You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino

Ika-limang baiting

I. Layunin

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang kahulugan ang mga Pang-uri


b. Nasusuri ang mga salitang Pang-uring makikita sa
pangungusap
c. Natutukoy ang uri ng Pang-uri

II. Paksang Aralin : Mga Uri ng Pang-Uri


Mga kagamitan: Larawan, visual aids
Integrasyong Asignatura:
Integrasyong Pagpapahalaga:

III. Pamamaraan: Pamarang pabuod

Gawaing Guro Gawaing mag-aaral

A. Paghahanda
Magandang umaga po Guro!
Magandang umaga Grade 5!
Magsitayo muna ang lahat para
sa ating pagdadasal.

(tumawag ng isang mag-aaral )

Bago kayo umupo, pulutin muna natin


lahat ng mga kalat na ating makikita sa
paligid at pagkatapos ay itapon ito sa
basurahan at maaari na kayong umupo
at maghanda.

a. balik-aral

Sino pa ang nakaalala sa ating


tinalakay noong nakaraang
pagtatalakay?
Tama! Lahat ng inyonh mga
sagot ay tama. Ako ay
nagagalak kaya palakpakan
natin an gating mga sarili,

b. Pagganyak

Alam niyo ba ang kantang “Ang Opo!


tatlong Bibe”?

Okay, gusto niyo bang kumanta Opo!


at sumayaw nito?

Kung ganon, magsitayo ang (nagsitayo ang lahat)


lahat.

May tatlong bibe akong nakita (lahat ay lumahok)


Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod
ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng
“kwak-kwak-kwak”
“Kwak-kwak-kwak”
“Kwak-kwak-kwak”
Siya ang lider na nagsabi ng
“kwak-kwak-kwak”
“Tayo na sa ilog!” ang sabi
Maligo, maligo mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod
ay iisa
Siya ang lider na nagsabing
“kwak-kwak-kwak”
“Kwak-kwak-kwak”
“Kwak-kwak-kwak”
Siya ang lider na nagsabing
“kwak-kwak-kwak”
Opo!
Naging masaya ba ang lahat?

Magaling! Ngayon naman, may


tanong ako sa inyo,

Ilan nga ulit ang mga bibe sa Tatlo po Ma’am.


ating kinanta?
Magaling! May tatlong bibe sa
ating kinanta kanina.
Pangalawang tanong.

Ano ang mga katangian ng mga


bibe na nabanggit sa ating Mataba po.
kanta?

Tama! Ano pa? Mapayat po at saka may pakpak.

Tumpak! Ang galing naman! Ang


mga katangian na nabanggit sa
kanta ay mataba, mapayat at
may pakpak. Ano naman sa
tingin nyo ang kulay ng mga Dilaw po. (Yellow)
bibe?

Tama ulit! Alam niyo ba na ang


mga salitang sinagot niyo sa
akin ay may kinalaman sa
tatalakayin natin ngayong Hindi po.
umaga?

c. Paglalahad ng layunin

Okay, kaya naman nais ko


kayongmakinig sa ating
diskusyon ngayon upang
maintindihan ninyo ang
itatalakay ko. Dahil
pagkatapos nito ay
magkakaroon tayo ng
pagsusulit.

Nagkakaintindihan ba tayo? Opo!

Magaling. Walang mag-


uusap sa kanilang mga
kaklase.

B. Paglalahad ng lunsaran

Noong nakaraang mga araw,


atin nang napag-aralan ang Opo.Ito po ay mga salitang
Pang-Uri, tama? naglalarawan sa tao, bagay, hayop
o lugar.
Tama! Ngayon, Ang Pang-uri ay
mayroong Dalawang
mahahalagang mga Uri.
Pakibasa ang nasa pisara? Mga Uri ng Pang-Uri

Maraming salamat. Ngayon, ang


mga salitang inyong mga sagot
kanina na inyong makikita sa
pisara ay kabilang sa dalawang
uri ng Pang-Uri.
Tatlo mapayat

mataba

Mga Uri ng Pang Uri

1. Pang-uring Panlarawan
2. Pang-uring Pamilang

Mayroong dalawang uri ang Pang-uring Panlarawan at Pang-


Pang-Uri. Ano nga ulit ito? Uring Pamilang.

