You are on page 1of 10

6

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter II – Linggo 1
Pagiging Responsable sa Kapuwa

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 6
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 1: Pagiging Responsable sa Kapuwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun paman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Armor T. Magbanua PhD


Mga Pangnilalamang Patnugot: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD
Editor ng Wika: Violah A. Villon
Tagawasto: Loida A. Sernadilla PhD

Mga Tagasuri: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD


Tagaguhit: Marinella L. Castro
Tagalapat: Aries Jhon N. Necio
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang, EPS-EsP
Loida A. Sernadilla PhD PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brilliantes, Mary Jane J. Parcon,
Armor T. Magbanua, Maricel A. Zamora,
Charles Andrew M. Melad, Glenda T. Tan,
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1

Pagiging Responsible sa Kapuwa

MELC: Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa:


4.1 pangako o pinagkasunduan; 4.2 pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan; 4.3 pagiging matapat. (EsP6P-IIa-c–30)

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa
sa pamamagitan ng pangako o pinagkasunduan.
2. Nakikilala ang kahalagahan ng pagiging mabuting kaibigan.
3. Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsible sa kapuwa
sa pamamagitan ng pagiging matapat.

Ating Alamin at Tuklasin

Paghahawan ng Balakid

Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng pagkamapanagutan


dahil ang taong responsible ay ginagawa ang kaniyang sinasabi.

Natatandaan mo ba kung ano ang mga paraan ng pagkalap ng impormasyon?


Ano rin ang kahalagahan nito sa iyong sarili?

Batid mo na ngayon na sa tulong ng mga teksto magkakaroon ka ng batayan


ng impormasyon na maaari mong gamitin sa pagbuo ng tamang desisyon.

Tingnan ang mga


larawan.

1
Mula sa mga larawan, ipinahihiwatig na ang isang pagtupad sa ipinangako ay
isang ugaling mabuti at kalugod-lugod. Hangad natin na taglay ng bawat taong
makakasalamuha natin ang ganitong pag-uugali. Ito ay dahil alam natin na ang
ikatatagal at ikagaganda ng bawat ugnayan sa pagitan ng mga tao ay nakasalalay
sa tiwalang ipinagkakaloob sa isa’t isa. Kapag may pagdududa ka kung mayroon
nga bang isang salita ang taong kasama mo, maaari ring ganoon din ang nasa isip
niya sa iyo. Kaya nga ba, ang isang ugnayan na walang tiwala sa isa at isa ay
kadalasan hindi nagtatagal at hindi nagtatagumpay sa layunin.

Batayan at Kahalagahan sa Pagiging Responsable sa Kapuwa

1. Pangako o Pinagkasunduan
Ang pagtupad sa isang pangako ng isang indibidwal ay sumasalamin sa
kaniyang pagkatao. Bakit nga ba nangangako ang isang tao? At bakit may mga tao
rin na naniniwala at umaasa sa isang pangako? Halimbawa, ang iyong kaibigan ay
nangako na bibigyan ka ng aalagaang aso. Nagbitaw siya ng isang pangako dahil
may mabuti siyang intensyon sa iyo. Natural lamang na paniwalaan mo ang sinabi
niya. Isa siyang mabuting kaibigan para sa iyo at nais mo rin siyang paniwalaan at
pagkatiwalaan. Bilang kaibigan, buong-buo ang iyong pagtitiwala dahil ang
pinanghahahawakan mo ay ang kaniyang pangako. Kaya naman kung ito ay hindi
magkakaroon ng katuparan, napakabigat na dahilan nito para sa iyo. Ibayong
kalungkutan at panghihinayang ang iyong mararamdaman. Maaring magtampo ka
rin dahil inaasahan mo na tutupad siya sa kaniyang sinabi sa iyo.

2. Pagpapanatili ng mabuting kaibigan


Pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o
pagpapahalaga (esteem). Marahil ang kaibigan ay siyang naging sandalan ng bawat
isa lalo na sa oras na tayo ay nangangailangan ng patnubay, pagmamahal at pag-
uunawa. Minsan nagiging responsibilidad tayo ng ating mga kaibigan. Kaya
mahalagang maunawaan na ang pagpapanatili ng mabuting kaibigan ay hindi isang
damdamin bagkus isang pasiya. Ito ay nangangailangan ng malinaw na hangarin.
Hindi ito ang batayan ng simpleng pagkagusto dahil sa presensiya ng isang tao. Ang
kaibigan ay hindi basta-basta mahahanap, na sa isang tingin mo lamang ang siya
na agad ang iyong maging kaibigan, ito ay isang may malawak na pagsisiyat ng
kaniyang ugali at pagkatao. Kaya naman ito ay tinawag na birtud, dahil ito ay
nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapuwa.

