You are on page 1of 5

San Beda College Alabang

Alabang Hills Village


Alabang, Muntinlupa City “Nawa’y Sa Lahat Ng Bagay, Ang Diyos Ay Laging Papurihan”
KAGAWARAN NG PINAGSANIB NA BATAYANG EDUKASYON

FILIPINO 9
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT- A
Taong Pampaaralan 2019 – 2020 Iskor: ___/ 70

Bilang Pangklase: _____


Pangalan:___________________________ Petsa:_________________________
Pangkat: ____________________________ Guro: _________________________
Lagda ng Magulang: _____________

Pangkalahatang Panuto: Panatilihing malinis at maayos ang sulat at iwasan ang


anumang pagbubura. Gumamit ng MALAKING LETRA sa pagsulat ng sagot upang
maiwasan ang kalituhan sa pagwawasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

I. TALASALITAAN (10 PUNTOS)


PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng
tamang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.

A. Pantalan G. nakatatakot
B. Maganda H. delubyo/ sakuna
C. masaya I. maunawaan/ malaman
D. pampang J. kasama
E. pag-iyak K. Kinagagalitan
F. Kalayaan L. mahinhin

1. Ibig mabatid ni Jose ang kuwento sa likod ng kakaibang pakikitungo sa kaniya ni Lou.
2.Gustong maranasan ng prinsesang Javanese kung ano ang emansipasyon
3. Kinamumuhian ni Maria ang mga kaibigang niloloko lang pala siya sa tagal ng panahon.
4. Laging pumupunta malapit sa daungan si Aiza upang hintaying ang pagbabalik ng kaniyang
mga magulang mula sa malayong lugar
5. Sa may aplaya lamang maaaring magtampisaw ang mga bata.
6. Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Mara nang malaman ang sinapit ng kaniyang ina.
7. Kahit na anong unos ay kayang suungin basta’t magkasama ang pamilya
8. Nakahanay ang kapatid ni Liz sa maswerteng mabibigyan ng libreng edukasyon.
9. Marikit na dalaga ang aking nasilayan pagbukas ko ng aking mga mata
10. Nakahihindik ang sinapit ng mag-anak na natabunan nang magkaroon ng landslide.

II. PAGTUKOY – A (20 PUNTOS)


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

11. Isang uri ng panitikan na nagbibigay ng karunungan at karaniwang hango mula sa bibliya
12. Nagsalin sa Ingles ng tulang Sa Munting Daungan
13. Isang uri ng panitikan na itinatampok ang mga karakter na may kakaibang kapangyarihan at
kakayahan na taglay nito.
14. Salin sa Ingles ng pamagat ng tulang Sa Munting Daungan
15. May-akda ng Kagandahan
16. Akdang pampanitikan mula sa Mesopotamia
17. Tuwing kailan ipinagdiriwang ang Kartini’s Day?
18. Nagsalin sa Tagalog ng tulang sa Munting Daungan
19. Pamagat ng aklat na naglalaman ng liham ni Raden Adjeng Kartini
20. Paaralan kung saan lamang pwedeng mag-aral ang mga kababaihang Javanese
21. Isang uri ng panitikan na may tugmaan at istilo ng pagsulat. Karaniwang ito ay nasa anyong tuluyan
22. Nagsalin sa Tagalog ng “Kay Estella Zeehandelaar”
23. Unang tula na naisulat ni Chairil Anwar
24. Kailan naisulat ni Raden Adjeng Kartini ang liham para kay Estella Zeehandelaar
25. Taon kung kalian naisulat ang Sa Munting Daungan
26. Ang National Literature’s Day sa Indonesia ay ipinagdiriwang tuwing ______ bilang pag-aalaala kay
Chairil Anwar
27. Ipinapakita nito ang mga kaisipang pinapahalagahan sa modernong panahon
28. Paaralan kung saan nakakapag-aral ang mga kalalakihan
29. Isang komposisyon na kadalasang naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may-akda.
30. Taon kung kailan nailathala ang akda ni Kahlil Gibran (The Prophet)

A. Parabula K. Kahlil Gibran


B. Mayo 25, 1899 L. Ang Propeta
C. Epiko M. Abril 28
D. Burton Raffel N. 1946
E. Abril 21 O. Nisan
F. 1923 P. Libreng paaralang gramatika ng mga Europeo
G. Sanaysay Q. Tula
H. Hoogere-Burger R. Liham ng Isang Prinsesang Javanese
I. Epiko ng Gilgamesh S. Louie Jon A. Sanchez
J. Twilight at Little Harbor T. Ruth Elynia S. Mabanglo

III. PAGTUKOY – KAGANDAHAN (10 puntos)


Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot. Tukuyin kung sino ang nagsabi ng mga sumusunod
na pahayag sa bawat bilang.

