You are on page 1of 62

Prepared by:

MILDRED C. ARANAS
Master Teacher 1
SDO- Lucena City

WEEK 2
DAY 2
Layunin:
Nagagamit ng wasto
ang mga pangngalan
at panghalip sa
pakikipag-usap sa
iba’t-ibang sitwasyon.
F6 WG-Ia-d-2.
1.Pagsasanay
2. Balik-aral
Pagbibigay ng guro ng gabay na tanong na
mahuhulaan ang mangyayari sa teksto gamit ang
dating kaalaman.
2. Pagganyak:

Ano ang dapat gawin upang mapadali


ang pag-aaral?

Pag-uugnay ng guro sa kasagutan ng


mag-aaral sa bagong aralin na
tatalakayin?
3. Paglalahad at Pagtalakay:

Basahin ang kwento. Suriin ang dalawang talata sa ibaba.


Pagkatapos mabasa, piliin kung alin sa dalawang talata and kaaya-aya
at kasiya-siyang basahin.

Talata 1
Kaaya-aya ang umaga. Abala si Langgam sa
pagtatrabhao, habang abalang-abala naman sina Cicada at
Tipaklong sa pagkanta at pagtalon-talon. Nais nina Cicada
at Tipaklong na tulungan si Langgam ngunit mas masarap
sa dalawa ang magpakanta-kanta lamang.

Talata 2
Kaaya-aya ang umagang iyon. Abala siya sa
pagtatrabaho, habang abalang-abala naman sina Cicada
at Tipaklong sa pagkanta at pagtalon-talon. Nais nilang
tulungan si Langgam ngunit mas masarap sa kanila ang
magpakanta-kanta lamang
Tanong:
1.Anu-anong pangngalan ang
pinalitan ng siya, sina, nila at kanila?
2.Ano ang pnalitan ng iyon?

Sabihin na ang mga salitang


pinanghalili sa ngalan ng tao, bagay,
lugar o pangyayari ay panghalip.
Pangkatang Gawin:

Pangkatin ang klase sa 3 pangkat


Ibigay ang mga pamantayan sa pangkatang
gawain
Ipakita ang rubriks para sa pangkatang gawain

Pag-uulat ng bawat pangkat


Pangkat 1- Dula-dulaan
Pangkat 2- Gumawa ng 3 pangungusap gamit ang
mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa
iba’t-ibang sitwasyon.
Pangkat 3 – Diyalogo - gamit ang mga pangngalan at
panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon
.Pinatnubayang Pagsasanay:
Panuto: Gumamit ng angkop na panghalip upang mabuo ang pangungusap.

Selebrasyon ng “Buwan ng Wika”


Gng. Bartolome: ______ ngayon ay bubuo ng mga
komiteng magsisipamuno sa mga patimpalak para
saprograma ng “Buwan ng Wika”. Reymart: Puwede
po bang magmungkahi, Ma’am? Gng. Barotolome:
Sige, Reymart. Simulan mo?
Reymart: _____ Melba at Jose po ang itakda _____
upang mamahala sa cultural show. Mahusay po kasi
_____ sa pagsayaw ng folk dance at pag-arte.
Gng. Bartolome: Kung ganoon, _____ na ngang
dalawa ang namamahala sa cultural show.
Samantala, _____ Reymart ang sa paligsahan ng pag-
awit. _____ Lino at Pedro naman ang sa patimpalak
ng sabayang pagbigkas.
Pangkat 1- Diyalogo - gamit ang mga
pangngalan at panghalip sa
pakikipagusap.
Pangkat 2- Dula – gamit ang mga
pangngalan at panghalip sa pakikipagusap
Pangkat 3 – Panayam- gamit ang mga
pangngalan at panghalip sa pakikipagusap
Pag-uulat

