You are on page 1of 18

PAARALAN EPIPHANY SCHOOL BAITANG 7

OF PEACE AND
GOODWILL
GURO JUNJIE F. BUNDA ASIGNATURA FILIPINO

MASUSING BILANG NG 1 MARKAHAN IKATLONG


BANGHAY-ARALIN ARAW MARKAHAN
PETSA: Abril 1, 2024
ARAW: Lunes
PANGKAT: Grade 7 Pasco
ORAS: 3: 00 - 4:00
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa mga
Pangnilalaman akdang pampanitikang ng Kanlurang Asya

B. Pamantayan sa Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan sa pagbuo ng mensahe mula


Pagganap sa alamat.
C. Kasanayang Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentong-
Pampagkatuto bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao,Kabisayaan at Luzon batay
sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspektong pangkultura
(halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa.) (F7PB-III-e-15).

Layunin Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng alamat.


2. Nasusuri ang elemento ng alamat batay sa akdang binasa.
3. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan (multiple intelligences)
sa pagbuo ng mensahe na mula sa alamat.
II. Nilalaman Paksa: Katangian at Elemento ng Alamat
"Bakit Tumitilaok ang Manok sa Madaling Araw (Alamat)
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian Batayan at sanayang aklat sa wika at panitikan
1. Mga Pahina sa Pahina 362-371
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Alamat
Kagamitang Pang-Mag- Pahina 362-371
aaral
3. Mga Pahina sa Pahina 362-371
Teksbuk
4. Karagdagang Learning Activities, Self-Learning Modules, Internet
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitan Aklat sa Filipino 7, Laptop, Smart TV, Kagamitang biswal, Chalk, at Pisara

IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Paunang Gawain 1.Panalangin
Tumayo ang lahat para sa
panimulang panalangin na
pangungunahan ni Clyde.

Tumayo po ang lahat para sa ating


panalangin, iyuko po natin ang ating
ulo, ipikit ang ating mga mata.
Panginoon salamat po sa pag-
gabay, pag-iingat, patawarin niyo po
kami sa aming mga nagawang
kasalanan, panginoon ikaw na po
bahala sa amin, panginoon may mga
kapatid po kaming nakakaramdam
ng pag-lulumbay pang-hihina
panginoon gabayan niyo po hindi
man po namin alam kong ano man
po nararamdaman nila ikaw na po
ang bahala sa kanila panginoon,
patawarin niyo po kami sa aming
mga nagawang kasalanan sainyong
harap at humihingi po kami ng
kapatawaran. panginoon salamat po
sa pag-gabay, pag-iingat, patawarin
niyo po kami sa aming mga
nagawang kasalanan, panginoon
ikaw na po bahala sa amin,
panginoon may mga kapatid po
kaming nakakaramdam ng pag-
lulumbay pang-hihina panginoon
gabayan niyo po hindi man po namin
alam kong ano man po
nararamdaman nila ikaw na po ang
bahala sakanila panginoon,
patawarin niyo po kami sa aming
mga nagawang kasalanan sainyong
harap at humihingi po kami ng
kapatawaran.

2. Pagbati

Isang mapagpalang hapon sa


bawat isa.
Isang mapagpalang hapon din po
ginoo.

Kumusta kayong lahat sa araw na


ito?
Mabuti naman po ginoo.

3. Pagsasaayos ng Silid-aralin
Bago kayo magsiupo,maaari n'yo
muna bang tingnan ang ilalim ng
inyong mga silya kung ito'y may
kalat? Kung mayroon ay pakipulot
ito at ilagay sa tamang lalagyan.

Tapos na po ba?
Opo ginoo.

Maraming Salamat!

Maaari nang magsiupo ang lahat.

4. Pagtala ng Liban
Ngayon naman nais kong
malaman kung sino ang liban sa
klase ngayong araw.

Hinihiling ang kalihim ng klase na


ito, maaari mo bang ilahad kung
sino ang liban sa araw na ito?
IkinAlulugod kong ipabatid sa inyo
ginoo na wala pong lumiban sa araw
na ito.

Maraming salamat Jillian!


Nagagalak akong malaman na
walang liban sa inyong klase
ngayong hapon. Bigyan ang
inyong mga sarili ng limang
matunog na palakpak.

