You are on page 1of 13

ST.

SCHOLASTICA’S ACADEMY
Tabunok, Talisay City, Cebu
SY 2021– 2022

A MODULAR PLAN
IN
Filipino Grade 8 Module 1

Inihanda ni:

Bb. Mary Rose D. Racaza at G. Jofiell C. Cabaluna


Guro
Guro: Bb. Mary Rose D. Racaza & G. Jofiell C.
GRADE LEVEL: Grade 8
Cabaluna
LEARNING AREA: Filipino 8
QUARTER: 1

Date: September 6 to September 13, 2021


PAMANTAYANG
Ang mga mag-aaral …
PANGNILALAMAN

PAMANTAYANG PAGGANAP Ang mga mag-aaral …


1.
PAMANTAYANG
PAGPAPAHALAGA 1.

Date:

I. Modyul 1: Salamin ng Kahapon…Bakasin Natin Ngayon

II. Pangkalahatang Ideya:


Ang unang yugto ng markahang ito ay tinitiyak na kawiwilihan mo ang nilalaman ng
modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na
umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa- ang
Panahon ng mga Katutbo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon.
Magkasama nating tuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa
tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang
pampanitikan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung
bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon.

III. Mga Panuto:


Sa pagsisimula ng modyul na ito ay magkakaroon muna ng panimulang
pagsasanay o subukin natin (pretest). Ito ay para alamin kung gaano kalawak ang
kaalaman ang alam mo o ang tinatawag na prior knowledge tungkol sa paksang
tatalakayin.
Ang modyul na ito ay isang pansariling linangan na naglalaman ng maraming
gawain sa pagkatuto na susubok sa iyong kakayahan kung kaya’t basahin, unawain at
pag-aralan nang mabuti ang bawat bahagi.
Ang mga gawain at tanong na makikita sa modyul na ito ay magsisilbing gabay at
hakbang para sa iyong pagkatuto. Siguraduhing sundin ang mga nakasulat sa bawat
bahagi ng modyul. Sa pagsagot sa mga gawain at mga proyekto na nakatala ay
siguraduhing susundin mo ang mga panuto at pamantayan sa mga nasabing gawain.
Alalahanin na ikaw lamang ang sasagot sa modyul na ito at wala ako sa iyong
tabi para gabayan ka sa iyong pagsagot. Subalit, kung kinakailangan mo ang aking
paggabay at may mga hindi ka maunawaan ay maari mo naman akong makontak sa
pamamagitan ng mga sumusunod: email, Facebook, messenger, text at tawag..

IV. Buod ng mga Aralin at Kasanayang Pampagkatuto at Layunin:


Aralin:

Pamagat ng mga Aralin

Panitikan Grammatika/Wika

Aralin 1: Bugtong 1. Paghahambing na Magkatulad Aralin


Aralin 2: Sawikain 2. Paghahambing na Di-Magkatulad Aralin
Aralin 3: Maikling Kuwento 3.Paggamit ng mga Hudyat ng Sanhi at
Aralin 4: Epiko Bunga ng mga Pangyayari Aralin
4.Paggamit nang maayos ng mga pahayag sa
pag-aayos ng Datos

Kasanayang Pampagkatuto:

 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga


pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan
 Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa
tula, balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko ayon sa: kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan
 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag)
 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan (eupemistikong pahayag)
 Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag
ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
 Napaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:
o paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
o dating kaalaman kaugnay sa binasa
Nagagamit ang iba’t ibang Teknik sa pagpapalawak ng paksa:
o paghahawig
o pagbibigay depinisyon
o pagsusuri
 Naisusulat ang talatang:
o binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
o nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
o nagpapakita ng simula, gitna, wakas
 Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil, sapagkat, kaya,
bunga nito, iba pa)
 Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-uulat
 Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang datos
 Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino
 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sap ag-aayos ng datos (una, isa pa, iba pa)

Layuning Pampagkatuto:
Pagkatapos ng gawin/sagutan ang mga gawai sa modyul na ito ikaw ay inaaasahang:
 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at epiko na
lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang
panlipunan noon panahong nasulat ito; at mapahalagahan mo ang kultura ng lahing
ating pinagmulan;
 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga panitikang lumaganap sa Panahon ng
mga Español, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong maunawaan at
mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong
naisulat ang mga ito;
Maihahambing ang mga sinaunang mga akdang pampanitikan sa mga akdang
pampanitikan sa kasalukuyan.
Awtput/Proyekto ng Modyul
Mga Gawain:

