You are on page 1of 12

6

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 2 – Modyul 1:
PAKIKIPAGKAPUWA–TAO
KARAPATANG SIPI ©2020
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 6
Kwarter 2 – Modyul 1: Pakikipagkapuwa-Tao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang–aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan ng walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Lowelyn P. Alteza

Tagalapat: Lowelyn P. Alteza

Tagasuri: Maripaz T. Concepcion, EPS – EsP, Lungsod Masbate


Dinnah A. Banares, EPS – LRMDS, Lungsod Masbate
Noel D. Logronio, Punong Tagamasid Pang-edukasyon ng CID,
Lungsod Masbate
Tagapamahala: Sheila C. Bulawan, EPS II – EsP

2
Panimula

Mahal na mag-aaral, ang modyul na ito ay magsisilbi mong gabay upang higit na
mapaunlad at mapagtibay ang iyong pagkamapanagutan at pagiging responsable sa iyong
kapwa; mapalawak at mapalalim ang iyong kaalaman sa pakikipagkapwa-tao at maging isang
batang matapat at mapagkakatiwalaan sa iyong mga salita.

Ang mga gawaing nakapaloob ay isinaayos nang simple at malinaw upang maging
tulay sa iyong pagkatuto ng mga naaayong aralin sa mga pagkakataong hindi ka
makakapasok sa paaralan dahil sa mga katanggap-tanggap na rason.

Ang pagsagot mo nang taos-puso at buong-husay sa mga gawaing inihanda para sa


iyo sa modyul na ito ay tulay tungo sa higit na kalinangan ng iyong pagpapahalaga at konsepto
sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6.

Layunin

Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa:

4.1. pangako o pinagkasunduan;


4.2. pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan; at
4.3. pagiging matapat

Paunang Pagtataya/Pagtuklas Ng Dating Kaalaman

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang-papel. Huwag susulatan at
panatilihing malinis ang modyul na ito para sa mga susunod pang mag-aaral
na gagamit nito.

1. Araw ng Lunes, binigyan kayo ng inyong guro ng proyekto sa Arts. Kailangang


maipasa ito sa susunod na araw. Wala kang perang pambili ng mga kagamitan
agad-agad. Nagmagandang-loob ang iyong kaibigan na pahiramin ka muna ng
pera. Lubos kang nagalak at nangakong magbabayad ng utang samakalawa.
Nang humingi ka naman sa iyong nanay, wala pa raw kayong ekstrang pera. Ano
ang gagawin mo?

1
a. Mangangalap at magtitinda ako ng dyaryo’t bote na di na
napapakinabangan sa bahay at sa aming mga kapitbahay para magkaroon
ng pambayad sa utang.
b. Liliban muna ako sa klase hanggat wala akong pambayad ng utang.
c. Mangungutang ako sa ibang kaklase para pambayad utang
d. Mangungupit ako sa pitaka ni tatay.

2. Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?

a. Upang magkaroon ako ng mataas na marka sa klase.


b. Upang ako’y pagkatiwalaan ng aking kapwa.
c. Upang hindi magalit si nanay sa akin.
d. Upang mapansin ako ni crush.

3. Isang kaklaseng pinsan mo ang nagsabing may kumakalat na tsismis tungkol sa iyo.
Nagkataon pa raw na ang nagpasimula nito ay ang iyong pinakamatalik na kaibigan.
Ano ang gagawin mo?

a. Iimbitahin ko ang aking matalik na kaibigan at ang aking pinsan sa isang


tahimik na lugar at tatanungin ko sila nang mahinahon kung may
katotohanan ba ang nalaman ko.
b. Hindi ko na papansinin ang aking matalik na kaibigan at pinsan.
c. Sisigawan at aawayin ko ang aking matalik na kaibigan.
d. Sisigawan at aawayin ko ang aking kaklaseng pinsan.

4. Usapan ninyong magkakaibigan na sabay-sabay kayong papasok sa paaralan.


Nakatakda kayong magkita-kita sa may plaza malapit sa inyong bahay, sa ganap na
ika 7:00 ng umaga. Ngunit, hindi dumating ang mga kaibigan mo sa inyong
napagkasunduan at pinili mong hintayin pa sila ng labin-limang minuto. Nang narinig
mo na ang bell ng iyong paaralan ay napagpasyahan mo ng pumasok. Pagdating
mo, nalaman mong nauna na pala silang pumasok. Ano ang magiging reaksyon mo?

a. Kakausapin ko sila nang mahinahon, sasabihin ko sa kanila kung ano ang


naramdaman ko at pakikinggan ang kanilang paliwanag tungkol sa
nangyari.
a. Hindi na ako makikipag-usap sa kanila.
b. Aawayin ko sila.
c. Iiyak ako.