5. Pampasiglang bilang

Ang lahat ay inaanyayahan na


manatiling nakatayo. Bago tayo
dumako sa ating
gawain.Inaasahan ko ang lahat
na sabayan ang bidyu na aking
ipapakita upang ang lahat sumigla
sa ating klase ngayong hapon.

Tinatawag itong "Tayo'y mag-


ehersisyo".

Nagising na ba ang inyong mga


natutulog na katawang lupa?

Opo ginoo.

6.Pagwawasto sa Takdang-
Aralin
Bago ang lahat ay pakipasa muna
ang inyong mga takdang-
aralin,ipasa sa inyong harapan
nang hindi lumilikha ng anumang
ingay.

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang kahulugan


at katangian ng alamat.
2. Nasusuri ang elemento
ng alamat batay sa
akdang binasa.
3. Naipamamalas ang iba’t (Babasahin ng mga mag-aaral)
ibang kasanayan
(multiple intelligences) sa
pagbuo ng mensahe na
mula sa alamat.

B Balik-Aral

Bago tayo dumako sa ating


panibagong aralin, atin munang
balikan ang tinalakay noong
nakaraan.

Gagawin natin ito sa pamamagitan


ng isang laro na susubok sa
inyong kaisipan at totoong
maghahatid ng interaktibong klase.
Ang larong ito ay tinatawag na
Mystery box.

Itaas lang po ang kamay ng


gustong sumagot. Pagnatawag
ang pangalan ay maaaring
pumunta sa gitna at bumunot ng
tanong sa loob ng mystery box.

Handa na ba ang lahat? Opo ginoo.

Kung gayon magsimula na tayo.

Mystery Box (3 minuto)

Panuto: Bumunot ng isang tanong


sa loob ng mystery box at sagutin
pagkatapos.
Mga tanong na nasa loob ng
kahon

1. Ito'y tumutukoy sa maikling


tugma na matatagpuan sa
loob ng jeep, bus, at
traysikel.

2. Ito’y ginagamit sa Mga Sagot:


panunukso, pangungutya
ng kapuwa, o kaya’y 1. Tugmang de Gulong
pagpaparinig gamit ang 2. Tulang /awiting panudyo
pangungusap na patuya. 3. Bugtong
4. Palaisipan
3. Ito’y mga parirala o mga
pangungusap na inihanay
nang patula na naglalaman
ng talinhaga at kapupulutan
ng mahahalagang butil ng
karunungan.

4. Ito’y ginagamit sa paglutas


ng suliranin sa matematika
o kaya ay sa ibang
sitwasyon na
nangangailangan ng
paglutas sa problema.

May katanungan pa ba tungkol sa


ating nakaraang aralin?
Wala na po ginoo.

Napakahusay, at dahil diyan


bigyang ng mahusay clap ang
inyong mga sarili.

Ako ay lubos na nagagalak klase


at marami kayong natutuhan sa
ating nakaraang tinalakay. Ngayon
naman klase. ay dadako na tayo
sa ating bagong aralin.

B. Paghahabi sa Layunin Ngunit ngayon bago tayo


ng Aralin pumalaot,magkakaroon muna tayo
ng isang gawain na tiyak kong
mabubuhay ang inyong kuryusidad
at interes sa ating aralin.

Gawain 1: Kumpyutin Mo!

Panuto: Tukuyin ng letrang


katumbas na bilang ng kasagutan
sa bawat patlang. May ipapakita
ring larawan upang madaling
malaman ang sagot sa bawat
numero. Bubunot ng numero ang
bawat grupo para malaman kung
anong bilang ang kanilang
sasagutin. Bibigyan ng tig-iisang
cartolina ang bawat grupo para
doon sila sasagot. (Integrasyon
sa numeracy)

1. ___ ___ ___ ___ ___


___
1+0 20-2 8+9 8+8 2-1
9+2
___ ___ ___ ___ ___
9+8 10+4 7+6 3+9 8+3
Mga sagot:
2. ___ ___ ___ ___ ___ 1. Imahinasyon
___ 2. Kaugalian
5+5 10+7 11- 4+4 7+10 3. Kuwento
6+1 4. Pinagmulan
___ ___ ___ 5. May-aral
5-4 8+9 10+1