Gawain 1: Bumuo ng Bugtong


Gawain 2: Bumuo ng Alamat
Gawain 3: Sumulat ng Sanaysay

V. Paunang Pasulit
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Ito ay isang sangay ng panitikan na nagiging daan sa pagpapahayag ng kaisipan, pagpapalawak ng
kamalayang tradisyunal, pagpapatibay, at pagpapahalaga sa kultura.
a. Karungungang-bayan b. Maikling Kuwento c. Epiko d.
Alamat
2. Ito ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng mga
bagay-bagay.
a. Karungungang-bayan b. Maikling Kuwento c. Epiko d. Alamat

3. Ito ay isa sa mga uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway.
a. Karungungang-bayan b. Maikling Kuwento c. Epiko d. Alamat

4. Ayon kay Genoveva Edroza-Matute, “Ang ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay
ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari, at may isang kakintalan.”
a. Karungungang-bayan b. Maikling Kuwento c. Epiko d. Alamat
5. Ito ay isang uri ng karunungang bayan na palaisipan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binubuo ito ng
isa o dalawang taludtod na maikli at may sukat, tugma, at talinghaga
a. Bugtong b. Sawikain c. Palaisipan d. Bulong
6. Ito ay isang uri ng karunungang-bayan na binubuo ng mga salita o grupo ng mga salitang nagsasaad ng
hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon, o pangyayari sa pormang
patalinghaga.
a. Bugtong b. Sawikain c. Palaisipan d. Bulong
7. Ito ay isang paraan ng paglalahad na nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan
ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
a. Palamang b. Pasahol c. Paghahambing d. Pasalungat

8. Ito ang pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabing pandiwa
sa pangungusap.
a. Pamanahon b. Panlunan c. Pamaraan d. Panggaano
9. Ito ang pang-abay na tinatawag na pariralang sa at kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang
kilos.
a. Pamanahon b. Panlunan c. Pamaraan d. Panggaano

10. Ito ang unang hakbang sa paggawa ng isang sistematikong pananaliksik at dapat isaalangalang kung
ito ay kawili-wili o naaayon sa interes.
a. Pagpili ng Paksa b. Paghanda ng Bibliyograpiya c. Pagsulat ng Borador d. Pagrerebisa
11. Mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtud at saknong.
a. Pabula b. Tuluyan c. Patula d. Balita
12. Mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ng mga maikling salaysaying ito na ang layunin ay
makapagdulot ng aliw at makapagbigay-aral sa mga mambabasa.
a. Anekdota b. Nobela c. Balita d. Komedya
13. Ang layunin nito ay gisingin ang isipan ng mga bata.
a. Parsa b. Balad c. Pabula d. Parabula
14. Sinasabing ito raw ang sumasalamiin sa kultura at paniniwala ng isang tao at siyang nagbibigay ng
identidad sa bawat lipunang kinalakhan o kinapamumuhayan.
a. Panitikan b. Wika c. Sanaysay d. Parabula
15. Awit na pumupuri sa Diyos o Mortal na Birhen.
a. Parsa b. Balad c. Dalit d. Epiko
.

Date:
I. Modyul ng Aralin 1: Paksa: “Bugtong”
Wika: Paghahambing na Magkatulad
Modyul ng Aralin 1: Layunin
Panitikan:
Pangnilalaman: Mahulaan ang mahahalagang kaisipan at sgaot sa mga
karunungang baying nabasa.
Pagganap : Makasulat ng sariling bugtong, salawikain, o kasabihan na
angkop sa kasalukuyang kalagayan.
Pagpapahalaga : Maiugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang bayan sa mga pangyayari sa tunay na
buhay sa kasalukuyan.
Wika:
Pangnilalaman : Mabigyang kahulugan ang talinhagang ginamit.
Pagganap : Malaman ang kahulugan at panlapi o salitang ginagamit sa
paghahambing (magkatulad).

Kagamitan: Modyul

Mahalagang Tanong: Paano mapangalagaan ang mga karunungang bayan?


