You are on page 1of 4

DAILY School Gawaran Elementary School Grade Level Two

LEARNING Teacher Janice P. Felix Week/Day 2/3


PLAN Date September 6, 2023, Wednesday Quarter First

Filipino 2
9:30-10:20

I. Layunin:
A. Natutukoy ang mga magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon (pagbati).
B. Naipamamalas ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon tulad ng pagpapakilala ng sarili, pagpapahayag ng sariling
karanasan at pagbati.
C. Nahahasa ang kasanayan o kaalaman sa paggamit ng magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon (pagbati).

II. Paksang Aralin


Paksa: Batang Magalang Kayamanan ng Bayan
Kasanayan: Pagsusulat, Pagbabasa/Pagbibigkas/Pagsasalita, Pakikinig
Kagamitan: TV, Laptop, PPT, Internet
Sanggunian: MELC, CG, ICT, Books, DepEd Learning Portal
Pagpapahalaga: Pagiging mabuti at magalang na bata
Pagsasanib:
Withiin Curriculum: Dating kaalaman sa asignaturang Filipino 1 tungkol sa “Nagagamit ang magalang na
pananalita sa angkop na sitwasyon tulad ng pagpapakilala ng sarili, pagpapahayag ng
sariling karanasan at pagbati” F1WG-IIa-1 F1PS-IIj-5j-6.11 F1WG-IIIb-1
Across Curriculum: Edukasyon sa Pagpapakatao – Naipapakita at naisasabuhay ang pagiging magalang sa
kilos at pananalita.
Literasi – Nababasa at nakasasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang
kuwento.
Musika – Pagkanta ng awitin bilang paghahanda sa aralin.

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Gawain bago magsimula ang klase
a. Panalangin
b. Pagpapaalala sa Health & Safety Protocols
c. Attendance
d. Kamustahan
e. Tuntunin sa silid-aralan
i. Maging positibo
ii. Maging magalang
iii. Maging produktibo
iv. Maging handa
v. Magkaroon ng respeto

Balik-aral
Magbigay ng halimbawa ng magalang na pananalita.
Posibleng sagot: Magandang umaga po
Maraming salamat po
Mapagpalang araw po

Drill/Literasi sa Filipino
Panuto: Bigkasin/Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Magalang na bata si Zack.
2. Tumunog ang telepono sa bahay nila Princess.
3. Kayamanan ng magulang ang makapagtapos sa pag-aaral ang anak.
4. Gumagamit ng magalang na pananalita sina Paul at Martin.
5. Maayos na bayan ang Bacoor , Cavite.

2. Pangganyak
Panuto: Panoorin at kantahin ang “Po at Opo”.

https://www.youtube.com/watch?v=hNtWrMqzkEo
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Paglalahad
Panuto: Tingnan ang larawan.

Tanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
2. Ano ang mga dapat kapag nasa silid-aralan?
3. Paano mo naipapakita ang pagiging magalang bilang isang mag-aaral?

2. Pagtatalakay
Panuto: Narito ang isang maikling diyalogo tungkol sa paggalang sa kapwa, basahin at unawain.

Sa Loob ng Silid-Aralan
GDViloria

Isang tagpo sa loob ng silid–aralan habang naghahanda ang mag-aaral sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Biglang pumasok si
Bb. Sanchez.

Mga Batà: Magandang umaga po, Bb. Sanchez.


Bb. Sanchez: Magandang umaga rin, mga bata.
Ben: Tulungan ko na po kayo ma’am sa inyong dalahin.
Bb. Sanchez: Salamat, anak.
Teresa: Ma’am, maaari po ba kaming maghanda ng isang dula-dulaan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika?
Bb. Sanchez: Oo naman, Teresa. Ano ba ang inyong nais ipakita?
Telma: Gusto po sana naming magtanghal ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng pagiging magalang sa kapwa
naming mga batà at nakatatanda gamit ang sarili nating wika upang higit naming mapagyaman ito.
Bb. Sanchez: Aba! mainam ang inyong naisip, mga anak. Nagagalak ako dahil sa mura ninyong edad ay napapahalagahan
na ninyo ang pagiging magalang. Ipagpatuloy ninyo iyan.
Mga batà: Salamat po, Bb. Sanchez.

Nang araw nga ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay matagumpay na nakapagtanghal ang mga batà at marami ang natuwa at
natuto sa kanilang ipinalabas. Nagpalakpakan ang mga manood. Hinangaan at kinalulugdan sila ng maraming tao.

Tanong:
1. Ano ang pamagat ng maikling diyalogo?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa diyalogo na nagpakita ng paggalang?
3. Ano ang nais itanghal ng mga batà?
4. Bakit nais nilang itanghal ang kanilang naisip?
5. Bakit nagpalakpakan ang mga nanood?

