You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
BAMBAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Bambad, Isulan, Sultan Kudarat

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang


panitikan ng mga bansang kanluranin.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social


media).

C. Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga


sumusunod:

a) nakatatala ng mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan


F10PT-IIe-71;
b) napahahalagahan ang karapatan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbabasa
ng isang akda: at
c) nakasusulat ng sariling dagli na nagpapahayag ng pangyayari at damdamin
hinggil sa kinakaharap na problema ng kabataan.

II. PAKSANG ARALIN


a) Paksa: Panitikan: “Ako Po’y Pitong Taong Gulang” (Dagli mula sa Rehiyon ng isa sa
mga Isla ng Caribbean)
Gramatika at Retorika: Mga salitang nagpapahayag ng Pangyayari at Damdamin
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
b) Sanggunian (Mga Pahina sa Gabay ng Guro, Kagamitang Mag-aaral at Teksbuk): SLM
Filipino 10 Modyul 2 pp.142-155, MELCs
c) Kagamitang Pampagtuturo/Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning
Resource: Powerpoint Presentation, Curriculum Guide, Aklat, Manila paper, Marker, at
Construction paper
d) Pagpapahalaga: Dedikasyon sa pagkatuto
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
2. Pagbati
Magandang Hapon sa inyong lahat!
3. Pagtala ng Lumiban
Class monitor, pakitala ang mga lumiban sa klase.
4. Pamantayan sa Klase
Bago natin simulan ang talakayan ngayon, atin munang tandaan ang mga
dapat gawin ng isang mabuting mag-aaral sa oras ng klase.
5. Pagpasa ng takdang-aralin
Pakipasa ang mga takdang-aralin sa harapan ng walang ingay.
6. Pagbabalik-Aral
Gabay na tanong:
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang sesyon?

B. Panlinang na Gawain

a) Gawaing Pagkatuto 1: Pagganyak “Muk-Hulaan mo”

a. Gawain 1: Panuto: Pangkatang Gawain: Bubunot ang representante ng


grupo ng mga hayop na naglalahad ng mga emosyon at gagayahin ang
mga ito. Huhulaan ng mga kasama nila ang mga ginagawang panggagaya
sa mga nabunot. Maaaring gayahin ang tunog ng hayop ngunit hindi
puwedeng sabihin ng nanggagaya ang sagot.

b. Gawain 2: Paghahawan ng Sagabal


Panuto: Pagtapat-tapatin ang kolum A at kolum B batay sa katulad o kaugnay
nitong kahulugan.
Kolum A Kolum B
1. banas na banas a. malungkot
2. malumbay b. galit
3. pagkasiphayo c. kalungkutan
4. poot d. masaya
5. maligaya e. matinding galit

b) Gawaing Pagkatuto 2: Pagtalakay ng Aralin


Ang Maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng
mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa.
Ang Dagli ay isang akda o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o ideya na
mas kakaunti ang bilang ng mga salitang ginagamit kumpara sa isang maikling kwento.
Ang Dagli ay mga sitwasyong may nasasangkot na mga tauhan ngunit walang
aksyong umuunlad, gahol sa banghay, at mga paglalarawan lamang. Ito ay isang salaysay
na lantaran at walang-timping nangangaral, namumuna, nanunudyo o kaya’y
nagpapasaring.
Nagbigay ng mungkahi ni Atalia sa pagsulat ng dagli.
 Una, magbigay ng tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo,
paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo.
 Ikalawa, magsimula lagi sa aksyon.
 Ikatlo, sikaping magkaroon ng twist o punch line sa dulo.
 Ikaapat, magpakita ng kuwento, huwag ikwento ang kuwento.
 At ikalima, gawing double blade ang pamagat.
Nakatutulong ang mabisang pagpapahayag ng pangyayari at damdamin sa pagsulat
ng sariling dagli upang malinaw na mailarawan ang nadarama ng isang tao.
Halimbawa ng mga salita na nagpapahayag ng damdamin ay ang mga:
Galit Masaya Malungkot
Galit na galit Masayang masaya Nakalulungkot

Sa pagsasalaysay ng pangyayari maaaring gamitin ang mga salitang:
hindi umano apat na taon pa lang
nasaksihan noong bata pa ako
nakita ko kuwento ni
noon kagabi po
ngayon pong araw na ito pagkatapos po
sumunod kung minsan po …
Ipapabasa sa dalawang pangkat ang dagli na pinamagatang “Ako Po’y Pitong Taong
Gulang”
Ako Po'y Pitong Taong Gulang
Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako po'y
pitong taong gulang. Noon po'y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang mayamang
pamilya na nakatira sa lungsod.
Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas
singko ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong
balansehin ang- mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal
at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po akong ng paghahain ng
almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.
Pagkatapos ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak na lalaki.
Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi
pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos
nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit at hugasan ang
pinagkainan at linisin ang kusina. Hinihugasan ko rin po ang mga paa ng aking among babae.
Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana'y hindi na
po siya galit bukas.
Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa giniling
na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at wala akong sapatos. Hindi
po ako kailanman pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa pamilya.
Kagabi po ay sa labas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng
bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila kasi akong
payagang mag-aral.
Maging maayos po sana ang araw ninyo, Amelia
-Mula sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
2011. Lorimar Publication

c) Gawaing Pagkatuto 3: Analisis

Sa pagtatapos ng talakayan, magbibigay ng tanong ang guro sa mga mag-aaral.


