You are on page 1of 6

Grade 2 Teacher FREILINE JOY B.

ANGARA
LESSON PLAN Time Allotment 60 minutes
Grade Level Grade 2
Learning Area FILIPINO
Quarter First

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipapamalas ang kakayahan at tatas
sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap Naipapahayag ang kakayahan sa paggamit ng magalang
na pananalita sa angkop na pagpapahayag ng sariling
karanasan at pagbati.
C. Kasanayang sa Pagkatuto Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na
sitwasyon (pagbati, paghingi ng pahintulot, pagtatanong
ng lokasyon ng lugar, pakikipag-usap sa matatanda,
pagtanggap ng paumanhin, pagtanggap ng tawag sa
telepono, pagbibigay ng reaksyon o komento) F2WG-
Ia-1
D. Layunin Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nagagamit ang mga magagalang na pananalita
sa angkop na sitwasyon tulad ng pagbati,
paghingi ng pahintulot, pagtatanong ng lokasyon
ng lugar, pakikipag-usap sa matatanda,
pagtanggap ng paumanhin, pagtanggap ng tawag
sa telepono, pagbibigay ng reaksyon o komento.
2. Natutukoy ang mga magagalang na pananalita.
3. Naipapakita ang mga magagalang na pananalita.
II. NILALAMAN Magagalang na Pananalita at Pagbati
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian MELCS (FILIPINO) pahina 200
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Maga Pahina sa Kagamitan Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
B. Listahan ng Mga Kagamitang Panturo PowerPoint presentation, projector, Activity Sheet,
Larawan
IV. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN

Panalangin
Magsitayo na ang lahat para sa ating panalangin. (Taimtim na mananalangin)

Pagbati
Magandang umaga/hapon mga bata! Magandang umaga/hapon din po!

Maari na kayong maupo. Salamat po!

Pagtsetsek ng Attendance

Tingin sa kana tingin sa kaliwa, Tignan kung may Wala po


nawawala? May liban bas a klase ngayong araw?

Dahil kumpleto kayong lahat bigyan ang mga sarili ng Ang 1, 2 ang galing 1, 2 ang galing 1,2 ang galing galing!
Galing Clap

B. PAGGANYAK

Nais ko kayong ipakilala sa aking kaibigan. Siya si


Magalang. Tayo ay may misyon ngayong araw. Tutulungan
natin si Magalang na makuha ang isang espesyal na regalo
mula sa bahay ng kayang Lolo at Lola.

Pero para makarating dito may mga pasubok syang


kailangan malampasan. Matutulungan ba natin siya? Opo!
Alam kong maaasahan ko kayo pero sa kaniyang misyon
mahalaga na maalala ang ating mga naging aralin kahapon.

Natatandaan nyo pa ba ng ang mga natutuhan nating Aba syempre!


magagalang na pananalita at pagbati?

Balikan nga natin.

Panuto: Tukuyin ang gamit ng mga magagalang na salita.


(Tatawag ng mga mag-aaral ang guro upang sumagot)

Letrang C
.

Letrang B

Letrang A

Letrang B

Letrang A

Naaalala nyo nga ang ating aralin, ngayon ito ay ating


magagamit upang matulungan si batang magalang sa
kanyang misyon.

Magagaling, Dahil dyan bigyan nyo ang inyong mga sarili


ng tatlong palakpak. (Papalakpak ng tatlo ang mga mag-aaral)

C. PRESENTASYON

Bago tayo magsisimula sa ating aralin ay ihanda muna


ninyo ang inyong mga sarili. Maging disiplinado, makinig
at makiisa sa ating aralin. (Susunod ang mga mag-aaral)

Halinat tuklasin natin ang mga gamit ng magagalang na


pananalita at pagbati. Handa na ba kayo?

D. PAGTATALAKAY Handa na po!

Para sa pagsisimula ng kanyang misyon, Paalis na si


Batang sa kanilang bahay pero bago makaalis narito na ang
unang pagsubok.
(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral upang sumagot)
Ano ang dapat sabihin ni batang Magalang sa kanyang mga
Magulang?

a. Patawad po
b. Paalam po, aalis nap o ako

Tulungan natin sya mga bata, ano ang tamang sagot? Letrang B

Tama, Letrang B. Paalam po, aalis na po ako.

Ayan makakaalis na si batang Magalang.

Sa kaniyang paglalakad kailangan niyang dumaan sa isang


eskinita pero may dalawang taong nag-uusap dito, isa na
naming pagsubok kay batang Magalang.

Ano ang dapat nyang sabihin sa kaniyang pagdaan sa


pagitan ng dalawang taong nag-uusap?

a. Makikiraan po
b. Kumusta kana?

Siguradong kaya mo syang tulungan sa sagot. Letrang A


Letrang A, Magaling! Makikiraan po ang dapat nyang
sabihin.

Ayan nakadaan na si batang Magalang. Nagmamadali na si


batang Magalang para makuha ang kanyang espesyal na
regalo. Naku sa kaniyang pagmamadali ay nabangga niya
ang isang batang babae, isa na naman itong pagsubok.

Ano ang dapat sabihin ni batang Magalang sa kanyang


nabangga?

a. Maraming salamat
b. Pasesnya na, hindi ko sinasadya
Letrang B
Tulungan mo nga sya sa kaniyang dapat sabihin, bilis!

Mahusay, Letrang B pasensya na, hindi o sinasadya ang


dapat niyang sabihin

Ayan makapagpapatuloy na si batang Magalang, malapit na


siya sa kaniyang regalo. Narating niya na ang bahay ng
kanyang lolo at lola. Pero muli isa munang pagsubok para
sa kanya.

