! sa kaarawan nito.

6. Paano Ninyo ilalarawan ang weytres? Ginoo siya po ay masama, mapagsamantala at


nangungupit ng pera.
7. Bakit ibinenta pa ng weytres ang pork
empanada samantalang ito ay panis na? Ginoo, kasi po napagalitan siya ng kaniyang amo
ay gumanti na siya pero sa ibang tao po niya
ginawa ang paghihiganti niya sa kaniyang amo.
Mahusay! May kasabihan tayo na “huwag mong
gawin sa kapwa mo, ang ayaw mong gawin sa
iyo.” Tulad nalang ng ginawa ng weytres nasaktan
siya kaya gusto niya rin makasakit ng tao.
Huwag natin ugaliin ang maghiganti sa kapwa.
Dapat maging Mabuti tayo kahit kanino.

Lahat kayo ay tatanggap ng tig-iisang gintong


barya.

2. Pagtalakay Pangkagandahan
May inihanda akong empanada na may
nakapaloob na katanungan at kung may dagdag o
bawas sa inyong gintong barya. Tatawag ako ng
sasagot at pumili lamang kayo ng bilang sa
empanada at sagutan Ninyo ang katanungan.
Kung ako po ang may-akda ang nais kong maging
Kung ikaw ang may-akda ng kuwento, paano mo wakas ay maparusahan ang weytres na
ito bibigyan ng wakas? mapagsamantala, magkaroon ng permanenting
trabaho si Batotoy at makapag-aral si Ningning
upang magakroon ng magandang buhay.

Magaling!
Kung kayo ang weytres, gagawin niyo rin ba ang
ginawa niya? Ginoo hindi po. Unang-una masama po ang
gumanti sa kapwa, lalo na po kumuha o
Mahusay! magnakaw ng per ana hindi sa iyo po.
Dagdag ng isang gintong barya para sa grupo mo!

Kapag napagalitan ka ng iyong magulang guro o


mas nakatatanda sa iyo, dapat ka bang magtanim Ginoo hindi po. Dapat po na humingi ng tawad at
ng galit at gumanti sa iba? Angela?
magpakumbaba po kapag napapagalitan.

Tama!

May katulad pa ba si Batotoy na kanyang matiis, Opo aming Ginoo. Katulad ko po, tumutulong ako
magtiyaga at magsikap, makuba lang ang sa mga magulang ko para magkaroon ng baon
kaniyang pinapangarap? Enson? pagpasok dito para po makatapos ako ng pag-
aaral.

Magaling!

Ano kaya ang mga kasabihan na maaari nating


Aming Ginoo “Kapag may tiyaga, may nilaga”
iugnay sa kuwentong ito? Shiela?
Tumpak! Katulad ni Batotoy na lagging
nagtitiyaga sa pagwa-watch-your-car para mabili
ang empanada sa kanyang kapatid na si Ningning.

Aming Ginoo, “Kapag may isinuksok may


Ano pa? madudukot”.

Magaling! Mapamaraan si Batotoy sapagkat


gumawa siya ng alkansya sa lata ng sardinas
upang makapag-ipon ng per ana pambili nil ani
Ningning ng empanada.

Ang paghihirap ay matamis kung ito ay puno ng


pagtitiis
Lahat kayo ay may tig-iisang gintong barya.

3.Pagtalaky Pampanitikan
Tignan muli ang kopya. Anong anyo ng panitikan Ginoo, ito po ay maikling kwento.
ang ating tinalakay?

Tama! Anon ga ba ang maikling kwento?


MAIKLING KUWENTO
Ang inyong binasa ay maikling kwento at ito ay - Isang anyo ng panitikan na may layuning
may mga elemento. magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan.

1. TAUHAN- Siya ang bida sa kuwento. Sa kanya


umiikot ang buong salaysay.

Si Batotoy po.
Sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
 Iba pang tauhan – madalas may relasyon sa
Tumpak! bida at sa kanyang problema at
pakikipagtunggali.

Ningning, Nono, Itoc, Randy, Tatay, at Weytres


Sino-sino sila sa kuwento?
2. TAGPUAN – Kung saan at kailan nangyari ang
Mahusay! kuwento.

SA Katipunan po Ginoo.
Saan naganap ang kuwento?
3. SULIRANIN – Problemang hinaharap ng bida.
Ito ang dahilan kung bakit may kuwento. Kung
walang problema, walang kuwento.

Pork Emapanada po.


Ano ang Problema sa kuwento?
4. TUNGGALIAN – Ito ang mga hadlang o
pumipigil sa pangunahing tauhan sa kuwento.
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kalikasan

Ang tao laban sa tao kalaban ng bida ang kanyang


kapwa tao.

