You are on page 1of 20

FILIPINO 3

QUARTER 3
WEEK 1
Lesson 3:
Masabi ang Paksa
o Tema ng Teksto,
Kuwento o
Sanaysay
1. Sino ang mahilig
sa inyong magbasa
ng kwento?
2. Ano ang paborito
ninyong kwento?
3. Tungkol saan ang
paborito ninyong
kwento?
Isang gabi na maliwanag ang buwan,
naglalaro ng taguan ang mga bata.
Isa-isa nang nagtago ang mga bata.
Ipinikit na ni Ruben ang mata sa puno.
Pagkabilang ng sampu, iminulat na
niya ang mata at isa-isang hinanap
ang mga kalaro. Bigla na lamang
nagulat si Ruben, wala na siyang mga
kalaro. Umuwi na palang lahat ang
kaniyang mga kaibigan.
1. Sino ang tauhan sa
kwento?
2. Ano ang ginagawa
ng mga bata sa
kwento?
Ang paksa o tema ay ang
pangunahing idea na pinag-uusapan
o tinatalakay sa isang pangungusap
o talata. Ang mga salitang paksa at
tema ay nangangahulugang titulo o
simuno ng isang pangungusap o
maari ng isang talata ang paksa. Dito
umiikot ang kuwento. Ito rin ang
itinatampok ng mga pangkat ng salita
Sa pagtukoy sa pangunahing paksa o
tema ng isang akda, kadalasang
sinasabing ito ay makikita sa unang
pangungusap (ano ang unang nais
talakayin) at sa huling pangungusap (na
naglalaman ng nais iwanan sa
mambabasa). Ang mga pantulong na
detalye naman ay sinasabing
nagtataglay ng mahahalagang kaisipan
o mga susing pangungusap na may
kinalaman sa paksang pangungusap.
Ang kasanayan sa pagtukoy ng
paksa o tema ng teksto, kuwento o
sanaysay ay isa sa mga
mahahalagang sangkap ng
pagkilatis sa mga binabasa. Ang
isang batang mahusay sa pagsusuri
ng mga akda ay isang batang may
lalim ang pag-iisip.
Tungkol sa binasang
sanaysay sa taas ano
ang tema nito?
Ano ang paksa nito?
Ibigay ang paksa at tema ng teksto. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
Ang pagkakaroon ng edukasyon ng
isang tao ay mahalagang bagay. Upang
mabago ang lipunan mahalagang
makatapos ng pag-aaral ang mga bata.
Ang sabi nga ni Nelson Mandela, “Ang
edukasyon ang pinakamakapangyarihang
sandata na magagamit upang
makapagpabago sa mundo.
Panuto:
Ibigay ang paksa at tema
ng teksto. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Si Leslie ay masipag gumawa ng
kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon
bago siya maglaro ay gingawa na
muna niya ang kangyang takdang
aralin.Tumutulong din siya sa gawaing
bahay kaya naman tuwang tuwa ang
kanyang magulang. Ipinagmamalaki
siya sapagkat siya ay mabait at
masunuring anak. Si Leslie rin ay
mapagmahal na anak.
A. Ang magagandang ugali ni
Leslie
B. Ang paglalaro ni Leslie
C. Ang pagaaral ni Leslie
D. ANg pagiging pasaway ni
Leslie
2. Sadyang likas na matulungin ang mga
Pilipino. Tuwing may nakikitang matandang
tatawid sa kalsada, agad itong
inaalalayan.Kapag nilapitan siya ng
pulubi na nakasahod ang kamay,agad
siyang nag-aabot ng limos.
a. Likas na matulungin ang mga Pilipino
b. Ang mga Pilipino ay maraming pamilya.
c. Masarap ang adobo ng mga Pilipino.
d. Maraming piyesta ang mga Pilipino.
3. Ang aso ay tapat na kaibigan ng tao.
Matiyaga itong nagbabantay ng mga bahay.
Tinatahulan niya ang mga taong hindi niya
kilala. Handa niyang ibigay ang kaniyang
buhay sa pagliligtas sa kaniyang amo.
a. Nangangat ang aso sa kalye.
b. Matalik na kaibigan ng mga tao ang aso.
c. Kinakatay ang karne ng aso upang
gawing caldereta.
d. Matatapang ang mga aso.
_____ 4. Dahil sa tagal ng pagiging
magsuki, ibinibigay ni Aling Doray ang
kaniyang paninda kahit walang pambayad si
Nanay
a. Malaki ang tiwala ni Aling Doray kay
nanay.
b. Maraming paninda si nanay
c. Si nanay at Aling Doray ay magkagalit.
d. May puwesto ng gulayan si Aling Doray
sa palengke.
5. Pinakaaabangan ng mga tao sa
Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat
lugar. Iba't ibang tradisyon ang iyong
makikita. Hindi mawawala ang
paghahanda ng masasarap na pagkain.
Ang iba ay dumarayo pa upang
makikain at makipiyesta. May mga
palaro at palabas na inihahanda upang
maging masaya ang Kapistahan.
a. Pinakaabalahan ng mga
Pilipino
b. Handaan tuwing Pista
c. Mga palaro tuwing Pista
d. Iba’t ibang tradisyon
tuwing Pista

You might also like