You are on page 1of 10

FILIPINO 1 AUTHENTIC ASSESSMENT MODULE

by: Daniella B. Gutierrez – NT MALT


Paksa: Magagalang na Pananalita
Learning Outcome: Magamit ang angkop na magalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon sa pakikipagtalastasan sa mga nakatatanda at sa
mga taong nakakasalamuha sa paaralan
Objectives: Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nakatutukoy ng mga magagalang na pananalita
 Nagagamit ang magalang na pananalita sa pakikipagtalastasan
 Naipakikita ang pagiging mgalang sa mga munting paraan
Bilang ng sesyon Mga Gawain/ Kagamitan sa Pagtatasa (Assessment Tools)
Unang Sesyon 1. Pagganyak
Aawitin ng mga mag-aaral ang awiting “Ang Batang Magalang” sa himig ng “Leron-Leron Sinta”

“Ang Batang Magalang”

May matandang nagtanong


Ang daan kung saan
May batang sumagot
Sa banda po riyan
Salamat sa iyo
Wala pong anuman
Ako’y nakahandang
Kayo ay tulungan
2. Paglalahad
Itatanong ng guro sa mga mag – aaral kung anong katangian ang ipinakita ng bata na nasa awitin.
3. Pagtatalakayan
Ang mga mga-aaral ay aatasan ng guro na piliin ang mga papel na naglalaman ng mga magagalang
ng pananalita at ilagay sa tsart na nasa pisara.

Umalis ka dyan! Salamat po. Wala pong anuman.

Padaan ako Po at Opo

Ang Batang Magalang


Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:
 Paano mo mailalarawan ang batang magalang?
 Bilang isang mag-aaral na Lasalyano,paano mo maipakikita ang pagiging magalang?
( sa magulang,guro,kaibigan at sa ibang tao)
 Anu-anong salita ang ginagamit kapag nakikipag-usap sa nakatatanda o sa matatanda?
 Anu-ano ang magagalang na pananalitang maaaring gamitin sa ibat-ibang pagkakataon?

4. Paglalapat
Isasadula ng mga piling mag-aaral ang mga sumusunod na sitwasyon.

1. Isang umaga, nakasalubong mo ang punong-guropaaralan sa pagpasok mo sa eskwela,ano ang


nararapat mong gawin?

2. Nilapitan kayo ng pari ng inyong parokya isang hapon matapos kayong magsimba.Ano ang gagawin
mo?

3. Kakauwi mo lang sa bahay isang hapon. Naabutan mo ang iyong lolo’t lola sa inyong sala. Ano ang
gagawin mo?

5. Paglalahat
Itatanong ng guro kung ano ang kahalagahan ng pagiging magalang.

Ikalawang Sesyon Balik-aral


Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga magagalang na pananalita na kanilang naalala mula
sa nakaraan na talakayan.
Pasulat na Pagtatasa (Pagkumpleto ng Dayalogo)
Ang guro ay magbibigay sa mga mag-aaral ng mga papel at isusulat nila ang angkop na magalang
na pananalita na dapat gamitin sa bawat sitwasyon.
1. Binigyan ka ng regalo ng iyong kapatid

Arn, para sa iyo ang


regalong ito.

2. Dumating ang kapatid ng iyong Lola sa inyong tahanan isang araw.

Tao po. Andyan ba ang


iyong ina?

3. Isang hapon, naabutan mo ang iyong guro sa silid-aklatan.


Ikatlong Sesyon Balik-aral Lagyan ng tsek (/) ang angkop na kahon upang ilarawan ang kasanayan
sa pagsulat ng dayalogo.
Ang mga mag-aaral ay aatasang magbigay ng mga paraan na maaring magpakita ng pagiging
magalang. OpoHindi po1. Nakumpleto ang lahat na dayalogo2. Nakagamit ng mga
magagalang na pananalita3. Angkop ang magagalang na pananalita para
Paalam mga apo! Salamat
sa bawat sitwasyon4. Nagamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng mga
sa pagbisita.
Pasalitang Pagtatasa (Think – Pair – Share) dayalogoKabuuan
Magpapakita ang guro ng iba’t ibang video ng mga bata na nakikipag-usap sa mga nakatatanda.
Ang mga mag-aaral ay aatasang susuriin kung ang mga bata na nasa video ay nakapagpakita ng pagiging
magalang at ipapaliwanag nila ang kanilang sagot sa pasalitang paraan. Ilalahad ng bawat pares ang
kanilang kasagutan sa harap ng klase.