May tunggalian bang nangyari sa kuwento? Ano Tao laban sa tao


ito? Si Batotoy laban sa Weytres
Ang amo laban sa Weytres

Tumpak! 5. WAKAS – Ito ang kahihinatnan ng


pakikipagtunggali ng bida.
Trahedya
Melodrama

Kapag trahedya ito ay tawag sa wakas kung


humantong ito sa pagkabigo o pagkamatay ng
tauhan Melodrama naman kapag may malungkot
na pangyayari ngunit nagtatapos naman nang
kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

Ano ang wakas ng kuwento?


Ginoo, Melodrama po.
Tama!
Naitindihan ba Ninyo ang element ng maikling
kuwento?

Ngayon, tignan natin kung naintindihan niyo ang Aba syempre po aming ginoo.
maikling kuwento.
F. Paglalahat
Panuto: Kailangan ko ng dalawang representante
sa bawat grupo. Pagsunud-sunudin na idikit ito sa
pisara. Itaas ang kamay kapag tapos na. Gawin ito
sa loobg ng dalawang minuto. Mat tatlong
gintong barya ang mauunang matapos.

1. Naghihintay si Ningning sa pagdating ni


Batotoy. 2
2. Napagalitan ng amo ang weytres dahil siya ay
burara. 3

3. Maingat nilang binuklat ang raper at unti-


unting kinain ang empanada. 5

4.Ibigay ng weytres ang dalawang lumang


empanada at lihim na ibinulsa ang bayad. 4

5. Nagwa-watch-your-car so Batotoy sa harap ng


Frankie’s Steaks and Burger para makaipon ng 1
pera pambili ng Pork Empanada.

Mahusay! Heto ang dalawang gintong barya


Ninyo.

G. Pangwakas Na Pagtataya
Pangkatang Gawain
Bawat grupo at maglabas ng papel at pangkulay.
Magtulungan kayo sa pagguhit at pagbibigay ng
paliwanag sa iguguhit Ninyo. Pipili ako ng Pork
Empanada 2023 na siyang magpapaliwanag dito
sa harapan. Ang larong ito ay tinatawag na
“Guhit ng grupo ko, Korona ko!”.

Unang Grupo PANGUNAHING TAUHAN


Iguhit si Batotoy. Ano ang mga katangiang taglay
niya.

Ikalawang Grupo IBA PANG TAUHAN


Iguhit si Ningning. Ano ang relasyon niya kay
Batotoy.

Ikatlong Grupo TAGPUAN


Gumuhit ng map amula bahay ni Batotoy
hanggang Frankie’s Steaks and Burgers.

Ikaapat na Grupo SULIRANIN


Iguhit ang gustong-gustong bilhin ni Batotoy. Ano
ang mahalagang ginampanan nito sa kuwento.

Gawin ito sa loob ng sampung minuto.


Kapag sinabi kong Pork Empanda! Tapos o hindi
ay itataas na ang inyong mga ginawa at pumunta
na sa harapan ang apat na kontestant ng Pork
Empanada 2023.
Narito ang rubriks ng pagguhit.
Pamantayan sa Pagguhit Puntos
 Pagkamalikhain 10
 Kaugnayan sa Paksa 10
 Kalinisan at Kaayusan 10
Kabuuan 30
Ngayon magsimula na kayo sa pagguhit ng
tahimik. Ang iba ay gumawa na ng (Gumuguhit na ang bawat grupo)
pagpapaliwanag sa inyong iguguhit.
(Itataas ang mga ginuhit)

PORK EMPANDA!

Unang Grupo, Iginuhit naming si Batotoy. Siya ay matiyaga,


matiisin, at mapagmahal na kapatid.

Magaling!
Iginuhit naman naming si Ningning. Siya ay
Ikalawang Grupo, masayahin, may bilog na mata at kunehong ngipin
tulad ni Batotoy.

Mahusay!

Ikatlong Grupo Iginuhit ng aming grupo ang map amula sa bahay


papunta sa Frankie’s Steaks and Burgers kung
saan nagwa-watch-your-car si Batotoy at kung
saan niya binili ang panis na empanada.

Tumpak!

Ikaapat na Grupo Iginuhit naming ang Pork Empanada. Mahalaga


ito sa kuwento dahil ito, Nakita ang magagandang
katangian ni Batotoy at ang masamang katangian
ng weytres.
Magaling!
Base sa iyong mga iginuhit at kasagutan…. Ang
Pork Empanada 2023 ay si…..(Ikaapat na grupo)
Kunin mo ang iyong korona at sash.
Kayong mga hindi naman nanalo ay
makakatanggap pa din kayo ng tig dadalawang
gintong barya bawat grupo.

IV. TAKDANG-ARALIN
1. Ano-ano ang bahagi ng maikling kuwento?
2. Ano-ano ang mga salik ng maikling kuwento?

Sanggunian:

1. Gabay sa Guro Batiang 7 Ikatlong Markahan


2. Panitikang Filipino 7
3. Internet
Pahina: 85-86

Inihanda ni:

JERICHO B. BANGALISAN
Praktis Titser

Sinuri ni:
Prince Sherwin S. Buenavente
Propesor

You might also like