You are on page 1of 17

7

Filipino
Unang Markahan Modyul 2
Ikalawang Linggo

Ang Wika
Ang wika ay isang
masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos paraang
arbitraryo upang magamit
ng mga tao sa

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin Natin

Sa Modyul 2 matutunghayan ang mga akdang pampanitikan na naging tanyag


sa pulo ng Mindanao, ang Pabula. Ang pabula ay kakikitaan din ng gintong-aral tulad
ng kuwentong–bayan. Saan nga ba nagsimula ang pabula? Isang katanungang pilit
nating bibigyan ng kasagutan sa modyul na ito.

Bago matapos ang ikalabindalawang siglo nagsimulang umusbong ang iba’t


ibang panitikan kasama na nga rito ang pabula noong middle ages na pinaniniwalaang
sa bansang Greece nagsimula at ito ay pinangunahan ni Esopo (Aesop) isang aliping
Griyego.

Ang aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na


maunawaan ang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino sa bahagi ng Mindanao sa
pamamagitan ng kuwentong ito. Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-
aaral tulad ng pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan upang maging
interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin
Ang Modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin. Ito ay ang:
▪ Aralin 2 - Ang Aso at ang Leon (Pabula ng Maranao)

Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

▪ Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan


F7PN-Ic-d-2

1
Subukin Natin

Bago mo simulan ang aralin, susubukin muna ang iyong dating kaalaman sa
mga tatalakayin. Sundin ang panuto sa bawat bahagi at maging tapat sa pagsagot ng
aralin.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat sa sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

1. Ang akdang ito ay kadalasang mga hayop ang gumaganap bilang tauhan.
A. Pabula B. Dula C. Alamat D. Epiko

2. Ang mga sumusunod ang halimbawa ng pabula maliban sa isa.


A. Pagong at ang Matsing C. Tipaklong at ang Langgam
B. Aso at ang Leon D. Mahiwagang saging
3. Ano ang kadalasang aral nahatid ng pabula?
A. Karaniwang inihahayag sa pamamagitan ng isang salawikain
B. Kadalasang matutunghayan ang masalimuot na pangyayari
C. Nagbibigay ng magandang aral sa buhay
D. Wala sa nabanggit
4. Ano ang tinuran ng aso sa ardilya kaya niya naisahan ang Leon?
A. marami ng itong karanasan C. matanda na siya
B. malakas siya D. may paninindigan

5. Sa pabulang Ang Langgam at ang Tipaklong anong mensahe ang nais iparating
nito sa mambabasa?
A. pagiging matapat C. pagiging alerto
B. pagpapakumbaba D. pagiging masinop/maging handa

Para sa bilang 6-10 (Pag-unawa sa Binasa )


Panuto: Basahin at unawain ang inihandang teksto sa ibaba. Sagutin nang wasto ang
mga katanungan.
Isang araw ay abala ang lahat sa paghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng mga
hayop. Si Hator isang mabagsik na Kabayo na ubod ng yabang ay napadpad sa pangkat
ng mga kalabaw “Uy kaibigan Hator napasyal ka sa aming abang lugar” aniya ni Muros
isang mabait na kalabaw. “Oo …alam mo naman ako ang kinikilalang pinakamabilis
tumakbo sa ating lugar ha ha ha! “ang pagmamayabang ni kabayo.
Sa kabilang banda habang nag-uusap ang dalawa narinig ni Lira, isang lamok ang
usapan ng dalawa. Lubhang nayabangan si Lira sa tinuran ni Kabayo kung kayat hinarap
niya ito “Kaibigang Hator (Kabayo) hanggang kailan ba ang iyong pagiging mayabang?

Ngunit di siya pinansin ni Kabayo dahil lubhang maliit siya para mapansin nito Patuloy
paring nagyayabang ang kabayo kung kaya’t sa inis ni Lamok sa di pagpansin sa kanya
umikot nang umikot si lamok at naglikha ng ingay sa tapat ng tenga ni kabayo na naging
dahilan ng biglaan pag-alis nito sa lugar .Nagpasalamat si kalabaw kay lamok dahil sa
ginawa niyang paraan upanng mapaalis si Kabayo.

