You are on page 1of 9

Ang Pera ni Perla

Obj. Nakikilala ang mga perang papel at barya hanggang


Php1000
Code: M3NS-IC-19.2

I. ANO ANG NANGYARI?


Binuksan ni Perla ang kanyang pitaka.Masayang masayang
siya ng makita niya ang laman nito. Ang daming pera, iba-iba, may
perang papel at may barya. Lahat ng ito ay kanyang
napamaskuhan sa kanyang mga ninong at ninang. Kaya lang, hindi
pa niya alam kung ano-ano ang halaga nito.
Tulungan natin si Perla para malaman niya ang halaga ng
bawat perang papel at barya na kanyang napamaskuhan.

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?


Sa araw na ito ay makikilala mo ang mga perang papel at
barya ng ating bansa.
Tingnan ang bawat perang Pilipino.Ito ang magsisilbing gabay
mo upang masagot ang inihandang pagsasanay na may
kinalaman sa pagkilala perang Pilipino.
( mga larawan ng pera mula c .25 hanggang Php 1 000.00)

-Tingnan ang mga larawan, ilan ang perang papel?


Sagot: 6
-Ano ang halaga ng bawat isa?
Sagot: Php 20.00, Php 50.00, Php 100.00, Php 200.00, Php 500.00,
Php 1000.00
-Ilan ang barya?
Sagot: 5
-Ano ang halaga ng bawat barya?
C .25, C .50, Php. 1.00, Php 5.00, Php 10.00

Pagsasanay I
Ibigay ang halaga ng bawat perang papel at perang barya.
Isulat ito sa sagutang papel(1-10)
1.

Pagsasanay 2
Piliin sa kahon ang ngalan ng taong nakalarawan sa pera.
Isulat ito sa sagutang papel

Emilio Aguinaldo Jose Rizal Diosadado Macapagal

Manuel Roxas Sergio Osmeña


Hanay A
1.
Pagsasanay 3
Pagtambalin ang halaga ng pera sa salita sa Hanay A at
nakalarawang pera sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B

Halaga sa salita Perang nakalarawan

1. isang daang piso a.


2. limang daang piso b.
3. limampung piso c.

4. dalawang daang piso d.

5. limampung sentimo e.

6. isang libong piso f.


.
7. dalawampung piso g.

8. piso h.

9. limang piso i.

10. sampung piso j.

Subukin natin:
Dahil kilala na ni Perla ang mga pera, paghihiwa-hiwalayin na
niya ang kanyang napamaskuhang pera. Nagtabi siya ng pera
upang may makuha siya sa oras ng pangangailangan. Ang iba ay
inilaan niya para makabili ng bagong damit,palda, sapatos,
medyas at paboritong manika.
Ano-ano kayang perang papel at barya ang kanyang
pinagsama-sama upang mabili ang mga ito?
Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
a.

b.

c.

d.

e.
1. Isang perang papel at 2 barya na may kabuuang halagang
dalawang daan at dalawampung piso para sa damit
2. Tatlong perang papel na may kabuuang halagang isang
daan at limampung piso para sa palda
3. Isang perang papel at 4 na barya na may kabuuang
halagang limang daan at apat na piso para sa sapatos
4. Tig-isang perang papel na may larawan nina Manuel A. Roxas
at Sergio Osmena para sa medyas
5. Dalawang perang kulay kahel at 4 na barya na may
kabuuang halagang walumpung piso para naman sa manika

Pagyamanin natin:
Unawain ang bawat sitwasyon at sagutin ang mga tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Binigyan si Perla na baon ng kanyang ina para sa isang Linggo,
isang kulay berde at isang kulay lilang perang papel. Ano ang
denominasyon ng pera niya?
2. Bumili siya ng meryenda sa kantina ng paaralan. Binayaran
niya ito at sinuklian siya ng dalawang perang papel, isang
kulay pula at isang kulay kahel. Ano-ano kaya ang halaga ng
sukli niya?
3. Pinapalitan ni Sassa ang sukli niyang pera upang may
maihulog sa kanyang alkansiya. Binigyan siya ng dalawang
barya, ang isa ay may mukha ni Aguinaldo at ang isa ay may
mukha ni Rizal. Ano-ano kayang pera ang inilaan niya para sa
kanyang ipon?

Ano ang natutuhan mo?


Tingnan natin kung talagang lubusan ng kilala ni Perla ang
mga pera.
Kulay mukhang nakalarawan halaga
1. Lila Manuel Roxas _______________
2. Kahel Sergio Osmena _______________
3. Dilaw Benigno Aquino at
Corazon Aquino _______________
4. Asul Josefa Llanes Escoda _______________
5. Luntian Diosdado Macapagal _______________

Writer:

SHIRLEY S. SALVADOR
Diteki Elem. School

MAY AKDA: SHIRLEY S. SALVADOR


Nagsimulang magturo noong taong 2006 hanganng 2008
sa Paaralang Elementarya ng Dibayabay, San Luis, Aurora.
Pagkatapos nalipat sa Paaralang Elementarya ng L. Pimentel,
sumunod sa Paaralang Elementarya ng Nonong Sr, kung saan
nagturo siya sa loob ng halos 8 taon. Natapos niya ang Master
of Arts major in Educational Management noong 2015 sa
Aurora State College of Technology (ASCOT). Sa kasalukuyan
ay nagtuturo siya sa Paaralang Elementarya ng Diteki bilang
Master Tecaher I at tagapayo ng Ikatlong Baitang.

References:
Mathematics for Grade 3 TG p. 32-35
Mathematics for Grade 3 LM p. 40-44
K to 12 CG for Grades 1 to 10, May 2016 p. 56
Paunang Salita
Narito ang Self Learning Kit (SLK) sa Matematika na
sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng ikatlong
baitang na gaya mo. Layunin nito na maturuan ka na makilala
ang bawat perang papel at barya na ginagamit sa ating
bansa at maituro sa iyo ang kahalagahan ng pagtitipid.
May mga pagsasanay na nakapaloob sa SLK na ito na
magsisilbing gabay mo para makilala ang mga perang papel
at barya . Inaasahang maituturo sa iyo ang tamang paraan ng
paggatos at matutuhan mong pahalagahan ang bawat piso
at sentimo na iyong gagastusin .

Synopsis

Kinikilala natin ang perang papel at barya na ginagamit


dito sa ating bansa upang malaman ang halaga nito.
Nararapat lamang na ating pahalagahan ang bawat piso at
sentimo upang magastos ng tama at matutunan ang
pagtitipid.
Tunghayan natin ang mga nakapaloob sa SLK na ito
upang lubusang makilala at malaman ang halaga ng perang
papel at barya na pinapambili mo.

Susi sa pagwawasto
Pagsasanay 1
1. Php 500.00
2. Php 1 000.00
3. Php 50.00
4. Php 20.00
5. Php 200.00
6. Php 100.00
7. Php 10.00
8. Php 1.00
9. Php 5.00
Pagsasanay 2
1. Manuel Roxas
2. Emilio Aguinaldo
3. Jose Rizal
4. Diosdado Macapagal
5. Sergio Osmeña
Pagsasanay 3
1. f
2. c
3. a
4. j
5. b
6. e
7. h
8. g
9. i
10. d
Subukin natin:
1. d
2. c
3. a
4. b
5. e

Pagyamanin natin:
1. Php 200.00 at Php 100.00
2. Php 70.00
3. Php 12.00

Ano ang natutuhan mo?


1. Php 100.00
2. Php 50.00
3. Php 500.00
4. Php 1000.00
5. Php 200.00

You might also like