3. Pagiging matapat
Ang pagiging matapat ay isang mapanagutan at mahabagin na ugaling dapat
ipagmamalaki. Ang taong nagpapakita ng ganitong ugali saanman at kailanman ay
makakamit ang tunay na kaligayahan at magkakaroon ng isang maayos, payapa at
maunlad na pamumuhay. Kaya naman kung ikaw ay responsable sa anumang
bagay ang iyong katapatan ay napakahalaga. Ito ang naging batayan ng ating
pagkatao.

(Pinagkunan: Zenaida R. Ylarde, at Gloria A. Peralta, Ugaling Pilipino sa Makabagong


Panahon 6, Pasig City: Department of Education, 2016, 40-42.)

2
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
pagiging isang responsableng kaibigan. Lagyan ng tsek (√)
ang patlang kung tama at ekis (X) naman kung hindi.

________1. Sinasabi ko sa aking kaibigan kung natutuwa ako sa kaniya o hindi.


________2. Ibinigay ko sa aking kaibigan ang naipangako kong damit na gusto
niya.
________3. Kung bibigyan ako ng aking nanay ng pera, tutuparin ko ang
aking pangako sa kaniya.
________4. Matalik kong kaibigan si Mona, kaya minsan nagsisinungaling ako sa
kaniya.
________5. Si Carlo at Carla ay magkaibigan mula pa ng elementarya, lagi silang
nagbibigayan ng regalo tuwing kaarawan nila.

Maliban sa mga pahayag sa itaas, mayroon pa bang kailangan upang


maging responsable ka sa iyong kaibigan?

Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay
ng tsek (√) kung ang pahayag ay tama at ekis (X) naman
kung mali.

Mga Pahayag X √
1. Lahat ng bagong kakilala ay pinaniniwalaan ko na
maari kong maging kaibigan sa hinaharap.
2. Upang maging matibay ang aming pagkakaibigan lagi
kaming magkasabay na pumasok sa paaralan.
3. Interesado ako sa aking kaibigan dahil lagi niya akong
binibigyan ng baon.
4. Tapat ako sa aking kaibigan kapag kaharap siya, pero
kapag nakatalikod hindi ko na siya kaibigan.
5. Mulat ako na ang pakikipagkaibigan lalo na sa katapat
na kasarian ay maroong limitasyon.

Masusi mo bang naunawaan ang nais ipahayag ng bawat sitwasyon sa


itaas? Paano mo ito isasakatuparan?

3
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Tapat, kung ang
pahayag ay nagpapakita ng pagiging matapat at Di-tapat
naman kung hindi nagpapakita ng pagiging matapat.

________1. Nagpaalam si Lucy sa kaniyang nanay na pupunta siya sa paaralan


subalit sa bahay ng kaklase siya pumunta.
________2. Sinabi ni Mark Peter sa kaniyang ate na siya ang nakawala ng bisekleta
ng pamangkin niya.
________3. Sobra ang sukli ng tindera kay Monina at hindi niya ito isinauli.
________4. Kumuha ng pera sa pitaka ni Nanay si Loidz nang hindi nagpapaalam.
________5. Nakapulot si Liza ng payong may pangalan ito ng kaniyang kaklase at
kaniya itong ibinalik.

Tapat ka ba sa iyong pagsagot sa bawat pahayag? Bakit dapat nating


isaalang-alang ang katapatan ng ating kapuwa?

Gawain 2
Panuto: Ang sumusunod na pahayag ay mga batayan sa
pagiging responsable sa kapuwa. Piliin sa loob ng kahon
ang angkop na sagot at isulat sa patlang ang sagot bago
ang bilang

A. Pangako B. Pagiging mabuting kaibigan C. Pagiging Matapat

______1. Nagkasundo sa iisang layunin ang mag-anak ni Armando, dahil


ipinangako ito na gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang kakayahan.
______2. Napakaganda ng ugali ni Mario na ipinakita sa pamilya kaya naman ito
ang nagsisilbing kaligayahan at pagkakaroon ng isang maayos, payapa
at maunlad na pamumuhay.
______3. Naging tapat sa pangako si Carlo ng bigyan niya ng laruang pambabae
si Maricar.
______4. Hindi basta-basta ang samahan ng magkaibigan na Fe at Joseph, lagi
silang nagdadamayan sa oras ng pangangailangan.
______5. Minsan naging responsibilidad na ni Corazon na tingnan ang kalagayan ni
Merlita.

Naging matagumpay ba ang paggamit mo ng mga batayan at


kahalagahan sa pagiging responsable sa kapuwa?

4
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.

pagkamapanagutan pagmamahal kapwa


pangako o pagkasunduan ugnayan pagiging matapat
pagiging mabuting kaibigan

• Pagiging responsable sa _______________.


• Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng _________________.
• Ang pagiging responsable sa kapuwa ay binubuo ng tatlong batayan ito ay
ang mga _________________, _____________________, ____________________.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ipinangako ng Nanay mo na bibilhan ka ng bagong damit. Nang dumating siya,


hindi mo nagustuhan ang damit na nais mo. Ang wika niya sa iyo ″Ana,
pasensiya ka na ito lamang ang aking nakayanan na bilhin para sa iyo”. Ano ang
magiging reaksiyon mo?
A. Hindi na lamang kikibo.
B. Ipapangako sa sarili na hindi na masyadong aasa mula ngayon.
C. Maaawa sa iyong Nanay.
D. Tatanggapin ng buong puso.

2. Ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ay nabigo sa isang pangako?


A. Ibayong kalungkutan at panghihinayang ang mararamdaman.
B. Ipagbunyi ang naging kabiguan.
C. Malulungkot ng tuluyan.
D. Matutuwa sapagkat nabigo sa isang pangako.

3. Bakit kailangan na tuparin ng isang tao o kaibigan ang kaniyang pangako?


A. Ang pangako ay may intensiyon na mabuti.
B. Ito ang sumasalamin sa isang indibidwal na pagkatao.
C. Maging buo ang pagtitiwala sa kapuwa.
D. Natural lamang na paniwalaan mo siya.

5
4. Tuwang-tuwa si Perlita sa kaniyang natanggap na sorpresa mula sa kaniyang
kaibigang si Merlita. Alin sa batayan at kahalagahan ng pagiging responsable sa
kapuwa ang ipinakita ni Merlita?
A. Pangako o Pinagkasunduan.
B. Pagpapanatili ng mabuting kaibigan.
C. Pagiging matapat.
D. Pagiging masunurin.

5. Hiniram ng kaibigan mo ang aklat mo sa EsP. Ipinangako niyang isasauli niya ito
sa tamang oras. Matagal kang naghintay pero hindi ito naibalik. Ano ang
magiging reaksiyon mo?
A. Aawayin ko ang aking kaibigan.
B. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pangako.
C. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang
pagpapahiram.
D. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung katabi mo siya.

6. Paano mapapanatili ang pagiging mabuting kaibigan?


A. May malinaw na hangarin.
B. May responsibilidad sa kaibigan.
C. Pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao.
D. Sandalan sa oras ng kagipitan.

7. Bakit tinatawag na isang birtud ang pagpapanatili ng mabuting kaibigan?


A. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapuwa.
B. dahil ito ang pundasyon ng pagmamahalan.
C. dahil ito ang nagsisilbing gabay sa bawat isa.
D. dahil ito ang repleksiyon ng ating pagkatao.

8. Maagang pumasok sa trabaho si Mang Kanor, alin sa mga batayan at


kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa ang ipinakita ni Mang Kanor?
A. Pangako o Pinagkasunduan.
B. Pagpapanatili ng mabuting kaibigan.
C. Pagiging matapat.
D. Pagiging masunurin.

9. May nakitang pitaka si Lito sa harap ng kanilang bahay at may laman itong pera.
Nakita niya na may pangalan ang pitaka at agad niya itong ibinalik sa may ari.
Anong kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa ang ipinamalas ni Lito?
A. Pangako o Pinagkasunduan.
B. Pagpapanatili ng mabuting kaibigan.
C. Pagiging matapat.
D. Pagiging masunurin.

10. Bakit kailangan ng isang tao ang maging tapat sa kapuwa?


A. Ang pagiging matapat ay isang mapanagutan at mahabagin na ugaling
dapat ipagmalaki.
B. Daan at tulay ito ng pagiging isang mabuti at tapat sa kapuwa-tao.
C. Ito ang ugaling Pilipino na dapat tularan ninuman.
D. Nagsisilbing responsableng mamamayan sa anumang bagay.

6
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay

Gawain 1

1. √ 2. √ 3. X 4. X 5. √

Gawain 2

1. √ 2. √ 3. X 4. X 5. √

Ating Pagyamanin

Gawain 1

1. Di-tapat 3. Di-tapat 5. Tapat


2. Tapat 4. Di-tapat

Gawain 2

1. A 2. C 3. A 4. B 5. B

Ang Aking Natutuhan

• kapwa
• pagkamapanagutan
• pangako o pagkasunduan, pagiging mabuting kaibigan, pagiging matapat

Ating Tayahin

1. D 2. A 3. B 4. B 5. B
6. C 7. A 8. C 9. C 10. A

Sanggunian
Aklat

Ylarde, Zenaida R. at Gloria A. Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6.


Pasig City: Department of Education. 2016.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong
pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono: __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like