Mga gabay na tanong:
1. Ano ang Maikling Kuwento? Ano ang Dagli?
2. Aling bahagi ng akda ang may twist o nakabibiglang pag-iiba ng
pangyayari?
3. Ang pamagat ba ay tungkol lamang sa kasalukuyang edad ni Amelia?
Ipaliwanag ang sagot.
4. Paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng pangyayari at
damdamin sa pagsulat ng sariling dagli?
5. Ano ang opinyon niyo tungkol sa Child Labor o pagpapatrabaho sa
mga bata na wala pa sa tamang edad?f
6. Ano- ano ang mga karapatan ng mga bata? Paano ito
mapapahalagahan?

d) Gawaing Pagkatuto 4: Abstraksiyon


Pangkatang Gawain: Panuto: Itaas ang salitang “TUMPAK” kung ang pangungusap
ay naglalahad ng tama o makatotohanan at “SABLAY” kung mali o hindi
makatotohanan.

1. Si Amelia ay nakaranas ng child laboring na isang isyung panlipunan.


2. Si Amelia ay nakatira sa isang lungsod na ipinamigay sa isang mayamang
pamilya sa isla ng Caribbean.
3. Isa sa mga dapat gawin ni Amelia ay ang paghahatid sa limang taong gulang
na babaeng anak ng kaniyang amo.
4. Nailarawan ang kasuotan ni Amelia bilang gula-gulanit.
5. Ayon sa akda, si Amelia ang sumulat ng liham.

e) Gawaing Pagkatuto 5: Aplikasyon


Bumuo ng dagli tungkol sa iba pang problema na kinakaharap ng kabataan maliban sa
Child Labor. Pumili ng paksa sa ibaba at sikaping gumamit ng mga salitang nagpapahayag
ng damdamin at pangyayari. I-presenta ang nagawang akda sa harapan ng klase.

1. bullying
2. maagang pag-aasawa
3. masasamang bisyo
4. generation gap
5. problemang pampamilya
6. problemang pampinansyal sa eskwelahan

Pamantayan sa Pagmamarka
5- Napakahusay 2- Di-mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang di-mahusay
3- Katamtaman
Pamantayan 5 4 3 2 1
a. Makatotohanan
b. Kaisahan ng mga pangungusap
at talata
c. Walang gaanong banghay
d. Estilo ng pagkakasulat
e. Paggamit ng salitang
nagpapahayag ng pangyayari at
damdamin

IV. EBALWASYON
Basahing mabuti ang katanungan. Isulat sa sangkapat (1/4) na papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang ay mga sitwasyong may nasasangkot na mga tauhan ngunit walang


aksyong umuunlad, gahol sa banghay, at mga paglalarawan lamang.
a. alamat c. maiklling kuwento
b. dagli d. talumpati
2. Ang ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng
mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan
sa isip ng mga mambabasa.
a. alamat c. maiklling kuwento
b. dagli d. talumpati
3. Ano ang naitutulong ng mga salitang nagpapahayag ng pangyayari at damdamin
sa pagsulat ng dagli?
a. upang maging malikhain
b. para maging kaakit-akit sa mambabasa
c. upang malinaw na mailarawan ang nadarama ng isang tao
d. para maibahagi ang opinyon ng tao
4. Sino ang pangunahing tauhan sa maikling kuwento o dagli na pinamagatang “Ako
po’y pitong taong gulang”?
a. Jolie c. Amelia
b. Emely d. Dilma
5. Sa linyang “Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal niya po ako
dahil sa galit.” Ano ang salitang nagpapahayag ng damdamin?
a. Galit na galit c. ngayong araw
b. sinampal d. damdamin
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Magsaliksik tungkol sa Nobela. Isulat ang nasaliksik na sagot sa
kuwaderno.
Gabay na tanong:

1. Ano ang nobela?


2. Paano lumaganap ang nobela sa kanluran?
3. Ano-ano ang mga elemento ng nobela?

Inihanda ni:

HARRIS B. PINTUNGAN
Pre-service Teacher

Inobserbahan ni:

SARAH GRACE E. BELARMINO


Cooperating Teacher

You might also like