Rubrik
Kraytirya Di-gaanong mahusay Katamtaman ang Mahusay
husay
Kasanayan sa Hindi nakapagpahayag May kakulangan ang Nakapagpahayag ng
Pagsusuri ng mga impormasyon ipinahayag na kumpletong
tungkol sa video na impormasyon impormasyon tungkol sa
nagpapakita ng pagiging tungkol sa video na video na nagpapakita ng
magalang nagpapakita ng pagiging pagiging magalang
magalang
Paggamit ng Wikang Gumamit ng maraming Gumamit ng ilang Gumamit ng purong
Filipino wikang Ingles sa wikang Ingles sa wikang Filipino sa
pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ng
sagotb sa klase sagot sa klase sagot sa klase
Ikaapat na Sesyon Balik-aral
Ang guro ay magbibigay ng sitwasyon at tutukuyin ng mga mag-aaral kung ang bawat sitwasyon ay
nakapagpakita ng paggalang sa pamamagitan ng pagatataas ng kanilang daliri.
Magalang ang bata Hindi magalang ang bata

Pasalitang Pagtatasa (Sine Mo ‘To)


Ang mga mag-aaral ay ipagpapares. Bubunot ang mag-aaral sa ”kahon ng mga pangyayari” ng
papel at isasadula nila ang nasabing sitwasyon.
Mga Halimbawa nga Sitwasyon:
Nakita mo ang iyong guro sa simbahan isang umaga.

Dumating ang bisita ng iyong kuya isang gabi.

Oras ng tangahilaan, bibili ka ng iiyong pagkain sa kantina

Natapon ang iyong pagkain at kailangan mong tawagin ang janitor

Rubrik
Kraytirya Di-gaanong mahusay Katamtaman ang Mahusay
husay
Nilalaman Nakapagpahayag ng Nakapagpahayag ng Nakapagpahayag ng
magagalang na magagalang na magagalang na
pananalita na hindi pananalita ngunit hindi pananalitang angkop sa
angkop sa sitwasyon masyadong sitwasyon
angkop sa sitwasyon
Pagkamalikhain Naipakita ang hindi- Naipakita ang Naipakita ang pagiging
gaanong katamtamang mahusay sa pag-arte ng
husay sa pag-arte ng husay sa pag-arte ng mga pangyayari
mga pangyayari mga pangyayari
Paggamit ng Wikang Gumamit ng maraming Gumamit ng ilang Gumamit ng purong
Filipino wikang Ingles wikang Ingles sa wikang Filipino sa
sa pagpapahayag ng pagpapahayag ng mga pagpapahayag ng mga
mga salita salita salita
Ikalimang Sesyon Balik-aral
Bilang Lasalyano paano mo maipapakita ang pagiging magalang sa mga nakatatanda lalo’t higit sa
mga taong madalas mong makasalamuha sa paaralan?
Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa anim na grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng mga
sitwasyon sa paaralan. Sila ay aatasang isadula ang bawat sitwasyon gamit ang mga magagalang na
pananalita na kanilang natutunan noong mga nakaraang araw.
Unang Pangkat
Isang umaga, habang kayo ay papasok sa paaralan nakasalubong ninyo ang guard na nagbabantay sa
inyo tuwing uwian. Paano nyo maipapakita ang paggalang sa kanya?

Ikalawang Pangkat
Tinanghali ka ng gising kung kaya’t kailangan mong humingi ng admit pass sa opisina ng Grade
Moderator. Paano ka makikipag-usap sa kanya?

