You are on page 1of 14

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Republic of the Philippines


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS VISAYAS
Philippine Normal University Visayas
ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
The National Center for Teacher Education
LUNGSOD NG CADIZ
City of Cadiz

ISANG MASUSING BANGHAY ARALIN SA


FILIPINO 3

Ipinasa ni:

Kyle Lazara Legaspi


OV II-5 BMSEE

Ipinasa kay:

Ailyn Ceballos
Gurong Taga Patnubay

Ikalawang Termino Panuruan 2021-2022


I. Layunin

Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, 75% ng mga mag-aaral sa ikatlo na


baitang ay inaasahang:

a. Matutukoy ang panghalip panao at ang wastong gamit nito

II. Paksang Aralin: Panghalip Panao


 Sanggunian: https://www.slideshare.net/MailynViodor/panghalip-panao-
239816676
 Konsepto: Ang panghalip panao ay salitang panghalili o pamalit sa pangalan. Ito
ay tinatawag na prounoun sa wikang ingles katulad ng “ako”, “siya”, “kami” at
iba pa.
 Pagpapahalagang Moral: Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat
pangungusap
III. Mga Kagamitan: Laptop (para sa presentation) at plaskard

IV. Pamaraan

Gawain Ng Guro Gawain Ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

“Magandang umaga mga bata” “Magandang umaga din po sir”

“Kamusta kayu? Handa na ba kayu “Opo sir”


makinig sa aralin natin ngayung araw?”

“Magaling! Pero bago tayu mag simula, (Nag si tayu ang mga mag-aaral)
mag si tayu muna kayu at tayu ay
manalangin”

(Pinangunahan ng guro ang panalangin)


“Maari na kayung umupo mga bata” (Nagsi upo ang mga mag-aaral)

2. Kasanayan sa pag bigkas

“Ngayun meron akong ipapakita na mga “Opo sir”


salita at babasahin natin ito, maliwanag
mga bata?”

(Ako, siya, tayu, sila, akin, sayu)

“Magaling mga bata!”

3. Pagganyak

“Ngayun naman ay meron tayung Gawain, “Maliwanag po sir!”


piliin niyo ang angkop na salita na naa-
ayon sa larawan upang mabuo ang
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot maliwag ba mga bata?”

1. ___ ay mabait
na bata
a. Ako
b. Kami
c. Sila

2. ____ ay mga
Pilipino
a. Ako
b. Tayo
c. Sila
3. ___ ay aking
kaibigan
a. Ako
b. Ikaw
c. Tayo

4. ____ ang lapis


na ito
a. Amin
b. Akin
c. Iyo

5. Sa _____ ang
bahay na ito
a. Akin
b. Amin
c. Ikaw

“Sa unang bilang, ano ang sagot mga bata? “Titik A po sir”
Piliin ang titik ng tamang sagot”

“Tama! Ikalawang bilang ano ang sagot?” “Titik B po sir”

“Magaling! Sa ikatlong bilang ano ang “Titik B po sir”


sagot?”

“Tama ulit! Pang-apat ano ang sagot?” “Titik B pa din po sir”

“Tama! Sa huling bilang ano ang sagot?” “Titik B din po sir”


“Magaling! Tama lahat ang sagot niyo, (Nagsipalakpakan yung mga mag-aaral)
bigyan ang inyong sarili ng limang
palakpak”

“Alam niyo ba kung ano ang tawag sa mga “Hindi po sir”


salita na „ako‟ „tayo‟ „akin‟ „amin‟ at
„ikaw‟?”

“Ang mga salita na ito ay tinatawag na “Hindi po sir”


panghalip panao. Alam niyo ba kung ano
ang panghalip panao?”

“Yan ang ating tatalakayin sa araw na ito”

4. Paglalahad

“Bago natin simulan ang ating talakayan, (Binasa ng mag-aaral ang layunin)
maari muna nating basahin ang ating
layunin para sa araw na ito”

B. PAGLINANG NA GAWAIN

5. Pagtatalakay

“Sino ba sainyo ang may ideya tungkol sa “wala po sir”


panghalip panao, meron ba?”