Rubriks sa Pangkatang Gawain


Panuto: Gamitin ang mga pangngalan at panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon. Lagyan ito ng
angkop na sagot.
1.Mabait na anak si Sheila. Mahal______ng
kaniyang mga magulang.
2. Marunong ng mag bike si Raul. kaya _____ay
nakakaabot na sa parke sa pagbabike.
3. Ang mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ay
nanalo nang unang puwesto sa balagtasan.
Tuwang- tuwa _____kaya nagblowout ang kanilang
guro.
4. Dumating sa airport si Marie, Mildred at Joan
kanina lamang umaga. Masaya______ sinalubong
ng kanilang mga kaanak.
5. Mabuting guro si Gng. Hermie tulad din ______
ng kanyang ina.
Panuto: Gamitin ang mga pangngalan at panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon. Lagyan ito ng
angkop na sagot.
(1) _____ ang mga kaibigan ko galing
Manila. Si Mariel at Cora. Ipapasyal
(2)____ sila sa magandang beach dito sa
Lucena. Naku! Malapit na nga pala ang
Pasayahan sa Lucena at sigurao
(3)_____- mag-eenjoy (4) _______sa
kanilang makikita at talagang kahanga-
hanga ang mga float at street dancing.
Makikita rin (5) _______ ang mga artista
mula sa GMA Kapuso.
Ano ang Pangngalan?

Ano ang Panghalip?

Pagsasabi sa mga bata na ang mga pangngalan


at panghalip ay nagagamit na pakikipag-usap sa
iba’t-ibang sitwasyon.
Pagtataya:
Panuto: Gamitin ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-
usap sa iba’t-ibang sitwasyon. Lagyan ito ng angkop na sagot

1.Ipinakikita _____ ito sa paggawa ng


kabutihan sa kanilang lugar.
2. _____ ba ay nakakaramdam din ng
tuwa kapag nakatutulong sa iba?
3. Juanito ang pangalan _____.
4. Sa _____ ko nadama ang una kong
pagmamahal.
5. Bukod sa ______, sino ang matalik
mong kaibigan?
. Takdang-Aralin:
V

Gamitin ang
pangngalan at
panghalip sa pagsulat
ng maikling kwento
tungkol sa iyong
paboritong laro.
DAY 3
Layunin:
Napagsunod-sunod ang
mga pangyayari sa
kwento sa tulong ng
nakalarawang
balangkas.
F6 PB-1b-5,4
Balik-aral: ( Laro) Pass the Ball –kung sino ang tigilan ng tugtog
siya ang sasagot ng tanong.
Panuto: Gamitin ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap
sa iba’t-ibang sitwasyon. Lagyan ito ng angkop na sagot

1.Ipinakikita _____ ito sa paggawa ng


kabutihan sa kanilang lugar.
2. ____ ba ay nakakaramdam din ng
tuwa kapag nakatutulong sa iba?
3. Juanito ang pangalan _____.
4. Sa _____ ko nadama ang una kong
pagmamahal.
5. Bukod sa ______, sino ang matalik
mong kaibigan?
Pagganyak: Tanda pa ba ninyo ang kuwento tungkol kay haring Leon?
Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?
Paglalahad
Basahin ang isang maikling kwento na ibibigay ng guro, pagkatapos ay
lagyan ng bilang ang mga bituin ayon sa pagkakasunod -sunod ng mga
pangyayari.
Ang Lobo at ang Ubas
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang
lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik
ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila
matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa
sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang
bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang
bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit
hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo
at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale,
tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon,"
ang sabi niya sa sarili.
Talakayan:

1.Ano ang pamagat ng maikling


kuwento?
2.Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwento?
3.Ano ang nakita ni lobo?
4.Bakit hindi nakuha ng lobo ang ubas?
5.Kung ikaw si lobo, hahayaan mo na rin
bang hindi na kunin ang ubas at
sasabihing maasim naman yon?
Bakit? Pangatwiranan ang iyong sagot.
Pinatnubayang Pagsasanay:
Panuto: Basahin muli ang maikling kwento tungkol sa Lobo at
Ubas , pagkatapos ay lpagkakasunod -sunod ng mga pangyayari
gamit ang graphic organizer.
IsahangPagsassanay;:
Panuto: Lagyan ng bilang 1 -5 ang mga bituin sa ilalim nito.
Nakakita siya ng puno ng ubos na
hitik ng hinog na bunga.
Lumundag ang lobo at lumundag ng
lmundag ngunit wala siya nakuha.
Sa isang kagubatan ay inabot ng
gutom ang lobo.
Sinabi na lamang ng lobo sa sarili
na maasim naman ang bunga ng ubas.
Nasabing lobo sa sarili na
masuwerte siya sa nakitang puno ng
ubas.
Paglalapat:
Paglalahat:

Ang pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari sa kwento ay hinahati ang
bawat bahagi ng kwento sa mahalagang
pangyayari: sa simula, sa gitna, at wakas.
Ito rin ay isang paraan ng pagbubuod ng
isang kwento kung saan mahalaga ang
kasanayan sa pagkuha ng mga esensiyal
o pangunahing kaisipan ng bawat talata o
pangungusap sa kwento. Lubos na
nakakatulong ito upang makuha rin ang
mga detalye at pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari
Pagtataya: Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas.
“ Ang Leon at ang Lamok “
Nagpapahinga ang isang malaking leon nang guluhin siya ng isang
lamok. “Umalis ka rito! Huwag mo akong abalahin sa pamamahinga!”
ang sabi ng leon. “Sino kang mag-utos sa akin!” ang mayabang na
sabi ng lamok.
Sa inis ay pinaghahampas ng leon ang lamok pero hindi niya ito
matamaan. Pinagkakagat din ng leon ang lamok pero hindi niya ito
matiyempuhan. Tawa ng tawa ang lamok. “Sabi ko sa iyo! Hindi mo
ako kaya! Kaya hindi ako matatakot sa iyo!” Napahiyang umalis ang
leon. Hindi niya matanggap na isang lamok lang ang naging katapat
niya.
Samantalang, patuloy sa pagtawa ang lamok habang lumilipad. Hindi
nito napansin ang isang sapot. Huli na. Hindi na nakaiwas ang
lamok. Nadikit na ito sa sapot na bahay ng gagamba. Mula sa dulo
ng sapot, lumapit ang isang gagamba upang kainin ang lamok.
Nawalan na ito ng pag-asa. Naisip niya, nagawa niyang ipahiya ang
isang malaking leon. Iyon pala ay isang maliit na gagamba lamang
ang kakain sa kanya.
Takdang Aralin:
Magbasa ng isang
maikling kuwento at
ibahagi ito sa klase .
DAY 4
Balik-Aral:
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwentong “ Ang
Lobo at Ubas” sa tulong ng graphic organizer.
. Paghahabi sa layunin ng aralin
Magsasagawa ng isang laro. 4 Pics 1 Word .
(gawin sa loob ng 3 minuto) (Collaborative Approach)

Mga Sanggunian
Tanong:
Saan ginagamit ang mga ito:
Nakapagbabasa ba kayo ng
mga ito?
Mahalaga ba ito para sa
inyong pag-aaral? Bakit?
Paglalahad at Pagtalakay:
Ang mga Pilipino ay mahilig magbasa at
magsaliksik. Hindi tumitigil sa pagtuklas ng
bagong kaalaman. Makakatulong ang mga
sanggunian sa bawat isa sa atin upang
matugunan ang pagka-uhaw ng kaalaman.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng
pangkahalatang sanggunian.
a.Encyclopedia- aklat na
naglalaman ng mga
impomasyon tungkol sa
iba’t-ibang paksa.
b. Atlas - aklat ng mga
mapang nagsasabi ng
lawak, distansya, at
lokasyon ng mga lugar

