You are on page 1of 10

1

Filipino 10-Q2-W4
Aralin
Ang Maikling Kuwento at Kasiningan Nito

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang isang maikling kuwento mula sa Estados


Unidos. Lubos mong maunawaan na ang tunay na kahalagahan ng
pagmamahal, pagsasakripisyo at pagbibigayan ay hindi lamang sa panahon ng
kapaskuhan.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod


na kasanayan:

1. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda (F10PN-IIe-73)


2. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan
(F10PT-IIe-73)
3. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling
kuwento F10PS-IIe-75

Sa araling ito, hayaan mong subukin muna ang iyong kakayahan sa


pamamagitan nang pagsagot sa unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang dayalogo at sagutin ang kasunod na mga tanong.

“Regalo”
Tom: Christmas is near! Noong nasa America kami. Tuwing malapit na ang
Pasko. Itinatayo namin ang Christmas tree at sinasabitan ito ng napakaraming
candy cane.
Andres: wow! Totoo Tom? Dito rin sa Pilipinas. Pagpasok ng mga buwan na
nagtatapos sa ber ay nagsisimula na ang mga tao na maghanda para sa Pasko.
Tom: Minsan mayroong akong nabasang artikulo tungkol sa pagdiriwang ng
Pasko rito sa Pilipinas.
Andres: Totoo Tom! Ipinamimili kami ni Nanay ng mga bagong damit, sapatos
at laruan.
Tom: Katulad din sa America Andres! At nagluluto si Mama ng mga masasarap
na pagkain.
Gng. Ramos: Tama. Tulad ng sabi ni Jesus (Lucas 6:38). palaging ugaliin ang
pagbibigay ngunit hindi lamang ito sa pamamagitan ng mga materyal na bagay.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
2

Tukuyin kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat bilang. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Si Tom ang mag-aaral na mula sa Amerika.
2. Pinalalamutian nang maraming candy cane ang Christmas tree.
3. Pagpasok ng mga buwan na nagtatapos ber ay nagsisimula nang maghanda
para sa paparating na Pasko.
4. Mga Bagong damit, sapatos at laruan ang mahalaga sa araw ng Pasko
pahayag ni Andres,
5. Ipinaliwanag ni Gng. Ramos gamit ang berso Lucas 6:38 na palaging ugaliin
ang pagbibigay.
Isulat ang MK kung ang pares ng salita ay Magkasingkahulugan at MS kung
ito ay Magkasalungat.
6. Baro – Damit
7. Masaya - Maligaya
8.Paaralan - Eskwelahan
9. Dekorasyon - Palamuti
10. Guro – Estudyante

Balik-tanaw

Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Sagisag na kumakatawan sa tagong kahulugan. A. Sukat
2. Anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin. B. Talinhaga
3. Tumutukoy sa rima o pagkakapareho sa huling C. Simbolo
pantig sa bawat salita. D. Tugma
4. Ito ay tuutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat E. Tula
taludtod ng saknong F. Tema
5. Tumutukoy sa paggamit ng mga tayutay o mga
Salitang hindi lantad ang kahulugan

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa maikling kuwento bilang isang anyo
ng panitikan na nagsasalaysay
A. Ang Maikling Kuwento
Sadyang makulay ang pagtingin ng mga Pilipino sa buhay. Kaya naman
tinaguring isa sa pinakamasayahing nasyon ang mga Pilipino. Hindi nangingimi na
makipagkaibigan at makipag-usap. Kaya naman mayaman ang Pilipinas sa mga
kuwentong-bayan at mga alamat.
Maikling Kuwento – ayon kay Edgar Allan Poe ang maikling kuwento ay likha
ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Ito ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga
at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng
isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
3

Mayroong walong elemento ang maikling kuwento.


1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga tagaganap sa kuwento.
2. Tagpuan – Ganapan ng kuwento.
3. Banghay – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
3.1. Panimula – Paano nagsimula ang kuwento.
3.2. Saglit na Kasiglahan – Pagtatagpo ng mga tauhan sa
kuwento.
3.3. Kasukdulan – Kapana-panabik na tagpo. Ipinapakita ang
kung ang pangunahing tauhan ay magtatagumpay o
mabibigo.
3.4. Kakalasan – Tumutukoy sa unti-unting pagsasaayos ng
suliranin o pagpapakita nang resulta ng kasukdulan.
3.5. Wakas – Ipinapakita kung papaano nagwakas ang kuwento
4. Paksang Diwa – Mensahe ng kuwento.
5. Suliranin – Problemang kinakaharap ng mga tauhan.
6. Tunggalian – Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing
tauhan at sa pwersang sumasalungat sa kaniya.

