You are on page 1of 6

FILIPINO

________________

I.LAYUNIN
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng
tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari
Nakakapagbigay ng halimbawa ng pangalan ng tao,bagay,hayop,lugar,at
pangyayari
Natutukoy ang pangalan ng tao,bagay,hayop,lugar at pangyayari

II.PAKSANG ARALIN
PAKSA: Paggamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangngalan ng
tao, lugar,bagay at pangyayari
SANGGUNIAN: TG.44
Curriculum Guide: F1WG-IIc-f- 2
PAGPAPAHALAGA: Pagpapahalaga sa paggamit ng pangngalan
KAGAMITAN: larawan, powerpoint,tarpapel
INTEGRASYON: Araling Panlipunan, ESP

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Magbigay ng 3 pares ng salitang magkatugma.
2. Pagwawasto ng Takdang-Aralin
3. Paunang Pagtataya
Tumingin sa paligid. Anu-ano ang inyong nakikita. Magbigay ng bagay na
makikita sa loob ng silid-aralan.
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Magbibigay ng ilang bugtong ang guro at sasagutin ito ng mga bata.
1. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
2. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
3. Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso
2. Paglalahad
Magpapakita ng mga larawan ang guro at tutukuyin ng mag-aaral ang ngalan ng mga
ito. (aso,aklat,lola,palaruan,hospital at iba pa)
3. Pagtalakay
Magpapakita pa ng iba pang larawan ang guro at sasabihin ng bata ang ngalan ng
mga ito. Ano ang nasa unang larawan? Isa-isahin ang mga ito.
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay, lugar, hayop, at pangyayari.
4. Pagsasanay
A. Malayang Pagsasanay
Tukuyin ang ngalan ng larawan na ipapakita ng guro.
B. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Itapat ang mga larawan sa tamang kategorya ng pangngalan.
Pangkat 2: Tukuyin ang mga salita kung ito ay ngalan ng hayop, tao, lugar ,bagay o
pangyayari.
Pangkat 3: Gumuhit ng 5 halimbawa ng pangngalan na makikita sa loob ng silid
aralan.
Pangkat 4: Basahin ang tula at bilugan ang mga pangngalan na makikita dito.
5. Paglalahat
Ano ang pangngalan?
6. Paglalapat
Isulat ang T kung ngalan ng tao, B- bagay, H-hayop, L-lugar at P kung
pangyayari.
_______1. pusa
_______2. Simbahan
_______3. Kaarawan
_______4. Lolo
_______5. Mesa
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangngalang may salungguhit ay ngalan ng tao,
hayop, bagay, o pook.
________1. Mabilis tumakbo ang kabayo.
________2. Nasa bukirin ang mga magsasaka.
________3. Katulong nila sa trabaho ang mga kalabaw.
________4. Tumawag sa telepono si Tatay kanina.
________5. Darating bukas si Marlon mula sa Pampanga.
V. Kasunduan
Sumulat ng limang halimbawa ng pangngalan.
Repleksyon
_______________________________________________________________________

Remarks

PL
5 x =
4 x =
3 x =
2 x =
1 x =
0 x =

You might also like