You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
a. Makapagbibigay ng halimbawa ng kaantasan ng Pang-uri.
b. Makagagamit ng tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.
c. Matutukoy ang tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.

II. Paksa
Kaantasan ng Pang-uri
Kagamitan: Cartolina, Larawan, Manila paper, Video presentation
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
4. Pagsasanay
Magsitayo at awitin ang tatlong bibe.
Magtanong :
Anu-ano ang mga salitang ginamit sa paglalarawan ng mga bibe?
5. Pagpapabasa sa mahalagang tanong sa akda. Idikit sa pisara ang tarp papel na may
Nakasulat na tanong.

b. Pagganyak
Tatawag ang guro ng (3) tatlong estudyante
Ipalarawan sa mga mag-aaral ang tatlong estudyanteng tinawag.
c. Pagtalakay
Itanong:
May ideya ba kayo kung ano ang ating tatalakayin ngayon?
 Talakayin ang kaantasan ng Pang-uri

d. Paglalahat
Itanong:
Ano nga ulit ang (3) tatlong antas ng pang-uri?
Sa tingin nyo, bakit kailangan nating matutunan ang tatlong kaantasan ng pang-uri?

e. Paglalapat
Pangkatang Gawain:
Magkaroon ng Laro (isang paligsahan)
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Sa kanan ang pangkat A at sa kaliwa naman ang
pangkat B.
 Gamit ang mga salita na nasa kaantasan ng pang-uri. Tukuyin ninyo sa tatlong pagpipilian
ang inilalarawan nito base sa antas nito.
 Halimbawa:
Mainit

Longganisa araw kandila

Longganisa ang sagot dahil mas mainit ang kandila at pinakamainit ang araw.

 Pipili ang bawat pangkat ng isang magrerepresenta sa kanilang pangkat. Ang mga
manlalaro, ilagay ang kamay sa dibdib at ibaba ito kung sasagot.
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap, isulat sa patlang ang tamang antas ng pang-uri kung ito’y
Lantay, Pahambing o Pasukdol.

____1. Ang pangkat ni Ramon ay mabilis sa pagtakbo.


____2. Si ken ay mas gwapo kay Bamba.
____3. Ubod ng linis ang bahay.
____4. Maganda ang mga tanawin na makikita sa Baguio.
_____5. Sina Yuri at Tony ay magkasing taas na.

V. Takdang Aralin:
Panuto: Iguhit sa isang buong papel ang inyong tahanan at ilarawan ito gamit ang (3) tatlong
kaantasan ng Pang-uri.

Inihanda ni:

LINO P. BRAZA IV

Tagapagmasid:

You might also like