You are on page 1of 15

Math

_____________

I. Layunin
A. Natutukoy ang iba’t-ibang perang barya.
B. Nababasa at naisusulat nang tama ang simbolo para sa sentimo at piso.
C. Naipapakita ang pagpapahalaga sa pera.

II. PaksangAralin
A. Paksa: Pagtukoy sa Iba’t-ibang Perang Barya o Coins
B. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide, Learner’s Materials pahina 1-5
C. Pagpapahalaga: Tamang paggamit ng pera, pagtitipid
D. Kinakailangang Konsepto: Kaalaman sa pera ng Pilipinas,Pagbibilang,Pagbabasa at
pagsusulat ng bilang
E. Kagamitan:
tunayna coins, laruang coins, larawan ng coins

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magbabanggit ako ng bilang ( 1-100). Isusulat ninyo sa show-me-board ang bilang na
sasabihin ko.
2. Balik Aral/ Pagwawasto ng Takdang Aralin
1. Pagganyak
Pagpapakita ng mga totoong barya
Tanungin:
Ano ito?
Ano ang halaga nito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilabas ang mga dala ninyong coins. Obserbahan ang hugis, kulay, laki at kabuuang
hitsura ng bawat coins.
2. Pagtalakay
Ano ang naobserbahan ninyo sa mga coins?
Mga posibleng sagot:
 Lahat ng coins ay bilog ngunit magkakaiba ang laki.
 Ang sampung piso ay may dalawang kulay.
 Ang 5 sentimo ay may butas sa gitna.
 Ang 5 sentimo ang pinakamaliit samantalang ang 10 peso coin at 5 peso coin ay
parehas ng laki. Anu-ano ang kulay ng mga coins?
 May nakita ba kayong mukha sa mga coins? Sinu-sino ang mga ito?
 P ang simbolo sa peso
 C ang simbolo sa sentimo.
Ang mga ito ang iba’t-ibang perang baryang Pilipinas at ang halaga ng mga ito.

Barya Ngalan sa Salita Halaga saSimbolo

5 sentimo 5c

10 sentimo 10c
25 sentimo 25c

1 piso P1.00

5 piso P 5.00

10 piso P 10.00

3. Gawaing Pagpapayaman
Ilabas ang inyong show-me-board.Isulat ang halagang coin na ipapakita ko.

4. Paglalahat
Ilalarawan ng guro ang bawat coins. Sasabibin ng mga bata ang halaga nito at kung
paano isulat.
Ang simbolo sa sentimos ay c
Samantalang sa pesos ay Php.

5. Paglalapat
Iugnay sa pamamagitan ng linya ang harapang bahagi ng bawat barya sa likurang
bahagi nito.

2.

3.

4.

5.
IV. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang halaga ng bawa tbarya.

1. A.25c B. P25.00

2. A. 10c B. P10.00

3. A. 1c B. P1.00

4. A. 5c B. P5.00

5. A. 5c B. P5.00

V. TakdangAralin
Maging matipid sa lahat ng oras.

PL
5 X =
4 X =
3 X =
2 X =
1 x =

Math
___________
I.Layunin
A. Natutukoy ang iba’t-ibang perang papel
B. Nababasa at naisusulat ng tama ang simbolo para sa piso.
C. Naipapakita ang pagpapahalaga sa pera.

II. PaksangAralin
A. Paksa: Pagtukoy sa Iba’t-ibang Perang Papel o Paper Bills
B. Sanggunian: K-12 Curriculum, LM pahina 6-10
C. Pagpapahalaga: Tamang paggamit sa pera, pagtitipid
D. Kinakailangang Konsepto: Kaalaman sa perang papel ng Pilipinas
Pagbibilang,pagbabasa at pagsusulat ng bilang
E. Kagamitan: Tunay na perang papel, play money, larawan ng perang papel.

III..Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Sa loob ng kahon na ito ay iba’t-ibang coins. Bubunot kayo ng isa at sasabihin ang
halaga ng bawat coins.

2. Balik Aral
Ano ang simbolo ng sentimo?
Ano ang simbolo ng pesos?

3. Pagganyak
Ito ay mga perangpapel.( 20 peso bill, 50 peso bill, 100 peso bill) Ano-anong mga
pera ito? .Kailan ninyo ito ginagamit. Alin sa mga ito ang lagi at paminsan-minsang
ginagamit?
Anu-anong bagay ang nabibili sa 20 peso bill? 50 peso bill?at 100 peso bill?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilabas ang mga dala ninyong play money. Obserbahan ang hugis, kulay, laki at
kabuuang hitsura ng bawat perang papel.