3. ___ ___ ___ ___ ___ 1. _ I_ _M_ _A_ _H_ _I_


___ _N_
6+4 8+1 3+3 3+2 7+4 1+0 20-2 8+9 8+8 2-1 9+2
3+1 _A_ _S_ _Y_ _O_ _N_
___ 9+8 10+4 7+6 3+9 8+3
5+7
2. _K_ _A_ _U_ _G_ _A_
4. ___ ___ ___ ___ ___ _L_
2+1 0+1 4+7 6+11 6+2 5+5 10+7 11-2 4+4 7+10
___ ___ ___ ___ ___ 6+1
24-6 6+3 4+3 8+9 5+6 _I_ _A_ _N_
5-4 8+9 10+1
5. ___ ___ ___ ___
9+9 11+6 12+1 3. _K_ _U_ _W_ _E_ _N_
___ ___ ___ ___ 6+4 8+1 3+3 3+2 7+4
6+11 1+1 12+5 5+2 _T_ _O_
3+1 5+7

1. I 4. _P_ _I_ _N_ _A_ _G_


2. R 2+1 0+1 4+7 6+11 6+2
3. P _M_ _U_ _L_ _A_ _N_
4. T 24-6 6+3 4+3 8+9 5+6
5. E
6. W 5. _M_ _A_ _Y_ _-_
7. L 9+9 11+6 12+1
8. G _A_ _R_ _A_ _L_
9. U 6+11 1+1 12+5 5+2
10. K
11. N
12. O
13. Y
14. S
15. I
16. H
17. A
18. M “Ang alamat ay maimahinasyo o
kathang isip lamang. Masasalamin
dito ang kaugalian at kuwento ng
pinagmulan ng isang bagay at iba
pa. Kapupulutan din ito ng aral.”

Batay sa gawain, gamit ang mga


salitang nabuo ay magbigay ng
sariling pakahulugan sa alamat at
mga katangian nito.

C. Pag-uugnay ng mga Ang mga larawan na inyong nakita


Halimbawa sa Bagong at binigyan ng kahulugan ay may
Aralin kaugnayan sa ating magiging
aralin sa ngayong hapon.

Sa ating panitikan, ano ang tawag


sa akdang pampanitikan na
tumutukoy sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay?

Alamat po!

Sa inyong palagay ano ang


magiging aralin natin sa ngayong
hapon?

Ang pag-aaralan po natin sa


ngayong hapon ay tungkol sa alamat
na "Bakit Tumitilaok ang Manok sa
Mahusay! Madaling Araw"

Ang mga alamat na sumasalamin


sa mayamang kultura ng Pilipinas.
Ano-ano kaya ang kultura na
napapaloob sa Pilipinas at ano-ano
ang mayamang kasaysayan nito. (Ang mga mag-aaral ay taimtim na
Iyan ang katanungang ating nakikinig)
aalamain at tutuklasin sa bidyu clip
na aking ipapakita.
(Integrasyon sa Araling
Panlipunan)

(Pagpapanood ng bidyu clip)

D. Pagtalakay ng Talakayan
Bagong Konsepto at
Paglalahad ng Bagong Ano nga ba ang kahulugan ng
Kasanayan #1 alamat??

Alamat, Sino po ang maaaring


magbasa?

Ako po ginoo (Itinaas ang kamay)

Sige po. Pakibasa Hannah.


Ang alamat ay isang uri
ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Ito’y
prosang pasalaysay na maaaring
kathang-isip lamang o hango sa
totoong pangyayari. Karaniwang
tumatalakay sa pinanggalingan ng
mga bagay-bagay tulad ng
pinagmulan ng isang pook, halaman,
bulaklak, hayop at iba pa.

Salamat sa pagbabasa, ano raw


kapag sinabi nating alamat, ito ay
isang ano? Ako po ginoo (Itinaas ang kamay)

Sige Gian.
Ito po ay isang uri ng panitikan na
sinasabing kathang-isip lamang at
tumutukoy sa pinagmulan ng isang
bagay, pook at iba pa.

Mahusay, bigyan ng “May tama ka


clap si gian”. Handa,palakpak.
Totoong ito ay isang uri ng
panitikan ng nagsasalaysay ng
mga pangyayari hinggil sa totoo o
maimahinasyong mga bagay.

Maaari bang maging


makakatotohanan ang isang
alamat? Hindi po ginoo,

Opo hindi, sapagkat ito ay mga


kathang isip lamang at walang
mga basihan o hindi kayang
patunayan. Opo ginoo
Malinaw na ba?

Pakibasa ang sunod na slide. Ako po ginoo (Itinaas ang kamay)

Sige po pakibasa Hermione.


