You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
Schools Division of Cavite Province
District of Tagaytay City
SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL
San Jose, Tagaytay City
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksy on nang may wastong tono, diin,
bilis, antala at intonasyon
C Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto
Nagagamit ang magalang na pananalita na angkop sa sitwasyon(pagbati,pakikipag-
(MELC) (Kung mayroon,
usap,paghingi ng paumanhin,pakikipag-usap sa matatanda at hindi kakilala at
isulat ang pinakamahalagang
panghihiram ng gamit.
kasanayan sa pagkatuto o
F3psIf-12/F3PS-IIb-12.5
MELC

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aarala ay inaasahang:


 Nakatutukoy ng magalang na pananalita na na ginagamit sa pagbati at
pakikipag-usap sa matatanda.
 Nagagamit ang magalang na pananalita na angkop sa sitwasyon(pagbati at
pakikipag-usap sa matatanda)
 Aktibong nakikibahagi sa talakayan at mga gawain na may kinalaman sa
paggamit ng magagalang na salita.

Magalang na Pananalita na Angkop sa Sitwasyon

II. NILALAMAN Approach: Collaborative Approach


Strategies: Jigsaw
Activities: TDAR(Think,Discuss,Act,Reflect)
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng
guro
2. Mga Pahina sa Pahina 26-27
Kagamitang mag-aaral
3. Karagdagang
Kagamitan mula sa Portal
ng Learning Resource
https://youtu.be/yUXFGglC80M
4. Integrasyon  Filipino Integration-Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutunan sa
aralin.(F3PY-Id-2.2)
 Mathematics Integration-Identifies ordinal numbers.(M3NS-Ic-16.3)
 ICT Integration)Natutukoy ang magalang na pananalita na ginagamit sa
paghingi ng paumanhin at pagtanggap ng panauhin.
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad
Larawan ng nagmamano,tsart,tarpapel ng pangkatang gawain.
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtatala ng Liban
4. Pagtatala ng Takdang Aralin
Introduction 5.Balik-aral
(Panimula) Ano ang dalawang sitwasyon ang ginagamitan ng magalang na pananalita na ating pinag-
aralan kahapon?

- Paghingi ng Paumanhin
- Pagtanggap ng Panauhin

Gawain:
(ICT Integration) Basahin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung ang ang ginamit na magalang na
pananalita ay paghingi ng paumanhin o pagtanggap ng panauhin.Piliin at pindutin ang
iyong sagot gamit ang mouse.

1.Pasensya na po kayo sa nangyari.

2. Humihingi po ako ng tawad sa lahat ng aking kasalanan.

3. Tuloy po kayo sa aming munting tahanan.

4. Dumito po muna kayo habang hinihintay ninyo si tatay.

5. Paumanhin po sa nagawa kong gulo.

Panlinang na Gawain
A.Pagganyak
Magpapakita ng larawan ng kaarawan.

Itanong:
1.Ano ang nasa larawan?
2.Nagmamano din ba kayo sa inyong lolo at lola?
3.Bakit kayo nagmamano?At kailan kayo nagmamano?
4.Bukod sa lolo at lalo,kanino pa kayo nagmamano?
B.Paglalahad
1.Paghawan ng Balakid
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Bilugan ang letrang tamang
sagot.

1. Si Kaloy ay isang magalang na bata.

a. Iyakin
b. Tampuhin
c. Marespeto

2. “Magandang umaga po!”, wika ni Hendrix nang mapadaan ang kaniyang guro sa koridor.
a. Paumanhin
b. Pagbati
c. Pagpapasalamat

3. Si Lola Kikay ay nagagalak sa mabuting inasal ng kaniyang kaibigan.

a. Natutuwa
b. Naiiyak
c. Nagagalit

2. Pagganyak na Tanong
Sa palagay niyo, paano kaya ipinakita ng bata ang paggalang at pagmamahal sa kaniyang lolo at
lola sa kwento?