“Unahin natin kung ano yung panghalip”


“Ang panghalip ay ang salitang panghalili
o pamalit sa pangalan. Ito ay tinatawag na
pronoun sa wikang ingles”

“Panghalip panao ay ang panghalili o


pamalit sa pangalan ng tao”

“May iba‟t ibang uri ng panghalip ayon sa


panauhan”

“Unang panaohan ay ang „ako‟, „ko‟,


„akin‟, „kami‟, „tayo‟, „atin‟, „namin‟,
„natin‟, ibig sabihin ng unang panaohan ay
ikaw mismo yung nagsasalita”

“Halimbawa ng unang panaohan na


panghalip”

“Ako ay nag tungo sa Plaridel”


“Kasama ko ang aking kapatid”
“Kami ay sumakay sa bus”

“Mag bigay ng halimbawa ng panghalip na “Ang bagong damit ay akin”


unang panaohan”

“Magaling! Ano pa?” “Ito ang bahay namin”

“Mahusay!”

“Ngayon, punta naman tayu sa ikalawang


panauhan at ito ay nagtutukoy sa
kinakausap halimbawa ay „ikaw‟, „ka‟,
„mo‟, „iyo‟, „kita‟, „kayu‟, „inyo‟ at
„ninyo‟.”
“Meron akon halimbawa na pangungusap
para mas ma intindihan niyo lalo”

“Ikaw ay inaanyayahan ko sa aking


kaarawan”
“Ang iyong mga pinsan ay darating din”
“Kailan kayu uuwi?”

“Anu-ano ang mga ginamit na panghalip” “Ikaw, iyong, at kayu po sir”

“Magaling! Tama”

“Punta naman tayu sa ikatlong panauhan o


yung pinag-uusapan”

“Mga halimbawa ng panghalip na ikatlong


panauhan ay ang „siya‟, „niya‟, „kaniya‟,
„sila‟, „nila‟, „kanila‟ at „ito.”

“Mga halimbawa na pangungusap para


maintindihan niyo lalo”

“Sila ay napakasayang pamilya”


“Sa kanila ba tong sasakyan?”
“Niyaya ka ba niyang gumala?”

“Anu-ano ang mga panghalip na ginamit?” “Sila, kanila, at niyang po sir”

“Mahusay”
“Mga uri ng pang halip panao, merong
isahan, dalawahan at maramihan”

“Halimbawa ng panghalip panao na


isahan”

“ako, ko, ikaw, ka, siya, akin, mo, niya,


iyo, kaniya”

“Mag bigay ng halimbawa na “Nagluto ako ng ulam”


pangungusap ng panghalip panao na pang
isahan”

“Mahusay! Ito ay halimbawa ng unang “Unang panauhan mo sir”


panauhan, ikalawang panauhan o ikatlong
panauhan?”

“Magaling! Ngayun naman halimbawa ng


panghalip panao na dalawahan”

“Kami, tayu, natin, atin, kayo, sila, ninyo,


nila, inyo, kanila, at namin”

“Mag bigay ng halimbawa ng “Sa kanila ang walis na yan”


pangungusap sa panghalip panao na pang
dalawahan”

“Magaling! Ito ay halimbawa ng unang “Ikatlong panauhan po sir”


panauhan, ikalawang panauhan o ikatlong
panauhan?”

“Magaling! Ang panghalip panao na pang


maramihan ay magka parehu lang sila ng
pang dalawahan na ang „kami‟, „ tayu‟,
„natin‟, „atin‟, „kayo‟, „sila‟, „ninyo‟ „nila
„inyo‟ „kanila‟ at „namin‟”
“Naiintindihan niyo ba mga bata?” “Opo sir”

“Meron ba kayung katanongan?” “Wala na po sir!”

“Kung ganon ako ang magtatanong


sainyo”

6. Pagpapahalagang Moral

“Bakit natin kailangan pag-aralan ang “Mahalaga po ito upang magamit natin
panghalip na panao?” ang mga angkop na salita sa angkop
nitong paggamit”

“Mahusay! Bigyan niyo ang sarili niyo ng (Nagsipalakpakan ang mga mag-aaral)
limang palakpak”

7. Pagbuo ng Kaisipan

“Ano ang mga natutunan niyo sa araw na “Tungkol sa panghalip panao at kung
ito?” ano ang wastong gamit nito”

“Ano ang panghalip panao?” “Panghalip panao ay ang panghalili o


pamalit sa pangalan ng tao”

“Magaling! Bakit natin kailangan pag “Para hindi po natin paulit ulit na
aralan ang panghalip panao?” banggitin ang pangalan ng isang tao”

“Mahusay! Ano pa?” “Ito ay mahalaga dahil ang mga


panghalip ay isa sa mga ginagamit natin
sa pangaraw araw natin na
communikasyon sa ibang tao mahalaga
na ating matutunan ang mga uri nito
para malalaman natin kung anong
panghalip ang tamang gamitin sa isang
pangungusap at upang tayo ay
magkakaintindihan.”