Ano ang dapat nyang sabihin sa kaniyang pagdating?

a. Magandang Hapon po
b. Walang anuman po

Dali! Ano ang tamang sagot? Letrang A

Letrang A, Tama! Dapat niya itong batiin para magpatuloy


sa kaniyang misyon. Magaling!

Dahil matagumpay na nakarating si batang Magalang sa


bahay ng kaniyang Lolo at Lola. Nakuha niya na ang
kaniyang regalo.

Ano ang dapat niyang sabihin matapos matanggap ang


regalo mula sa kanyang Lolo at Lola?
a. Pasensya na po
b. Maraming salamat po

Letrang B
Madaling madali lang ito, ano ang tamang sagot?

Letrang B, Maraming Salamat po. Tama!

Ayan nagtagumpay na nga si Batang Magalang.

Maraming salamat din sa inyo dahil sa natutunan nyong


magagalang na pananalita at pagbati natulungan nyo si
Batang Magalang sa kaniyang misyon.

Ngayon tayo ay umawit, ating awitin ang magagalang na


pananalita sa saliw ng Tatlong Bibe na itunuro ko kahapon.

May magagalang na pananalita may po, opo at salamat po.

Kailangan gamitin sa lolo at lola mo


Pati na rin sa lahat ng tao.
(Aawit ang mga bata)
May magagalang na pananalita
Magandang araw, paumanhin at pasensya na rin.

Kailangang gamitin ang mga salitang ito. Magagalang na


salita ang piliin mo.

Ang gagaling nyo naman umawit mga bata.

E. PAGLALAPAT

Para sa ating pangkatang Gawain, Kayo ay papangkatin ko


sa tatlo. Ang unang hanay ang unang grupo ikalawa at
ikatatlo. Bibigyan ko kayo ng kanya-kanyang Gawain
bawat grupo at kailangang matapos ito sa loob ng limang
minuto.

Unang Pangkat:

Panuto: Tignan ang mga larawan sa ibaba. Sabihin ang mga


sitwasyon na nagpapakita ng paggalang isulat ang sagot sa (Magsasagot ang mga mag-aaral ng tahimik)
kahon.

Ikalawang Pangkat:

Panuto: Isulat ang tsek (✓) sa iyong kuwaderno kung


ang pahayag sa bawat bílang ay nagpapahayag ng
paggalang at ekis (x) naman kung hindi.

_____ 1. “ Magandang hapon po, Ginoong Alex.”


_____ 2. “Bb. Sanchez, maaari po ba akong lumabas at
magtungo sa canteen?
_____ 3.“Alis diyan, Gng Perez.”
_____ 4.“Hindi ko sinasadya, Whena. Ipagpaumanhin mo.”
_____ 5. “Paraan nga, nakaharang ka sa daan.”
Ikatlong Pangkat:

Panuto: Basahin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang


sagot sa nakalaang espasyo.

1. Ano ang magagalang na pagbati sa umaga? Ano


naman ang sasabihin kapag tanghali at hapon?
2. Ano-ano ang magagalang na pananalita ang
ginagamit sa pagpapakilala sa sarili?
3. Ano ang sasabihin mo sa bisita ng inyong pamilya
bílang pagbati sa gabí?
4. Anong magalang na pananalita ang sasabihin mo
bílang pakiusap?
5. Ano ang sasabihin mo sa inyong magulang bílang
pasasalamat?

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng isang laro.


Makinig ng mabuti sa aking mga sasabihin. Itaas ang
Thumbs Up kung ang pahayag na binanggit ko ay mga
salitang ginagamit sa paggalang at Thumbs Down naman
kung hindi.

(Flash Powerpoint Presentation)

Handa na ba ang lahat?

Mga salita:
1. Buti nga sayo!
2. Paumanhin po.
3. Mabuti naman may regalo ka! (Sasagot ang mga mag-aaral)
4. Maraming salamat po
5. Magandang Hapon po

F. PAGLALAHAT

Para sa pagpapatuloy ng ating Gawain, obserbahan ang


mga larawan na ipapakita at tukuyin ang tamang tugon sa
(Tatawag ang guro ng mg mag-aaral upang sumagot)
bawat sitwasyon na maipapakita ang pagiging magalang.

Salamat po
Larawan 1

Maaari po ba akong lumabas


Larawan 2

Paumanhin Paumanhin po/Pasensya na po


Larawan 3
Larawan 4 Magandang Umaga/Hapon po

Larawan 5 Makikiraan po

Integration of HOTS and across the subject areas

(Integration ESP)

Bakit mahalagang maging magalang? Dahil kalulugdan po tayo ng matatanda

Paano maipapakita ang pagiging magalang? Pagsasabi ng po at opo


Pagamamano at paghalik sa kamay at sa pisngi.

(Integration Araling Panlipunan)

May kakilala ba kayong batang magalang din? Opo, (Maglalahad ng pangalan ang mga bata)

Sa iyong palagay, kanino nila ito natutuhan? Sa kanilang magulang (Ipinapakita sa kanilang kultura)

Mahuhusay, dahil diyan palakpakan ninyo ang inyong mga (Papalakpak ang mga mag-aaral)
sarili.

G. PAGTATAYA

Panuto: Pillin ang mga larawang nagpapakita ng paggalang.

(Magsasagot ang mga mag-aaral)

H. TAKDANG ARALIN

Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng paggalang


at idikit sa kwaderno.

Prepared by:

Ms. FREILINE JOY B. ANGARA


Filipino Major

You might also like