c. Almanac - aklat na
nagtataglay ng pinakahuling
impormasyon tungkol sa mga
punto ng kawilihan, mga
pangyayari sa isang bansa,
palakasan, relihiyon, politika,
at iba pa.
Diksyunaryo -
pinagkukunan ng
kahulugan, baybay o
spelling at pagpapantig
ng salita; bahagi ng
pananalitang
kinabibilangan ng salita,
pinanggalingan ng salita;
at nakaayos ito nang
paalpabeto.
e. Iba pang maaring pagkunan ng
impormasyon at kaalaman:
* Internet - isang teknolohiyang
maaring pagkunan ng maraming
kaalaman sa tulong ng network ng
mga kompyuter sa buong mundo
Mapa - isang
palapad na drowing
ng mundo o bahagi
nito
Globo - isang replika
ng mundo
4. Pinatnubayang Pagsasanay:
Pangkatin ang klase sa 3 pangkat.
Ibigay ang mga pamantayan sa pangkatang gawain:

Pangkat 1 Pangkat 2
Ibahagi ang
Alamin ang impormasyong
nilalaman ng makikita sa
encyclopedia Almanac

Pangkat 3 Gumawa ng isang


sitwasyon sa internet
Panuto: Ibigay ang mga sanggunian na iyong gagamitin sa mga sumusunod:

______ 1. Mga impormasyon tungkol sa


mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa
isang bansa, palakasan, relihiyon, politika.
Almanac
________2. Aklat ng mga mapang
nagsasabi ng lawak, distansya, at lokasyon
ng mga lugar.

Atlas
_______3. Pinagkukunan ng kahulugan,
baybay o spelling at pagpapantig ng
salita; at nakaayos ito nang
paalpabeto.
Diksyunaryo
4. Aklat na naglalaman ng mga
____________

impomasyon tungkol sa iba’t-ibang


paksa.
Ensayklopedya
_________5. isang teknolohiyang
maaring pagkunan ng maraming
kaalaman sa tulong ng network
ng mga kompyuter sa buong
mundo

internet
Paglalapat: LARO: BINIBINING Q & A
Tumawag ng 5 bata . Gawin ito tulad ng Q & A portion ng beauty pageant.
Isang tanong lang sa 5 bata.
Bilang isang mag-
aaral, ano sa palagay
mo ang kahalagahan
ng mga ng mga
pangkalahatang
sanggunian sa iyo?
Bakit?
Pangatwiranan ang
iyong sagot.
Ipasagot sa loob ng 1 minuto
7. Paglalahat

Ang mga pangkahalatang


sanggunian ay isang
mahalagang kagamitan
upang matugunan ang
bawat hilig natin sa
pagbabasa
Anu-ano ang mga
halimbawa ng
pangkalahatang
sanggunian?
Pagtataya:
Panuto: Tukuyin ang gagamiting pangkalhatang sanggunian ng mga sumusunod
na nilalaman.

_______1. Nagtataglay ng pinakahuling


impormasyon tungkol sa kawilihan.
_______2. Pinagkukunan ng kahulugan
o baybay. Naka ayos ng pa alpabeto.
_______3. Isang palapad na drowing ng
mundo o bahagi nito.
_______4. Replika ng mundo
________5. Aklat ng mga mapang
nagsasabi ng lawak, distansya at
lokasyon ng mga lugar
Takdang Aralin:
Magsanay sa
paggamit ng kard
katalog. Pumunta
sa silid aklatan ng
inyong paaralan.
DAY 5
I. Layunin:
Naipamalas ang
paggalang sa ideya,
damdamin at kultura
ng may akda ng
tekstong napakinggan
o nabasa.
FGPL-Oa-j-3
Balik-aral: LARO: PASS THE BALL. Kung sino ang hintuan ng tugtuo siya
sasagot ng tanong .
Panuto: Ibigay ang mga sanggunian na iyong gagamitin sa mga sumusunod:

______1.Mga impormasyon
tungkol sa mga punto ng
kawilihan, mga pangyayari sa
isang bansa, palakasan,
relihiyon, politika.