2. Pagtalakay
Ano-ano ang inyong naobserbahan sa mga perang papel?
Tandaan:
 Lahat ng paper bills ay hugis parihaba.
 Lahat ng paper bills ay parehas ng laki/haba.
 Lahat ng perangpapel ay may nakasulat na bilang.
 Lahat ng paper bills ay may drowing na mukha.
 Lahat ng paper bills ay may nakasulat naRepublika ng Pilipinas.

Anu-anong kulay ang mayroon sa bawat paper bills? May nakita ba kayong mukhang
tao sa mga ito? Kilala niyo ba sila?
3. Gawaing Pagpapayaman
Ilabas ang inyong show- me-board.Isulat ang halaga ng perang papel na ipapakita ko.
4. Paglalahat
Ilalarawan ng guro ang bawat paper bills.Sasabihin ng mga bata anghalaganito at kung
paano isulat.

Angsimbolo sa pesos ay Php.


5. Paglalapat
Nais ni Clark na sumama sa kanyang ina sa pamimili. Lagyan ng tsek ang perang kailangan
niya.

P 20.00

P 100.00

P50.00
IV. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang halaga ng bawat perang papel na nasa larawan.

1.

A. P50.00 B. P 20.00 C. P100.00 D. P 10.00

2.

A. P20.00 B. P100.00 C. P50.00 D. P 5.00


3.
A. P 100.00 B. P 50.00 C. P 20.00 D. P 10.00

4.
A. P 100.00 B. P 10.00 C. P 300.00 D. P 200.00

5.
A. P50.00 B. P20.00 C. P40.00 D. P 5.00

V. TakdangAralin
Iugnay ang angkop na perang papel upang mabili ang bawat bagay na nakalarawan.

P100.00

P50.00

PL
5 X =
P 20.00 4 X =
3 X =
2 X =
1 x =

Math
____________
I. Layunin
Nasasabi ang halaga ng mga coins at paper bills sa isang set simula 10c hanggang P50
Nakabibilang ng coins at paper bills ng tama.
Naipapakita ang pagiging matipid.

II. Paksang Aralin


A. Pagsasabi ng halaga ng mga Perang Barya at Perang Papel sa Isang set simula 10c
hanggang P50.
B. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide, 21st Century Mathematics 1 p164-171
Mathematics Skill Book for Grade 1 p 58
C. Pagpapahalaga: Pagkamatipid
D. KinakailangangKonsepto:Pagbibilang, Addition
E. Kagamitan: perang barya at papel, pocket chart, show-me-board, talaan ng mga bilihin
na may halaga, larawan ngmgalaruanna may halaga.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magpapakita ako ng mga perang barya at papel. Isulat ninyo sa inyong show-me-board ang
halaga ng bawat pera.
2. Balik-aral/ Pagwawasto ngTakdang Aralin
Iugnay ang angkop na perang papel upang mabili ang bawat bagay na nakalarawan.

P100.00

P50.00

P 20.00

3. Pagganyak
Larawan ng mga laruan na may halaga.

P 20 P50 P15 P10 P12


Ano-anong laruan mayroon tayo sa harapan?
Magkano ang halaga ng bawat isa?
Kung ikaw ang papipiliin, ano ang nais mong bilhin?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sino sa inyo ang gustong maging tindera ng laruan
Sino naman ang gustong bumili?( bibigyan ng guro ang apat na batang tigisang
sobre na may lamang laruang perang papel at barya.
Isa-isang lalapit ang mga mag-aaral na binigyan ng sobre upang pumili ng laruang
nais nilang bilhin. Babayaran nila ito gamit ang perang binigay sa kanila.

2. Pagtatalakay
a. Ano ang laruang pinili ng una ninyong kamag-aral?
Magkano ang halaga nito?
Ano-anong pera ang kanyang ibinayad?
b. Ano ang binili ng ikalawang mag-aaral?
Magkano ang ibinayad niya?
Bilangin natin ang halagang ibinayad niya?
c. Ano naman ang binili ng pangatlong mag-aaral
Magkano ang laruang ito?
Ano-anong perang barya at papel ang ibinayad niya?
Bilangin natin.
d. Ano ang binili ng ikaapat ninyong kamag-aral?
Magkano ito?
Magkano ang ibinigay niya sa tindera?
Tama ba ang ibinayad niyang halaga?
Ano ang ginawa natin sa mga barya at perang papel upang mabayaran ang mga laruan?
Tama ba ang bilang ng pera?
Kung kayo ay bibigyan ng sampung piso, paano ninyo ito gagastusin?
Magtitira ba kayo ng pera? Bakit?