3.Pagbasa ng Kwento

Ang Mahal Kong Lolo at Lola


Bakasyon nang dumalaw ang pamilya ni Benjie sa kaniyang Lolo Benny at Lola Berna
sa Bicol. Payak at masaya ang buhay ng kaniyang lolo at lola sa probinsya kaya naman
gusting-gusto ni Benjie ang magbakasyon sa kanila.
“Salamat at dinalaw ninyo kami”, pahayag ni Lolo Benny.
“Mano po, Lolo. Mano po, Lola. Magandang umaga po”, pahayag naman ni Benny sa
kaniyang lolo at lola.
“Pasensiya na po kayo at ngayon lamang kami nakadalaw. Kumusta po,” tanong ng
nanay ni Benny.
Ayos lamang, apo. Ang mahalaga nandito ka na ngayon. Saan mo gustong
mamasyal?”, ang tanong ni Lola Berna.
“Naku, Lola. Gusto ko lamang kayong makasama. Tutulungan ko kayo sa inyong mga
gawaing-bahay,” pahayag ni Benjie.
“Ito talagang apo ko, manang-mana sa akin,” singit ni Lola Berna.
“Lola, ayos lamang po ba kayo?” tanong ni Benjie.
“Nahihilo lamang ako, dahil sa init ng panahon.”
“Dapat kasi ay hindi ka na masyadong magkikilos dito sa bahay,” ang payo ni Lolo
Benny.
“Tama po si Lolo Benny, Lola. Maari po bang ako na ang gumawa ng Gawain ninyo?”,
ang hininging pahintulot ni Benjie.
“Ngayong andito na po ako, ako muna ang mag-aalaga sa inyo.”
“Salamat, Apo. Huwag mo akong alalahanin, kayang-kaya ko pa naman.” Tugon ng
lola.
“Ayyy, Apo ko talaga, manang-mana sa akin, napakabait,” pahayag ni Lolo Benny.
“Salamat po!” pasasalamat ni Benjie. Nagkangitian ang nanay at Lola Berna at sila’y
nagkatawanan.

Sagutin ang mga tanong batay sa napakinggang kwento.


1.Sino ang bata sa kwento?
2. Naging magalang ba sa pakikipag-usap si Benjie sa kaniyang Lolo at Lola?
Magbigay ng magagalang na salita na sinabi niya.
3. Ano-ano naman ang ginamit na magagalang na pananalita sa pagbati?
4.Ano ang naramdaman ng lola at lolo ni Benjie dahil sila ay nabisita?
5. Kung ikaw si Benjie, magpapakita ka din ba ng paggalang sa iyong lolo at
lola? Bakit?

Development C.Pagtatalakay
(Pagpapaunlad)
Basahin ang mga sumusunod na pahayag sitwasyon.

1.Mano po, Lolo. Mano po, Lola. Magandang umaga po”, pahayag naman ni Benny sa
kaniyang lolo at lola.
2. Lola, ayos lamang po ba kayo?” tanong ni Benjie.
3. Maari po bang ako na ang gumawa ng Gawain ninyo?”, ang hininging pahintulot ni
Benjie.
4. Kumusta po?” tanong ng nanay ni Benny.

Itanong:
Ano ang magagalang na pananalita na ginamit sa bawat sitwasyon?

Ang magalang na pananalita ay nagpapakita ng kagandahang-asal. Gumagamit tayo


ng 'po' at 'opo' sa pakikipag-usap sa mga nakakatanda at pagbati.

Narito ang mga halimbawa ng mga magalang na pananalita

Pagbati
• Magandang umaga po!
• Magandang gabi po!
• Magandang araw po!

Pakikipag-usap sa matatanda
 Kamusta po kayo lolo?
 Maaari ko po kayong samahan.
 Maraming salamat po.

PAGSASANAY
Piliin ang magagalang na pananalita at idikit sa angkop na sitwasyon.
Magandang hapon po.
Maaari nyo po ba?
Maraming salamat po.
Magandang umaga po.
Mano po.

Pagbati Pakikipag-usap sa nakakatanda

Engagement D.Paglalapat
(Pagpapalihan) Pangkatang Gawain
Pangkat I-ISADULA MO!
RUBRIKS
PAMANTAYAN PUNTOS
Aktibong nakikilahok ang lahat ng 3
miyembro ng pangkat.
May dalawa hanggang tatlong 2
miyembro ang hindi nakikilahok
sa pangkat.
May apat hanggang limang 1
miyembro ang hindi nakikilahok
sa pangkat.

