You are on page 1of 4

Department of Education

National Capital Region


Division of City Schools – Makati City
Makati V District
PITOGO ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III


I. Layunin:
Nagagamit nang wasto ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan o sitwasyon.
II. Paksang-Aralin:
Paggamit ng Kami, Tayo, Kayo at Sila
References:
T.G. p. 37-38
L.M. p. 24-25
Kagamitan:
powerpoint, video, mga larawan
Pagpapahalaga: Pagtulong sa nangangailangan
Integrasiyon: Araling Panlipunan

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Itanong:
Kailan ginagamit ang panghalip na ako? Ikaw? Siya?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
( Pagpapakita ng video sa nasalanta ng bagyo.)

2. Pagganyak na tanong
Paano mo ipinakita ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo o ng iba pang kalamidad
na nangyari sa bansa?

3. Paglalahad:
Ipabasa ang usapan “Maliit Man Ay Malaki Rin”.

4. Pagtatalakay
Ano ang pamagat ng usapan?
Tungkol saan ang usapan?
Sino ang nag-uusap?
Ano ang ginawa ng bawat isa?
Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan? Bakit?

(Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na may mga salungguhit na salita.)
Itanong: Sino ang tinutukoy ng kami? Kayo? Sila?
C. Pangwakas na Gawain
1. Pangkatang Gawain
a. Ipabasa sa mga bata ang “Mga Panuto sa Pangkatang Gawain”

1. Sumunod sa panuto na inaatas sa bawat pangkat.


2. Makipagtulungan sa bawat miyembro ng pangkat.
3. Igalang ang ideya ng bawat miyembro ng pangkat.
4. Makinig at igalang ang bawat pangkat na magpapakita ng kanilang natapos na
gawain.
5. Itabi ang mga materyales sa tamang lugar matapos gamitin.

Unang Pangkat – Gamitin Mo!


Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na panghalip.

Kami Tayo

Kayo Sila

Ikalawang Pangkat – Irap Natin!


Gumawa ng rap ng may paksang pangarap, gamit ang
kami, tayo, kayo at sila .

Ikatlong Pangkat - Pag-usapan Natin!


Gumawa at magtanghal ng isang usapan ng magkakaibigan tungkol sa
ginagawa tuwing pasko gamit ang kami, tayo, kayo at sila.

b. Pag-uulat ng bawat pangkat

2. Paglalahat
Kailan ginagamit ang kami? Kayo? Sila?

Ang kami at tayo ay ginagamit sa unang panauhan upang tukuyin ang taong nagsasalita
sa pangungusap.

Ang kayo ay ginagamit sa ikalawang panauhan upang tukuyin ang taong kinakausap.

Ang sila ay ginagamit sa ikatlong panauhan upang tukuyin ang taong pinag-uusapan.

3. Paglalapat:
Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa bawat
pangungusap.

“Lahat (kami, tayo) ay maglilinis ng bahay, wika ni Miguel.


“Nautusan (kayong, kaming) magpunas ng sahig.”

“(Sila, Kayo) naman ang magtatanggal ng agiw sa kisame.”

“Kayo naman ang magpupunas ng kagamitan sa bahay samantalang

(sila, kami) ang magwawalis ng bakuran.”

4. Pagpapahalaga:
Bilang isang bata, paano kayo makakatulong sa mga taong nasalanta ng bagyo o
kalamidad?

III. Pagtataya:
Piliin ang tamang panghalip.

1.Nagliligpit na ang pamilya ko dahil uuwi na (kami, kayo, tayo, sila).

2. Wala ng tao sa kapitbahay kasi pinaalis na (tayo, sila, kami, kayo) ng may-ari ng
bahay.

3. Uuwi na po kami. (Tayo, Kami, Sila, Kayo) na ang bahala.

4. Halika na, umuwi na (tayo, sila, kami, kayo).

5. Wala pa ang nanay at tatay mo, nasa trabaho pa (kami, tayo, sila, kayo).

IV. Takda:
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na mga panghalip.
1. Kami
2. Tayo
3. Kayo
4. Sila

You might also like