You are on page 1of 10

Paunang Salita

Ang Gabay sa Pag-aaral sa Filipino na ito ay binuo upang maging gabay at mahasa pa
ang kasanayan ng mga mag-aaral na magiging kliyente ng Proyektong 7P’s. Ito ay tutulong sa
bawat mag-aaral upang lubos na mauunawaan ang aralin na inihanda ng guro.

Nakapaloob dito ang iba’t ibang babasahin na makatutulong upang mahasa ang mga
makrong kasanayan, may inihandang talakayan at mga gawain na sasagutan. Bilang mga mag-
aaral, mahalagang ito ay mauunawaan upang matamo ang kahusayan sa paksa.

Ang Gabay sa Pag-aaral sa Filipino na ito ay ipagagamit sa mga mag-aaral na magiging


kliyente ng Proyektong 7P’s mula sa Ikapito hanggang Ikasampung baitang.Inasahan na
malilinang at mahasa ang mga makrong kasanayan.

Nahahati sa tatlong bahagi ang Student Learning Kit na ito:

1. ALAMIN NATIN!
Ang bahaging ito ay mayroong inihandang gawain tungkol sa paglinang sa mga
makrong kasanayan. Dito rin lilinangin at tatasahin ang kanilang mga natutuhan sa
pamamagitan ng mga gawain.

2. PAG-ISIPAN NATIN!
May mga gawain sa bahaging ito na matatasa kung nauunawan ng mag-aaral ang
tinalakay.

3. LINANGIN NATIN!
Sa bahaging ito lilinangin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa mga paksang
tinalakay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga talata.

4. GAWIN NATIN!
Ito ang bahaging dapat maipamalas ng mga mag-aaral ang kaalaman hinggil sa mga
babasahing may kinalaman sa mga babasahin at talatang tinalakay.
Pasasalamat

Taos-pusong pasasalamat ang aming pinapaabot sa lahat ng naging bahagi sa pagbuo


ng Student’s Learning Kit (Gabay Pangmag-aaral sa Pagkatuto).

Sa mga guro na matiyagang nagbahagi ng kanilang kaalaman at panahon upang mabuo ang
Gabay Pangmag-aaral na siyang magiging pangunahing materyal sa pagsasagawa ng
proyekto.

Lubos din ang pasasalamat sa mga akda, may akda, mga gabay sa pagbasa na naging
instrument sa pagbuo at paggawa ng Student’s Learning Kit (Gabay Pangmag-aaral sa
Pagkatuto).

Naging malaking tulong ito upang maging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang aming
nabuong Student’s Learning Kit sa mga gagamit nito.
Alamin Natin!

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bugtong.

1. Mataas kung nakaupo,


mababa kung nakatayo.

2. Alipin kong tapat,


panay ang kahol sa lahat.

3. Hilig niya ay buto.


Bantay doon, bantay dito.

Ang Sakim na Aso


Isang araw, mayroong isang aso na nagngangalang Max.

Noong araw na iyon napag-isipan niyang maglibot Sa kaniyang pamamasyal ay nakakita


siya ng isang buto. Tumingin si Max sa paligid, ngunit wala siyang nakitang nagmamay-ari ng
buto kaya naman dali-dali niya itong kinuha at kumaripas ng takbo. Matapos niyang tumakbo,
hindi na makapaghintay si Max na kainin ang buto. Nagsimula siyang maghanap ngntahimik at
kalmadong lugar kung saan niyang pwedeng kainin ang nakitang buto nang walang naghihingi
sa kaniya.

Kalaunan ay nakarating siya sa isang ilog na may tulay na gawa sa kahoy at ito ay
kaniyang tinawid. Habang siya ay tumatawid, napatingin siya sa tubig at nakita niya ang
kaniyang sarili. Inakila ni Max na ang asong nasa repleksyon ay ibang aso na may buto sa
bibig, at ang mangmang na aso ay napuno ng kasakiman. Ginusto ni Max ang buto ng asong
Nakita niya sa tubig, at para hamunin ito ay tinahulan nya ang kaniyang repleksyon, ngunit
pagkabukas pa lamang niya ng kaniyang bibig ay agad na nahulog sa ilog ang buto.

Galit na galit si Max nang mahulog ang kaniyang buto. Sa pagsubok niyang makuha ang
hindi sa kaniya, ang sakim na aso ay nawalan ng kung ano mayroon siya.

Pag-isipan Natin!

Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong mula sa kuwentong nabasa.

1. Ano ang pangalan ng bidang aso sa kuwento?

2. Ano ang natagpuan niya sa kaniyang paglalakad?

3. Bakit lumingon-lingon muna ang aso bago kunin ang buto?

4. Ano ang nakita ni Max sa tulay?

5. Nakuha niya ba ang buto mula sa aso? Bakit?

6. Kung ikaw si Max, ano ang gagawin mo sa nakitang aso sa tulay?


Linangin Natin!