5. Unang Markahang Pagsusulit ninyo sa Mathematics. Nakita mo na may kodigo ang


kaklase at kaibigan mong si Jake. Ano ang iyong gagawin?

a. Mangongopya ako kay Jake para mataas din ang iskor na makuha ko.
b. Tatanungin ko siya kung meron din siyang kodigo sa ibang subject.
c. Pababayaan ko na lang siya sa pangongopya.
d. Isusumbong ko siya sa aming guro.

2
Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa

Song Interpretation: Maaari ninyong mapakinggan ang kanta sa:


https://www.youtube.com/watch?v=-GkwpZfNrtI

“Pananagutan” Tayo’y magdadala ng balita ng


(Jaimie Rivera) kaligtasan
Walang sinuman ang nabubuhay Tayong lahat ay may pananagutan sa
para sa sarili lamang isa't isa
Walang sinuman and namamatay Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
para sa sarili lamang Na kapiling nya
Tayong lahat ay may pananagutan sa
isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos Sabay- sabay na nag- aawitan
Na kapiling nya ang mga bansa
Sa ating pagmamahalan at
paglilingkod sa kanino man

Tayo’y tinuring na Panginoon bilang


mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan Sagutan:
isa't isa Ano ang nais iparating na
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos mensahe ni Jaimie Rivera sa
na kapiling nya kanyang awit? Para kanino
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos kaya niya ito isinulat?
Na kapiling nya Nagustuhan mo ba ang
kanta? Bakit?

Concept Map

Punan ang bawat bilog ng isang pagpapahalaga o katangiang maaaring


maiugnay sa salitang RESPONSABLE.

responsable

3
Self-Check

Tuklasin ang iyong sarili. Sa ibaba ay nakalista ang ilan sa mga gawaing
nagpapakita ng pagiging responsable at mapanagutan. Lagyan ng (😊) ang hanay ng
Ginagawa Ko Ba Ito, kung palagi ninyong nagagampanan ang mga gawain, at kung
hindi naman, lagyan ng (☹).

Ako ba ay Isang Batang Responsable at may Pananagutan?

Mga Gawain Ginagawa Ko Ba


Ito?
1. Pinag-iisipan ko muna nang mabuti ang pangakong
aking bibitiwan.
2. Ako ay may isang salita. Sinisikap kong tuparin ang
pangakong aking nabitiwan sa lahat ng
pagkakataon.
3. Hindi ako nagbibitiw ng pangakong hindi ko kayang
tuparin.
4. Nalulungkot ako kapag may mga pangakong hindi
ko natutupad dala ng mga hindi inaasahang
pagkakataon.
5. Kusa akong tumutulong sa mga nangangailangan.

6. Masaya ako sa pagtulong sa aking kapwa.

7. Hindi ako naghihintay ng kapalit sa aking


pagtulong.
8. Umiiwas ako sa mga sigalot at gulo.

9. Iginagalang at minamahal ko ang aking kapwa.

10. Hindi ako nandaraya sa anumang bagay at


pagkakataon.
11. Hindi ako kumukuha o gumagamit ng mga bagay
na hindi ko pag-aari.
12. Nagsasabi ako ng totoo sa lahat ng oras at sa lahat
ng pagkakataon.
13. Ginagampanan ko ang aking mga tungkulin kahit
walang sumusubaybay sa akin.
14. Inaamin ko ang aking mga pagkakamali at
kasalanang nagawa.
15. Isinasauli ko ang anumang bagay na aking hiniram
sa tunay na nagmamay-ari.

3
Pagpapalalim

▪ Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang


tungkulin, obligasyon at responsibilidad. Ito ang mga nararapat gawin ng isang
tao o isang sektor (pamahalaan, paaralan, simbahan, pribadong samahan,
pamilya at mga mamamayan) para sa kaniyang sarili, sa kanyang kapwa at
para sa bayan. Katumbas nito ang pagtitiwala ng kapwa.
▪ Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng pagkamapanagutan
dahil ang isang taong responsable ay ginagawa ang kanyang mga sinabi.
Mahalagang maipakita sa kapwa at sa iyong sarili na may kakayahan kang
tumupad ng pangako o kasunduan.
▪ Ang pagmamalasakit sa kapwa ay susi sa pakikipagkapwa-tao at
pagpapanatili ng pakikipagkaibigan. Ito ay ang bukal sa loob na pagtulong
sa kapwang nangangailangan nang walang hinihintay na kapalit. Tanda rin ito
ng pagkamapanagutan.
▪ Ang pagiging matapat sa isip, salita at gawa ay nagpapakita ng
pagmamalasakit na nagpapatibay ng pagsasamahan at pagkakaibigan.
▪ Ang paghubog sa mga pagpapahalagang ito ay pananagutan mo sa iyong
sarili upang higit na mapaunlad ang iyong karakter at ang iyong
pakikipagkapwa- tao.

