You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education

REGION IV-A CALABARZON

PIVOT 4A LESSON EXEMPLAR GAMIT ANG IDEA INSTRUCTIONAL PROCESS

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao


Learning Delivery Modality Face to face Modality

Paaralan Baitang Baitang 2


Guro Bb. Princess Jessica Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Espares
Petsa Disyembre 02, 2022 Markahan Ikalawang Markahan
Oras Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

a. nalalaman ang mga magagalang na salita;


b. nagagamit ang mga magagalang na
pananalita sa kapwa bata at sa mga
nakatatanda;
c. nakakapagpamalas ng paggalang sa kapwa
bata at sa mga natatanda
A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan
ng pagiging sensitibo sa damdamin at
pangangailangan ng iba, pagiging magalang
sa kilos at pananalita at pagmamalasakit sa
kapwa
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga kilos at gawaing
nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Nakagagamit ng magalang na pananalita sa
(MELC) kapwa bata at nakatatanda (EsP2P- IId – 8)
D. Pagpapaganang Kasanayan
E. Pagpapayamang Kasanayan
II. NILALAMAN Pagpapakita ng Paggalang
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC ESP 2 Q2
PIVOT 4A BOW pahina 231

b. Mga Pahina sa kagamitang Pangmag- PIVOT 4A Learner’s Material pahina 18-21


aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa Iba’t-ibang larawan
mga Gawain sa pagpapaunlad at Chart
Pakikipagpalihan Musika- Ang Batang Magalang
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtsitsek ng mga dumalo sa klase
 Balik aral

Magbabanggit ang guro ng mga diyalogo


na nagpapakita ng pag-unawa sa
kalagayan ng kapwa at kapag ito ay tama
kailangang itaas ng mga mag-aaral ang
kanilang kanang kamay at kaliwang kamay
naman kung ito ay mali.

1. “Ayaw kitang maging kaibigan, ang


luluma ng mga gamit mo!”
2. “Halika rito, aakayin kita sa iyong
pagtawid”
3. “Narito ang aking ibang damit, sa iyo na
lamang”
4. “Umalis ka nga rito, ang baho mo!”

Tayo na’t Magkantahan

Magpapanood ang guro ng isang music video


sa mga mag-aaral na may pamagat na “Ang
Batang Magalang” Pagkatapos pakinggan ay
sasabayan naman ng mga mag-aaral ang
awitin at sasagutin ang gabay na katangungan.

https://youtu.be/HOniFF7oBBk

ANG BATANG MAGALANG

Salamat po
Patawad po
Makikiraan po
Paki-usap po

Ang batang magalang


Gumagamit ng po at opo
Ang batang magalang
Sa lahat ay may respeto

Salamat po
Patawad po
Makikiraan po
Paki-usap po

Ang batang magalang


Maingat sa salita
Ang batang magalang
Dapat tinutularan

Salamat po
Patawad po
Makikiraan po
Paki-usap po

Ang batang magalang


Marunong makinig
Ang batang magalang
Laging dinidinig

Salamat po
Patawad po
Makikiraan po
Paki-usap po

Ang batang magalang


Salita’y di padalos-dalos
Ang batang magalang
Kung magsalita ay maayos

Gabay na katanungan

1. Tungkol saan ang inyong napanood at


napakinggang awitin?
2. Ano ang mga magagalang na salita ang
inyong narinig?
3. Sa inyong palagay, ang bat aba ang
kailangan na maging magalang?

B. Pagpapaunlad Alamin natin

 Ipapakita ng guro ang Opo sa Upo na


materyal na ididikit sa pisara at
kailangang basahin at suriin ng mga mag-
aaral ang mga salitang nakasulat sa
bawat upo. Kailangang piliin ang mga
upon na may nakasulat na magagalang
na salita. Ilalagay nila ito sa basket na
nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat
ng letra ng tamang sagot.