Panuto: Pagtapat-tapatin ang salitang magkakasingkahulugan sa HANAY A at HANAY B.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1. sakim a. payapa

2. maglibot b. pamamasyal

3.. kalmado c. makasarili

4. dali-dali d. agad-agad

5. repleksyon e. salamin

Gawin Natin!

Pabula - Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga
hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad
ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, kuneho at leon.

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.

___ Tumingin siya sa palid ngunit walang nagmamay-ari ng buto, kaya agad na kinuha niya ito.
___ Si Max ng tulay at doon niya Nakita ang repleksyon sa tubig.
___ Isang araw, sa kaniyang pamamsyal nakakita si Max ng isang buto.
___ Sa huli ay malungkot si Max at Nawala sa niya ang butong ninanais.
___ Sa kaniyang pagtahol ay nahulog ang bato sa tubig at tuluyan na itong Nawala.

Alamin Natin!

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa loob ng kahon.

Anong hayop ito na maaaring alagaan sa loob ng bahay? Ang tunog nito ay "Meow".

S
Ang Alaga Kong Kuting
May alaga akong kuting
Ang pangalan niya ay Muning;
Ang kulay ay puti't itim
Kung tumakbo ay matulin.

Makinang ang kaniyang mata;


Sa dilim ay kitang-kita
Balahibo ay kay ganda,
Masdan mo siya't kay ganda.

Pagulungin mo ang bola,


Ito ay lalaruin niya.
Kung magpalakad-lakad ka,
Hahabulin ang iyong paa.

Pag-isipan Natin!

.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba at isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng tula?

2. Ano ang pangalan ng kuting sa tulang binasa?

3. Ano ang kulay ng kuting?

4. Ano ang gagawin ng kuting kapag pinagulong mo ang bola?

5. Ano ang gagawin ng kuting kung magpalakad-lakad ka?

Linangin Natin!
Panuto: Kumpletuhin ang mga linya ng tula. Piliin ang sagot mula sa kahon.

kakagatin mata hahabulin kuting Muning


matulin mabagal pangalan bote bola

May alaga akong _______


Ang _________ niya ay Muning
Ang _________ay puti't itim
Kung tumakbo ay ________.

Makinang ang kaniyang ______


Sa dilim ay kitang-kita
Balahibo ay kay ganda,
Masdan mo siya't kay ganda.

Pagulungin mo ang _______,


Ito ay lalaruin niya.
Kung magpalakad-lakad ka,
_________ang iyong paa.
Gawin Natin!

Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga
taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig. Ang
kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ang binasang akda kanina ay
isang halimbawa ng tula.

Panuto: Kung ikaw ay magkakaroon ng alagang pusa, paano mo ito aalagaan? Isulat ang
iyong sagot sa pamamagitan ng pagsulat ng isang maikling tula na may apat na taludtod at
isang saknong. Sundan ang Rubrik ng Gawain.

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG TULA


Pamantayan 15 10 5
Nilalaman Mabisang naipahayag Hindi gaanong naipahayag Hindi naipahayag nang
ang mensahe ng tula. nang mabisa ang mabisa ang nilalaman
mensahe ng tula ng tula.
Pagkakabuo Angkop at wasto ang May iilang salitang ginamit Walang kaugnayan at
ng Tula salitang ginamit sa na hindi wasto o angkop hindi wasto ang mga
pagbuo ng tula ayon sa sa paksa. salitang ginamit.
paksang ibinigay.

Alamin Natin!

Panuto: Basahin ang tula. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Sa agahan ay ihain,
Iyang mainit na kanin,
Pritong itlog, isdang daing,
Saka gatas ang inumin.
Mainam ding pampagana,
Iyang saging o papaya
Mga ito’y pampasigla
Pampataba’t pampagana

1. Ano ang dapat inumin ng mga bata sa agahan?


a.kape b. gatas c. juice d. softdrinks

2. Ano-ano ang dapat ihain sa mesa?


a.saging at papaya b. kendi c. tsokolate d. sandwich at cake

3. Bakit kailangang kumain ng saging at papaya?


a.Pampataba at pampagana c. pampatalino
b. pampaganda d. pampabata
4. Tungkol saan ang tulang iyong binasa o napakinggan.
a.Gawain tuwing umaga c. Dapat kainin sa agahan
b. Pampalakas at pampasigla d. Dapat tumaba at gumanda

5. Ano ang maaaring maging pamagat ng tula?


a.Ang Aking Pagkain c. Ang Gatas
b.Sa Agahan d. Magpataba tayo !

Pag-isipan Natin!