5. GawaingPagpapayaman
Pangkatang Gawain
Kulayanng pula angtamanghalagangbarya at papelnakatumbasngsumusunod.

1. P 20 = P5 P5 P5 P5 P5 P5

2. 50c = 10c 10c 10c 10c 10c 10c

3. P 40 = P20 P20 P20 P20

4. P8 = P1 P1 P1 P1 P1 P1 P1 P1 P1 P1

5. P1 = 25c 25c 25c 25c 25c

4. Paglalahad
Ano ang gagawin natin upang malaman ang halaga ng pangkat ng barya at papel na pera
mayroon tayo?

5. Paglalapat
Tingnan ang talaan ng mga paninda.Ibigay ang pinagsamang halaga ng dalawang bagay.

Lapis = P5 papel = P10 kwaderno = P20 krayola = P15

1. lapisat papel= ________________ 2. papel at krayola = ________________


3. kwaderno at lapis = ________________ 4. krayola at kwaderno = ________________
5. lapis, papel at krayola = ________________

IV. Pagtataya
Magkano ang kabuuang halaga? Isulat ang titik ng tamang sagot.

P 10 P5 P5 = A. P15 B. P20 C. P30 D. P25

P5 P1 P1 P1 = A. P8 B. P10 C. P7 D. P9

25c 25c 25c = A. 50c B. 25c C. 75c D. 80c

P10 P10 P10 P10 P10 = A. P20 B. P30 C. P40 D. P50

10c 10c 10c 10c = A. 40c B. 30c C. 60c D. 50c

V. TakdangAralin
Sagutin ang mga sumusunod.

Ilang10c sa 50c ? ______________________________


Ilang P20 sa P100? ______________________________
PL
Ilang P10 sa P70? ______________________________
Ilang P5 sa P40? ______________________________ 5 X =
Ilang P1 saP15 ? ______________________________ 4 X =
3 X =
2 X =
1 x =

Math
____________
I. Layunin
Nababasa ang ordinal numbers 1st , 2nd, 3rd, up to 10th .
Naisusulat ang ordinal numbers 1st , 2nd, 3rd, up to 10th.
Nasisiyahan sa tamang pagbasa at pagsulat ng mga ordinal numbers
II. PaksangAralin
A. Pagbabasa at Pagsusulat ng Ordinal Number 1st , 2nd, 3rd, up to 10th
B. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide, LM pahina 11-17
C. Pagpapahalaga: Masayang nakikiisa sa programa
D. Kinakailangang Konsepto:
o Intuitive concept of order
o Counting
E. Kagamitan: mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Isulat sa show-me board ang simbolong mga bilang na pasalita na ipapakita ko.
1 .dalawampu’t isa 6. dalawampu
2. tatlumpu’t dalawa 7. labingsiyam
3. apatnapu’t lima 8. Labing-isa
4. siyamnapu’t walo 9. animnapu’t tatlo
5. pitongpu’t isa 10. walumpu’t pito
2. Balik Aral/ PagwawastongTakdangAralin
Iugnay ang angkop na perang papel upang mabili ang bawat bagay na nakalarawan.

P100.00

P50.00

P 20.00

3.Pagganyak
Nakasali na ba kayo sa isang palatuntunan? Ano ang inyong ginawa? Ano ang inyong
suot? Ano ang inyong naramdaman?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang klaseng Baitang I- Marble ay masayang nakiisa sa programa sa kanilang paaralan.
Sampung bata ang nakasuot ng kanilang paboritong kasuotanpara sa palatuntunan.

Mary Jane Jake Alex Bea


1st 2nd 3rd 4th 5th
Una pangalawa pangatlo pang-apat panlima
Rex Jona Liza Jack Ben
6th 7th 8th 9th 10th
pang –anim pampito pangwalo pansiyam pansampu

2. Pagtatalakay
Ituro ang bilang 1st, 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th, 10th .Sabihin: Ang mga ito ay mga
bilang din. Sinasabi nila ang pakakasunud-sunod ng mga bagay o tao na nakahanay.
Ang bilang na nagsasabi ng pagkakasunud-sunod ng mga bagay o tao ay tinatawag na
ordinal number.
3. GawaingPagpapayaman
Mag sanay sa pagsulat ng ordinal numbers. Gawin ito ng dalawang beses.
1st , 2nd. 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th, 10th

________________________________
1st______________________________________________
4. Paglalahat
Ano ang mangyayari kung ang pagkakasunod-sunod ng mga batang tumayo ay naiba
Ipasulat sa mga bata ang ordinal number at ang salitang katumbas nito.
Ano ang ordinal numbers?
5. Paglalapat
Pagdugtungin ang mga simbolo ng bilang na ordinal saHanay A sa mga salita saHanay B.
HanayA HanayB

1st pansiyam
2nd pang-apat
3rd pangalawa
4th panlima
5th pang- anim
6th pangwalo
7th pansampu
8th una
9th pangatlo
10th pampito
IV. Pagtataya
Tingnan ang mga bagay.Isulat ang ordinal number ng bagay sa bawat bilang.