Ngayon ay naunawaan mo na ang katuturan at katangian ng maikling


kuwento, maaari mo nang basahin ang isang halimbawa nito mula sa Estados Unidos.
“Aginaldo ng mga Mago”
Maikling Kuwento mula sa United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro Ng
“Gift of the Magi ni O. Henry

Piso at walumpu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos


nito ay barya. Makatatlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At
kinabukasan noon ay Pasko.
Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing
sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi.
Siya’y nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang
isang abuhing pusang nanunulay sa isang abuhing likod-bahay. Kinabukasan noon
ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t pitong sentimos
lamang para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan siyang natabi ng
pera at ito ang kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal ng kitang
dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos kaysa
kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong sentimos
lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang Jim.
Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-
aginaldo kay Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong
maaaring nang sabihing karapat-dapat ariin ni Jim.
Kagya’t siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagningning
ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang
kaniya pisngi maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok. Ang mag-
asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang
ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa
kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.
At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap
na parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng
kaniyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod
niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
4

samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa


sahig.
Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang
lumang sumbrerong kulay kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang
ang kaniyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pinto, manaog at
lumabas sa lansangan. Sa tapat ng hinintuan ay may karatulang ganito ang
mababasa: “Mme. Sofronie. Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa buhok.” Patakbong
pumanhik si Della sa unang hagdan at saka huminto upang bigyang-panahon ang
kaniyang paghingal.
“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della. Bumibili ako
ng buhok, “sabi ng madame. “alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita ko ang
hitsura niyan.”
Ipinakita ni Della ang alon-alon niyang buhok. “Beinte pesos.” Ang wika ng
Madame, habang iniangat ng sanay na kamay ang makapal na buhok. “Bayaran n’yo
ako agad,” ang wika ni Della. O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang
nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della
kundi ang halughugin ang mga tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay
Jim.
Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang
ipinasadya. Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang
platino, na ang disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay
talagang makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitang-
pagkakita niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon ay
Jim. Katulad na katulad nito- mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang
ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t
pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos ay
pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan.
Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang
tingnan ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.
Nang dumating sa bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-
iingat. Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang
kasiraang nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.
Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne.
Si Jim ay hindi kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa
kaniyang palad at naupo sa sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni
Jim. Narinig niya ang mga yabag ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutla
sandali. Ugali na niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na
nangyayari sa araw-araw at ngayo’y bumulong siya ng ganito, “ O Poong Diyos,
marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon.
Parang nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa
naman! Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa
kaniyang pamilya! Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa
rin siyang guwantes.
Pumasok si Jim na walang katinag-tinag ang mga mata niya’y nakapako kay
Della at ang tinging niya’y nakapangingilabot sa babae. Hindi naman galit, ni
pagtataka, ni pagpintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong
pinaghahandaan na ni Della. Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y
nagpapahayag ng isang damdaming hindi mahulaan.
Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit
kay Jim.
“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang
papaganyan, ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
5

makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang


aginaldo. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang
kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin
mong Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano
kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.”
“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng
pagsasalita.
“Ipinaputol ko at pinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit
na putol ang aking buhok?”
Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.
“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y
walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa
pabango, o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan
mo kung bakit ako nagkagayon noong bagong dating ako.”
Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas
na tili ng galak at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinabayan pagdaloy ng
masaganang luha.
Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga
suklay na malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyo ay makita niya
sa isang bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang
dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha na winika,
“Malakas humaba ang buhok ko Jim.”
At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”
hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della
sabay pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng
apoy ng kaniyang kaluluwa.
“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita
ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses
maghapon. Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung
maikabit ang kadena.”
Sa halip na ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang
kaniyang ulo sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti. Della, itabi muna natin ang
ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na gamitin agad ngayon
ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng mga suklay para sa iyo.
Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”
Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong –
napakarurunong- at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang
may imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong,
pihong ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan marahil ay
yaong maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinag-inutan
kong isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na
nakatira isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit
mawala ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan.
Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat
sabihin dito na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay isang
pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang
pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.
-http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/aginaldo-ng-mga-
mago.html

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
6

Mga Gawain
Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Basahin at piliin ang magkasing- kahulugang salita sa pangungusap. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.
1. Kumikislap ang buhok ni Della na tila mga talang nagniningning.
2. Malakas na iyak ang naging sagot ni Della, tangis na tumunaw sa puso ni Jim.
3. Sumalagmak si Jim sa pagkabigla, kinakailangan niyang umupo upang hindi
tumumba.
4. Planong halungkatin ni Della ang lahat ng tindahan at halukayin ang lahat ng
mga estante sa paghahanap ng regalo para kay Jim.
5. Hilam sa mga luha si Della dahilan upang manlabo ang kaniyang paningin.
Gawain 2 Pag-unawa sa Binasa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Paano ipinakita ni Jim at Della ang kanilang pagmamahalan?
2. Sumasang-ayon ka ba sa desisyong ginawa ng mag-asawa? Ipaliwanag.
3. Naging mapanghamon ba sa iyo ang wakas ng kuwento? Patunayan ang sagot.
4. Ano para sa iyo ang pagbibigay ng regalo sa Pasko? Ipaliwanag.
5. Maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo para mapasaya ang
taong iyong mahal? Ipaliwanag.
Rubrik sa Pagwawasto
✓ Batay binasang akda ang mga Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
kasagutan
5 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Mahusay na pagpapaliwanag
✓ Maayos na pagbuo ng pangungusap 3 –dalawang pamantayan lamang