Mga Sagot: A, B, D, F, at H

Talakayan

 Tatalakayin ng guro ang konseptong


“Pagpapakita ng Paggalang”

Ang batang magalang ay dangal ng magulang.


Taglay ng isang batang magalang ang mga
katangiang nakalulugod sa mata ng Diyos. Ikaw
ba ay isang batang magalang? Paano mo ito
masasabi o maipapakita?
Narito ang isang maikling diyalogo tungkol sa
paggalang sa kapwa. Makinig ng mabuti at
unawain.

Sa Loob ng Silid-Aralan
GDViloria

Isang tagpo sa loob ng slid-aralan habang


naghahanda ang mag-aaral sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika. Biglang pumasok si Bb. Sanchez.

Mga Bata: Magandang umaga po Bb. Sanchez.

Bb. Sancez: Magandang umaga rin, mga bata.


Ben: Tulungan ko nap o kayo ma’am sa inyong
dalahin.

Bb. Sanchez: Salamat, anak.

Teresa: Ma’am, maaari po ba kaming


maghanda ng isang dula-dulaan para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika?

Bb. Sanchez: Oo naman, Teresa. Ano ba ang


inyong nais ipakita?

Teresa: Gusto po sana naming magtanghal ng


isang dula-dulaan na nagpapakita ng pagiging
magalang sa kapwa bata at sa nakatatanda
gamit ang sarili nating wika upang higit naming
mapagyaman ito.

Bb. Sanchez: Aba! Mainam ang inyong naisip,


mga anak. Nagagalak ako dahil sa mura
ninyong edad ay napapahalagahan na ninyo
ang pagiging magalang. Ipagpatuloy ninyo iyan.

Mga Bata: Salamat po, Bb. Sanchez.

Nang araw nga ng pagdiriwang ng Buwan ng


Wika ay matagumpay na nakapagtatanghal
ang mga bata at maramii ang natuwa at natuto
sa kanilang ipinalabas. Nagpalakpakan ang
mga manonood. Hinangaan at kinalulugdan sila
ng maraming tao.

C. Pagpapalihan Gamitin natin

 Base sa talakayan, ipapaskil ng guro ang


graphic organizer na naglalaman ng mga
magagalang na salita na ginamit sa
kuwento at sila’y magbibigay ng sariling
paggamit sa mga magagalang na
pananalita.

Tinataglay niyo ba ang batang gumagamit ng


magagalang na pananalita?

D. Paglalapat Pusuan natin


 Magbibigay ang guro ng sitwasyon at
lalagyan ng puso ang kolum na nagsasabi
kung gaano kadalas ng mga mag-aaral
ginagamit ang magagalang na salita sa
kapwa.

Panuto: Lagyan ng puso ( ) ang kolum na


nagsasabi kung gaano mo kadalas ginagamit
ang magagalang na pananalita sa kapwa bata
at sa nakatatanda.

Mga Ginagawa Madalas Paminsan- Hindi


ko minsan
1. Bumabati
ako ng
“magandang
umaga,
tanghali, o
hapon” sa
aking mga
guro at kapwa
mag-aaral.
2. Sinasabi ko
ang
“paumanhin”
kapag ako ay
may
pagkakamaling
nagawa sa
aking kapwa.
3. Gumagamit
ako ng “po at
opo” kapag
ako ay
nakikipag-usap
sa mga
nakatatanda
sa akin.
4. Bago ako
pumaasok sa
ibang bahay
ako ay
kumakatok
muna sa
pintuan at
sinasabi ko ang
salitang “tao
po”.
5. Kapag may
dumating na
bisita sa aming
bahay ay
sinasabi ko ang
salitang “tuloy
po kayo”.

Happy Baby/Cry Baby


 Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral
kung naintindihan ba nila ang aralin.
Gagawin ang happy baby kung oo at cry
baby naman kung hindi.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sakanilang


kuwaderno ng kanilang naramdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt:

Naunawaan ko na ______________________
Nabatid ko na _________________________

You might also like