You are on page 1of 9

1

Aralin 3:
BUOD/SINTESIS

GUIDE CARD

Alamin

Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha mula sa
tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na panyayare.ito ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang
teksto.Marapat lamang na maging malinaw sa pagpapahayag.Ang sintesis ay bahagi ng metodong
diyaletikal kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.

LEARNING COMPETENCY LEARNING OBJECTIVES

 Natitiyak ang angkop na  Naisasagawa nang mataman ang


mga hakbang sa pagsulat ng mga
proseso ng pagsulat ng piling
piniling akademikong sulatin
sulating akademiko

 Nagagamit ang angkop  Nakasusunod sa istilo at teknikal


na format at teknik ng pagsulat ng na pangangailangan ng
akademikong sulatin akademikong sulatin

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin k ung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

A. Panuto: Maglagay ng orasan sa iyong tabi at maging tapat sa pagsagot kung ano ang
pamagat ng akda, libro o kaya ay kwento sa loob lamang ng isang minuto.

1. Noong unang panahon, may mayamang mag-asawa na nag ngangalang Dondong at Iska. Si Mang
Dongdong at Aling Iska ay may kaisa-isang anak na ang ngalan ay Maria. Si Maria ay napakabait at
masunuring bata. Sa kabila ng magandang ugali ng bata ay may pagkamahiyain ito. Ayaw nyang
makipag-usap lalo na sa ibang tao. Madalas lamang magkulong si Maria sa kanyang kwarto.

1
2

2. Ang kwentong ito ay tungkol sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at Don Pedro na pawang
nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa Bundok
Tabor. Kailangang makuha ang ibon upang mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na
noon ay dinapuan ng sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot.

3. Sa kabuuan, malalarawan ang isang tao na sinibulan ng bagong pag-ibig at umasa na natagpuan na
niya ang the one that he/she`ve been searching for his/her whole life. Umasa, nabigo nagmove-on.
Napaka tipikal na love story. Eh ano ngayon? Bakit kailangan kong sabihin sayo to? Ito ay isang
halimbawa ng isang awiting pambata na akala mo ay walang kahulugan ngunit mayroon pala.

Ano ang iyong mga sagot?

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon:

Bilang pagbabalik-tanaw tinalakay na ang Abstrak ng akadenikong sulatin na kung saan Ang Abstrak ay
isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel
na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na
makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng
pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya,
resulta at konklusyon.

Napakahalaga ng Abstrak na sulatin sa akademikong pag-aaral at upang mahasa lalo ang pagbuo nito ay
tatalakayin ang bagong paksang aralin na Sintesis/buod.

ACTIVITY CARD

Suriin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Pakibasa at unawaing mabuti ang isang halimbawa ng maikling kwento na nasa ibaba:

Sa Bagong Paraiso
Ni: Efren Abueg

Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at
Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata.
3

Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa
bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang
walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral
kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami
silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang
dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon.
Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito.
Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang
mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nila
iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo
kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal
na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa
langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita
nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon
sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong
makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki
ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang
magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman
ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang
nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa
mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at hindi nila pinapansin
ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag
sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw
sa hapon.Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong
buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin.
Ngunit hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay
mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang
pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol
sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae at
bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang
lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang
halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito.
Sinabi ng batang babae na hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang
kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon ang sinabi
ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa
dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon.
Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki
ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos
ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang
kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda,
ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay
dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang
lalaki.Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At
kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila.
"Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan."Naririnig ng dalawang
bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging
magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang
mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang
batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa
kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo."Kapit-tuko!Kapit-tuko!"Umiyak ang batang
babae.Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga
aklat. Sinugod nito ang kalaban.
4

Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-


lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-
aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit.
Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y
nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay. Namulaklak ang mga
manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw,
nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang
bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag
ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay
natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila
masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa
wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang
isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila'y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan -
-- sapagkat sabi ng kanilang mga lola'y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas
kapag naulanan. Sila'y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan
ng Mayo silang dalawa'y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga
tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang
araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas.
Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki'y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay
naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng iba
pang punungkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling
sinibulan ng bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at hindi pa rin nagbabago ang kulay
ng silahis niyon kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay
naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan kundi ang
katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang araw ng pasukan,
ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag- aaral ng
hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng
kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay may laso sa
buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita ng batang
lalaki ang alak-alakan nito.Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi nila napigil
at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan. Sa
paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro.
Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang
lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan.
Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang
mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-
aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang
ama. Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit
kailangang gawin pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat. At sinabi sa
anak na kailangan daw 'yon para siya'y maging ganap na lalaki. Natingala lamang niya ito at ang
pamimilog ng kanyang mga mata'y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-
malay. Sinabi pa ng ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito kay Ba Aryo. Maging
matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya
kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya't kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa
damuhan o kaya'y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon
ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang
ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at
pagkaraan ng iba pang ginawa, siya'y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. "Ang
damuho…pagkalaki-laki'y parang hindi lalaki." Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng
malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat
sa kanyang kawalang-malay. Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang
kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay
ni Ba Aryo, hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang
babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito'y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan.
Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito
isang dapithapon sa tabing-dagat. "Bakit?" usisa niya. "Wa-wala..wala!"
5

Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito ang
dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito at sila'y
naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang lalaki sa
kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang pintig doon. "Tignan
mo…pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko," anyaya ng batang lalaki. Ngunit hindi kumikilos sa
pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang
batang lalaki.Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito.
"Bakit?" Saka lamang tumingin ang batang babae sa batang lalaki. At ito'y umiyak at ang luhang tumulo
sa pisngi'y pinahid ng palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin. At
sa isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na hindi na daw sila maaring maglaro gaya ng
dati. "Hindi na?" sagot ng batang lalaki na parang sasabog sa kawalang-malay ang katauhan ng batang
lalaki. "Malalaki na raw tayo…malalaki nang tao.Hindi raw maglalaon, tayo'y magiging dalaga…at
binata.""Sinabi 'yon ng Nanay mo?""Oo, sinabi niya…na hindi na tayo maaring maghabulan, o kaya'y
umakyat sa punongkahoy o kaya'y pagabi rito sa tabing-dagat," sabi pa ng batang babae."Kangina sinabi
sa'yo ng Nanay mo?"Tumango ang batang babae."Ngayon daw…hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita
na…at ikaw raw ay binatilyo na!" At waring ang batang lalaki'y nagising, napagmasdan niya ang kanyang
mga bisig, ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay nauunawaan niyang totoo ang sinabi
nito. "Ayaw ka na palang papuntahin dito'y…bakit narito ka pa… gabi na!" Nagbangon ang kanyang
kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha
ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang isang
pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya'y
dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may
tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit hindi lamang tulad nang
dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang lagging may nakatingin sa kanilang mga
matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralan, ang kanilang guro. At ang
kanilang tawa tuloy ay hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, Malayo sa hiyaw
nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay hindi na Malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang
gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang
katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa
kubling bahagi ng kanilang likod- bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at
sinabi nito sa kanya: "Hindi mo na kailangang dito pa labhan 'yan…" Nagtapos sila ng hayskul.Nagkamay
sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma.At nang magsasayawan nang gabing iyon,
magkatambal sila.
Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi
maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y
tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At hindi nila alam na
ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalang-malay.
Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong
magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay hindi niya maluom sa
kanyang kalooban. "Pero, Inay…kaibigan ko si Ariel."May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit na…kayo'y
dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." May langkap na tigas ang sagot na iyon.
Alam niya ang kahulugan niyon: Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang
isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna
ang mga lalaki!" At ang pait na may iniukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang
kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki! Hindi
siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang
silid. "Ayaw nila…ng Inay…ng Itay…masama raw," at ang mga labi niya'y nangatal, kasabay ng luhang
umahon sa kanyang mga mata. Nang minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo ay
pinakiusapan siya ng dalaga na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa dalaga.
Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon ng kanyang
ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni
Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin. Sinabi
ng ama sa anak na magkakalapit din namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga
magulang nito na maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig sa kanyang isip.
"At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?"
6

