You are on page 1of 10

PANALANGIN

PANGINOON, SALAMAT PO SA PAGKAKATAONG KAMI AY MAG-AARAL MULI SA ASIGNATURANG


FILIPINO. DALANGIN PO NAMIN NA GABAYAN MO KAMI SA ORAS NA ITO UPANG KAMI’Y MATUTO SA
ASIGNATURANG ITO. HINIHILING PO NAMIN NA PALAKASIN MO PA ANG AMING WIFI CONNECTION
UPANG HINDI MATIGIL ANG AMING PAG-AARAL. GAYUN DIN PO MAMAYA SA AMING PAGGAWA NG
MGA NAKATAKDANG AKTIBITI SA BAWAT ASIGNATURA, GABAYAN PO NINYO KAMI UPANG ITO’Y
AMING MAGAWA AT MAIPASA. HINIHILING PO NAMIN ITO SA NGALAN NG IYONG BUGTONG NA
ANAK NA SI HESUS, NA AMING PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS. AMEN

Mary Ann M. Tatlonghari


GURO
ALAMAT /
MATALINGHAGANG
SALITA
Mary Ann M. Tatlonghari
GURO
Alamat: Daragang Magayon
Mga matatalinghagang salita o pangungusap na nagpapakita ng talinghaga
1. Mabihag ang puso ng dalaga - umibig sa kanya ang dalaga
2. Nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini – siya ang pinili at inibig ng binibini
3. Nakuha ang loob ng dalaga – nagustuhan siya ng dalaga
4. Magnakaw ng mga sulyap – sulyap na di nalalaman o nakikita ng dalaga
5. Buong lakas nang loob na ibinaon ni umiwas ng tingin – hayagang ipinakita ang
pagtingin sa minamahal
6. Kumalat ang magandang balita – nabalita sa buong lugar
7. Isang ligaw na palaso – isang palaso na di-alam kung saan nagmula
8. Sang-ayon sa lumang paniniwala – sang – ayon sa matangal nang paniniwala
9. Lumuluha ang ulap – umuulan
10. Pinaulanan ng ginto – maraming regalo
Talinghaga
Ang talinghaga ay ang paraan ng pagsasalita na may lalim at pakipakahulugan bilang
repleksyon ng mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao. Ang mga talinghagang ito ay
nagbibigay ng lalim sa kahulugang nais ipahiwatig nito. Maliban sa Bibliya, marami ring
talinghaga ang matatagpuan sa mga tula, alamat, epiko at iba pang akdang-pampanitikan.
Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi
tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng
paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

Alamat
Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino bago pa dumating ang
mga Español. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari.
Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba
pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di-
kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa.
WAKAS NG PINAGMULAN
Sa isang kuwento , pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging
resolusyon o kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood
kung ano ang maaaring mangyari sa pangunahin at iba pang sangkot na tauhan.
Sa isang alamat, mahalaga ang mga sumusunod na paksa.
1. Gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi nito?
2. Paano nakatutulong ang wakas upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga
bagay?

Narito ang ilang halimbawa ng wakas sa ilang alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng
mga tauhan. Ano ang pamagat?
A. Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto
niyang ibalik ang puso ng ina ngunit wala na itong buhay. Dahil
sa ginawa niya ay biglang pinarusahan at naging Butiki na
gumagapang sa mga kisame at haligi. Ito ang parusa sa anak na
walang utang na loob sa kaniyang pinanggalingan.

Halaw sa Alamat ng ________


B. Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya
sa lupa, doon mismo sa pinagtabunan ng puno. Nasambit niya
sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging",
wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na
"Aging“ na di nagtagal ay naging saging.

Halaw sa Alamat ng __________


C. Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na
ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa
puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok.
Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng
Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon.

Halaw sa Alamat ng __________


C. Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na
ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa
puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok.
Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng
Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon.

Halaw sa Alamat ng __________


Gawain sa Pagkatuto . Sumulat ng sanaysay gamit ang mga matatalinghagang salitang nabanggit sa
alamat. Gagawin ito sa classwork na matatagpuan sa google classroom natin.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman ang husay Puntos
(40) (30) (30)
Kaangkupan
Mahusay ang pagkakaangkop ng
kaisipan hinggil paggamit ng
matatalinghagang salita .
Pagkakalahad
Maayos at kasiya-siyang nailahad
ang gawain nang may malinaw na
mensahe hinggil sa paksa.
Wastong gamit ng wika

Kabuuan
100

You might also like