2
6. Sino si Hator sa binasang tekso?
A. Ang hayop na mayabang
B. Ang hayop na walang silbi
C. Ang hayop na walang muwang
D. Ang hayop na ubod ng talino
7. Ano ang angkop na pamagat ng naturang teksto
A. Ang Kabayo C. Ang Nilalang
B. Si Kabayo at Si Lamok D. Ang Kataksilan ni Kabayo
8. Bakit nayamot si Lira sa akda?
A. Dahil sa di pagpansin si Kabayo sa kanyang tanong
B. Dahil sa lubhang maliit siya kumpara sa dalawa
C. Dahil sa kanyang malikot na imahinasyon
D. Dahil sa pagsasawalang kibo ni kalabaw
9.Ano ang tumpak na aral ang hatid ng tekstong binasa?
A. Panatilihin ang pagiging maunawain sa iba
B. Huwag ipagmalaki ang katangiang taglay mo
C. Magingmahinahon at huwag maging mayabang
D. Maging mapanuri at mapagmasid sa lahat ng kilos ng iba
10.Sa simula ng teksto. Ano ang ipinakita dito?
A. Ang paglalarawan sa kabayo
B. Ang pagpapakita ng katapatan
C. Ang pag-uusap ni Lamok at ni Kabayo
D. Ang pagtatagpo ng dalawang hayop isang araw
Bilang 11-15
Panuto: Pagsunod-sunurin ang pangyayari sa tekstong binasa sa pamamagitan ng
paglalagay ng bilang 1-5 sa nakalaang patlang.

__________11. “Oo …alam mo naman ako ang kinikilalang pinakamabilis tumakbo sa


ating lugar. Ha ha ha, “ang pagmamayabang ni kabayo.
__________12. Sa kabilang banda habang nag-uusap ang dalawa, narinig ni Lira
isang lamok ang usapan ng dalawa. Lubhang nayabangan si Lira sa tinuran ni Kabayo
kung kayat hinarap niya ito. “Kaibigang Hator (Kabayo) hanggang kailan ba ang iyong
pagiging mayabang? ”Ngunit ‘di siya pinansin ni Kabayo dahil lubhang maliit siya para
mapansin nito.
__________13. Isang araw habang abala ang lahat sa paghahanda para sa nalalapit
na kapistahan ng mga hayop. Si Hator isang mabagsik na Kabayo na ubod ng yabang
ay napadpad sa pangkat ng mga kalabaw.
__________14. Patuloy paring nagyayabang ang kabayo kung kaya’t sa inis ni Lamok
sa di pagpansin sa kanya umikot nang umikot si lamok at naglikha ng ingay sa tapat
ng tenga ni kabayo na naging dahilan ng biglaan pag-alis nito sa lugar
__________15. Nagpasalamat si kalabaw kay lamok dahil sa ginawa niyang paraan
upang mapaalis si Kabayo.

3
Aralin
Pabula
2
A. Panitikan: Ang Aso at ang Leon (Pabula ng Maranao)
Paghihinuha ng kalalabasan ng mga pangyayari

Balikan Natin

Gawain 1
Bago talakayin ang Modyul 2, muli mong balikan ang nakaraang aralin sa
pamamagitan ng A o B Activity. May apat na inihandang katanungan sa ibaba upang
sukatin ang kaalaman mo tungkol sa nakaraang paksa. Lagyan ng tsek ang titik ng
tamang sagot.

1 2

3 4

4
Tuklasin Natin

Sa bahaging ito, sisimulan mo na ang pagtuklas sa kultura ng Mindanao sa


pamamagitan ng Pabula na masasalamin sa mga susunod na gawain. Lubos mong
mauunawaan ang mga pag-uugali sa rehiyong ito na masasalamin sa kuwento.

BAGO BUMASA
Gawain 2: Hulaan mo - Sino Ako?

Makikilala mo ako sa taglay kong katangian na naiiba sa kanila. Sino nga ba


ako sa palagay mo? Basahin ang mga paglalarawan o katangian na nakasulat at
pagtambalin ito sa wastong larawan. Isulat ang tamang sagot.
.

1. 3. 5.

2. 4.

Gawain 3:
Upang lubos mong makilala ang mga katangiang taglay ng bawat isa sa unang
gawain maaari mong itala ang mga katangiang ng bawat hayop sa tulong ng graph sa
ibaba.
aso pusa, kabayo gagamba langgam

Mga
Katangian
ng isang
Hayop

5
Talakayin Natin

PANITIKAN
Matapos mong magkaroon ng ideya tungkol sa mga katangian ng mga hayop
ay oras naman para sa pagkilala ng panitikan na nabibilang sa araling ito sa
pamamagitan ng pabula na kakikitaan ng magandang asal. Sa halip na basahin ang
kuwento, ipabasa ito sa iyong mga kasamahan sa tahanan at pahuhulaan sa iyo ang
mga susunod na pangyayari. Makinig nang mabuti at unawain ang uri ng pantikang
tatalakayin sa araling ito.
Layunin ng iyong pakikinig na hulaan ang mga sumunod na pangyayari batay
sa kuwentong binasa. Kaya naman unawain ang teksto.

