You are on page 1of 8

I.

LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. malalaman ang mga elemento ng kwento;
b. naiguguhit, naitatala at naisasadula ang mga pangyayari sa kwento
gamit iba’t ibang elemento ng kwento at;
c. nakapagbahagi ng kahalagahan ng bawat elemento ng kwento.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Anim na Sabado ng Beyblade ni Ferdinand Pisigan Jarin


Elemento ng Maikling Kwento
Sanggunian:
Kagamitan: Kartolina, tape at mga larawan
Pagpapahalaga: Malalaman ang Elemento ng Maikling Kwento

III. PAMAMARAAN:

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat, mga bata bago
natin simulan ang araw na ito, tayo
ay manalangin.

2. Pagbati
Magandang umaga, klase! Magandang umagarin po, Gng. Alden!

3. Pagsisiyasat sa Kapaligiran.
Handa na ba kayo para sa bagong
tatalakayin natin ngayong araw? Opo, Gng. Alden.

Pero bago yan, tingnan ang


kapaligiran, pakipulot ang makikitang
kalat sa sahig at siguraduhing (Magpupulot ng kalat at mag-aayos ng
nakaayos ang inyong upuan. mga upuan ang mga mag-aaral)

4. Pagtatala ng Liban
Ngayon naman, alamin natin kung
sino ang liban sa araw na ito.
Sekretarya, maaari mo bang suriin (Susuriin ng Sekretarya kung sino ang
kung sino ang liban ngayong araw. liban ngayong araw)

B. Balik Aral
Kahapon tinalakay natin ang kahulugan
ng Maikling kwento at ang mga uri
nito.

Ano nga ulit ang maikling kwento? Ang Maikling Kwento ay isang maiksing
salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at kayang tapusin sa
iisang upuan lamang.

Magaling!
Ibigay naman ang iba’t ibang uri ng
maikling kwento. Kwento ng Tauhan
Kwento ng Katutubong Kulay
Kwento ng Sikolohiko
Kwento ng Katatakutan
Kwentong Bayan
Kwento ng Kababalaghan
Madulang Pangyayari
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Kwento ng Katatawanan
Kwento ng Pag-ibig
Mahusay klase!

C. Pagganyak

May ipapakita ako rito, klase

(Ipapakita ng guro)

Ano ba itong hawak ko? Ang hawak niyo po ay isang kahon.

Tama! Ito ay isang kahon na tatawagin


nating mahiwagang kahon na
naglalaman ng iba’t ibang salita na
kailangan hulaan gamit ang larong
charades. Mamimili ako ng mga mag-
aaral na magpapahula.

Kung sino man ang makahuhula ng Opo!


tamang sagot ay may puntos.
Naintindhan ba?

PAGLALARO NG CHARADE
Narito ang mga salita na nasa loob ng
mahiwagang kahon.

Jolen Bola Truck


Turumpo Beyblade Pogs

Ano ang mapapansin niyo sa mga Ang mga salitang aming hinulaan ay
salitang inyong hinulaan? umiikot lamang po sa mga laruan na
kadalang nilalaro ng mga bata.

Tama!

Minsan din ba kayong nahilig sa mga Opo!


laruan na ito?

Kung ganyun maari ka bang


makapagbahagi ng isang pangyayari na
hindi mo makakalimutan ng minsan (Magbabahagi ang mag-aaral ng
mong laruin ang iyong paboritong laruan. kanyang karanasan)
Mraming salamat sa iyong binahagi
anak!

May iba’t iba tayong karanasan


noong bata pa lang tayo tulad ng
ating bida sa umaga/hapon na ito.

Simulan na natin ang ating


talakayan klase. Handa na ba kayo? Opo, Gng. Alden!

(Ang guro ay magdidikit ng mga


kards sa pisara)

Bago iyan mayroon akong mga


idinikit sa pisira na may kaugnayan
sa mga salitang aking hawak.

Kailangan ko lamang ng limang


boluntaryo na bubunot ng mga (Ang unang nagboluntaryo ay pumunta sa
salita. unahan at binasa ang nabunot)

KIROT
(Ang pangalawang nagboluntaryo ay
pumunta sa unahan at binasa ang nabunot)

Nakahimlay
(Ang pangatlong nagboluntaryo ay pumunta
sa unahan at binasa ang nabunot)

Nakapagngangalit

(Ang pang-apat nagboluntaryo ay pumunta


sa unahan at binasa ang nabunot)

Palahaw
(Ang huling nagboluntaryo ay pumunta sa
unahan at binasa ang nabunot)

Nangumbida
Talasalitaan

1. Ito ay tumutukoy sa sakit na

2. Ito ay nangangahulagang
iyak o sigaw.

3. Nag-imbita

4. Nakagagalit

5. Natutulog/nakahiga

Ngayon, iugnay ang mga salitang


1. Ito ay tumutukoy sa sakit na
inyong nabunot sa mga kards na
nasa pisara. nararamdaman.

KIROT
2. Ito ay nangangahulagang
iyak o sigaw.

Palahaw
3. Nag-imbita

Nangumbida
4. Nakagagalit
Nakapagngangalit

5. Natutulog/nakahiga

Nakahimlay
Mahusay!