Pagsasapuso

Gawain 1:

Sa pakikipagkapwa, tinutupad ang pangako o kasunduan,


napananatili ang mabuting pakikipagkaibigan at nagiging matapat sa
isa’t isa.

Essay

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

4
1. Bakit mahalaga na maging mapanagutan o responsable ang isang tao sa
kanyang sarili at sa kanyang kapwa sa lahat ng oras at pagkakataon?
___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

2. Paano naipakikita ng pagtupad sa mga pangako o kasunduan ang


pagiging mapanagutan o responsable ng isang tao?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Maliban sa pagtupad sa mga pangako o kasunduan, sa mga


paanong paraan pa maaaring maipakita ang pagiging mapanagutan
o responsable sa kapwa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Ano ang pagpapahalagang ipinapapakita ng pagiging matapat na


nagpapatibay ng pagsasamahan at pagkakaibigan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Bakit kinakailangang tuparin ang mga pangako o kasunduan?


Panatilihin ang pagkakaibigan? At maging matapat?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

______________________________________________________

Gawain 2

Ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ay nagpapakita ng


pakikipagkapwa.

Reflection

Batay sa iyong mga karanasan sa araw-araw na pamumuhay, punan ang


talahanayan. Magtala ng tigta-tatlong (3) gawain na nagpapakita ng bawat
pagpapahalaga.

5
Mga Pagpapahalaga Mga Ginawa

• Pagkamapanagutan/
Responsable
• Pagtupad sa mga Pangako o
Kasunduan
• Pagmamalasakit/ Pagpapanatili ng
Pakikipagkaibigan
• Pagiging Matapat

Sagutan nang matapat ang mga tanong:

1. Habang pinupunan mo ng sagot ang talahanayan sa itaas, nahirapan ka ba o


nadalian sa pag-alala ng iyong mga nagawa na nagpapakita ng bawat
pagpapahalaga? Bakit o bakit hindi?
2. Batay sa mga napag-aralan sa modyul na ito, maibibilang mo ba ang iyong sarili
na isa sa mga batang may pananagutan o responsable sa kapwa? Bakit o bakit
hindi?
3. Nasiyahan ka ba sa natuklasan sa iyong sarili ngayon? Bakit o bakit hindi?

Pagsasabuhay

Kasalukuyang nahaharap ang Pilipinas pati na ang buong mundo sa krisis dahil sa
COVID-19. Alam kong ito’y hindi na lingid sa iyong kaalaman.

Sa ganitong mga pagkakataon, ano kaya ang mga posibleng mangyari sa ating
bansa at sa mundo kung ang lahat ng mga mamamayan at mga kawani ng pamahalaan
ay walang pakiaalam at hindi magiging mapanagutan sa kanilang mga kilos?

Mahalaga bang maging mapanagutan at responsable sa kapwa ang bawat isa sa


atin sa mga pagkakataong ito?

Sa mga ganitong sitwasyon lang ba, na kung kailan mayroong krisis tayo may
pananagutan at responsibilidad sa ating kapwa at sa ating bansa?

Bilang isang bata at mag-aaral ng ikaanim na baitang, paano ka makakatulong sa


kalagayan natin ngayon? Paano mo maipapakita ang pagiging isang batang
mapanagutan at responsable?

6
Pagtataya

Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Magbigay ng hinuha sa


kung ano ang posibleng maging bunga ng kilos ng tauhan sa bawat
pangyayari. Tukuyin din kung paano naipakita ang pagiging mapanagutan
at responsible ng bawat tauhan (pagtupad sa pangako/ kasunduan,
pagpapanatili ng pakikipagkaibigan, pagiging matapat). Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sa ika -12 taong kaarawan ni Abel, ang hiniling niya sa kanyang nanay at
tatay ay isang android phone. Hindi siya agad binilhan ng mga ito, sa halip ay
binigyan siya ng kasunduan para makamit ang kanyang hinihiling. Makukuha niya
lang ang cellphone na ninanais kung higit nya pang paghuhusayan ang kanyang
pag-aaral at makakapasok siya sa top 3 ng kanilang klase sa Ikalawang Markahan.