A. Api at nasaktan F. Nagbabanat ng buto


B. Marubdob G. niyayakap ng niyebe
C. Pagal H. tagapag-ani
D. Hindi mapalagay I. Pangangailangan
E. Bantay sa gabi J. Ang Propeta

31. “Ay, ang kagandahan ay maaari ding malakas at nakahihindik, tulad ng unos, nilulunod niya
ang daigdig – ng ating inaapakan at himpapawid”

32. “Sisikat ang kagandahan sa bukang liwayway sa Silangan”

33. “Nakita natin siyang sinisilip ang daigdig mula sa mga bintana ng kahapon”

34. “Ang kagandahan ay tahimik na bulong, bulong sa kaluluwa. Bumabaling siya sa bawat
katahimikan natin. Tulad ng banayad na liwanag na pumupuksa sa mga anino”

35. “Nakita natin siyang kasayaw ang mga dahong-taglagas, at ang bundok niya’y may bahid
na niyebe”
36. “Kapara niya ang isang mahiyaing ina na marikit na nilalakad ang araw-araw, Mabuti at
magiliw”

37. Ang kagandahan ay isa lamang pagkalugod, at hindi isang ______________.

38. “Siya naman yaong nananaghoy sa kabundukan at kasaliw ng kanyang tinig ang yabag ng
mga kabayo, ang pagspas ng mga ibon, at ang atungal ng mga leon”

39. “darating siyang lumulukso sa mga burol, kalangkay ag tagsibol”

40. Ang aklat na ito ay isang pagtatangkang unawain ang mga kaisipang pinahahalagahan ng
isang tao sa modernong panahon.

IV. PAGTUKOY – EPIKO NG GILGAMESH (10 puntos)


Panuto: Tukuyin kung sino ang mga tinutukoy na tauhan sa bawat bilang.

_______41. Tagapayo ng mga diyos


_______42. Ama ni Utnapishtim
_______43. Pinakamatinik na Diyos
_______44. Diyos ng Lagusan
_______45. Ama ni Gilgamesh
_______46. Bayan na tinirahan ni Utnapishtim bago ang unos
_______47. Diyos ng gulo at digmaan
_______48. Bagong lungsod kung saan makikita ang kasaganahan at masayang pamumuhay.
________49. Ibon na pinakawalan ngunit hindi na bumalik
________50. Kuwintas na ibinigay ni Ishtar bilang tanda ng dumaang delubyo.

V. PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI (10 PUNTOS) blg. 51-60


Panuto: Lagyan ng bilang 1-10 ang bawat pangungusap ayon sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari sa Epiko ng Gilgamesh.

______Ang arko ay napadpad sa ituktok ng Bundok Nisir. Sila ay nagtagal doon ng anim na
araw. Nang kanilang pagmasdan ang daigdig ito’y nalatagan na ng tubig ang lahat.

______Nagtipon ang konseho ng mga diyos, at napagpasiyahang magpadala ng baha sa kay


buting lungsod

______Kinabukasan ay sinimulang buuin ang arko at lahat ng tao’y tumulong sa pagbuo nito.
Ang lahat ng paligid ng arko matibay ang pagkakagawa at sinigurado na hindi ito papasukin ng
tubig.

______Nagsimulang bumuhos ang ulan. Nagdilim ang buong paligid at unti-unting tumaas ang
tubig. Nagbukas ang mga dike at lalong bumaha, gawa ng kamay ni Ninurta, diyos ng gulo at
digmaan.

_____Matapos malaman ni Enlil na nakaligtas ang sambahayan ay agad siyang bumaba sa


pagdiriwang matapos malaman na agad nalaman ni Utnapishtim ang unos. Nang huli’y ay
binasbasan din niya ang asawa ni Utnapishtim at ang sambahayan at sinabing sila’y magiging
kahanay na ng mg diyos.

_____Sa ikapitong araw ay nagpalipad ng mga ibon si Utnapishtim. Huli niyang pinalipad ang
uwak at hindi na ito bumalik senyales na ligtas na ang lahat.

_____Bumaba ang diyosang si Ishtar at binigay ang kuwintas niyang may lapis lazuli nang
kaniyang maibigan ang handog na alay para sa mga diyos.
_____Nang makasiguro na silang ligtas ang lugar ay binuksan ang arko at sa pampang ay nag-
alay sa mga diyos. Pitong sisidlan ng alay ang ipinatayo ni Utnapishtim at may karagdagan pang
pito. Nagparikit din siya ng apoy na sinabuyan ng mira, at ito’y naibigan naman ng mga diyos.

_____Sinabi na kailangan na nilang humanap ng bagong malilipatan at kailangan na nilang


maghanap ng bagong pintakasi. Si Ea na nga na mula sa kailaliman ng Apsu ang kanilang
naging bagong pintakasi.

_____Inutusan si Utnapishtim na kailangan niyang makalikha ng arko at isasakay doon ang


lahat ng uri ng nabubuhay upang sila’y makaligtas sa paparating nan a unos, at baha.