Isadula ang sitwasyon na gagamitan ng pakikipag-usap sa nakakatanda at pagbati.

Sitwasyon 1. Pumunta ka sa tindahan at nakasalubong mo ang iyong lolo,ano ang sasabihin mo?

Sitwasyon 2. Pupunta ka sa kusina ngunit nakaharang ang iyong tatay,ano ang sasabihin mo?

Pangkat II-BILUGAN MO!


RUBRIKS
PAMANTAYAN PUNTOS
Nakuha ng apat(4)na tamang sagot. 3

Nakuha ng tatlo(3)na tamang sagot. 2

Nakuha ng isa at dalawang (1-2)na 1


tamang sagot.

Panuto:Hanapin at bilugan ang mga magalang na pananalita sa puzzle.

Pangkat IV-PANTIGIN MO!


RUBRIKS
PAMANTAYAN PUNTOS
Nasagutan lahat ng tama. 3
(Literacy Skills)
Nakakuha ng 3-4 na tamang sagot 2
Filipino Integration-
Nababaybay nang wasto ang Nakakuha ng 0-2 tamang sagot. 1
mga salitang natutunan sa
aralin.(F3PY-Id-2.2)
Pantigin ang mga sumusunod na salita at isulat kung ilang pantig ito.

Salita Pantig Bilang ng pantig


1.magalang
2.pananalita
3.pagbati
4.matanda
5.lola
E.Paglalahat

Isulat ang nawawalang letra sa patlang ang katumbas ng bawat ordinal na bilang upang mabuo
ang salita.

(Numeracy skills)

Mathematics Integration-
Identifies ordinal numbers.
(M3NS-Ic-16.3)

Sa inyong aralin ngayon,Ano ang dalawang sitwasyon na ginagamitan ng maglang na


pananalita?

Pagpapahalaga

 Bakit mahalaga na gumagamit tayo ng magagalang na salita?


 Kanino ninyo ipinakikita ang pagiging magalang?

(Assimilation) Piliin ang angkop na magagalang na pananalita sa sumusunod na sitwasyon.


V.Pagtataya Bilugan ang tamang sagot.

1.Kagigising mo pa lámang nang pumasok sa iyong kuwarto ang iyong nanay.


Paano mo siya babatiin?
A.Ano po ang pagkain.
B.Magandang umaga po.
C.Maraming salamat po.

2.Isang hapon, nakasalubong mo ang iyong kapitbahay na si Mang Jose sa


parke. Paano mo siya babatiin?
A.Magandang umaga po, Mang Jose!
B.Magandang hapon po, Mang Jose!
C.Magandang gabi po,Mang Jose!

3.Nais mong dumaan sa lugar kung saan nag-uusap angiiyong guro at ang
kausap niya. Ano ang saabihin mo sa kanila?
A. Tumabi kayo.
B. Makikiraan po.
C.Huwag kayong paharang haring sa daanan.

4. Naglakad kayo ng iyong mga kaklase pauwi. Sa tapat ng tindahan ni Aling


Ingga na inyong dadaanan ay may mga nanay na nagkukuwentuhan. Ano ang
magalang na salita ang sasabihin mo?
A. Makikiraan po!
B.Magsiuwi na kayo.
C.Tabi at dadaan ako
5. Inutusan ka ng iyong guro na pumunta sa tanggapan ng punongguro upang
kunin ang libro. Pag pasok mo sa tanggapan, ano ang sasabihin mo sa
punongguro?
A. Inutusan ako ng aking guro, kunin ko daw ang
libro niya.
B. Pinakukuha ni Ma’am Faye ang kaniyang libro.
C.Magandang umaga po! Sir Jaypee, inutusan po
ako ni Ma’am Faye na kunin ko daw po ang
kaniyang libro.
VI.Takdang Aralin Lumikha ng isang diyalogo sa loob ng silid-aralan sa oras ng klase sa pagitan
mo at ng iyong guro. Gumamit ng magagalang na salita.
Guro: ________________
Mag-aaral: ____________

PAGNINILAY Index of Mastery


5-x --------
4-x ---------
3x ---------
2x
1x-
0x

30 x 5=

VI. REMARKS

You might also like