Pabula

Ano nga ba ang Pabula? Kadalasan ang Pabula ay isang akdang


maituturing na libangan noong unang panahon. Karaniwan ang tanging
gumaganap dito ay ang mga hayop ngunit kinakikitaan ng kilos ng isang tao.
Umiikot ito sa pakikipagsapalaran ng mga hayop. Magkasalungat na pag-
uugali ang kadalasang ipinapakita rito ngunit sa katapusan ng teksto, ang may
mabuting kalooban o angking kabutihang-asal ang siyang nangingibabaw. Ilan
sa mga halimbawa ng Pabula ay ang Lalapindigowa-I, Ang Kuneho at ang
Pagong. Ang matalinong Matsing at Ang Aso at ang Uwak.
Ang Pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
Ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan di tulad ng
kuwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan,
paghahanda o sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya.

Mga Paniniwalang Pinagmulan ng Pabula

▪ Ipinapalagay na nagsimula ang pabula kay Esopo (Aesop),isang aliping


Griyego sa taong 400 B.C Siya ay aliping may kapansanan sa pagsasalita
at pandinig ,siya ay matalino at nagsisiwalat ng di magandang pag-uugali
ng knayang panginoong Xanthus ngunit sa kanyang kahusayan sa
pagkukuwento ng pabula siya ay pinalaya at nagkaroon ng tungkulin.
▪ May agam –agam din na ang Pabula ay nagmula sa India at hinango sa
Panchantara at Jatakas. Ang Panchantara (limang aklat) ay isinulat sa
Kashmir noong 200 B.C. na itinuturing na pinakamatandang katipunan ng
mga pabula sa India.

6
Mga Kahalagahan ng Pabula

▪ Mapalawak ang talasalitaan ng mga kabataan


▪ Masanay sa sining ng pagsasalaysay.
▪ Makapulot na mabuting aral na magagamit sa pang-araw –araw na buhay
▪ Mahikayat ang mga kabataang magpatuloy sa pagbabasa sa kabila
ng modernasiyon
▪ Malinang ang kakayahan sa pagsasalita ng patalinghaga

HABANG BUMABASA
Ang pabula ay mas naka-eenganyo kapag isinasadula ang bawat karakter kaya
naman mas interesadong pakinggan ng mga kabataan dahil dito gumawa ng anumang
puppet na kakatawan sa aso, leon at ardilya. Sa halip na basahing mag-isa,
magkaroon ng puppet show kasama ang miyembro ng pamilya. Pakikinggan mo ang
pagsasadula ng nasabing pabula.
A. Basahin muna ang pamagat bago simulan ang pagbabasa ng kuwento.
Ang Aso at Ang Leon
(The Dog and The Leon)
(Pabula ng Maranao)
salin ni Nina S. Magalong

a. Sa inyong palagay, bakit ito ang naging pamagat?


b. Ano kayang genre o uri ng panitikan ang ating babasahin?
c. Tungkol saan ba ang Alamat?

B. Pagbabasa ng pabula

1. Isang araw, isang matandang aso ang naligaw habang hinahabol ang isang
Kuneho. Sa hindi kalayuan, napansin niya ang isang Leong may tinging nagugutom
at tumatakbong patungo sa kanya.

2. Sa ganoong pagkakataon, napansin niya ang ilang butong nakakalat na malapit sa


kanyang kinaroroonan. Dali-dali siyang umayos sa pagkakaupo nang nakatalikod
sa pagdating ng Leon at animo’y kakainin niya ang natirang buto. Bago siya
madamba ng Leon, sumigaw siya ng ganito “Ang sarap nitong Leon! Mayroon pa
kayang ganito sa paligid?”

Ano kaya ang naging reaksiyon o sinabi ng Leon nang lapitan niya ang aso?

3. Nang marinig ito ng Leon dali-dali siyang tumalilis at nagtago sa isang puno.
Ibinulong niya sa kanyang sarili, “Ang bagsik naman ng aso. Siguro marami na itong
napatay.”