Sa pagbigay ng angkop na pamagat ng isang teksto, talata, o kuwento, mahalagang


alamin o tukuyin mo muna ang paksang diwa o paksang pangungusap.Mahalaga sa iyong
pagbabasa ng teksto, talata o kuwento na makuha ang pangunahing diwa nito. Ito ang
pinakabuod ngmga pangyayari.
Sa pagbuo ng pamagat,kailangang gumamit ng malaking letra sa mahahalagang salita
sa pamagat. Ang unang letra ng salita sa pamagat ay sinisimulan din sa malaking titik.Upang
maibigay mo ang angkop na pamagat ng talata o kuwento, tandaan ang sumusunod na
pamantayan nito:
1. Mas simple ang nilalaman ngunit detalyado.
2. Nakapupukaw ng atensyon sa mambabasa
3. Ipinapahayag ang pagiging katangi-tangi.

Linangin Natin!

Panuto:Basahin ang teksto at piliin ang angkop na pamagat. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mga langgam ay masipag na naghahanap ng maiipon na pagkain. Malapit na kasi ang
tag-ulan.Lahat sila ay nagtutulungan at nagtatrabaho. Wala isa man sa kanila ang
nagrereklamo.
a. Ang Tag-ulan b. Ang mga Langgam c. Masisipag na Langgam

2. Ang Inang Kalikasan ay tunay na maganda. Makakapaglaro ka sa malilinis na ilog at sapa.


Maari kang umakyat sa mayayabong na puno.
a. Ang Inang Kalikasan
b. Ang Malilinis na Ilog at Sapa
c. Ang Mayayabong na mga Puno

3. Si Maria ay isang batang nagsisikap na makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Kahit walang


baon nadala, patuloy pa rin siyang pumapasok. Pangarap ni Maria na maging isang guro. Nais
niyang turuan ang kapwa niya mga bata na hirap sa buhay. Positibo siya na matutupad ang
kaniyang pangarap.
a. Si Maria b. Ang Kasipagan ni Maria c. Ang Pangarap ni Maria
4. Habang naglilinis si Ruben sa klasrum, nakita niya na naiwan ng kaniyang guro ang kaniyang
pitaka. Nang buksan niya ito, laking gulat niya nang makita ang halaga nito. Hindi siya nakaisip
ng masama, hinabol at ibinalik niya ito sa kaniyang guro.
a. Ang Pitaka b. Ang Katapatan ni Ruben c. Halaga ng Pitaka

5. Sina Lito at Bruno ay matalik na magkaibigan. Alam nila kung ano ang ayaw at gusto ng isa’t
isa.Hindi sila mapaghihiwalay, magkatabi sa klasrum, sabay kumain, sabay naglalaro at
umuuwi. Hindi silanag-iiwanan.
a. Matalik na Magkaibigan b. Walang Iwanan c. Sina Lito at Bruno

Gawin Natin!

Panuto. Isulat ang Tama kung ang pamagat ng teksto ay angkop, Mali kung ito ay hindi angkop
na pamagat. Isulat ang tamang sagot.
_______1. Pamagat:Ang Batang Bibo
Araw-araw ay nagtatabi ng barya si Berto mula sa kaniyang baon. Inilalagay niya ang mga ito
sakaniyang kawayang alkansiya. Nag-iipon siya dahil gusto niyang bilhin ang bola na gustong -
gusto niya.
______2. Pamagat:Si Don Roberto
Si Don Roberto ay kilala sa kanilang lugar. Siya ang pinakamayaman at nakatira sa
pinakamalaking bahay. Bukas ang kaniyang malaking bahay sa kaniyang mga kababayan. Higit
sa lahat,siya ay mapagkawanggawa, matulungin at may malasakit sa kapwa.
______3. Pamagat:Bayanihan
Nakatira sa gilid ng sapa ang mag-asawag Mang Teban at Aling Conching. Malapit nang
anurinng tubig ang kanilang kubo. Naisipan ng kanilang mga kapitbahay na tumulong sa mag-
asawa. Nagkatipon-tipon ang kalalakihan sa kanilang lugar at sama-sama nilang binuhat ang
kubo ng mag-asawa at inilipat sa mas mataas na lugar.
______4. Pamagat:Ang Guro
Ang guro ay nagsisilbing pangalawang magulang sa paaralanTinitiyak niya ang pagkatuto at
kaligtasan ng kaniyang mga magaaral.
______5. Pamagat:Ang Matandang Pulubi
Habang naglalakad si Tonio, nakasalubong niya ang isang matandang pulubi na tila gutom
nagutom. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang tinapay at juice na baon at ibinigay sa matandang
pulubi.
Sanggunian

http://teacherfunfiles.blogspot.com/2019/03/tagalog-reading-passages-13.html a
https://dokumen.tips/education/kahulugan-ng-tula-at-elemento-nio.html?page=1
https://www.youtube.com/watch?v=l9vch7yfZJA&t=7s
https://www.scribd.com/document/410658856/quiz-2-4th-2018-19
https://www.scribd.com/document/578328040/Fil-Activity-Sheet-Q4-Wk5-6

You might also like