Ikatlong
Araw ngPangkat
martes, katatapos nyo lang isagawa ang mission collection, sinugo kayo
ng iyong gurong tagapayo na dalhin ang inyong nakolekta sa opisina ng Assisstang Principal. Paano
nyo maipapakita ang pagiging magalang sa kanya?
Ikaapat na Pangkat
Oras ng recess, dali dali kayong pumunta sa kantina. Madaming bata ang nagsisigawan sa pakikipag-
usap sa tindera bilang mgamagagalang na bata, ano ang gagawin nyo?

Ikalimang Pangkat

Oras ng tanghalian natapon ang pagkain ng inyong kaibigan. Kailangan niyo ito linisin subalit nabasa
pala ang sahig. Paano ninyo tatawagin ang janito ng may paggalan?

Ikaanim na Pangkat

Kaarawan ng inyong kamag-aral. Dumating ang kanyang mga magulang sa inyong sild-aral upang
magbigay ng mga pagkain. Paano maipapakita nankayo ay magagalang na mga bata?

Rubrik
Kraytirya Di-gaanong mahusay Katamtaman ang Mahusay
husay
Nilalaman Nakapagpahayag ng Nakapagpahayag ng Nakapagpahayag ng
magagalang na magagalang na magagalang na
pananalita na hindi pananalita ngunit hindi pananalitang angkop sa
angkop sa sitwasyon masyadong sitwasyon
angkop sa sitwasyon
Pagkamalikhain Naipakita ang hindi- Naipakita ang Naipakita ang pagiging
gaanong katamtamang mahusay sa pag-arte ng
husay sa pag-arte ng husay sa pag-arte ng mga pangyayari
mga pangyayari mga pangyayari
Paggamit ng Wikang Gumamit ng maraming Gumamit ng ilang Gumamit ng purong
Filipino wikang Ingles wikang Ingles sa wikang Filipino sa
sa pagpapahayag ng pagpapahayag ng mga pagpapahayag ng mga
mga salita salita salita
Ikaanim na Sesyon PERFORMANCE TASK
Ang mga bata ay nakagrupo sa anim. Sila ay dadalhin ng guro sa iba’t ibang lugar sa paaralan na
madalas nilang puntahan. Sa bawat lugar na ay mga manggagawa o tagapamahala ng paaralan na
nakatalaga. Ang mga mga ito ay makikipag-usap sa bawat grupo. Ang mga mag-aaral ay inaasahang
maipakita ang pagiging magalang sa bawat sitwasyon.

GRASP Narrative Description


Araw-araw iba’t ibang uri ng tao ang inyong nakakasalamuha sa paaralan. Bilang isang magalang
na batang Lasalyano nararapat na maipapakita ang paggalang sa mga nakatatanda na nakakasalamuha
araw-araw pati na din sa mga manggagawa at tagapamahala ng paaralan. Ang inyong pagiging magalang
ay titignan at susurrin ng inyo kapawa kamag-ral at punong tagapayo. Ang inyong ipinakita ay mamarkahan
ng taong inyong kinausap at ng inyong guro gamit ang rubric sa ibaba.

Iskala ng Pagmamarka: 3 (Mahusay): 2 (Katamtaman): 1 (Di-gaanong mahusay):


PAMANTAYAN POKUS MARKA
1. Pagbibigay ng Interpretasyon Nakapagpakita ng angkop na
gawain ng isang batang
magalang

2. Pagkakaganap Pagbibigay buhay sa


personalidad ng isang batang
magalang

3 Nilalaman Nakapagpakita ng angkop na


magalang na pananalita sa
pakikipagtalastasan sa mga
nakatatanda
4. Gamit ng Wika Nagamit ang wikang Filipino sa
mabisa at makabuluhang
pakikipagtalastasan
5. Partisipasyon Ang lahat ng miyembro ay
aktibong nakilahok sa
pagsasadula ng mga pangyayari
KABUUANG MARKA

You might also like