Aral na Matutunan: Pinapahalagan ang karunungang bayan at ginagamit ito ng tama.

EXPLORE

A.PANIMULA

Alam mo ba?

Ang panitikan ay tinuturing na kayamanan ng ating lahi dahil bahagi ito ng ating
kalinangan at kasaysayan. Sinasabing ang panitikan at ang kasaysayan ay matalik na
magkaugnay. Sa pag-aaral ng kasaysayan ng isang lahi, laging bahagi nito ang damdamin,
saloobin, paniniwala, kultura, at tradisyon ng bansang kalimitan ay masasalamin sa taglay nitong
panitikan. At dahil sa pag-aaral ng panitikan lubusang malalaman ang ating kalinangan kaya’t
nararapat lamang na pagyamanin at ipagmalaki ang mga ito sapagkat ang mga ito’y yaman ng
ating bayan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na bugtong.


1. Hindi hari, 2. Magandang
hindi pari, Ang Prinsesa,
suot ay sari-sari nakaupo sa tasa.

Sagot:________________________ Sagot:________________________

3. Kung kalian mo 4. Ako ay may


pinatay saka pa kaibigan, kasama
humaba ang ko kahit saan.
buhay.

Sagot:________________________ Sagot:________________________

5. Bumili ako ng
alipin, mas
mataas pa sa akin

Sagot:________________________

______________________________________________________________________________
FIRM UP
B. PAGTATALAKAY
Panitikan:

Bugtong
Ang bugtong ay isang palaisipan na sumasalamin sa paniniwala, kabuhayan, kaugalian,
at
pamahiin ng isang lugar o tribo sa ating bayan. Ginagamit ito sa pagtaya sa karunungan at
karanasan sa taong kapalitan sa bugtungan. Makikita rin dito ang katalinuhan at galing sa
paghabi ng wika ng mga Pilipino.
Mababasa sa ibaba ang ilang halimbawa ng bugtong na nakasulat sa iba’t ibang bersyon
at wika tulad ng Ingles (riddles), Tagalog (bugtong), Ilokano (burburtia), Pangasinense
(bonique), Bisaya (tugmahanon), at Kapampangan (bugtong). Ilokano (burburtia), Pangasinense
(boniqueo) Bisaya (tugmahanon), at Kapampangan (bugtong)

Ang mga sumusunod ay sinipi sa a Little Book of Filipino Riddles. Pinanatili rito ang
ortograpiyang ginamit sa akda.
WIKA BUGTONG SAGOT
Ingles I rang the banca and the fishes Bell
came.
Tagalog Tinugtog ko ang bangka nagsilapit Kampana sa Misa
ang isda.
Ilokano Togtoquec ti teppang agarayat ti Campana
bagsang

Ingles The captain took a bath without his Boat


nelly getting wet.
Tagalog Naligo ang kapitan hindi nabasa ang Bangka
tiyan.
Pangasinense Oalay asoc ya quisquis no onbatic Baloto
tirakiang
Ilokano Ania ti pinarsua ni Apo Dios nga Baloto
ipagnana ti bocotna.

Ingles Two wells, of which you cannot catch Ears


sight.
Tagalog Dalawang balon hindi malingon Tainga
Ilokano Bulong ti cappa-cappa nagtalicud Lapayag
nagpada.

Ingles I open my two boxes noiselessly. Eyes


Tagalog Dalawa kong kahon buksan walang Mata
ugong.
Ilokano Sipac nga sipac, saan nga mangeg ti Mata
caaroba
Pangasinense Tepac cac tan tepac agnereguel na Mata
ybao.

Ingles Five coconut palms; one is higher Fingers


Tagalog Limang puno ng niyog; isay matayog. Daliri
Ilokano Adda lima nga Principes Ramay
nagcallogongda amin ti pisi.

Ingles One guava with seven holes. Head


Tagalog Isang bayabas pito ang butas. Ulo
Bisaya Isa ca bungsod nga ito ang iya buho. Olo

WIKA BUGTONG SAGOT


Ingles A deep well is filled with chisels. Mouth
Tagalog Isang balong malalim, punong-puno Bibig
ng patalim.
Bisaya Isa ca cahon-cahon nga puno sa Baba
tigulo.
Ilokano Adda oaig a bassit napnut Ngioat
bacbucaig.
Ingles Ypu carry it, it carries you. Shoes
Tagalog Dala mo siya, dal aka niya. Bakya
Ilokano Nacaquitaac iti dua a sasacayan, Zapatos
maymaysat naglugan.
Kapampangan Dalan mucu, dalan da ca, mipa Sapin
quinabang cata.