3. Pinatnubayang Pagsasanay
Panuto: Lagyan ng ✓ kung ang mga sumusunod ay magagalang na pananalita at ✗ kung hindi. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.

1. Po at opo
2. Hoy!
3. Magandang umaga po.
4. Oo
5. Paumanhin.

4. Ginabayang Pagsasanay
Pamantayan sa Pangkatang Gawain
• Makinig, basahin at sundin ng mabuti ang panuto.
• Pakinggan at igalang ang opinyon ng bawat isa.
• Makipagtulungan, magkaisa at gawin ng tahimik ang takdang gawain.
• Panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng lugar na pinaggagawaan.
• Tapusin ang gawain sa itinakdang oras.

Pangkat 1
Panuto: Basahin ang sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang dapat mong sabihin.

Araw ng Sabado, matapos mong mananghalian ay pumunta ka sa bahay nina Arman para gumawa ng inyong proyekto.
Nakasarado ang kanilang pinto subalit naririnig mo rin naman na may tao sa loob. Ano ang iyong sasabihin at gagawin?

Pangkat 2
Panuto: Bumuo ng isang grupo at isadula ang sitwasyon.
1. Tumawag ka sa iyong guro upang sabihing liliban ka dahil may sakit ka.
RUBRIKS
Mahusay na mahusay Mahusay Hindi Mahusay Puntos
BATAYAN
(3 Puntos) (2 Puntos) (1 Puntos)
Pagkamalikhain Lubos na nagpapamalas ng Di-gaanong malikhain sa Walang naipamalas na
pagkamalikhain sa paghahanda pagkamalikhain sa
paghahanda paghahanda
Pagganap Lubos na naging Di-gaanong makatotohanan Hindi nagging
makatotohanan at at makatarungan ang makatotohanan at
makatarungan ang pagganap makatarungan ang
pagganap pagganap
Pagsasalita at Lubhang naging malinaw Di-gaanong malinaw ang Hindi naging malinaw
pagbigkas ang pagbigkas at paghahatid pagbigkas at paghahatid ng ang pagbigkas at
ng mensahe mensahe paghahatid ng mensahe
Kagamitan/Props Angkop na angkop ang Di-gaanong angkop ang Hindi angkop ang
ginamit na kagamitan ginamit na kagamitan ginamit na kagamitan
Pamamahala ng oras Ginamit ang sapat na oras Natapos at naisumite Natapos at naisumite ng
upang ihanda at tapusin at ngunit hindi sa tamang ilang araw ang nakalipas.
naipasa sa tamang araw at araw at oras.
oras.
Kabuuang Puntos

5. Malayang Pagsasanay
Panuto: Basahin ang usapan sa telepono. Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot sa patlang.

Marie : _______! Sino po sila?


Mark : Hello! Si Mark ito. _______ ko bang makausap si Angelo?
Marie : Si Marie po ito. Wala po si Kuya Angelo. May ipagbibilin po ba kayo?
Mark : ________ dalhin niya ang kaniyang bola bukas? Maglalaro kami ng basketbol pagkatapos ng
aming klase.
Marie : Iyon lamang po ba ang bilin ninyo?
Mark : Oo, iyon lamang. ___________, Marie.
Marie : Wala pong _________.

6. Paglalahat
Ang magalang na pananalita ay ginagamit upang ipakita ang paggalang sa kausap. Ang pagiging magalang ay isang
magandang asal na dapat na taglay ng batang kagaya mo. Maipapakita ang paggalang ayon sa tamang pagkakataon:

a. Pagbati Halimbawa: Magandang umaga po sa inyo.


b. Paghingi ng paumanhin o pagtanggap ng paumanhin Halimbawa: Paumanhin po ma’am, hindi ko po agad naibigay ang
inyong lapis.
c. Paghingi ng pahintulot at pakiusap Halimbawa: Puwede ko po ba hiramin ang inyong
aklat?
d. Pagpapakilala Halimbawa: Ako po si Ethan, pitong taong gulang.

C. Pagtataya:
Panuto: Lagyan ng ✓ kung ang mga sumusunod ay magagalang na pananalita at ✗ kung hindi. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.
1. Pssst!
2. Salamat po.
3. Uy!
4. Walang anuman po.
5. Magandang hapon po.

D. Takdang-aralin
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong. Gawin ito sa kuwaderno.
1. Wala ka nang papel at kailangan ninyo ito sa klase. Ano ang sasabihin mo sa iyong kaklase upang ikaw ay makahingi?

Item No. of Pupils

1
Prepared by: Checked by:
Noted: 0
JANICE P. FELIX Total % MARITES S. INOVERO
BENITA R. BORROMEO Ed
Teacher I Master Teacher I Principal IV

You might also like