Maari na kayong umupo. Ako’y


inyong pinabilib dahil nasagutan
ninyo ng tama an gating talasalitaan.
D. Pagtatalakay
Hahatiin ko kayo sa apat na
pangkat. At ang bawat pangkat ay
bibigyan ko ng sipi ng isang
maikling kwento “Anim na sabado
ng Beyblade” . Basahin ng mabuti
ang maikling kwento at pagkatapos
ay may katanungan akong dapat
niyong sagutin. Malinaw po ba? Opo, Gng. Alden.

Mga Tanong:

Sa nabasa niyong maikling kwento, Ang mga tauhan sa kwentong anim na


Sinou-sino ang mga pangunahing sabado ng beyblade ay sina Rebo at ang
tauhan? kanyang tatay.

Paano nagsimula ang kwento? Nagsimula ang kwento sa unang araw ng


sabado na hiniling ni Rebo na ipagdiwang
ang kanyang kaarawan ng mas maaga.
At siya ay nangumbida at sinabing huwag
kakalimutan ang regalo at batiin siya ng
happy bertday.
Mahusay!
Ano ba ang naging suliranin ng Ang naging suliranin ni Rebo ay nang siya
pangunahing tauhan sa kwento? ay naghkaroon ng malalang sakit at sa
bawat sabado na lumilipas ay patuloy siyang
nanghihina.

Tama!sa inyong palagay ano kaya Ang mensahe na ipinararating ng kwento


ang mensahe ng kwentong inyong na, dapat nating pahalagahan ang bawat
binasa? oras na kasama natin ang ating pamilya,
sapagkat hiram lang natin ang ating buhay.

Nais din nitong iparating na iparamdam


natin ang ating pagmamahal sa ating
pamilya hanggat kasama pa natin sila.

Napakahusay ng inyong mga Ipinababatid din nito na matuto tayong


kasagutan. lumaban sa mga pagsubok na ating
pinagdadaanan tulad ng batang si Rebo.
E. Abstraksyon
Upang mas lalo niyong maunawaan
ang kwento, simulan nating talakayin
ang ating paksa.

Handa na ba kayo? Opo!

Elemento ng Maikling Kwento

Tauhan

Tagpuan

Saglit na kasiglahan

Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

Base sa graphic organizer, anu-ano (Isa-isang sasagot ang mga mag-aaral)


ang mga elemento ng maikling
kwento?

Napakahusay!

Paano kaya nagwakas ang kwento? Nagwakas ang kwento sa pagpanaw at


masayang nakahimlay si Rebo ng wala ng
sakit at hirap na nararamdaman.

Gaano kahalaga ang mga elemento na Napakahalaga ng mga element ng maikling


aking tinalakay sa pagbuo ng maikling kwento para sa pagbuo ng maikling kwento
kwento? dahil mas mabilis mauunawaan ng
mambabasa at upang mas gabayan ang
manunulat kung paano mas gawing
kapanapanabik ang isang kwento.
F. Aplikasyon
Ngayon naman dumako na tayo sa
ating huling Gawain, Ang bawat
pangkat ay may mga nakaatang na
Gawain.

Malinaw ba mga bata? Opo Gng. Alden

GAWAIN 1:
Ilarawan ang pangunahing tauhan at
ang tagpuan ng kwento sa
pamamagitan ng pagguhit.

GAWAIN 2:
Sa pamamagitan ng pagsasadula
naipapakita ang saglit na kasiglahan
at ang tunggalian ng kwentong
binasa.

GAWAIN 3:
Naipapakita sa isang tableau ang
kasukdulan o ang pangunahing
problema o suliranin ng kwento.

Gawain 4:
Naitatala ang kakalasan at ang wakas
ng kwentong binasa.

Ito ang kraytira para sa inyong


gagawing aktibidad. Handan a ba
kayo?

Pagkamalikhain
(Nabibigyang 30%
buhay ang
paksa)
Kooperasyon
(Pakikiisa ng 20%
pangkat)
Kaugnayan
(May kaugnayan 50%
sa paksa)
KABUUAN 100%

IV. Pagtataya:
Tukuyin ang elemento ng maikling
kwento sa bawat bilang.

1. Ito ang pangunahing suliranin


sa kwento.
2. Ito ay tumutukoy sa
pangunahing panauhin sa
kwento.
3. Ito ay tumutukoy sa lugar kung
saan naganap ang kwento.
3. Ito ay tumutukoy sa lugar kung MGA SAGOT:
saan naganap ang kwento. 1. Kasukdulan
2. Tauhan
4. Ito ay maaring tao laban sa tao, 3. Tagpuan
tao laban sa sarili o tao laban sa 4. Tunggalian
kalikasan. 5. Wakas
6. Saglit na kasiglahan
5. Ito ay tumutukoy sa kung paano 7. Kakalasan
nagwakas o natapos ang 8. Rebo
kwento. 9. Tatay
10. Beyblade
6. Ito ay panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhan sa kwento.

7. Ito ay tumutukoy sa parte kung


saan unti-unti nang naayos ang
problema.

8-9. Sila ang pangunahing tauhan


sa kwentong anim na sabado ng
beyblade.

10. Ito ang paboritong laruan ni


Rebo.

V. Takdang Aralin
1. Basahin ang akdang “Ang
Buwang Hugis-Suklay” ni Dr.
Romulo N. Peralta

2. Suriin ang kwentong ito gamit


ang mga elemento ng Maikling
Kwento.

You might also like