Tama. Atin munang tatalakayi


ang unang uri nito. Una ay ang
Pang-uring Panlarawan. Pang-Uring Panlarawan- ito ay
Pakibasa ng nasa pisara, tumutukoy sa kulay, hugis,
Moses? katangian o pisikal na kaanyuan.

Marsaming salamat Moses. Ang


Pang-uring Panlarawan ay uri ng
Pang-uri na tumutukoy sa
 Kulay
 Hugis
 Katangian o pisikal na
kaanyuhan

Halimbawa:

Nakakita ng gintong palakol si Mang


Kulas.

Ano ang Pang-uri sa


pangungusap? Ginto po Ma’am.

Paano mo nsabing ginto ang Kasi ito po ay nabibilang sa kulay.


Pang-uri sa pangungusap?

Tama! Ngayon naman, Sino ang


makapagbibigay ng
pangungusap na may salitang Si Michelle ay mayroong pulang
Pang-uring Panlarawan? bag sa kanyang upuan.

Tama ulit! Magaling!


Naintindihan niyo ba ang Pang- Opo.
Uring Panlarawan?

Ngayon naman ating tatalakayin


ang pangalawang uri ng Pang-
Uri. Ito ay ang Pang-uring
Pamilang.

Carl, pakibasa ng nasa pisara. Pang-Uring Pamilang- ito ay


tumutukoy sa bilang o dami ng
pangngalan.

Maraming salamat Carl. Uulitin


ko, ang pang-uring Pamilang ay
tumutukoy sa bilang o dami ng
pangngalan.

Ang Pang-uring Pamilang ay


nahahati rin sa maraming uri.

Una ay ang Patakaran- ito ay


batayang bilang sa pagbilang.
Halimbawa, isa, dalawa, tatlo.

Halimbawa:

Ang dalawang bata ay naglilinis.

Ano ang pang-uri na nabanggit Dalawa po Ma’am.


sa pangungusap?

Tama! , Sino ang


makapagbibigay ng
pangungusap na may salitang Si Pauleen ay may tatlong lapis.
Pang-uring Pamilang?

Magaling. Ngayon naman ay


ang pangalawa.

Pangalawa, Panunuran – ito ay


nagsasabi ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangngalan.
Halimbawa: una , ikalawa, ikatlo

Halimbawa:

Ang aking kapatid ay una sa


karera.

Ano ang pang-uri na nabanggit


sa pangungusap? Una po Ma’am.

Tama. Sino ang makapagbibigay


ng pangungusap na may
salitang Pang-uring Pamilang? Nasa ikalawang pwesto ako sa
Honor’s roll.

Okay. Maraming salamat sa


inyong mga
halimbawa.Palakpakan natin
ating mga sarili.

Meron muna akong tanong sa


inyo, class.Ano ang pagkakaia Ang Pang-Uring Panlarawan ay
ng dalawang Uri ng Pang-Uri? tumutukoy sa kulay, hugis,
katangian o pisikal na kaanyuan
Habang ang Pang-Uring Pamilang
naman ay tumutukoy sa bilang o
dami ng pangngalan.

Magaling. Bigyan ng tatlong


palakpak!

Naintindihan niyo ba ang aking Opo!


tinalakay?

Magaling! Ako ay nagagalak


dahil naintindihan nyo an gating
leksyon ngayong araw na ito.
Pang-uring panlarawan o pamilang
Short-answer quiz

1 Si Bebet ay matangkad kaya siya ay napili sa koponan ng


basketbol.

2 Saku-sakong palay ang kanilang naani.

3 Ang mga kalalakihan sa aming lugar ay masisipag.

4 Si Baby ay nagdala ng matatamis na mangga kina Eva.

5 Kalahating mansanas ang kinain ko kahapon.

6 Ako ay ikatlo sa aming magkakapatid.


7 Matangos ang ilong ni Marlon.

8 Sangkapat na pizza pie na lang ang natira para sa amin.

9 Masisigla ang mga bata sa plasa.

10 Dalawang dosenang itlog ang ginamit ko sa paggawa ng leche


flan.

You might also like