7
4. Lumabas sa kanyang kinaroroonan ang isang ardilya na kanina pa nanonood sa
pangyayari at alam ang panlilinlang ng aso sa Leon. “Kailangang iligtas ko ang
aking sarili.” Ang bulong niya kaya isiniwalat niya sa leon ang totoo. Dugtong pa
niya “Baka pinagtatawanan ka noon.”

Sa inyong palagay, paano tinanggap ng Leon ang sinabi ng ardilya?

5. Nagalit ang Leon kaya agad niyang niyaya ang Ardilya na sumakay sa kanyang
likod at pinuntahan na ang aso. Natunugan ito ng matandang aso kaya naghanda
siya. Hindi siya tumakbo.

Anong estratehiya kaya ang ginawa ng aso nang marinig


na papalapit ang Leon?

6. Naupo at nagkunwaring hindi pa niya nakikita ang dalawa, sabay sabing,


“Nasaan na kaya ang ardilyang iyon? Isang oras na ang lumipas wala pa siya.
Sinabi ko nang dalhan pa niya ako ng isang Leon.

Ano kaya ang naramdaman ng Leon sa sinabi ng aso?

7. Natakot ang Leon, sabay baling sa ardilya “Bakit ka ganyan? Akala ko magkakampi
tayo. Ipapakain mo pala ako sa asong iyan! Pagkatapos kumaripas ng takbo ang
Leon. Hindi na niya naisip na higit siyang malaki at sa laki niyang iyon, kayang-kaya
niyang lapain ang aso.

Ano ang paliwanag ng aso sa ardilya tungkol sa kaniyang panlilinlang?

8. Hinarap ng matandang aso ang ardilya. Wika niya. “Matanda na ako at maraming
karanasan kaya hindi mo ako maiisahan. Alam kong gusto mo akong mapatay sa
tulong ng Leong iyon. Kaagad humingi ng tawad ang ardilya at umalis nang
nakayuko ang ulo.
PAGKATAPOS BUMASA

1. Iguhit mo sa bond paper ang wakas na iyong nais mula sa kuwentong binasa.
2. Ano ang aral na natutuhan mula sa kuwentong binasa?

Pagyamanin Natin
Nalaman mo na ang kahalagahan ng panitikan na pabula sa kultura ng isang
lugar gayundin nagkaroon ka ng kasanayan sa paghihinuha sa kalalabasan ng mga
pangyayari batay sa akdang napakinggan. Narito ang ilan pang mga pagsasanay na
susubok sa iyong hinuha tungkol sa tesktong nabasa at napakinggan upang higit na
maunawaan ang aralin.

8
Pagsasanay 1
Panuto: Punan ang patlang ng parirala o salita ayon sa kinalabasan ng pangyayari
sa nabasang kuwento.

1. Napansin niya ang ilang butong nakakalat na malapit sa kaniyang


kinaroroonan.

2. Bago siya madamba ng Leon, sumigaw siya ng ganito “Ang sarap nitong
Leon! Mayroon pa kayang ganito sa paligid? ”Nang marinig ito ng Leon.

3. Lumabas sa kaniyang kinaroroonan ang isang ardilya na kanina pa nanonood


sa pangyayari at alam ang panlilinlang ng aso sa Leon. “Kailangang iligtas ko
ang aking sarili.” Ang bulong niya kaya isiniwalat niya sa leon ang totoo. Dugtong
pa niya, “Baka pinagtatawanan ka na nun"

4. Sinabi ko sa Ardilya na dalhan ulit ako ng isang leon narinig ito ng Leon kaya
naman

5. Hinarap ng matandang aso ang ardilya . Wika niya. “Matanda na ako at maraming
karanasan kaya hindi mo ako maiisahan.

Pagsasanay 2
Panuto: Magbigay ng sariling palagay o hinuha tungkol sa mga sumusunod na
pangyayari.
1. Gusto mong pumasok sa klase ngunit hindi pumayag ang iyong magulang dahil
sa banta ng COVID-19.
2.Nais mong maglaro sa labas at mamasyal sa iyong kaibigan ngunit hindi ka
makadaan dahil ipinagbabawal lumabas upang makaiwas sa sakit.
3. Dahil sa wala pang lunas sa COVID-19, hindi muna magkakaroon ng klase
sa paaralan at tanging online lamang ang pagpapatuloy ng edukasyon.
4.Umasa ka na mapabilang sa honor list kaya nga lamang ay hindi nabanggit ang
iyong pangalan.
5. Nais mong bumili ng gadget ngunit nawalan ng trabaho ang iyong magulang.