Kaya naman, si Abel mas pinaunlad pa ang kanyang kaalaman at


kagalingan. Gabi-gabi ay nagsusunog siya ng kilay, mas naging aktibo siya sa mga
talakayan sa klase, ginagampanan niya nang buong husay ang mga gawaing-
pampaaralan at mas dinagdagan pa ang kanyang determinasyon sa pag-aaral.
Hanggang sa dumating na nga Quarterly Recognition Day ng kanilang paaralan.
Ano kaya ang naghihintay na sorpresa para kay Abel?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Unang araw ni Karen sa bago niyang paaralan, kung kailan simula na ng


Ikalawang Markahan. Siya ay mahiyain at hindi palakibong bata. Pagkatapos
siyang maipakilala ng kanilang guro ay pumili na siya ng upuan sa may sulok.
Nandoon lang siya at tahimik na nakikinig ng mga aralin na itinuturo ng kanilang
titser. Mag-isa siyang kumain ng recess.

Napansin naman ito ni Angel. Siya ang pangulo ng kanilang klase. Siya ay
palakaibigan at masayahing bata. Nang uwian na, ay nilapitan niya si Karen at
niyayang sabay na lang silang umuwi. Nagkwentuhan sila habang naglalakad.
Naging palagay naman agad ang loob nila sa isa’t-isa. Kinahapunan ay nagbigay
ng group activity ang kanilang titser. Niyaya ni Angel na sumali si Karen sa kanilang
grupo. Tinulungan niya si Karen na maging panatag ang loob sa iba pa nilang mga
kaklase. Palagi nya itong isinasama tuwing recesss at break time kasama ng iba
niya pang mga kaibigan. Magiging matalik na magkaibigan kaya sina Angel at
Karen?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

7
3. Si Mang Boy ay isang masipag na driver. Ika-5 palang ng umaga ay
nagsisimula na siyang pumasada ng traysikel. Kahit na may iniinda siyang hika ay
patuloy pa rin siyang kumakayod para sa kaniyang asawa na may sakit rin at sa
kaniyang anak na nag-aaral sa kolehiyo. Naitatawid din naman nila ang kanilang
mga pangangailangan at gastusin sa araw-araw.

Positibo rin sa buhay si Mang Boy. Mahilig siyang makipagkwentuhan sa


kaniyang mga pasahero habang bumibiyahe kaya naman magaan ang
pakiramdam niya sa pagpapasada.

Isang araw, may napansin siyang naiwan sa kaniyang traysikel na maliit na


eco-bag. Nang tiningnan niya ang laman nito ay laking pagkagulat niya! Pera!
Malaking halagang pera! Hindi na niya binilang ang laman nito. Dali-dali niyang
binalikan ang lugar kung saan niya inihatid ang mag-asawang matanda. Sigurado
siyang ang mga ito ang nagmamay-ari ng eco-bag dahil natatandaan niyang ang
mga ito lang sa mga naging pasahero niya ang may dala-dala nito.

Pagdating niya doon, ay nandoon nga ang dalawang matanda na tila ba may
hinihintay. At nang matanaw siya ng mga ito, biglang umaliwalas ang mga mukha
nito. Isinauli niya ang kanyang napulot na eco bag na naglalaman ng pera. Laking
pasasalamat naman ng mga ito dahil ang pera pala ay nakalaan para sa
pagpapagamot ng matandang babae. Ano kaya ang mangyayari matapos maisauli
ni Mang Boy ang pera sa mga matatanda?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Kasunduan

Gumawa ng pangako na kaya mong tuparin sa iyong sarili na higit mo pang


palalalimin ang pagiging mapanagutan sa salita at gawa at papaunlarin ang
kagalingan sa pakikipagkapwa-tao. Ilagay ang iyong pangako sa loob ng puso.
Kagaya ng nasa ibaba.

Ako si ____________ ay taus-pusong nangangako sa aking


sarili na bilang isang bata ay
___________________________________________________
_____________________________________________

8
MGA SANGGUNIAN

Contextualized Daily Lesson Plan (EsP 6 Quarter 2)

Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Kagamitan ng Mag-aaral

Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Patnubay ng Guro

MELC 6

https://www.youtube.com/watch?v=-GkwpZfNrtI

You might also like