Ingles If you look at me, you cannot see Sun


me.
Tagalog Kung ako ay iyong pakatitigan Araw
pagkita sa aki’y di mapapalaran.
Pangasinense Caoayan quelling agnataquiling. Agueo
Ilokano Isbu ti andidit di masirip. Ynit

Ingles The king’s cake, you cannot divide it. Water


Tagalog Bibingka ng hari, hindi mo mahati. Tubig
Ilokano No tinagbat, nagpiglat. Danom

PAG-UNAWA SA PANITIKAN

Ang bugtong ay isang uri ng karunungang-bayan. Ito ay isang palaisipan sa pamamagitan


ng paglalarawan. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli at may sukat, tugma, at
talinghaga. Ito ay karaniwang nilalaro sa mga lamayan sa patay para makapagbigay-aliw at
mawala ang antok habang nagpupuyat, tuwing may pistahan, o sa mga pagtitipon. Nang
lumaon, naging libangan ito ng bata man o matanda may pagdiriwang man o wala.

Kahalagahan ng Bugtong
1.Mapalawak ang pag-iisip at imahinasyon.
2. Mapaunlad ang talasalitaan
3. Magandang paglilibang
4. Mabuting panghikayat sa mga bata sa pagtatalakay sa mga aralin 5. Mahasa sa pag
iisip at makasagot nang mabilis

Karunungang bayan

Ang karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan na nagiging daan sa pagpapahayag ng kaisipan,


pagpapalawak ng kamalayang tradisyonal, at pagpapatibay at pagpapahalaga sa kultura. Ito ay mga
panitikang nagpapatalas ng isipan. Binibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na bigyangkahulugan ang
mahalagang kaisipang nakapaloob dito o mga salitang inilalarawan nito.

Iba pang Uri ng Karunungang-bayan

o Salawikain – matalinghagang pahayag na kinapalooban ng makabuluhang pilosopiya sa buhay.


Ginagamit sa pangangaral at pagtuturo ng tamang asal at wastong pagkilos sa mga kabataan noong
unang panahon.
Halimbawa:
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
- Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.
o Sawikain – matalinghagang pananalita na nagpapakita ng mga gawi o ugali ng isang tao. Tiyak at
madaling matukoy ang mensaheng nais iparating nito

Halimbawa:
- Anak-pawis – dukha
- Hulog ng langit – biyaya o suwerte
o Palaisipan – ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo
ng isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay
sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.

Halimbawa:
- Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat? (Titik G)
- Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(Lima pa rin dahil lumundag lang naman ang baboy hindi nakalabas ng kulungan)

o Bulong – Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o
pangontra sa kulam, engkanto, at masasamang espiritu. 7

Halimbawa:
- Makikiraan po
- Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-utusan.

Wika:

PAG-UNAWA SA GRAMATIKA

Paghahambing
- Ito ang paglalarawan ng kaibahan at pagkakatulad ng dalawa o higit pang mga
bagay.
- Ito ay maaaring paglalarawan ng antas o katangian ng tao, hayop, ideya o
pangyayari.

Mayroong dalawang uri ng paghahambing. Ito ay paghahambing na magkatulad at


di-makatulad.

Paghahambing na Di-Magkatulad
- Ginagamit kung ang dalawang ihahambing ay magkatulad o patas ang katangian.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka-, ga-, kasing-, magsing-, at
magkasing-,
- • ka-/magka- — nangangahulugang kaisa o katulad.
- • sing- (sin-/sim-) — gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.
- • kasing- (kasin-/kasim-) — ang paggamit ay tulad sa sing (sin/sim). Ginagamit ang
kasim- kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa B o P.
Ginagamit naman ang kasin kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa T, D, L, R, at S

Halimbawa:
Ang dalawang bansa ay magkasingganda.
Kasimbilis ng kidlat ang pagtakbo ni Berto nang tawagin siya ni Aling Tes.
Kasintangkad ni Ken ang kaniyang kuya.