"Tama ka!" maagap na pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay
malapit ka rin sa tukso!" At ang dalawa'y hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at
maglakad ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala.
Mangyari'y iniwasan nila ang magkita, at hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang
pagkikita nila ay masama, tukso. Nabubuhay sila ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat,
ng matataas na gusali ng malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang
panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng
kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay hindi
pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob at binati niya ang dalaga.Hindi nakasagot ang
dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa
isang kanugnog na restawran ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos kanyang damdamin. At
sa harap ng kanilang hininging pagkain, sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at akala nila'y nasa
luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa.
At sila'y nagkita sa Luneta, hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami
at ang kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan,
sila'y lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isipo
ay sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Ngunit sila'y
naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula sa kanyang mga magulang. May nakakita sa
kanilang dalawa ni Ariel na magkahawak-kamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi man
lang daw sila nahiya. Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga
sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang yan.
Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat nakaabot na pala sa mga ito ang
nangyari. Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig niyang umalis sa
silid na iyon at upang hindi na marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso --- tukso ----
tukso! Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinasabi ng binata:
magkikita tayo… magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga
pook na hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot
na matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din,
ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang daigdig.
Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang
kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang
pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang
kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang
ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Humawak siya sa
palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang
pakiramdam.Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya
at nakita niyang nilinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad
na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at
siya'y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal
siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at
pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang
dalaga'y napabulalas ng iyak.

--WAKAS--

B. Matapos basahin ang kwento bumuo ng buod nito ayon sa iyong pagsusuri. Maging
mapanuri sa pagbubuod at ang pagbubuod ay susuriin sa pamantayan sa ibaba.

Indikador Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng


tulong
Pagbubuod 5 4-3 2-1
Kongklusyon 5 4-3 2-1
Gramatika/Pagbabantas 5 4-3 2-1
Kabuuan 15
6 5
7

Katangian ng
mahusay na Buod
Gumamit ng sariling salita

May obhetibong balangkas

Hindi nagbibigay ng sariling ideya o


kritisismo

Lahat ng ideya aymakatotohanan

Gumamit ng mga susing salita


8
9

C. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga anyo ng isang sintesis?


a) explanatory at investigative b) argumentative at investigative
c) explanatory at narrative d) argumentative at explanatory

2. Alin sa mga uri ng sintesis ang may kahulugan na nangangailangang pagsama- samahin ang mga
sanligang impormasyon ukol sa isang paksa?
a) Background synthesis b) Thesis-driven synthesis
c) Synthesis for the literature d) Analytic synthesis

3. Sa bawat maikling kwento ay may maiiwan na kakintalan sa mga mambabasa sa huling bahagi
ng kwento. Ano ang tawag sa pagbibigay ng sariling interpretasyon sa nasabing akda?
a) sanaysay b) kongklusyon c) sintesis d) buod

4. Si Mina ay nangangailangan ng mga dating pag-aaral na isinagawa o isinatupad na malapit


mismo sa kaniyang ginagawang pananaliksik. Anong sintesis ang makatutulong kay Mina upang
makamit ang maayos na paksa sa kanyang pananaliksik?
a) Background synthesis b) Thesis-driven synthesis
c) Synthesis for the literature d) Analytic synthesis

5. Si Jisoo ay magsusulat ng isang sintesis bilang ikaw ay may kaalaman na sa pagsulat nito ano
ang pinaka-unang dapat gawin ni Jisoo?
a) ilista ang mga sanggunian b) rebisahin ang sintesis
c) isulat ang unang burador d) linawin ang layunin

D. Batay sa binasang akdang pampanitikan na maikling kwento ni Ginoong Efren


Abueg na may pamagat na “Ang Bagong Paraiso”. Bawat bilang ay pupunan
ng mga wastong kasagutan.

Sa Bagong Paraiso (Ni Efren Reyes Abueg)

I. PAGKILALA SA MAY-AKDA:

II. URI NG PANITIKAN:

III. LAYUNIN NG MAY-AKDA:

IV. TEMA O PAKSA:

V. SARILING PUNA:

VI. ARAL NA MAKUKUHA

You might also like