Tandaan natin

Gawain 4
Ang tao ay sinasabing kaiba sa mga hayop sapagkat may wikang ginagamit
at laki sa tamang asal at edukasyon ngunit hindi maipagkakaila na minsan, ang tao

9
ay tulad din ng katangian ng mga hayop. Sa bahaging ito, gumuhit ng isang
paboritong hayop at ihalintulad sa iyong katangian bilang tao.

Isabuhay natin

Tunay ngang kapupulutan ng aral ang mga pabula kaya kinagigiliwan ng mga
mambabasa higit ng mga bata sapagkat hindi pangkaraniwan ang mga hayop na nag-
aanyong tao sa kilos at pananalita. Ang mga aral na hatid ng pabula ay isa sa
mabubuting katangian ng mga taga-Mindanao. Sa puntong ito ay handang-handa ka
na para isagawa ang kabuuan ng iyong natutuhan.

Gawain 5: Puppet Show


Gamit ang mga lumang medyas gumawa ng isang puppet na pawang hayop
ang karakter. Lagyan ito ng desinyo o palamuti ayon sa iyong kagustuhan. Kumuha
ng kapareha at mag-isip ng mga dayalogo na kapupulutan ng aral.

Rubrik sa Pagtatanghal ng Puppet Show


Itiman ang bilog ng angkop na bilang batay sa sariling pagtataya

Pamantayan 5 4 3 2 1

1.Pagpapakita ng paghahanda batay


sa kabuuan ng pagtatanghal

2. Kakikitaan ng kagandahang-asal at aral

3. Hikayat at dating sa manonood

4. Malikhain

Kabuuang puntos

Interpretasyon:
15-20 –Napakagaling 6-10-Magaling-galing
11-14 –Magaling 1-5 -Kailangang panggalingan

10
Tayahin Natin

Sa bahaging ito ay tatayahin ang lahat ng iyong natutuhan mula sa pagtalakay


sa panitikan higit sa pagpapalawak ng kaalaman sa paghihinuha ng mga pangyayari
sa kuwento o pabula. pagtalakay ng mga kaugalian at paniniwala ng lugar na
pinanggalingan ng kuwentong-bayan at mga pahayag na nagsasaad. Sundin ang
panuto sa bawat bahagi at maging tapat sa pagsagot.

Panuto: Sagutin ang bawat katanungan sa ibaba at isulat ang tamang sagot
sa patlang.

_______1. Isang akdang pampanitikan na kadalasang mga hayop ang


gumaganap.

_______2. Ang hayop na nakagawa kaagad ng paraan upang linlangin ang Leon.

_______3. Inilalarawan sa tekstong binasa na ang aso ay nagpakita ng______.

_______4. Ang karakter na nagpakita ng pagpapakumbaba.

_______5. Maituturing na malaki ngunit matatakutin din pala.

Para sa bilang 6-10


Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba at piliin ang titik ng tamang sagot.

Ang Kabayo at ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo
at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina
ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit
kaysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap
ng kalabaw.
“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan
mo,” anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

6. Ano ang inirereklmo ng kalabaw sa kabayo?


A. pasan na mabigat B. paglalakad C. pagod D. gutom

7. Sino ang amo ng kabayo at kalabaw?


A. mangingisda B. mangangalakal C. magsasaka D. piloto

11
8. Bakit nag-alsabalutan ang magsasaka?
A. mangingibang-bayan B. walang matirahan C. nasunugan D. kagustuhan
9. Sa inyong palagay, bakit kaya mas mabigat ang pasan ng kalabaw
kaysa sa kabayo?
A. dahil ito ang kaniyang tungkulin
B. dahil ito ang parusa ng kaniyang amo
C. dahil ito ang bagay sa kaniyang katawan
D. dahil siya lamang ang may kayang magdala
10. Alin sa mga salita ang hindi naglalarawan tungkol sa kabayo sa kuwento?
A. makisig B. mayabang C. mabilis D. matulungin

Para sa bilang 11-15


Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung
hindi.
__________11. Ang pabula ay kakikitaan ng magandang aral sa buhay
__________12. Iisang tauhan lamang ang gumaganap sa pabula.
__________13. May tunggalian at kasukdulan ang isang pabula
__________14. Binubuo ng higit sa apat na tagpuan ang pabula.
__________15. Sumasalamin sa katauhan ng isang tao ang daloy ng pangyayari
sa pabula.