VI. MAY-AKDA (5 puntos) 61-70


Panuto: Tukuyin kung sino ang manunulat ng bawat akda. Isulat ang buong pangalan.

61. Sa Munting Daungan (Tagalog) - ________________________


62. Epiko ng Gilgamesh - ________________________
63. Ang Propeta: Kagandahan - ________________________
64. Kay Estella Zeehandelaar - ________________________
65. Sa Munting Daungan (Ingles) - ________________________

VII. PAGBIBIGAY NG PANANAW (5 PUNTOS) blg. 65-70


PANUTO: Sumulat ng isang (1) talata na binubuo ng iyong opinyon patungkol sa balitang nasa
ibaba. Gumamit ng mga pananda na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon at maayos na
pangangatwiran.

NO HOMEWORK BILL INIHAIN SA KAMARA


By: Leifbilly Begas - 08/26/2019

INIHAIN sa Kamara de Representantes ang dalawang panukalang batas na nagbabawal sa


pagbibigay ng assignment sa mga estudyante. Sa ilalim ng House bill 3611 na akda ni House
Deputy Speaker Evelina Escudero magkakaroon ng no-homework policy ang Department of
Education mula kinder hanggang high school.
“Homework assignments can deprive students and parents precious quality time for rest,
relaxation and interaction after school hours and even on weekends,” ani Escudero sa kanyang
panukala. Nakasaad din sa panukala na ipagbabawal ng iuwi ng estudyante ang kanyang mga
libro sa bahay kaya magiging magaan na ang dala nitong school bag.
“This bill… will not only lighten the physical burden of schoolchildren and promote quality family
interaction but will also compel schools and teachers to come up with a more holistic and
effective pedagogy.”
Sa House bill 3883 naman ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ipagbabawal lamang ang
pagbibigay ng homework kapag weekend.
“The bill aims to promote and protect the physical, moral, spiritual, intellectual and social well-
being of the youth to the end that the youth realize their potential for improving the quality of life
must always be observed,” ani Vargas. Sa panukala ni Vargas papatawan ng P50,000 multa at
isa hanggang dalawang taong kulong ang mga guro na magbibigay ng assignment kapag
weekend.
“The bill also seeks to enjoy their free time from the precision of school during weekends and to
be able to have a quality time with their family and friends.”

Hinango mula sa: https://libre.inquirer.net/14087/no-homework-bill-inihain-sa-


kamara?fbclid=IwAR3ixz-ESyasEnbFjZd4Dy0gveYueAUfCTCRJguKWFFFdvp1EmKbohjFK2A
San Beda College Alabang
Alabang Hills Village
Alabang, Muntinlupa City “Nawa’y Sa Lahat Ng Bagay, Ang Diyos Ay Laging Papurihan”
KAGAWARAN NG PINAGSANIB NA BATAYANG EDUKASYON

FILIPINO
1 9
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT - A
Taong Pampaaralan 2019 – 2020 Iskor: ___/ 70 Marka:______%

Bilang Pangklase: _____


Pangalan:___________________________ Petsa:_________________________
Pangkat: ____________________________ Guro: _________________________
Lagda ng Magulang: _____________

I. TALASALITAAN (10 puntos) III. PAGTUKOY - B V. PAGKAKASUNOD-


SUNOD NG
1.______ 6.______ (10 PUNTOS)
PANGYAYARI
2.______ 7.______ 31. ______ 36. ______ (10 puntos)

3.______ 8.______ 32. ______ 37. ______


51. _____ 56._____
4.______ 9.______ 33. ______ 38. ______
52. _____ 57._____
5.______ 10.______ 34. ______ 39. ______
53. _____ 58._____
35. ______ 40. ______
54. _____ 59._____
II. PAGTUKOY – A (20 puntos) 55. _____ 60._____

11.______ 21. ______


IV. PAGTUKOY – C
12.______ 22. ______ VI. MAY-AKDA
(10 PUNTOS)
13.______ 23. ______ (5 PUNTOS)
41. ______ 46. ______
14.______ 24. ______
15.______ 25. ______ 42. ______ 47. ______ 61. ___________

16.______ 26. ______ 62. ___________


43. ______ 48. ______
17.______ 27. ______ 63. ___________
44. ______ 49. ______
18.______ 28. ______ 64. ___________

19.______ 29. ______ 45. ______ 50. ______ 65. ___________

20.______ 30. ______

VII. PAGBIBIGAY NG PANANAW (5 PUNTOS) blg. 65-70.


 Gamitin ang likod na bahagi ng sagutang papel para sa pagsulat ng iyong pananaw

“Nawa’y sa lahat ng bagay ang Diyos ay laging papurihan”

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TUGON NG MAGULANG
Petsa:_____________
Natanggap namin ang kopya at resulta ng UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa FILIPINO – 9 na may
markang __________.

_______________________ ___________________ ___________________________


Pangalan ng Mag-aaral Pangkat Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like