“Wow! Isang mahusay na sagot! Bigyan (Nagsipalakpakan ang mga mag-aaral)


natin ng limang palakpan si Eren!”

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

8. Paglalapat

“At dahil na intindihan at natutunan niyo


na ang ating aralin, meron tayung
pangkatang gawain”

“Ang unang pangkat ay yung mga naka


upo sa unang hanay hanggang sa
ikalawang hanay”

“Ang ikalawang pangkat naman ay yung


naka upo sa ikatlong hanay hanggang sa
ikaapat na hanay”

“Naiintindihan niyo ba mga bata?” “Opo sir”

“Unang pangkat, makinig ito ang gagawin “Opo sir”


niyo, meron akong ibibigay na mga
pangungusap na naka lagay sa papel,
bibilugan niyo ang panghalip panao na
ginamit sa pangungusap, maliwanag ba?”
(1. Lito, ikaw ang ilalaban sa klase sa
pag-awit.)
(2. Kami ang inutusang mamili ng
gagamitin para sa pagdiriwang)
(3. Si Linda ay mabait. Hindi siya
nakakasakit ng damdamin ng
kapwa.)
(4. Pupunta sila sa palengke para
bumili ng pandekorasyon.)
(5. Kayo ang mamamahala sa
patimpalak)

“Ikalawang pangkat, makinig at ito naman “Opo sir”


ang gagawin niyo, meron din akong
ibibigay sainyo na papel pero gagawin
niyo ay ibibigay niyo ang angkop na
panghalip panao upang mabuo ang
pangungusap, isulat sa may patlang ang
inyong sagot maliwanag ba?”

( 1. ____ ba ang kasama naming sa grupo?


2. Oo, ____ nga
3. Tatay, magkakaroon po ___ ng praktis
mamaya para sa aming programa
4. Maaari po ba _____ sumama? )

“Mahusay! Wala na bang katanungan? “Wala na po sir”

“ Kung wala na bibigyan ko kayu ng 10


minuto para taposin ang gawain, maari na
kayung magsimula”

(PAGKA TAPOS NG 10 MINUTO)


“Itaas ang papel at ang inyung mga
panulat, tapos na ang 10 minuto”

“Ngayun, mga lider mag si tayu kayu, ano “1. Ikaw, 2. Kami, 3.Siya, 4. Sila, 5.
ang sagot niyo? Unahin natin ang unang Kayo”
pangkat”

“Mahusay! Bigyan natin ng limang (Nagsipalakpakan ang mga mag-aaral)


palakpak ang unang pangkat”

“Maaari kanang umupo lider ng unang “1. Ikaw, 2. Ako, 3. Kami, 4. Ako”
pangkat, ngayun ikalawang pangkat ano
ang inyong sagot?”

“Magaling! Bigyan natin ng limang (Nagsipalakpakan ang mga mag-aaral)


palakpak ang ikalawang pangkat”

“Mahusay mga bata! Halatang nakikinig


kayu sa talakayan natin”

9. Pagtataya

“Ngayon ay magkakaroon tayu ng


maikling pagsusulit tungkol sa ating
tinalakay sa araw na ito, kumuha ng papel
at panulat”

“Panuto, tukuyin kung ano ang panghalip “Opo sir!”


na ginamit sa pangungusap, isulat sa
inyong mga papel ang inyong mga sagut,
maliwanag ba?”
1. Naglalaro kami ng basketball
2. Sila naman ay maghahanda ng
pagkain
3. Tayo ang mag aayos ng mga plato,
kutsara, tinidor at baso
4. Kayo naman ang magliligpit ng
pinagkainan
5. Sabay-sabay tayong aalis
papuntang parke

(Pagkatapos ng 10 minuto)

“Itaas ang panulat at papel, tapos na ang


10 minuto. Maaari lamang paki pasa ng
inyong mga papel sa harap at e checheck
ko yan mamaya”

V. TAKDANG ARALIN

“Bago tayu magpa alam sa isa‟t isa, meron


akong ibibigay sainyo na takdang aralin,
sumulat ng limang pangungusap at gamitin
ang panghalip panao na „kami‟, „tayo‟,
„sila‟ at „kayo‟. “

“Naiintindihan niyo ba mga bata?” “Opo sir”

“Kung ganon, paalam na mga bata” “Paalam po sir”

You might also like