You are on page 1of 6

March 6, 2024

Detalyadong Banghay-Aralin sa FILIPINO VI

Mga Bahagi ng Pangungusap

I. Mga Layunin

Sa loob ng 60 minutong aralin sa FILIPINO VI, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Malaman ang mga bahagi ng pangungusap


b. Matukoy ang kahulugan ng simuno at panaguri
c. Makabubuo ng pangungusap na may simuno at panaguri

II. Nilalaman
Paksa: Mga Bahagi ng Pangungusap
Kagamitan Panturo: Telebisyon, Laptop, Powerpoint Presentation, Pisara at Tsok
Sanggunian: Filipino 6
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Blackboard and Chalk

III. Pamamaraan

Gawain Ng Guro Gawain Ng Estudyante


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Maganda umaga sa ating lahat, Bago natin
simulan ang ating aralin ngayong araw,
inaanyayahan ko po kayong tumayo at kunin ang
presensya ng Panginoon.

Sa ngalan ng ama ng anak at ng espirito santo…

Panginoon nagpapasalamat po kami sa araw na


ito, sana po maging masaya at marami pong
matutunan mga aking mga estyudante,
Panginoon nagpapasalamat din po kami dahil ‘di
niyo po kami pinabayaan at maraming salamat
po amen.

2. Pagbati
Mga bata magandang umaga “Amen….”

Okay class bago tayo magsimula sa ating aralin,


kumain na ba ang lahat? “Magandang umaga rin po”

“Okay mabuti”
“Yes sir”
3. Pagtatala ng mga Lumiban sa
Klase
Bago natin simulan ang ating aralin magtatala
muna ako kung sino ang wala sa ating klase
ngayon.
Sige may wala sa ating klase ngayon? Kung wala
maaari na tayong magsimula sa ating aralin.
“Wala po sir”
4. Balik Aral
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin,
balikan po muna natin ang mga aralin na
natutunan niyo kahapon. Una, ano na ulet aralin
natin kahapon?

Tama magaling, ano na ule ibig sabihin ng


panlapi?

Tama magaling ang panlapi ay ay maaring nasa “5 uri ng panlapi”


unahan, gitna o hulihan ng isang salitang-ugat.

“Ay katagang ikinakabit sa salitang


Ano naman ang limang uri ng panalapi? ugat”

“Unlapi gitlapi, hulapi, kabilaan at


laguhan”
Tama magaling, ano na ulet ang ibigsabihin ng
unlapi?
“Ito po ay ang tawag sa panlaping
nadagdag sa unang bahagi ng
salitang-ugat”
Ano naman ang gitlapi?
“Sir kapag ito ay nasa gitna”

Pa’no naman ang hulapi?


“Sir kinakabit sa hulihang bahagi ng
salitang-ugat”

Tama magaling, ang kabilaan naman ay


inilalagay unahan at hulihang bahagi ng salitang
ugat

At ang laguhan naman ay inilalagay unahan,


gitna at hulihang bahagi ng salitang ugat

B. Panlinang ng Gawain
1. Pagtatalakay
Pangungusap
 ay isang salita o lipon ng mga salita na
nagpapahayag ngbuong diwa.
 binubuo ito ng simuno at panaguri,
Simuno
 ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Panaguri
 ay nagsasaad tungkol sa simuno.
Halimbawa:
Ang bata-(SIMUNO)ay umiyak buong gabi.-
(PANAGURI)
Ang mga kaibiganni ate(SIMUNO) ay
madadaldal.(PANAGURI)

Sina Leo at Luis (SIMUNO) ay magaling mag


Basketball (PANAGURI)

Naiintindihan po ba mga bata? “Opo sir”

Magaling!

2. Paglalahat
Ano na ulet class ang mga bahagi ng
pangungusap? “Panaguri at Simuno sir”

Tama, magaling. Ano na ule ibig sabihin ng


simuno? “Sir paksa po sa isang
pangungusap, maari eto maging
tao, bagay, hayop, pangyayari at
mga panghalip.”
Ang galing, tumapak!

Ano naman ang panaguri?


“Sir ang panlapi po ay gumagabay
sa paksa o sa simuno”
Tama ang galing.
Gawain 1.
Panuto: Sa sumusunod ng mga pangungusap
mula sa ulat, tukuyin kung ang simuno ang nasa
unahan o ang panaguri. Isulat ang titik S kung
simuno at P kung panaguri. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Nalungkot ang inahin nang hindi siya


pinaunlakan ng mga kaibigan.
2. Pinangatawanan ng Inahing Manok ang
pagtatanim
3. Ang mapuputing bigas na inani mula sa mga
butil na palay ay isinaing ng masipag na
inahin.
4. Siya ay hindi naman tinulungan ng mga
kaibigan.
5. Ang kaning aking itinanim, binayo at isinaing
ay sapat lamang para sa pamilya naming.

GAWAIN 2.
Bilugan ang simuno at salungguhitan ang
panaguri.
1. Ang mga anak ay tulomg-tulong na
gumawa ng gawaing-bahay.
2. Nag-alay ng bulaklak sa altar si Rowena.
3. Sina Billy at Arnold ang mga bago kong
kaibigan.
4. Nagbabasa ng aklat ang mga bata.5.

5. Ang bulaklak ay totoong mabango.6.

6. Sinumpong ng sakit ang matanda


7. Masayang sumalubong sa ama ang mga
bata.
8. Naligo at nagbihis ng maganda si Lolita.
9. Ang mga bata at matatanda ay umawit at
sumayaw.
10. Si G. Toralba ay nagbebenta ng iba’t
ibang produkto.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

Joshua B. Sebastian Gng. Mylen Mamangon Nunez

You might also like