Ang salitang alamat ay panumbas sa
“legend” ng Ingles. Ang katawagan
namang ito ay nagmula sa salitang
latin na Ang salitang alamat ay
panumbas sa “legend” ng Ingles.
Ang
katawagan namang ito ay nagmula
sa salitang Latin na “legendus”, na
ang kahulugan ay “upang mabasa”.

Maraming salamat sa iyong


mahusay na pagbabasa.

Ngayong alam na natin ang


kahulugan ng alamat, dumako
naman tayo sa mga katangian ng
alamat.

Ano ang ba ang katangian ng


alamat?
Posibleng sagot:

1. Kathang isip lamang


2. Nagsasalaysay sa
pinagmulan ng mga bagay-
bagay.

Magaling!

Ang katangian ng alamat ay ang


mga sumusunod”

a. Ito’y kathang-isip o binuo


ng imahinasyon lamang
b. May mga pangyayaring
hindi nagaganap sa tunay (Pagbabasa ng mga mag-
na buhay. aaral)
c. Punong-puno ng
kapangyarihan at
pakikipagsapalaran at
hiwaga.
d. Kasasalaminan ng kultura
at kaugalian ng mga tao sa
lugar na pinagmulan nito.
e. Mayroong aral na
mapupulot dito.

Ngayon ay ating tatalakayin ang


iba’t ibang elemento ng alamat.

1. Tauhan- Ang nagbibigay


buhay sa maikling kuwento.
Maaring maging mabuti
(protagonista) at masama
(antagonista).
2. Tagpuan- Tumutukoy sa (Pagbabasa ng mga mag-
panahon at lugar kung aaral)
saan nangyari ang alamat.
3. Banghay – may iba’t ibang
bahagi ang banghay ito ay
ang sumusunod: simula,
katawan at wakas. Simula
ay naglalarawan sa tauhan
at tagpuan ng alamat. Sa
katawan inilalahad ang
mga pangyayaring
nagpapakita ng pag-iisip at
kaugalian ng bawat tauhan.
Panghuli ay ang wakas, ito
ang kahihinatnan ng
kuwento na nag-iiwan ng
kakintalan at mensahe sa
mambabasa.

E. Pagtalakay ng
Bagong Konsepto at Ngayon dadako tayo sa panonood
Paglalahad ng Bagong ng alamat na pinamagatang “Bakit
Kasanayan #2 Tumitilaok ang Manok sa Madaling
Araw." Makinig ang lahat at
pagkatapos nito ay may
pamprosesong tanong na
kailangang sagutin.

Panoorin Mo! (5 minuto)

(Panonood ng mga mag-aaral ng


bidyu clip)
Pamprosesong tanong:

1. Anong katangian ni Sidapa


bilang isang pinuno ang
ipinakikita sa alamat na ito? (Iba-iba ang maaaring
2. Bakit hindi ginawa ng kawal maging sagot ng mga mag-
ang tungkuling iniuutos sa aaral)
kaniya ni Sidapa? Ano ang
nagging epekto ng
kapabayaang ito?
3. Sumasang-ayon ka ba sa
parusang iginawad sa
kawal? Pangatwiranan.
4. Ano ang nagging dahilan
ng pagtilaok ng manok sa
madaling araw?
5. Bakit mahalaga ang
pagtupad sa
responsibilidad?

F. Paglinang sa
Kabihasaan Ngayon naman ay dumako tayo sa
pagsusuri ng akda batay sa
elemento. nito sa pamamagitan ng
pangkatang gawain. Hahatiin ang Bakit Tumitilaok
mga mag-aaral sa tatlong na ang Manok sa
pangkat at bibigyan ng tig-iisang Akda Madaling Araw?”
cartolina at pentel pen (panulat).

Gawain 2: Suriin Mo! (5 minuto)


Panuto: Buoin ang graphic Tagpuan
organizer sa ibaba patungkol sa
elemento ng akdang “Bakit
Tumitilaok ang Manok sa Tauhan
Madaling Araw?”
Banghay

Problema

Solusyon

(Pagwawasto ng Gawain)

G. Paglalapat ng Aralin Dumako na tayo sa pangkatang


sa Pang-Araw-araw na gawain. Paalala,ang inyong grupo
Buhay sa pagsusuri ang magiging grupo
ninyo sa pangkatang gawain.

Gawain 3: Galing Mo, Ipakita Mo!