Gawin natin

Hindi lamang kapupulutan ng aral ang pabula kundi ito rin ay nakapagbibigay
ng aliw sa mga manonood higit sa mga bata kaya naman upang lalo pang makilala
ang pabula na isa sa mga panitikan ng Mindanao, basahin ang isang pabulang
pinamagatang “Ang Unggoy at ang Buwaya”.

“Ang Unggoy at ang Buwaya”

Isang araw, habang naghahanap ng pagkain ang matalinong unggoy sa tabi


ng ilog, nakita niya ang puno ng makopa na hitik na hitik sa hinog na bunga. Ang
puno ay nasa kabilang pampang lang ng ilog kung saan nakatira ang batang
buwaya. Matapos niyang makain ang lahat ng prutas na gusto niya, bumaba na sa
puno ang unggoy at napagpasiyahang pumunta sa kabila ng malawak na ilog,
ngunit hindi niya alam kung paano. Sa wakas, nakita niya ang buwaya na kagigising
lamang mula sa kaniyang siyesta.
Magiliw na nagwika ang unggoy, “Mahal kong buwaya, puwede bang humingi
ng pabor?”
Nabigla ang buwaya sa ganitong kabait na pagbati ng unggoy.
Pero mapagkumababa itong sumagot, “Oo ba! Kung anuman ang maaaring
maitulong ko sa iyo, malugod ko itong gagawin.”

12
Sinabi ng unggoy sa buwaya na gusto niyang pumunta sa kabilang dako ng
ilog.
Sabi ng buwaya, “Buong puso kitang ihahatid doon. Umupo ka lang sa likod
ko at aalis tayo kaagad.”
Nang nakapirme na sa pagkakaupo ang unggoy sa likod ng buwaya,
nagsimula na silang maglakbay. Hindi nagtagal, narating nila ang kalagitnaan ng
ilog, at nagsimulang humalakhak ang buwaya.
“Ngayon, unggoy na uto-uto,” sabi niya, “kakainin ko ang iyong atay at mga
bato dahil gutom na gutom na ako.”
Kinabahan ang unggoy pero hindi niya ipinahalata. Sa halip, sinabi niya,
“Pinaghandaan ko na yan! Naisip ko nang baka nagugutom ka kaya inihanda ko na
ang aking atay at mga bato para sa hapunan mo. Sa kasamaang-palad, naiwan
kong nakasabit ang mga ito sa puno ng makopa dahil sa pagmamadali natin.
Masaya ako na nabanggit mo iyan. Bumalik tayo at kukunin ko ang pagkain para sa
iyo.”
Sa pag-aakala ng uto-utong buwaya na nagsasabi ng totoo ang unggoy,
bumalik ito sa tabing-ilog na pinanggalingan nila. Nang malapit na sila, mabilis na
lumundag ang unggoy sa tuyong lupa at kumaripas ng takbo paakyat sa puno.
Nang makita ng buwaya kung paano siya nalinlang, sabi niya, “Isa akong uto-
uto”.

Repleksiyon ng Natutuhan
Panuto: Gumawa ng isang puppet na kahawig ng anumang hayop at sumulat ng
isang repleksiyon tungkol sa mga natutuhan hinggil sa pabula. Maaari momg gawing
masining at kakaiba ang iyong pagpapahayag.

Halimbawa:
Maari itong ipahayag sa pamamagitan ng nagsasalitang puppet na iginuhit at
babangitin ang mga natutuhan. Maari rin namang gawin sa pamamagitan ng konsepto
ng kaisipan, pagsulat ng akronim, pagguhit o pagsulat ng mga talata.

Ilan sa mga natutuhan


ko ay ang
___________
__________________
___

13
Sanggunian:
Perla Guerrero, R. H. (2018). Kayumanggi Baitang 7. Cavite: Leo-Ross Publications.

Panitikang Pambata (Kasaysayan at Halimbawa) ni Crisanto Rivera

https://buklat.blogspot.com/2017/12/ang-unggoy-at-ang-buwaya-pabula.html
DepEdETU Advanced OER Gamification
Bookwidgets.com

14
Development Team of the Module
Writer: TIRSO F. FABUL
Editors:
Content Evaluators: WILMA P. BERNARDO
LORIE ROSE D. GUBAC

Language Evaluators: ZHA-ZHA N. MEJOS


CHEYRELL C. SAPIN
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: JHOANA R. OLANA, NATHANIEL C. MACAAMBAC


Layout Artist: JOSEPH B. SON
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

15

You might also like