1 – isang pamantayan lamang

Gawain 3 Pampanitikan
Magtala ng isang pahayag mula sa binasang akda na nagpapakita ng
masining na pagpapahayag. Nakatulong ba ito sa pagiging masining ng akda?
Patunayan ang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

Pahayag:

Patunay:

Rubrik sa Pagwawasto
Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
✓ Batay binasang akda ang pahayag
5 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Mahusay na pagpapaliwanag
✓ Maayos na pagbuo ng pangungusap 3 –dalawang pamantayan lamang

1 – isang pamantayan lamang

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
7

Tandaan
Matapos mong basahin at surin ang akda na rito ang mga dapat mong tandaan:
Ang maikling kuwento ang pinakamaunlad na sangay ng panitikan
Inilalarawan ang pinakamadulang bahagi sa buhay ng pangunahing
tauhan.
Ayon kay Genoveva Edroza-Matute (1971) ang maikling kuwento ay
hindi pinaikling nobela o buod ng isang nobela.
Ang mga pangyayari sa kuwento ay inilalahad ng tuloy-tuloy hangang
sa wakas.
Nag-iiwan ng isang kakintalan ang maikling kuwento.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Nakabibilib ang ipinakita mong kahusayan. Ngayon ay susubukin natin ang iyong
natutuhan sa araling ito.
Sumulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagmamahal at pagsasakripisyo na
maaaring maiugnay sa kasalukuyan.isulat ito sa hiwalay na papel.

Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa sumusunod:


Mensahe/Kaangkupan ng tema ---------------------------------------- 40%
Paggamit ng Pokus ng pandiwa ---------------------------------------- 30 %
Elemento ng maikling kuwento -------------------------------------- 20%
Aral sa maikling kuwento 10%
Kabuuan --------------------------------------------------------------------- 100%

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin akda at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
“Maligayang Pasko”
ni Eros S. Atalia

Pinatay niya na ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya
ang oven. Paluto na ang lechon de leche. Nagningning sa mantika ang hamon, hotdog
at bacon. Nasa gitna na ng mesa ang mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin
ang keso de bola. Timplado na rin ang juice. Inilagay niya sa mesa ang morcon, lechon
manok, embutido, paella at pinasingawan na sugpo. Naglagay siya ng tatlong pingan,
baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin ang napkin. Maya-maya, bitbit na niya
ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang nakalagay na ulam.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
8

Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan.


Habang naglalakad sinilip niya ang laman ng supot. May apat na balot. Hindi niya
maaninag kung ano ano ang laman ng mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang
anak at sa kanilang mag-asawa ang bitbit na pabaong Noche Buena.

Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.

-Mula sa Wag Lang Di Makaraos (Atalia 2011)


1. Ano ang propesyon ng pangunahing tauhan?
A. Guro C. Doktor
B. Inhinyero D. Kasambahay
2. Para kanino ang inihandang Noche Buena ng pangunahing tauhan?
A. Mag-aaral C. Inaanak
B. Amo D. Pamangkin
3. Anong klaseng Noche Buena ang magaganap?
A. Masagana C. Simple
B. Payak D. Karaniwan
4. Ano ang laman ng supot?
A. Damit C. Pera
B. Pagkain D. Regalo
5. Kailan isinasagawa ang Noche Buena?
A. Pasko C. Gabi bago ang Pasko
B. Bagong taon D. Gabi bago ang bagong taon

Pagninilay
Isalaysay nang masining at mayroong damdamin ang maikling kuwentong
isinulat mo sa bahaging pag-alam sa natutuhan sa pamamagitan ng video
presentation.
Pamantayan:
1. Organisasyon at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa video
40%
2. Tema (Pagmamahal/Pagsasakripisyo) ------------------------------------------ 30%
3. Tinig sa pagsasalaysay 20%
4. Produksyon (Paglalapat ng musika at animation) ------------------------------- 10%
Kabuuan ------------------------------------------------------------------------ 100%
Para sa mga mag-aaral na walang gadget at internet
Isalaysay ang isinulat na maikling kuwento sa pamamagitan ng mga larawan. Ilagay ito
sa hiwalat na papel.
Pamantayan:
1. Organisasyon at pagkakasunod-sunod ng mga larawan --------------------- 40%
2. Tema (Pagmamahal/Pagsasakripisyo) ------------------------------------------ 30%
3. Layout 20%
4. Produksyon (Malinaw na nababasa ang caption o salaysay) ------------------ 10%
Kabuuan ---------------------------------------------------------------- 100%

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroon


pang bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan, maaaring makipag-ugnayan
ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
9

FILIPINO 10
SAGUTANG PAPEL
Quarter 2- Week 4

Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Petsa:
Paunang Pagsubok

1 6

2 7

3 8

4 9

5 10

Balik - tanaw

Mga Gawain

Gawain 1

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo
10

Gawain 2

Gawain 3

Pangwakas na Pagsusulit

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Ikaapat na Linggo

You might also like