• ga- — nangangahulugang gaya, tulad, para, paris.

Halimbawa:
Gabundok ang pagkain sa plato ng mga tao tuwing pista

Ginagamitan din ang paghahambing na magkatulad ng mga salitang gaya, wangis/

kawangis, tulad, hawig/kahawig, mistula, mukha/kamukha, kapwa, tulad, at pareho.


Halimbawa:
Pareho ang adhikain ng magkaibigan.
Kapwa atleta ang lolo at lola ni Jun.
Ang mga pangyayaring naganap sa plaza ay hawig sa ilang eksena sa pelikulang
pinanood namin kahapon.
Kawangis mo ang iyong kapatid.
Mapagmahal at mapagbigay si Gino gaya ng kaniyang mga magulang

C. PAGPAPALALIM/INTEGRASYON
Panuto: Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Bugtong, Salawikain at Sawikain.

Karunungang Bayan

Bugtong Salawikain Salawikain


D.PAGWAWAKAS /SYNTHESIS

Para sa pagtatapos ng unang aralin sagutan ang mga sumusunod na katanungan


sa ibaba.

Magbigay ng tatlong kongkretong ideya na iyong natutunan sa aralin.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Magtala ng dalawang tanong o mensahe na nais mong ibahagi sa akin.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Magbigay ng isang aral na iyong nakuha sa aralin.


__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________

E. FORMATIVE ASSSESSMENT

A.Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

____________1-2. Dalawang uri ng paghahambing.


____________3.Panlaping nangangahulugang kaisa o katulad.
____________4.Paghahambing ng dalawang magkatulad na katangian.
____________5.Panlaping nangangahulugang gaya o tulad.
____________6.Paglalarawan ng dalawang magkatulad at magkaibang bagay.
____________7.Magbigay ng tatlong halimbawa ng salitang ginagamit sa paghahambing ng
magkatulad ng katangian.
____________8.Panlaping ginagamit kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa B o P.
____________9.Panlaping ginagamit kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa T, D, L, R, S.
____________10.Panlaping nagagamit rin sa lahat ng uri ng pagtutulad

B. Panuto: Bilugan ang dalawang bagay, tao, o lugar na pinaghambing sa bawat pangungusap.


Salungguhitan naman ang panlapi o salitang ginamit sa paghahambing. Tukuyin at
isulat sa patlang kung anong uri ito ng paghahambing.

____________1.Magkasingkulay ang ulap at buwan.


____________2.Pantay ang puntos ng magkalabang pangkat.
____________3.Ang magkapatid na Raul at Gelo ay kapwa manunulat.
____________4.Parehong banyaga ang magulang nina Kenn at Bert.
____________5.Malamig ang klima sa Tagaytay gaya sa Baguio.
____________6.Lumaki si Len na kasingganda ng kaniyang ina.
____________7.Ang pabangong gamit ni Lola ay kasimbango ng bulaklak.
____________8.Ang magpinsang Karen at Joy ay magkapareho ng kurso.
____________9.Mahusay gumuhit si Dan tulad ng kaniyang ama.

C.Panuto: Bigyang kahulugan batay sa sariling pagkakaunawa ang mga salitang ginamit sa
bugtong. Matapos ay gumamit ng diksiyonaryo at paghambingin ang
nabuong kahulugan.

1.matayog = ________________________________________________________________
2.di mapapalaran = __________________________________________________________
3.hindi malingon = ___________________________________________________________
4.pakatitigan = ______________________________________________________________
5. ugong = __________________________________________________________________

D.Panuto: Magsulat ng tatlong sariling bugtong tungkol sa kahit anong bagay na makikita sa
iyong paligid.

1.

2.

3.

TRANSFER

A.PERFORMANCE TASK
Panuto: Gumawa ng isamg karunungang bayan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.
Maaring pumili lamang ng isang karunungang bayan (bugtong, salawikain, at sawikain) sa
paggawa. Ipaliwanag kung paano ito maiuugnay ngayon sa lipunan at isulat ito sa talo hanggang
limang pangungusap.

PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 15
Gramatika 10
Pagkamalikhain 10
Kalinisan 5
Kabuuan: 40
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

You might also like