(Multiple Intelligence) (10 minuto)

Panuto: Pumunta sa kanya-


kanyang grupo. Pumili ng isang
kinatawan para bumunot ng
kasanayan na gagawin. Bubuo
kayo ng mensahe mula sa alamat. Pangkat Sidapa- (Paggawa ng
Mayroon lamang 5 minuto para Islogan)
mag-ensayo at 3 minuto sa para
sa presentasyon. Pangkat Kawal- (maikling salaysay)

Pangkat Manok - (paggawa ng tula


na may tatlong saknong)

Pagpapakita ng rubriks para sa


pangkatang gawain.

(Presentasyon ng bawat pangkat)

H. Paglalahat ng Aralin Bakit mahalagang pag-aralan ang


kahulugan, katangian at elemento
ng alamat?
Batay sa aking sariling pagkaunawa
natutuhan ko pong______________.

I. Pagtataya ng Panuto: Basahin at unawain ang


Aralin mga tanong. Isulat ang tamang
II. sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod


ang hindi katangian ng
alamat?

a. Kathang-isip
b. Maikili at makatotohana
c. Puno ng Kapangyarihan
d. May-aral

Para sa bilang 2-5: Suriin ang


elemento ng alamat ayon sa
mahahalagang pangyayari sa
akda. Isulat ang titik ng iyong
sagot.
Sagot:
2. Ang diyos ng digma na si 1. B
Sidapa ay totoong naging 2. C
abala dahil sa aboy-abot na 3. A
suliraning idinudulog sa 4. B
kaniya. Anong elemento ng 5. A
alamat ipinahahayag ng
pahayag.

a. Tunggalian
b. Banghay
c. Tauhan
d. Tagpuan

3. Magbuhat noon, ang kawal


na naging hayop ay
tinawag na tandang at sa
tuwing magmamadaling-
araw ay gumigising at
tumitilaok upang ipagunita
sa mga natutulog na siya
ang kauna-unahang
nagigising sa lahat ng
hayop. Anong bahagi ng
banghay ang ipinapakita sa
sumusunod na sitwasyon?

a. Wakas
b. Simula
c. Gitna
d. Kakalasan

4. Noong unang panahon,


ang digmaan ay hindi
naiwasan ng mga lipi, lahi
at mga bansa. Anong
bahagi ng banghay ang
ipinapakita sa sumusunod
na sitwasyon?

a. Gitna
b. Simula
c. Wakas
d. Kakalasan

5. Ang kawal na inutusan niya


ay umalis na at nagtungo
sa kaniyang silid. Anong
elemento ng alamat ang
ipinapakita sa sitwasyon?

a. Tagpuan
b. Tauhan
c. Banghay
d. Simula

J. Kasunduan/ Takdang Panuto: Gumawa o magsulat ng


Aralin sariling alamat na may mga
elemento. Gawing gabay ang
pamantayan sa pagsulat ng
alamat.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JUNJIE FONTABLA BUNDA ALVIN G. GARA

Nagsasanay na Guro Gurong Tagapagsanay

Binigyang pansin ni:

Nene Perla G. Perez

Punong Guro
Pamantayan sa Paggawa Slogan

Inaasahang Nakuhang
Pamantayan
Marka Marka
Angkop ang
nilalamang 10
kaisipan sa paksa
Maayos ang
pagkakasulat ng 5
mga titik ng salita
Malinis ang
presentasyon ng 5
ginawang slogan
KABUUAN
Pamantayan sa Paggawa Sanaysay

Pamantayan 1 2 3 4 5
Malikhain
Kabuuan
Pormal at Di-Pormal na paggamit
ng wika
Kabuuan

Gabay:
1-Napakahusay
2-Mahusay
3-Hindi gaanong kahusay
4-Nangangailangan pang linangin ang
kasanayan
Pamantayan sa Paggawa ng Tula

Pamantayan Puntos
Makabuluhan ang
mensahe ng tula at
naiparating nang
maayos sa madla
Malinaw na nabigkas
at nalapatan ng
wastong himig ang
tula
Nailapat nang
mahusay ang wastong
damdamin at
emosyong sa binigkas
na tula
Angkop ang bawat
kilos, at ekspresyon
ng mukha sa tula
Mahusay ang kabuuan
ng pagtatanghal at
nakuha ang atensyon
ng mga nakikinig.
KABUUAN

You might also like