1.
_________

2 _________

3.
_________

4.
_________

5 .

_________

V. TakdangAralin
Isulat ng dalawang ulit ang mga salita.
Una, pangalawa, pangatlo, pang-apat, panlima, pang-anim, pampito, pangwalo, pansiyam,
pansampu.
______________________________________
______________________________________
______________________________________

PL
5 X =
4 X =
3 X =
2 X =
1 x =

Math
__________
I. Layunin
Nababasa ang ordinal numbers 1st , 2nd, 3rd, up to 10th .
Naisusulat ang ordinal numbers 1st , 2nd, 3rd, up to 10th.
Nasisiyahan sa tamang pagbasa at pagsulat ng mga ordinal numbers
II. PaksangAralin
A. Pagbabasa at Pagsusulat ng Ordinal Number 1st , 2nd, 3rd, up to 10th
B. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide, LM pahina 15
C. Pagpapahalaga: Pagpapasalamat sa regaling natatanggap.
D. Kinakailangang Konsepto:
o Intuitive concept of order
o Counting
E. Kagamitan: mga larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Isulat sa show-me-board ang katumbas na simbolo ng mga sumusunod na ordinal
numbers naipapakita ng guro.

pangalawa pang-apat una pang-anim pansampu

pangwalo pangatlo panlima pampito pansiyam

2. Pagwawasto ng TakdangAralin
Pagsulat ng ga bata.
Una pangalawa, pangatlo, pang-apat, panlima, pang-anim, pampito, pangwalo,
pansiyam,pansampu
______________________________________
______________________________________
______________________________________

3. Pagganyak
Kailan ang kaarawan ninyo? Ano ang ginagawa ng ating mga magulang tuwing
kaarawan natin?
Ano ang tawag sa mga bagay na natatanggap natin?
B. Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Lucas, ang kanyang ika-sampung
kaarawan. Paggising niya ay nakita niya ang mga regalo ng kanyang mama at papa na
nakaayos sa ibabaw ng mesa. Dahil sa ikasampung kaarawa nito ni Lucas binilhan
siyang kanyang mga magulang ng sampung uri ng laruan.Tuwang – tuwa siya sa
kanyang mga nakita kaya agad-agad niyang hinanap ang kanyang mga magulang para
magpasalamat.

Kotse trumpo robot bola saranggola


1st 2nd 3rd 4th 5th
Una pangalawa pangatlo pang-apat panlima
Superman helicopter baril pokemon holen
6th 7th 8th 9th 10th
Pang –anim pampito pangwalo pansiyam pansampu
2. Pagtatalakay
Sino ang may kaarawan?
Ano –ano ang mga natanggap niyang regalo?
Sino ang nagbigay ng regalo sa kanya?
Ano ang naramdaman ni Lucas nang Makita niya ang mga regalo?
Ano ang unang laruan niLucas ?pangwalo? pangalawa? pansampu?
Pang-apat? panlima? pansiyam? Pang-anim? Pangatlo at pampito?
3. GawaingPagpapayaman
Magsanay sa pagsulat ng ordinal numbers. Gawin ito ng dalawang beses.
1st , 2nd. 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th, 10th
________________________________
1st______________________________________________
________________________________
1st______________________________________________

4. Paglalahat
Ano ang mangyayari kung ang pagkakasunod-sunod ng mga laruan ay naiba?
Ano ang ordinal numbers?

5. Paglalapat
Tingnan ang mga hayop sa loob ng kahon. Sagutin ang mga tanong sa
pamamagitan ng pagsulat ng ordinal na bilang at simbolo.

1.Saang kahon nakalagay ang kabayo? _________

2. Saang kahon nakalagay ang manok? _________

3. Saang kahon nakalagay ang baka? _________

4. Saang kahon nakalagay ang bibe? _________

5. Saang kahon nakalagay ang kalabaw? _________

6. Saang kahon nakalagay ang isda? _________

7. Saang kahon nakalagay ang baboy ? _________

8. Saang kahon nakalagay ang aso? _________

9. Saang kahon nakalagay ang ahas? _________

10. Saang kahon nakalagay ang palaka ? __________

IV. Pagtataya
Isulat sa patlang ang ordinal number ng larawang may bilog sa bawat pangkat.

_______1.

_______2.

_______3.

_______4.

_______5.

V. TakdangAralin
Gumuhit ng bagay sa loob ng bawat kahon, sa ilalim nito isulat ang ordinal numbers.

______ ______ ______ _______ _______ _______ ______ ______ _______ ______

PL
5 X =
4 X =
3 X =
2 X =
1 x =

You might also like