Almanac
2. Aklat ng mga mapang nagsasabi ng
lawak, distansya, at lokasyon ng mga
lugar.
Atlas
3. Pinagkukunan ng kahulugan,
_______

baybay o spelling at pagpapantig ng


salita; at nakaayos ito nang
paalpabeto.
Diksyunaryo
4. Aklat na naglalaman ng mga
impomasyon tungkol sa iba’t-ibang
paksa.
Ensayklopedya

5. isang teknolohiyang maaring


pagkunan ng maraming kaalaman sa
tulong ng network ng mga kompyuter
sa buong mundo
Internet
2. Pagganyak:

Sa inyong munting
paraan paano mo
kikilalanin ang iyong
kahinaan at
pagtatagumpayan ang
mga ito?
Paglalahad at Pagtalakay:
Pagbasa ng isang kwento (hango sa Pinagyamang Pluma 6 pah.
159-160).
Kayang-kaya, kasi kasama siya . “Ang tulong ko’y sapat
na sa lahat ng pangangailangan mo” Cor. 12:9.
Iba- iba ang nararanasan ng bawat isa sa paglalakbay.
Sinasabing may daang matuwid na napakasarap
tahakin. May masayang araw at payapa sa
pagsalubong sa bawat hamon ng buhay, subalit may
unos, matinding init, maglakas na hangin at pabago-
bagong panahong kasunod. Madilim man o maaliwalas
ang takbo ng ating buhay laging isaisip binigyan tayo
ng Panginoong Diyos ng kakayahang tahakin ito ng may
talino, katatagan at tapang.
Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:
a. Isa-isahin ang posibleng maranasan ng
tao tungo sa tagumpay.
b. Ano ang iyong damdamin sa nabasang
seleksyon?
c. Paano mo igagalang ang ideya ng may-
akda?
d. Bakit kailangan nating maging matatag sa
bawat pagsubok sa buhay?
e. Ano ang nais ipabatid ng seleksyong
napakinggan.
4. Pinatnubayang Pagsasanay:

Brainstorming. Pangkatin ang klase sa lima (5). magpalitan ng kuro-kuro


tungkol sa mga naging karanasan sa buhay.
Maaring ipakita sa klase sa iba’t-ibang paraan. Gawin ito sa loob ng 10 minuto.

Anu-ano ang mga dapat tandaan sa


pangkatang gawain?
Pangkat 1 – Diyalogo

Pangkat 2- TV Interbyu

Pangkat 3- Role playing


5. Isahang Pagsasanay:
Iguhit ang masayang mukha o L kung nagpapaphayag ng paggalang sa kultura,
damdamin at ideya at malungkot na mukha kung hindi nagpapahayag ng
paggalang sa kultura, ideya at damdamin.

_____1. Pagharap sa buhay kasama ang


Maykapal.
_____2. laging may pag-asa sa bawat
araw.
_____3. Naiinis sa kapag hindi
nakakalahok sa talakayan.
_____4. Positibong hinahanap ang
bawat pagsubok.
_____5. Abot-kamay sa pagtulong sa
kamag-aaral
Paglalapat:

Paano ninyo
maipamamalas ang
paggalang sa ideya,
damdamin at
kultura ng may akda
ng tekstong
napakinggan o
nabasa?
Ang paggalang sa
damdamin/ideya
ng bawat isa ay
isang kawili-wiling
kultura na dapat
ipamalas ng bawat
isa.
Ipaliwananag sa 2-3 pangungusap kung paano ninyo
maipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng
may akda .
Gumamit ng rubriks sa pagwawasto ng sagot ng mga bata.
Gawein ito sa loob ng 5 minuto.

1-2
. Takdang Aralin

Anu-ano ang
naitulong mo sa iba.
Ipaliwanag kung
bakit mo sila
tinulungan at
pinahalagahan.

You might also like