You are on page 1of 11

PANALANGIN

PANGINOON, SALAMAT PO SA PAGKAKATAONG KAMI AY MAG-AARAL MULI SA


ASIGNATURANG FILIPINO. DALANGIN PO NAMIN NA GABAYAN MO KAMI SA ORAS NA ITO
UPANG KAMI’Y MATUTO SA ASIGNATURANG ITO. HINIHILING PO NAMIN NA PALAKASIN MO PA
ANG AMING WIFI CONNECTION UPANG HINDI MATIGIL ANG AMING PAG-AARAL. GAYUN DIN PO
MAMAYA SA AMING PAGGAWA NG MGA NAKATAKDANG AKTIBITI SA BAWAT ASIGNATURA,
GABAYAN PO NINYO KAMI UPANG ITO’Y AMING MAGAWA AT MAIPASA. HINIHILING PO NAMIN
ITO SA NGALAN NG IYONG BUGTONG NA ANAK NA SI HESUS, NA AMING PANGINOON AT
TAGAPAGLIGTAS. AMEN

Mary Ann M. Tatlonghari


GURO
PAALALA
1. Kung may problema sa aktibiti mag-usap tayo sa group chat, sapagkat hindi pwedeng
masyadong matagalan ang paggawa nito sapagkat aabutan ito ng mga susunod na
aktibiti.
2. Sa pagsusulat sa asignaturang Filipino, iwasan ang paggamit ng wikang English,
tandaan ang asignatura natin ay Filipino.Halimbawa- hinde,den,ren atbp.
3. Paggamit ng panggalang pantangi at pambalana.
Pantangi – malaking titik
Pambalana – maliit na titik
4. Huwag kukupya ng isang buong pangungusap sa isang akda, lalo na isang talata.
5. Wastong gamit ng gitling. Halimbawa – mag-talakay- magtalakay ang tama
6. Huwag magmadali sa paggawa kung hindi nauunawaang mabuti ang panuto dahil sa
susunod hindi na ako magbibigay ng pagkakataon na baguhin ito.
6. Tamang pagsulat ng talata.
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig . Ang
katwira , ang katotohanan , ang kabutihan , ang kagandahan , ang Maykapal , at ang kapwa tao ay siya
lamang ang makapagbubukas sa loob sa tunay at banal na pag-ibig . Kung ang masama at di matuwid
ay ninanasa rin ng loob , hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at
kasakiman . Kung ang pag-ibig ay wala , ang mga bayan ay hindi magtatagal , at karakarakang
mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa , at ang kabuhayan ay matutulad
sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis . Ang tunay na pag-ibig ay
walang iba kundi yaong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala sa buhay sampung
kaginhawaan .
Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magandang
alala. Ipagpalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting mapaparaan upang
magtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at
pagkaapi na kanyang mga kapatid.
MAY DALAWANG URI
NG PAGHAHAMBING
Mary Ann M. Tatlonghari
GURO
1. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD

Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may


patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing,
sing, magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,
tulad, paris, kapwa, at pareho.
MGA HALIMBAWA:
1.Ang hinog na mangga ay kasingtamis ng hinog na papaya.
2.Singtaas ng puno ng niyog ang puno ng Acacia.
3.Magsingganda ang India at Singapore.
4.Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
5.Siya ay mabait gaya ng kanyang ina.
6.Mabilis tumakbo si Mario tulad ng kanyang ama.
7.Ang bagong bisita ay paris na mayaman tulad ng naunang bisita
8. Kapwa matangkad ang magkapatid.
9.Parehong matalino ang magkaibigan.
2. PAGHAHAMBING NA DI – MAGKATULAD
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang
katangian.

MAY DALAWANG URI ITO:


2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit ito
ng mga salitang tulad ng di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino, di-
masyado.
MGA HALIMBAWA:

1.Di – gaanong masarap ang luto niya ngayon tulad ng dati.


2.Di – totoong mabait ang bagong halal na pangulo tulad ng dati.
3.Di – lubhang mapagpatawad ang kaibigan mo kaysa sa akin.
4.Di- gasinong matangkad ang anak niya tulad ng anak mo.

2.2 Palamang
Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit
sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, lalo,
labis, di-hamak at mas.

MGA HALIMBAWA:
1. Higit na malinis ang isa sa isa.
2. Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan…
3. Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa mga Hindu.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5.
Sa Brochure Pangkalusugan na ginawa para sa COVID-19 na may caption
ng Karunungang-Bayan, gumawa ng paliwanag sa pamamagitan ng
paghahambing. Bumuo ng isang talatang pagpapaliwanag.

Paalala: Isang pahina lamang ang Brochure. Ang Karunungang- Bayan na


caption ay nasa loob mismo ng Brochure. Pagkatapos, ang paliwanag na
gagawin gamit ang paghahambing ay nasa ibaba ng Brochure hindi sa loob
nito. Higit sa lahat salungguhitan ang ginamit na paghahambing.
Halimbawa ng Brochure

PALIWANAG:

You might also like