You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY NG PAGTUTURO SA G11 FILIPINO

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga
salita at paraan ng pagsasalita. (F11WG-IIf-88)

I- Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaaasahang:

1. Natutukoy ang mensaheng hatid ng mga larawan batay sa mga paraan ng di berbal na komunikasyon.
2. Nakapagsasagawa ng isang maikling dula na nagpapakita ng paggamit ng di berbal na komunikasyon.
3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng di berbal na komunikasyon.

II- Paksang Aralin: Tekstong Prosidyural

Kagamitan: Power Point, projector, laptop, babasahin, makukulay na papel

III- Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
2. Pagtatala ng liban
3. Balik-aral sa nakaraang aralin

B. PAKIKISANGKOT: MAGLARO TAYO!

Sasabihin ng guro: Hawakan ang papel na ibinigay ko inyo at ipikit ang inyong mga mata. Makinig
na mabuti sa aking mga sasabihin. Bawal magtanong sa katabi.

Habang ginagawa ng mga mag-aaral ang bawat direksyong binabanggit ng guro ay ginagawa rin
niya ito. Sasabihin ng guro: Ngayon ay tingnan natin kung ano ang kinalabasan ng ating ginawa. Kung
naging maayos ang pagbibigay ko ng direksyon at kung nakinig kayong mabuti at sinunod ang bawat
direksyong kong sinabi, dapat ay magkakatulad ang itsura ng ating papel.Pagkatapos, sabay-sabay na
ipapakita ang nagawa ng bawat isa.

1. Ano ang napansin ninyo sa ating mga ginawa?

2. Bakit kaya hindi nagkapare-pareho ang kinalabasan ng ating ginawa?

C. PAGGALUGAD

1. Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may tekstong prosidyural na susuriin.

2. Bibigyan lamang ng 5 minuto ang bawat pangkat upang masuri ang katangian ng tesktong napili nila.

D. PAGTALAKAY

1. Tungkol saaan ang tekstong binasa?


2. Ano-ano ang napansin ninyo sa tesktong inyong binasa?

3. Anu-anong panuntunan kaya ang dapat gawin o sundin sa pagsulat ng ganitong teksto?

4. Ano ang kahalagahan ng mga ganitong teksto?

Bawat pangkat ay ibabahagi sa klase ang kanilang mga kasagutan. Habang nakikinig ay bubuo ng
Iisang ideya ang mga mag-aaral tungkol sa katangian ng tekstong prosidyural at pati na rin ang mga
panuntunan kung paano ito sulatin. Magbibigay ng karagdagang impormasyon ang guro kung
kinakailangan.

D. PAGTATAYA

Susulat ang mga mag-aaral ng tekstong prosidyural tungkol sa kahit na anong paksa na kanilang mapipili.
Pagkatapos ay magpapalitan sila at susuriin ang ginawa ng bawat isa.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


4 3 2 1
Kalinawan, Malinaw, tumpak at Malinaw, tumpak Malinaw ngunit May kalabuan at
katumpakan at maayos ang ngunit may may mali sa detalye mali ang detalye
kaayusan ng mga pagkakahanay ng pagkakamali sa maging sa maging ang
detalye mga detalye paghahanay ng pagkakahanay ng pagkakahanay ng
detalye mga ito mga ito
Kaayusan at Maayos at may Maayos ngunit di Di gasinong maayos Magulo at di handa
kahandaan ng kahandaan ang gasinong handa ang at di gasinong ang presentasyon
presentasyon ginawang presentasyon handa ang
presentasyon presentasyon
Pagsunod sa mga Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod sa iisang Walang nasunod sa
binagay na tatlong tuntunin dalawang tuntunin tuntunin mga tuntunin
tuntunin a. nakagawa ng
presentasyon
b. malikhain ang
presentasyon
c. ginamit ang
makukulay na papel
bilang pangunahing
materyales

Inihanda ni:
Gng. Abigail R. Valeña
San Pablo City Senior HS-Stand Alone

You might also like